Saturday, April 18, 2015

Shotgun Wedding



FRIDAY


Magda-dalawang oras na mula ng umupo si Patricia sa tapat ng kanilang bahay kung saan mayroong duyan at malilim at abala na nagbabasa. Sa sobrang hook nya sa binabasa, hindi nya napapansin ang tao na nakatayo sa kanyang harapan kanina pa. Ilang beses na rin itong nagkunwari na nasasamid pero hindi pa rin sya napapansin ng dalaga.



"Hello!!!" Sabi ng binata sabay kalabit nito kay Patricia.


Sa wakas ay naramdaman na rin ng dalaga ang presensya ng binata at nilingon ito.


"Ian? Ian!!! Kailan ka pa dumating?"


Kung literal iyong sasagutin ng binata, kulang kalahating oras na syang nandoon. Sa New York kasi ito nagta-trabaho, at tatlong taon itong hindi naka-uwi ng bansa.


Magkaibigan na silang dalawa bago pa man naisipan ni Ian na subukan ang kanyang swete sa ibang bansa. Kaya nga isa si Patricia sa mga nalungkot dahil sa naging desisyon nito na umalis ng bansa.


"Three months na ako dito sa Pilipinas." Nakangiting sagot nito.


"Seriously, Ian? Three months ka ng nandito tapos ngayon mo lang ako naisipan dalawin?" At hinampas nito sa braso ang binata. "Ang sama mo. Sayang lang yung lungkot ko nung umalis ka, ganto lang pala gagawin mo sa'ken."


Nagdadrama lang naman si Patricia, alam kasi nito na isa iyon sa hindi kayang tiisin ng ni Ian sa kanya. Hindi naman sya nakakalimutan ng binata noong nasa America pa ito. Laging nakakatanggap ng email ang dalaga, kapag may package na pinadadala ang binata ay lagi mayroon para sa kanya.


"Ako pa nga ang dapat magtampo sa'yo."


"At bakit naman? Ako ba ang nangibang-bansa at nakalimoy na dumalaw agad sa kaibigan ko?" Ganting tanong ni Patty dito.


Napapa-iling na lamang si Ian dahil sa inaakto ng kaibigan. "Ilang beses na kitang pinupuntahan dito sa bahay nyo, kaya lang lagi kang wala. Unang beses na nagpunta ako dito, one week pa lang ako nandito. Kaya lang wala ka, overtime ka daw. Sumunod naman kasama mo mga college friends mo, nag-swimming daw kayo. Ang yung huli naman company outing nyo naman." Mahabang paliwanag nito sa kaibigan.


Napalingon tuloy ang dalaga dahil sa sinabi ng binata. "Really? Di nga? Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Tango habang nakangiti lang sa kanya ang naging sagot ng binata sa kanya.





INAYA NI IAN ang dalaga pumunta sa kanilang favorite coffee shop mula pa noon. Doon nila naisipan tumambay at magkwentuhan lalo na kapag wala silang ginagawa, at laging sagot ni Ian ang lahat ng gastos. Hindi naman problema ang pagpunta doon kahit may kalayuan dahil may kotse naman ang binata.


"So kamusta ka na, sino ng boyfriend mo? Yung dati pa rin ba?"


Isinuno na muna ni Patty ang kiwi na natusok na nya kanina pa. "Naah, wala na kami ni Paolo matagal na. Sira-ulo kasi sya, manloloko pa." Sagot nito habang nginunguya ang isinubong prutas.


Hindi nahihiya ang dalaga kay Ian, kaya nga kahit may laman ang bibig nya at nakukuha pa rin nyang sumagot at magsalita. The way she acts with him ay parang ngayon pa lamang ito nagdadalaga, kumbaga isip-bata. At-ease sya dito, kung ano ang ipinapakita nya sa binata iyon ang totoong Patricia. Hindi naman sa niloloko nya ang iba, yun nga lang ay hindi sya madaling magtiwala.


"Why, what happened? Anong klaseng panloloko ba ang ginawa nya sa'yo?" Tanong ulit ng binata.


Uminom muna ito at saka nagsalita. "Nakita ko lang naman sya na may kasamang ibang babae. Napasyal lang ako noon sa mall, naghahanap kasi ako ng libro. Tapos nakita ko sya na lumabas sa sinehan at naka-akbay sa isang babae na napulot lang nya yata sa tabing kalsada." Sumubo ulit ito ng kinakain at itinuloy ang kwento. "Mas maganda pa ako dun sa babaeng kasama nya. Syempre boyfriend ko 'yon kaya nilapitan ko, tinanong ko kung sino ang kasama nya. Ang walanghiya sinabing hindi nya ako kakilala nung tanongin sya ng babae kung sino ako. Diba ang gago nya!" At muli na namang sumubo ng grapes.


"Hindi ka naman bitter nyan? Kailan pa ba nangyari yan?" Natatawang tanong nito sa kanya, at uminom ito pagkatapos.


Napasimangot naman ang dalaga dahil tinatawanan sya ng kaibigan. Gusto nyang batuhin ito ng tinidor, yung nakatusok pala sa tinidor nya. Kung hindi lang masasayang ang strawberry at ang libre malamang na binato na nya talaga ito.


"One year naman na." Tila walang interes na sagot nito.


"One year had past and still you react that way? Di ka pa nakaka-move on?" Natatawa pa ring tanong nito kay Patty.


Tinitigan muna ni Patty si Ian, at saka binato ng nilamukos na tissue. "G*go! Naka move-on na ako sa kanya no!" At isinubo ang strawberry strawberry na kanina pa tinusok.


"Mouth. Stop cursing." Biglang nagseryosong sabi nito sa dalaga. "Naka-move on na pero galit na galit ka pa rin kapag naaalala mo."


Kahit naman yatang niloko magagalit pa rin kahit na matagal na iyong nangyari. "Eh kasi hindi tama, saka talagang nasaktan ako sa ginawa nya. Minahal ko sya ng bonggang-bongga tapos ganon lang gagawin nya sa'kin." Depensa naman ng dalaga.


Ilang minuto ring natahimik ang dalawa, may tiningnan din kasi si Patty sa kanyang telepono. "Eh ikaw, kamusta na kayo ni Jomma? Kayo pa rin ba? Na-survive nyo ba ang long distance relationship nyo?" Tanong nito kay Ian, at sinulyapan ito pagkatapos ay ibinalik ulit sa kanyang telepono ang atensyon.


Ian and Jomma are two years together when he decided to try his luck outside the country. Ayaw man ni Jomma na umalis ang kasintahan ay wala rin itong nagawa dahil desidido ito ay wala rin syang nagawa. One year nilang nakayanang kalabanin ang distansya, pero ng ma-promote ang binata sa trabaho ay mas naging abala pa ito dahilan para lagi silang magkaroon ng pagtatalo. At kalaunan nga ay nauwi rin sa paghihiwalay.


"Break na rin kami. Eighteen months na ako noon sa Big Apple, at hindi na namin nakaya pang ayusin yung misunderstanding namin." Sagot ni Ian sa tanong ni Patty, pero wala kang mababakas na lungkot sa boses nito.


"What happened? Akala ko pa naman pang-forever na kayong dalawa. Anyways, may bago ka na? Nagkaron ka ba ng American girlfriend?"


Isang tingin na nagsasabing 'seriously' ang ibinigay ni Ian sa kaharap. "After my relationship with her, I never had one again. I'm too busy with my work para maisingit ko pa yung panliligaw." Magabang sagot nito, at saka uminom.


"Nililigawan pa ba ang mga American? Sa ibang movies kasi na napanood ko kakakilala pa lang tapos ilang oras pa lang, gumagawa na sila ng milagro."


Kung ano-ano pa ang napagkwentuhan nilang dalawa. Alas-dose na ng hating-gabi naisipan ng dalawa na umalis sa coffee shop na 'yon. Pinaalala rin ng binata kay Patty na itext ang mga magulang na sya ang kasama nito. Hindi naman iyon nagawa ng dalaga dahil abala ito sa pagbabasa. Mula ng sumakay silang dalawa sa kotse ni Ian ay hindi na ito nagsalita dahil sa librong hawak nya.


Sa bahay nila Ian sila tumuloy. Nang mabanggit kasi nito kay Patty na meronsyang pasalubong para dito ay agad itong nag-aya na magpunta doon kesehodang madaling-araw na.


Habang hinahanap ni Ian ang mga pasalubong sa kaibigan ay binigyan na muna nya ito ng maiinom at cookies na pwedeng makain sakaling gutom na naman ito.


Halos every month yata ay may binibili ang binata para sa kaibigan. Simple lang ang kaligayahan ng dalaga kaya ito ang lagi nyang unang naiisip kapag may nakikita syang mga simpleng gamit. Karamihan sa nabili nitong regalo para kay Patricia ay mga libro, lampas dalawampu siguro ang nabili nya para dito bago sya umuwi ng bansa. Bukod pa sa mga iyon ay marami na rin syang napadala dito. Bukod sa libro na hilig nito ay bumili rin sya ng isa pa nitong paborito, sweets. Kahit na ano yatang matamis ay kakainin ni Patricia.


Nang mahanap ni Ian ang lahat ng regalong libro, damit, bag, at kung ano-anong abubut ay lumabas na ito upang ibigay sa dalaga at samahan ito. Laking gulat na lamang nya ng makita na napapayuko na ang dalaga dahil sa antok nito. Bubuhatin na sana nya ito papasok sa kanyang kwarto ng mapadilat ito.


"Hey. Ang tagal mo bumalik, inantok na tuloy ako. Ang lamig pa naman dito sa bahay nyo. Kayo na naka-centralized na aircon, kayo na mayaman. Siguro hindi ka na sanay sa mainit no, kasi sa New York may snow."


Gustong isipin ni Ian na ginu-good time lamang sya ng dalaga dahil ngayon ay active na active na naman ang bibig nito, pero hindi nya magawa dahil makikita mo sa mga mga nito ang nilalabanang antok.


"Ano bang feeling kapag napatakan ka ng snow sa balat? Except sa malamig, sasapakin talaga kita kapag iyon ang sinagot mo sa tanong ko."


Natawa naman si Ian dito, inambaan pa kasi talaga sya ng dalaga ng suntok. "Sumama ka na lang sa akin minsan, magbakasyon ka doon." Natatawang sagot nito.

"Naah, as if naman. Hindi ko nga magawa kumuha ng passport eh." Sagot naman nito at saka kumain ng cookies.


Totoo, dahil tamad na tamad ang dalaga na kumuha ng mga kakailanganin para makakuha ng passport. For her, mas gugustuhin pa nyang gugulin ang oras sa pagbabasa kaysa pumila sa nuknukan ng habang mga pila sa mga ahensya ng gobyerno para sa mga requirements na kailangan mo para sa passport.


"Bakit naman, dagdag valid ID rin naman ang passport."


Nilunok muna ng dalaga ang nginunguya at saka muling nagsalita. "Hindi ko na kailangan noon, masyado ng nagkakagulo ang kung ano-anong ID sa wallet at bag ko para dagdagan pa." At muli itong sumubo ng cookies at uminom. "At saka wala naman akong plano na magpunta sa ibang bansa. Dito nga lang sa Pilipinas 7,106 islands pa ang hindi ko napupuntahan, ibang bansa pa ba?!"


Doon naman hindi napigilan ni Ian ang tawa na kanina pa nya pinipigil. Hindi sya makapaniwala na ganito kadaldal na ngayon ang kanyang kaibigan. Mas madaldal pa ito ngayong inaantok na kumpara kanina noong nagpapalakasan sila sa pag-inom ng kape.


"That's a very nice idea." Kumunot ang noo ni Patricia dahil sa sinabi ni Ian na iuon. "I mean, why don't we go on adventure. We should travel more, Patty."


Sa narinig naman ng dalaga ay nabuhay ang diwa at katawang lupa nito. She can't deny it, she loves to travel. Gustong-gusto nya na may marating na bagong mga lugar. Hindi nga lang nya magawa dahil sa kanyang trabaho at wala syang makasama. Nakakasama nya minsan ang pamilya, pero bibihira lang talaga sila lumayo. Baguio lang yata ang pinakamalayo nilang narating. She's too excited to the idea that they will travel. She imagine that they need to ride a plane of boat, pero kung sa Luzon lang dinnaman at road trip ang gusto ng kaibigan okay lang din naman. Pasyal pa tin iyon at sa ibang lugar.


"Where are we going? Hindi pa ako nakakarating sa Batanes, Ilocos, Boracay, Bohol, Cebu, Hundred Islands. Saan, saan tayo pupunta?"


Napangiti na naman ang binata dahil sa inasta ni Patty. He love seeing her this way. Kumikinang ang mga mata nito sa katuwaan at excitement. Nakikita lamang iyon ni Ian kapag nakakatanggap ito ng tsokolate at mga libro, kaya nga lahat ng gusto nito ay iyon ang ibinibigay nya. He wouldn't deny that he wants to see her happy every time she's with him. At ngayon ay may nalaman na naman syang paraan kung paano pasisiyahin ang dalaga.


"Kahit saan, ikaw saan ba ang una mong gustong puntahan?"


Tila napaisip naman si Patricia sa sinabi ng binata. "Well, I've been to Baguio but I never tried going more up North. Maybe Sagada or Ilocos will be a perfect first choice." Nagde-daydream na sagot nito.


Nanghingi ang dalaga ng papel at ballpen kay Ian. Nagtataka man pero kumuha pa rin ang binata at inabot sa dalaga. Nang makuha nito ang hiningi ay agad itong nagsulat doon. Sinisilip nito ang isinusulat ni Patricia pero itinatago nito iyon kay Ian.





+++

a.n.

four part short story lang naman ito, and yung last part na lang ang hindi ko nagagawa kaya nag-post na ko. :)

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^