Saturday, April 18, 2015

Extramundane: Chapter Two




CHAPTER ONE
(Lennisiah "Lenny" Alcantara)
Nangingitim na ang ilalim ng mata ko sa kakulangan ng tulog. Kahit na successful naman ang acting ko ay hindi parin ako makatulog ng maayos dahil sa multo na nakita ko kanina, to think na malapit lang din ang pinangyarihan ng krimen sa bahay ko! 

Aaminin ko na takot parin ako sa mga multo lalo na kung malapit lang sila sa akin na tila ba sinusubukan magparamdam sa akin kagaya kahapon. Walang problema kung malayo sila dahil di ako gaanong natatakot. Isa sa dahilan kaya nagpapanggap akong hindi sila nakikita, once na malaman nila yun ay di na ako titigilan ng mga multo para purhwisyuhin ang buhay ko, para humingi ng tulong. Eh sa ayoko dahil nagmumukha akong tanga na kinakausap nila, kagaya nung bata pa ako, sinubukan kong makisalamuha sa mga kagaya nila but only end up to be seen by a kid. Nagpaliwanag naman ako sa kanya na nakakita ako ng multo pero hindi siya naniniwala. Pinagkalat niyang sinungaling ako at may sayad ata sa utak kagaya ng Nanay ko. 

Nagkaroon kasi ng nervous breakdown si Nanay dahil di niya nakayanan ang pagkamatay ni Tatay dahil doon ay si Lolo Fidel na lang ang nagpaaral sa akin, lumuwas ako dito sa maynila para magpatuloy sa pag-aaral. Buwan-buwan ay pinapadalhan ako ng pera ni Lolo Fidel pero nitong nakaraang buwan ay di na siya nakapadala ng pera kaya heto ako ngayon, hirap na hirap. Sinusungitan ako nang may-ari dahil kalahati lang ang naibayad ko sa renta. I tried to contact him pero walang sumasagot sa telepono. 

Ayan tuloy di ko maiwasan na mag-alala sa kanya, hindi kaya may masamang nangyari sa kanya? 

Napabuntong hininga na lang ako tsaka lumabas ng bahay, sa pagtapak ng paa ko sa labas ay napadako ang paningin ko sa direksyon kung saan nakahandusay ang bangkay kahapon. Nilagyan nila ng maliit na cross at bulaklak doon. 

“Kawawa naman ang pamilya niya.” I muttered. All of a sudden ay nakaramdam ako ng panlalamig. Tirik na tirik ang araw tas nakaramdam ako ng panlalamig?! 

Napalunok ako ng ilang beses, hindi maipaliwanag ang kaba sa dibdib ko. Sa gilid ng mata ko ay may napansin akong nakatayo sa tabi ko. Nanayu ang balahibo sa likod ng batok ko.  Nang pumihit ako ay tumambad sa akin ang kaluluwa ng namatay! 

Posible kaya alam niya na nakikita ko siya? Ah, hindi baka nagandahan lang siya sa akin kaya di pa siya umaalis at pumunta sa kabilang buhay. Di ko nakayanan na tingnan siya ng diretso kaya tinitigan ko na lamang ang paa ko at nagsimulang naglakad. I walk around to pass through to him. 

Akala ko lulubayan na niya ako kaso nung nasa bakery ako ay nakita ko siyang katabi ng tindera, his dull eyes staring at me na tila nagsumamu na tulongan ko siya. Alam niya! Alam niya! Anak ng teteng! Akala ko di niya alam na nakikita ko siya!

Huminga ako ng malalim baka mali lang ako ng iniisip. Siguro ay na love at first sight siya sa akin kaya ganyan. 

Pero kahit saan ako pumunta ay nandun parin siya sa tabi ko, tila isang aso sunod ng sunod! Kahit nung abala ako sa pagsulat sa report ko ay nandiyan sa tabi ko, minsan nga inilapit niya ang kanyang duguan mukha sa akin kaya di ko mapigilan na mapatili sa takot. “Agh! Hwaaa! Hindi ko na kere ito! Ano bang gusto mo?! Lubayan mo ako! Wala naman akong ginagawang masama sa`yo!” Halos maligo na ako sa pawis! Agh, hindi pa pala ako nakaligo ngayon dahil sa multong ito!

Tumakbo ako palapit sa altar, kinuha ko ang doon ang cross tsaka tinutok rito. Umayos siya ng tayo, and his dull eyes staring at me. Nangangatog na ako sa takot, as in! For sixteen years in my life ay hindi parin ako sanay na makipag-usap sa kanila kapag kasi may makita akong multo ay tumatakbo ako palayo sa kanila. 

“W-what?! Ba’t hindi ka nagsasalita?!”

Iniiwas niya ang kanyang mata sa akin may naaninag akong lungkot sa mata niya pero pilit na inignora ko yun. Aba! Siya itong nambulabog sa buhay ko tas ngayon tinamaan ng hiya?! Oh come on!

“Jusmeyo marimar! Umalis ka na! Tapos na ang layunin mo sa mundong ito, tumawid ka na sa kabilang buhay. H-hindi naman siguro—“ Biglang tinabing niya ang kalendaryo sa mesa kaya napatili ako at napapikit sa takot. “Diyos ko po!”
 
Nang iminulat ko uli ang mata ko ay bigla na lamang siya naglaho. Tumatagaktak parin ako ng pawis na lumapit sa mesa at iniayos ang kalendaryo. Bigla akong napatigil at tinitigan ng maigi ang kalenderyo. May ekis sa numerong 15, yun ang araw ng fieldtrip namin—sa araw na ito mismo!

May gusto ba siyang ipahiwatig sa akin tungkol sa araw na ito? 

Ipinilig ko ang aking ulo tsaka umalis na sa mesa, at pumunta sa banyo para maligo. Habang naliligo ay sumagi ang imahe niya—for a split second ay naawa ako sa kanya—oh no! Hindi pwede ito, dahil sa awang naramdaman ko ang magsisimula lahat, it will start from helping one ghost then sa susunod ay dadagsa sila sa akin upang humingi ng tulong! Gawd! Aatakehin na siguro ako sa puso nito eh. Therefore, I will never as in never akong magpa-apekto sa kagaya niya!

“Lennisiah! Lumabas ka nga dito!” I suddenly stop drying myself with my towel nang marinig ko ang boses ni Manang Korin. 

“Sandali po! Magbibihis lang!” Mabilis na lumabas ako sa banyo at hindi nagkanduagaga sa pagsuot ng damit. Mainipin kasi si Manang Korin kaya kailangan kong magmadali. 

“Manang Korin, wala pa po akong sapat na pera para ipambayad sa renta. Di po ba napag-usapan na natin po ito na samakalawa ako magbabayad kasi di pa ako pinadalhan ng pera ni Lolo ko.”

“Alam ko. Hindi naman ako nandito para singilin ka. Tumawag ang Lolo mo galing sa probinsya kaya bilisan mo at sagutin mo na baka padalhan ka na niya ng pera.”

I didn’t waste a time, mabilis na sumama ako kay Manang Korin sa bahay niya upang kausapin sa kabilang linya si Lolo. Nasa kabilang bakud lang ang bahay ni Manang Korin.
“Hello, kamusta na kayo? Ba’t hindi niyo po sinasagot ang tawag ko? Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa`yo?” 

“O, isa-isa lang, Hija, mahina ang kalaban.” Tumawa si Lolo Fidel nang mahina ngunit mabilis din naglaho yun. “Mabuti naman ako, apo. Pasensya ka na kung pinag-alala kita, masiyado kasing busy si Lolo. Nagkaroon kasi nang problema dito sa palayan kaya hindi kita mapadalhan ng pera pero hayaan mo, magpapadala ako ng pera diyan ngayon linggo.”

“Okay lang po yun basta maayos lang ang lagay ninyo diyan.” Ilang sandali ay wala akong narinig kabilang linya kaya bigla tuloy ako nabagabag. “Lolo?”

“Nandito pa ako, apo. Um. May gusto lang akong itanong sa`yo.”

“Ano po yun?”

Matagal din hindi sumagot si Lolo, napakamot tuloy ako kasi naman napapasulyap na sa akin si Manang Korin na tila ba sinasabi na Time’s Up. Sumenyas ako na sandali na lang. “Ah, wala. Kalimutan mo na lang, apo. Oh siya sige, ibaba ko na itong telepono baka may mainis pa sa`yo diyan.” Napahagikgik ako sa sinabi niya, para kasing nakikita niya ang hitsura ni Manang Korin na lumalaki ang ilong sa pagkainip. “Tandaan mo ito, apo, mahal na mahal ka ni Lolo kahit anong mangyari.”

“Opo!”

Kahit na nagtataka ako sa kinikilos ni Lolo ay masaya parin ako dahil nasa mabuti kalagayan pala si Lolo. 

 Lumabas na ako sa bahay ni Manang Korin, pero agad na naglaho yung ngiti ko dahil may kahinahinalang sasakyan na naka-park sa harap ng bahay ko. There was a man in a white suit, nakasandig sa kanyang sasakyan while staring at my house. Daig pa niyang artista dahil napapasulyap sa kanya ang mga tao, napaka-flashy naman kasi ng suot niya lalo na at dito pa talaga sa skwater. 

Ano kaya ang kailangan niya?

Napansin ata niya na nakatingin ako kaya bumaling ang lalaki in white suit sa direksyon ko. Sumenyas siya na lumapit ako. 

OHEMJI! 

Kahit na nasa malayo ang lalaki ay sure ako na his a good looking man!

“Ako?”

“Yes, you. Are you Ms. Lennisiah Alcantara?”

“Bakit po?”

“Just answer the question, Miss.”
 
“Sorry pero mali ka hindi ako siya.”

“Liar.” Aba, ako pa ngayon ang sinungaling? Oo, nagsinungaling ako pero para sa kaligtasan ko yun. Subalit bago pa ako makapagsalita ay may malaking kamay na pumulupot sa akin at tumakip sa bibig at ilong ko. Namimilog ang mata sa gulat at takot. 

May narinig akong kakaiba malapit sa tainga ngunit mas nangibabaw yung nakakasulasok na amoy. Halos mawalan na ako ng ulirat sa sobrang baho! at tila hinihila na ako ng antok. Pero kahit na nanlabo na ang paningin ko ay nakita ko na nakangisi siya na nakatingin sa akin. 

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^