CHAPTER ONE
(Lennisiah "Lenny" Alcantara)
Sometimes I wish I don’t have this kind of gift, so that peers
will stop thinking I’m a liar. I am not a liar, kahit na isumpa ko pa ito sa
Diyos ay hindi ako sinungaling. Peksman. Kahit na matamaan pa nang kidlat si
Superman, Green lantern o iba pang superhero, nagsasabi ako ng totoo. Pero dahil
alam ko naman na walang maniniwala sa akin mas mabuti pang ilihim ko na lang
ang katotohanan.
“I don’t tolerate
tirediness so as much possible please do come before the expected time, okay?” The teacher said before she dismissed us. Pinapaala na
naman niya sa buong klase na walang ma-late sa assemble para sa fieltrip namin.
Isina-walang bahala ko na lang yung paalala niya dahil
hindi naman ako sasama sa fieldtrip. Sa dahilan kapos ako sa pera para sa fieldtrip
expenses for two days `no. Lecheflan
naman! 4,000 pesos? Mababayaran ko na ang renta ko sa bahay niyan eh. At
isa pa, pakiramdam ko din na may masamang mangyayari sa akin kapag sumama ako.
Anyway! kesa naman gastusin ko ang pera ko ay mas pinili
ko na lang na gumawa ng documentation about sa tourist spot nang surigao
kapalit sa hindi pagsama sa fieldtrip. Doon kasi ang kanilang destinasyon. Tiis-tiis
ko na lang itong paghihirap ko, two weeks na lang ang hihintayin ko at graduate
na ako nang high school.
“Yie! Excited na ako
sa fieldtrip!” Narinig ko pa ang
sabi ng isa sa classmate ko. Hindi ko na inabalang sarili na sulyapan sila, as
much as possible I should avoid them. I move stealthily out from the classroom,
ayoko kasi mapansin sila baka tuksuhin na naman nila ako. Lalo na ang taong
iyon na mukhang abala sa pag-aayos ng gamit niya. Pero bago pa ako makalayo
doon ay biglang may malakas na nagsalita, akala ko ay hindi niya ako napansin
pero mali pala. Dahil kahit na nakatalikod ako ay nakaramdam ako ng matinding
titig niya sa akin—my sixth senses told
me so.
“Hoy, Straightlaced! Balita ko hindi ka sasama
sa fieldtrip, totoo ba yun?” Anak
ng tipaklong talaga o! Nagpakahirap nga akong hindi mapansin nang iba tas may
hinayupak na naman nakapansin sa akin. Wow lang! As in! Straightlaced daw?
Kahapon, Liar-Lennisia ang tawag sa akin tas ngayon ay straightlaced?!
Namula ang buong mukha ko nang bumungisngis ang iba namin
kaklase.
Walanghiya! Wala na siyang ginawa kundi bigyan ako nang kahihiyan!
Siguro ay nagtataka kayo kung sino siya `no?
Siya lang naman ang lalaki na parating nagbibigay sa akin
nang bangungot kahit na gising pa ako, daig pa niya si Freddy Krueger eh! Nung
freshman pa kami hindi naman siya ganyan eh, ang bait pa pero sa hindi ko
malaman ay bigla na lang naging masama ang ugali niya. Ugh, dahil dun ay ayaw
na ayaw ko nang banggitin ang pangalan niya.
Tiim bagang nagpatulog uli ako sa paglalakad.
“Hey! I’m talking to
you, straightlaced!”
I didn’t bother to look at him and continue walking away.
Subalit nung akala ko na nakalayo na ako sa kanya ay biglang gulat ko na lang
na umaagapay na siya sa paglalakad ko. Biglang inakbayan niya ang balikat ko
upang pigilan ako. Pumiksi ako sa pagkahawak niya subalit ako nagtagumpay na
alisin ang braso niya sa balikat ko.
“Ano ba!”
“Sigurado ka na hindi
ka sasama sa amin?” Kusa naman inalis
niya ang pagkapatong nang kanyang braso sa akin.
“Kailangan pa bang
itanong yun sa akin?” Dumistansya ako sa
kanya. “Para ikasaya mo, wala akong pera
okay? Hindi ako kagaya mo na isang pitik lang ay may pera na sa kamay!”
“Aw, wala na akong
kalaro niyan!”
Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya. Anong tingin
niya sa akin, laruan?!
Kalbuhin ko kaya siya?!
“Problema mo na yun,
Raizel Schier!” Yes, iyan ang buong
pangalan niya. Siya ang number one kontrabida sa buhay ko!
Inirapan ko siya bago nilayasan, nagpasalamat na lang ako
na hindi na siya nangulit sa akin. Mabuti naman, one thing na maganda
mangyayari sa akin ngayon ay two days na hindi ko sila makikita! Pwede na akong
magkulong sa kwarto ko buong magdamag habang ginagawa ang project!
I was so happy kaya nag-hum ako, pagdating ko sa bahay ay
napatigil ako paghuni nang mabatid kong nagkumupulan ang mga kapitbahay ko. I
was so curious of what was happening right now kaya lumapit ako doon sa
nagkumpulan, halos pigain na ako ng mga tao para lang makapunta ako sa harapan.
Nang maayos na ang pwesto ko ay tiningnan ko kung ano
yung pinagkaguluhan nila. Namilog ang mata ko nang bumulaga sa akin ang isang
bangkay ng isang tao!
“Jusmeyo!” Hindi
naman kasi tinakpan ang buong katawan ng bangkay kaya kitang kita ko ang wasak
ang ulo and his bloody brain was scattered in the area. Parang bumaligtad ang
sikmura ko sa nakita kaya naman mabilis na iniiwas ko ang tingin ko sa
direksyon ng bangkay. Sakto lang din nang ginawa ko yun ay may napansin akong
isang lalaki na nasa di kalayuan ng bangkay.
He was too stiff, staring at the corpse. Kakaiba ang
pananamit niya—kakaiba pa sa normal na tao. Pero bago ko pa masuri ang hitsura
niya ay tumalikod na siya at tahimik na umalis.
Nagpakawala ako ng hininga at mariin na pinikit ang mata
ko. Pumipitik na naman ang ugat sa sintido ko, para akong nasusuka kaya habang
maaga pa kailangan ko ng makaalis dito. Hindi ko talaga kayang makakita ng
patay! Lalo na… “Ahhh!!!” Napatili
ko nang pagmulat ko ay bumuluga sa akin ang…
ISANG MULTO!
Oo, iyan ang sekreto ko. I can see them, not all the
stray ghost but also supernatural being that only exist from another world. They
were disguise themselves and mingling with normal people, only I can see their true self. Bata palang
ako ay nakikita ko na sila at nakakahiya man aminin ay hangang ngayon ay takot
parin ako sa kanila!
That’s why as much as possible, I, Lennisiah Alcantara or
Lenny for short, gagawin ang lahat para di malaman ng kaluluwang ito na nakikita ko siya!
Since nandito na ako at mukhang napapansin na niya ata
ang reaction ko ay tumili na lang ako na parang eng-eng tas tumakbo palayo sa
lugar na yun. Pinanindigan ko na lang yung ginawa ko.
“Ahh! Patay! Patay!
Diyos ko! Kawawa naman siya! Sino bang hayop ang gumawa niyan?!”
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^