Friday, April 24, 2015

Extramundane: Chapter Three




CHAPTER THREE
(Lennisiah Alcantara) 


“Shit ka! Ano ba napasok sa isipan mo at sinama mo ang babaeng ito?!”

“It would be boring without her that’s why I decided to take her with us.”

Na disoriented ang mukha ko nang maalimpungatan ako sa  ingay. Dahan dahan iminulat ko ang mata ko, medyo malabo pa ang aking paningin. I groan, it felt like something hit my head and fist. “Iuwi mo na `yan! Problema lang siya dito eh! Kita mo itong mukha ko?!”

“Pfft! How would I know that she’s a vicious woman while asleep?”

“Para siyang sinapian ng espiritu `pag tulog kamo! At anong tulog?! I bet she's acting asleep! May natutulog bang nagsasalita?”

"Oo, sleep talker ata ang tawag dun, pre."

Bakit ba pakiramdam ko ay ako ang kanilang pinag-uusapan? Asar ah! Kita na natutulog ang tao eh! Pero agad din akong natigilan, natutulog? May taong nag-uusap? Paano nangyari yun eh nasa sarili akong bahay! For a second, my head became clearer at naalala ko na inatake pala ako nung guy in a white suit at kasama niya!

Napabalikwas ako sa oras. “Ahh!” Sumiksik ako sa headboard ng kama. Ang dalawang lalaki ay napatingin sa akin na tila nagulat sa ginawa ko. Wow! Dalawang gwapo ang bumungad sa akin!

“See? I told you, bringing her is no good! She’s freaking noisy, Raizel!” Agad ko rin naman nakilala ang cute na kasama ni Raizel. Si Michale, abot sa aming section ang kasikatan niya. Hindi na yun nakapagtaka lalo na parati kasama niya si Raizel. 

“Kayo! Anong ginagawa niyo dito?! Anong ginawa niyo sa akin?!” Chineck ko ang sarili ko, phew, wala naman nagbago sa damit ko. Ibig sabihin wala silang ginawa sa akin na kalokohan. 

Ngumisi naman nakakaloko si Raizel nang lumingon siya sa akin. “No need to worry, we can assure you. We didn’t do anything funny, besides, wala naman magkagusto…” Tiningnan ako mula ulo hangang paa tsaka ngumisi. “Sa ganyan walang kakurbang katawan.” 

Napanganga ako sa sinabi niya. Wala daw akong curve sa katawan?! 

Calm down, Lenny, h’wag kang magpaapekto sa kagaya niya. Pumikit ako at huminga ng malalim, the moment I open my eyes again ay bigla naman tumambad sa paningin ko ang multong sunod ng sunod sa akin. Napalunok ako ng ilang beses, ito ba ang gusto niya? Wala naman pinagbago ang hitsura niya. Teka, kelan pa nagbago yun? 

Pero pakiramdam ko parin na tila gumaan ang kanyang kalooban. 

“Oh, hindi ka na umiimik?”

Kahit na nanginginig na ako sa takot ay pinilit ko magpakatatag. Hinila ko ang kumot at tumalukbong na lamang upang `di makita ang multo at ignorahin ang bwisit na bully sa buhay ko!

“Suit yourself, I won’t answer your question anyway.”

Wala na siguro siya mahita sa akin kaya hindi na umimik si Raizel, dinig ko pa ang yabag na papaalis. 

***
In the end, I’m the one who suffered the consequence. Kaninang umaga pa ako hindi nakakain kaya sobrang namilipit na ang aking tiyan sa gutom. Wala rin akong choice kundi lumabas sa lunga ko mabuti na nga lang ay wala na dito yung creepy ghost stalker ko. Ang problemahin ko na lang ay kung pano ako ma-survive dito! Hindi sapat itong pera na dala ko ngayon! huhu!

Gabi na pala, hindi makapagtaka kung ba’t ganito ako kagutom. Patingin-tingin ako sa paligid, making sure walang classmate na pagala-gala. Kapag nakita nila ako ay pagtatawanan nila ako, ba’t ganito ang ayos ko tila nasa bahay lang. At isa pa, ang saya nga nila na wala ako dahil ibig sabihin niyon wala silang makakatabi na isang kagaya ko. 

Huminga ako nang malalim bago naghanap ng tindahan dito, napadaan ako sa deck. May napansin akong matanda na nakaupo sa bench, may dalang pagkain. Mukhang nagtitinda siya! 

Kesa naman maghanap ng tindahan dito sa barko ay dun na lang ako sa matanda bibili, medyo madilim sa parte ng kinaupuan ng matanda. Nang makalapit na ako ay nalaman ko na chicharon pala yung tinitinda niya. Wow! Gusto ko pa naman nun lalo na kapag isawsaw sa suka. “Manong, pabili po ng limang chicharon. Penge na din po ng suka.”

Hindi ako kinibo ng matanda. Naman oh! Nag-emote ba siya? Kunsabagay, magandang lugar na ito para mag-emote `no. Pwede mag-ala Rose and Jack sa titanic. 

“Manong.” Untag ko sa kanya. 

“Kumuha ka na lang, eneng. Kahit huwag mo na bayarin iyan.”

“Wow! Talaga ho?!” Hindi makapaniwala na tiningnan ko ang matanda, umupo ako sa tabi niya. “Baka naman po pinagloko niyo ako.”

“Hindi. Sa`yo na iyan, isa pa sawa na ako sa pagbibinta ng chicharon. Isa pa, wala ng gustong bumili niya at hindi naman ako pwedeng kumain niyan dahil bawal daw sa akin sabi ng doktor.”

“Ay ganun po ba?” Dahil na rin sa sobrang gutom `di na ako tumanggi o nagpumilit pa, beinte pesos lang ang pera na nasa bulsa ko. Binuksan ko yun tsaka nagsimula ng kumain. “Ano nga po pala ang sakit niyo?”

“Sakit sa puso, eneng.” Hindi ako makapagsalita, kawawa naman siya. Tahimik lang kaming dalawa na nakaupo, ilang sandali ay ang matanda ang pumutol sa katahimikan. “Bumalik ka na sa cabin mo, eneng, mukhang may bagyong paparating.” 

Napatingala ako sa madilim na kalangitan, mukhang hindi naman uulan ah.

“Imposible yung sinasabi niyo, manong, hindi po maglalayag ang barko kung may bagyo paparating. Dapat cancel lahat ng biyahe kung sakali.”

“….” Hindi na siya nagkomento. Oh I get it, gusto niya mag-isa. Okay fine. 

“Eh kayo po?”
 
“Huwag mo na akong alalahanin, babalik din ako mamaya. Gusto ko pang magpahingan dito, sariwain ang simoy ng hangin.”

“Sige po, kung iyan ang gusto mo. Salamat po sa chicharon. Hulog po talaga kayo ng langit.”

Umalis na nga ako kasi naman, baka gusto lang mag-emote ng matanda. Tsk. Ganyan din si Lolo Fidel, emotero. Para bang end of the world na?

Naglalakad na ako sa corridor nang mapansin ko may isang lalaki na nakasandal sa railings, nakatitig sa malawak na karagatan. His hair was black as a raven, olive skin tone, matangos ang ilong, maganda ang pangangatawan at kahit na naka-side view siya ay masasabi kong gwapo siya. But there was something about him, pamilyar siya sa akin. Pakiramdam ko nagkita na kami, di ko lang matukoy kung saan at kailan. Pero imposible naman makalimutan ko ang hitsura niyan kung ganyan naman kagwapo `no. Baka imahinasyon ko lang yun?

Napansin siguro niya presensya ko kaya lumingon siya sa direksyon ko. Ngumiti siya sa akin. 

Oh My Gulay! Nganga ako sa kagwapuhan niya! Hot na hot!

Pero mas lalo ako ngumanga nang bigla na lang siya naglaho na tila hangin. Kinusot ko ang aking mga mata, at naging si Raizel yun na naglalakad patungo sa akin, kasama ang isang sexy at mala-dyosang gandang babae. 


Teka, kung nawala yung lalaki tas..tas! Ah!

“Aghh!! Multo!!” Tumalikod ako at akmang tatakbo patungo kay Manong para humingi ng saklolo ngunit di ko na nagawa dahil may humaklit sa likod ng kwelyo ko. 

“What the hell! Is this one of your lies, Ms. Liar?” Sabi ni Raizel sa akin o baka ghost siya tas ginaya ang hitsura ni Raizel? “I’d been looking for you at nandito ka lang pala makikita tas tatakbuhan mo ako?!”

“Bitiwan mo ako, jerk! At hindi ako liar o straightlace! Agh! Multo!!!”

“There’s no such thing ghost!”

“No! Hindi ako magpapadala sa kagaya mong multo! Bitiwan mo ako! Agh!” Nagsimula umihip ng malakas na hangin. Naging unsteady na yung barko sa `di ko malaman. 

“Raizel, why don’t we leave this crazy girl alone?” Sa sobrang likot ay muntik na akong matumba sa sahig nang binitiwan niya ako. “And grab something to eat.” Dagdag pa ng babae, dahil sa pagbanggit niya ng pagkain ay bigla ba naman tumunog yung tiyan ko. 

Namula ang mukha ko. “Pfft! Is that your stomach making sound?” Natatawang tanong ng babae, alam niyo mala-anghel ang mukha niya eh pero kabaliktaran naman ang personality niya. “Gosh, you should fill that empty stomach of yours because that’s so embarrassing to hear.”

“Hindi ko kasalanan kung gutom ako, Miss. Pwede bang pakitikom iyang basura mong bibig?” 

“What?!” Nanlilisik ang kanyang mata, tila gusto niya akong kusutin ng pino-pino. 

“Hoy.” Nilingon ko si Raizel. Pero pansin ko lang, parang may kakaiba sa kanya ngayon. “Bumalik ka na sa kwarto mo. Let’s go, Kathryn.”

Ngalingaling sapakan ko siya eh, `di ko naman kailangan ng may mag-utos sa akin kung babalik ba ako sa cabin o hindi. “Gusto ko ng umuwi!” yun ang sinabi ko sa kanya bago nagmartsa nilagpasan ko silang dalawa pero hindi pa nga ako naka-sampung hakbang ay bigla na lang may narinig kaming tili ng isang babae. 

“Patay! May patay! Ahhh!!!!”

 >>> CHAPTER 4 HERE


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^