(The Mortal)
Hindi ko alam kung paano
ie-explain ang experience sa byahe namin with the Peryton. Pagsakay pa lang ni
Sage na may hawak sa kinalalagyan kong garapon, lumipad na ito at blurry image
na lang ang nakita ko. Since walang matinong view, ipinikit ko na lang ang mga
mata ko para hindi mahilo.
Less than an hour later,
nang maramdaman ko na ang pagbagal ng lipad namin, saka pa lamang din ako
nagkaroon ng clear sight sa lugar na pinuntahan namin.
Otherworld is nothing
like any places you can find on Earth. The surrounding forest, the sky, the
people and the creatures, the whole aura—it’s a rarefied level of reality and
fantasy! And I still find it hard to believe na hindi nga ako nananaginip lang.
Then I saw a
steampunk-ish structure of a building. Sobrang obvious na binuo ‘yun from scrap
metals and gears and whatever those materials are. It’s kind of cool if you’re
into retro-futuristic style. But for me, panira ang presence ng building na
iyon sa paraisong ito.
We reached a certain
spot at iniwan na doon ang mga Peryton na sinakyan namin. Then for a moment,
nakatanaw lang sina Sylfer sa building na ‘yun.
“Bro, nasaan na yung invisibility potion na hinihingi ko?”
“Ito po Master Syl.” Agad itong iniabot ni Sage sa kanya. “Ilalabas ko na rin ba itong mortal?”
“No. This potion is for me. Gaano karami ang iinumin ko for a
five minute invisibility?”
“Limang patak. Pero bakit po ikaw ang gagamit niyan?”
“Dahil siguradong hindi ako papasukin ng kapatid ko kapag nakita
niya agad ang kagwapuhan ko.”
Ano ba naman! Hanggang
dito sa garapon na kinalalagyan ko, umabot ang kahanginan niya.
“Pero paano yun, Master?”
“Ikaw ang kakatok at sabihin mo lang na may mensahe ka mula sa
Flemwall Wizardry Camp. Then ako na ang bahala kapag nasa loob na tayo.”
Ginamit na ni Sylfer ang
potion and it took a minute before he vanished in our sight. Tanging boses na
lang niya ang naririnig namin.
“Mauna na kayo, bro! Nasa likod niyo lang ako.”
Nagsimula nang maglakad
si Sage hanggang sa marating na namin ang isang higanteng iron gate. Huminga
muna siya ng malalim bago kumatok ng tatlong beses.
We waited kung sino ang
sasagot sa pinto, but a smaller hole opened and a mechanical tentacle came out.
May mata sa dulo ‘nun. Sobrang cool!
“Sino ka?” It was a sweet girl’s voice. Boses na yata ng kapatid ni Sylfer. “I wasn’t expecting any visitor.”
“Ahh… um… galing ako sa Flemwall Wizardry Camp. May dala akong
mensahe para kay Ms. Zelsha Flemwall-Ardensier.”
Sinimulang kapkapan nung
mechanical tentacle si Sage. Nang makita niya ako sa loob ng garapon,
pinandilatan ako ng malaking mata nito.
“At ano ‘to? Dactyl?”
“O-opo…”
Obvious kay Sage na
kinakabahan siya kung makakapasok ba kami sa loob. Ang tagal kasi kaming
pinaghintay ng mechanical tentacle sa labas. Papasukin ba kami or patutubuan
muna ng ugat dito?
More than three minutes
later, nag-open na rin sa wakas ang pintuan. Isang mahabang hallway ang
bumungad saamin. Kahit saan ako tumingin, puro rusty pieces of metals ang nasa
paligid. But it was impressive dahil hindi siya messy tignan. It was more like
an art.
“This way.” We heard her voice again
but this time, galing na ito sa isang speaker na nasa pader. Bigla pang
nagkaroon ng green lights sa sahig na nagtuturo sa direksyon na dapat naming
puntahan.
Nakahinga na kami ng
maluwag dahil nakapasok na kami sa loob. Pero isang hakbang pa nga lang ang
nagagawa ni Sage…
“Wait a minute…” Napatigil ulit kami nang magsalita siya, “You’re not alone!”
Napalingon kami ni Sage
at nakita namin si Sylfer. The invisibility potion wore off.
‘Yung green lights sa
sahig, biglang naging red. At kasabay ‘nun ay isang malakas na wangwang.
‘Security breach alert! Security breach alert!’
Hindi na kami
nakapag-react dahil nauna nang kumaripas sa pagtakbo si Sylfer at sumigaw kay
Sage na sumunod na, “Takbo! Dali! Takbo!”
Sunud-sunod na ring
naglabasan ang mas marami pang mechanical tentacles na pilit kaming
pinipigilan. Nagmistulang patintero na ang pagpasok namin sa loob at itong si Sage
pa, lalampa-lampa at nabitawan ang garapong kinalalagyan ko.
Akala ko tuluyan na
akong babagsak, “Waaaaaaaaaaah!!!”
Pero nasalo ako ni
Sylfer, “I got you my p’aybee!” At nakuha pa niyang kumindat.
The chase went on for a
minute. And it was the longest minute of my life! ‘Yung tentacles kasi parang
naging fire torch na rin and if it wasn’t for Sylfer’s water and ice magic,
siguro natusta na kami. Aaminin ko na for a moment, na-mesmerize ako sa kanya.
Then we finally reached
the end and entered a large room where the mechanical tentacles can no longer
follow us. With all the apparatus, engines, machines and inventions, naisip
kong ito na ang main laboratory. I’ve never seen such a badass place!
“Lil’ Zel!” Tinawag at hinanap na ni Sylfer ang kapatid niya. “Sugar-baby, come on! I need you! Where are you?”
Stepping out from a
20-foot tall vertical steam engine was a person inside an astronaut-like suit.
Hindi namin maaninag ang mukha ng nasa loob, “Sugar-butt?” she asked.
“Yes, Sugar-baby! Ako na nga ‘to!”
Sugar-baby and
Sugar-butt. The weirdest sibling endearment na narinig ko.
Tinanggal na ni Zelsha
ang suot na helmet at nagulat kami sa itsura niya. She’s a KPOP kind of cute!
Blonde hair, round face, doll eyes at basta cute talaga! Siya ba talaga ang
nagpapatakbo ng lugar na ‘to? Such a sweet pretty face in a badass
environment!
Nakangiti
at patakbo na siyang lumapit kay Sylfer. “Sugar-butt!!!” And here I was expecting a
grand touching moment between the two but instead, Zelsha landed a solid power
punch in Sylfer’s face.
Talsik
si Sylfer—at kasama ako dahil siya ang may hawak sa garapon ko. Nagkasira-sira
din ‘yung lugar kung saan siya lumanding. Pero kahit hilong-hilo siya sa sapak
na natanggap niya, “Schnoodle-bum, okay lang ba dyan sa loob?” nag-aalalang
tanong niya saakin.
“Why are you here!?”
Muling sumigaw si Zelsha. Galit na galit. “The last time na nandito ka, you put a hole in my roof!”
“Ikaw naman, Sugar-baby.
It was two and a half years ago. Hindi mo ba ako namiss?”
“Ito ang nakamiss sayo.”
Zelsha
displayed her fist.
Ipinasa
na ako ni Sylfer kay Sage bago siya muling bugbugin ng kanyang kapatid. What a
real touching… tough moment.
= = = = =
Tapos nang bigyan ni
Zelsha ng mga bukol at pasa si Sylfer. Pero kahit kalmado na siya, medyo may
kalayuan ang distansya namin sa kanya. Hindi namin alam kung kailan ulit siya
pwedeng magwala. Delikado.
“So, how’s my little Sugar-baby?” Naglalambing na tanong
ni Sylfer sa kapatid. Napahanga niya ako dahil kahit nabugbog-sarado siya, okay
lang sa kanya. Masokista din ang isang ‘to.
“I’ve seen better days without you,” Zelsha said cold-heartedly.
“At hindi mo ba nakita na may ginagawa akong
bagong steam engine? So just cut to the chase! Bakit ka nandito at anong
kailangan mo?”
“I’m in trouble.”
“Hindi na bago ‘yan.”
“At kailangan ko ang tulong mo.” Muli na akong kinuha ni Syfler mula
kay Sage. Binuksan na niya ang garapon at sa wakas ay nakalabas na rin ako.
“Don’t tell me nang-kidnap kayo ng Dactyl?”
“She’s not a Dactyl. She’s a mortal at dahil sa Shrinking Potion
kaya lang siya lumiit.”
“Anong problema ngayon? Hindi niyo na siya kayang ibalik?”
“Hindi ‘yun!”
“Nasa akin po ang Growth Potion para maibalik siya sa dati!” Singit
ni Sage.
“It’s about her stay here… it was an accident.”
Sandaling napaisip si Zelsha at
mukhang may idea na agad siya, “You brought an illegal mortal here?” At
napatawa siya bigla, “When will you grow a brain, brother? Kahit kailan ang
tanga mo talaga!”
Lumapit saakin si Zelsha at
pinasakay sa kanyang palad. Tapos hiningi niya kay Sage ‘yung Growth Potion at
walang paalam na umalis para isama ako sa isang kwarto. Kaming dalawa lang ang
magkasama sa loob at medyo kinabahan ako.
“Ilang patak ang ibinigay sayo para lumiit ka?”
“Lima.”
Pinaliguan niya ako ng limang patak
ng Growth Potion, and slowly I felt its effect on my body. I am back to
normal—wearing nothing but a piece of handkerchief na ibinigay saakin kanina ni
Sylfer.
“Dalian mong magbihis,” utos niya. “You can borrow one of my clothes there.”
Tapos iniwan na niya ako para mabalikan niya sina Sylfer.
Hinanap ko na kung nasaan ang
cabinet ng mga damit niya and found a great metal contraption with a
combination of cogs and wire mesh. With a touch of my finger, kusa na itong
nagbukas, revealing her wide array of steampunk-inspired dresses.
“Nice!”
‘Yun na lang ang nasabi ko. Ang gaganda at mukha lang akong magko-cosplay kapag
sinuot ito. Pinili ko na ‘yung tingin kong pinaka-babagay saakin at dali-dali
na itong sinuot.
Matapos kong magbihis, binalikan ko
na ring ang journal ko na hanggang ngayon ay miniature pa rin. Isang patak
naman mula sa Growth Potion ang ginamit ko para magbalik ito sa normal.
Pagkatapos ay lumabas na ako at
sinalubong nila ako ng sabay-sabay na tingin.
Pero unang lumapit saakin si Sylfer.
He looked at me from head to toe and I gave me an obvious gaze of admiration.
Inabot niya bigla ang kamay ko at bumanat agad, “Why don’t just marry me so you won’t have
to leave?”
Babarahin ko na sana siya, pero
nauna na siyang batukan ni Zelsha. I’m against violence but in Zelsha’s case
with her brother, I’ll even cheer for it! “Aww! Lil’ Zel!”
“Balik sa upuan mo.”
“But—”
“BALIK!!!”
Sabay tulak sa kapatid niya.
Parang napagalitang tuta si Sylfer
na bumalik sa upuan niya. Pero nag-flying kiss siya saakin kaya naman
pakiramdam ko, bumilis na naman ang tibok ng puso ko. This can’t be happening
again! Never again!
“My dress fits perfectly at you,” Zelsha said to me nicely.
Mabuti na lang at inagaw niya ang
atensyon ko. Napangiti naman ako, “Thank you!”
“Kung pwede lang sanang pahiramin din kita ng utak, ginawa ko
na.”
“Excuse me?”
“Nasabi na nila saakin ang pag-iinarte mo na ayaw mong maging
Mortal Slave.”
“Sinabi nilang nag-iinarte ako?”
“Hey! I never used that term! I swear!”
“Do you think you have a choice here, mortal? You’re the one
who’s in danger at ikaw pang may ganang tanggihan ang tulong?”
Nagpanting ang tenga ko. Naalala ko
bigla ang warning ni Sylfer tungkol sa kapatid niya, ‘Just a piece of advice though. Once you meet
her, never ever disagree on what she says because probably she’s right.’
Tama si Zelsha na maarte ako dahil
ayaw kong maging Mortal Slave. Like duh! Sinong tao ang gugustuhing maging
alipin ng kapatid niyang kulang-kulang ang pag-iisip!
‘But never trust her looks… kapag nagpaloko ka lang kasi sa
ipinapakita niya, you’ll get crushed!’ A sweet lady one second, a total bitch next!
Pero hindi pwedeng magpatalo na lang
ako! Kailangan sumagot ako! “Nasabi na rin siguro ng kapatid mo—”
“Tangang kapatid.”
“Nasabi na rin siguro ng tangang kapatid mo na hindi ko naman
ginusto ang pagdala niya saakin sa lugar na ito! It was his fault! Bakit ako
lang ang kailangang mamroblema ng ganito sa pagkakamaling ginawa niya!!!”
Nang isigaw ko ‘yun, nakita kong
napataas ng kilay si Zelsha. “This is not good,” kabadong pumagitna na sa
amin si Sylfer at humawak sa balikat ng kapatid, “Sugar-baby—”
Pero hindi na natuloy ni Sylfer ang
sasabihin dahil inipit ni Zelsha ang kanyang kamay at saka tinulak palayo.
Nang lapitan na rin ako ni Zelsha,
pakiramdam ko nanliit ako sa tingin niya kahit magkasing tangkad lang naman
kami. “Listen,
both of you are of the same level of stupidity! Naging overly-trusting kayo
kahit hindi niyo alam ang tunay na pagkatao ng isa’t isa. And now you’re
blaming everything on him! It’s your fault that you got yourself drunk. My
brother’s mistake is he’s stupid since birth! Pero kahit ganyan siya, he
treated you nice by not leaving you cold and helpless in the streets of your
world! Kung gusto mong tulungan ka namin, tanggapin mong nagkamali ka rin!”
I was left speechless. But as much
as I want to talk back, I didn’t.
“Sugar-baby, you’ve said enough,” sumabat ulit si Sylfer.
“Kaya ka ginaganyan ng lahat dahil masyado kang mabait.”
“Tanggap ko na ‘yun. But please be nice.”
“She’s not even nice to you, brother. You’re protecting someone
who doesn’t even know how to appreciate it!”
“Zel!”
Tinakpan na ni Sylfer ang bibig ng kapatid niya. Tapos tumingin siya saakin
with a sorry look, “Honeybabes, ako na ang humihingi ng pasensya sayo—”
“No!”
pigil ko na sa kanya. “She’s right. You’re sister is right.”
Huminga ako ng malalim at tumingin
sa kanila na may hiya sa sarili.
All this time, Sylfer kept me safe
but I never even got to thank him. I was so selfish, all I think about is
myself! At kinailangan pa talagang mabara ako para ma-realize ko ‘yun.
So kudos to Zelsha’s hell of a
genius mind and her bloody straight-forward mouth, and screw my pride ‘cause
I’ll have to admit it.
“Inaamin ko na. Kasalanan ko rin ito. I’m sorry Sylfer for
blaming it all on you. And thank you because I will never get this far without
your protection.”
“It’s my honor to protect you, sweet cakes!”
Then I looked at Zelsha with a
sincere notion. “But
all I want is to safely go back to my world now. If I don’t want to be a mortal
slave dahil nga ‘nag-iinarte’ ko, then I’m sorry. But that’s why we’re here
because your brother said you’re a genius. Surely I know that you can think of
something else. Something better! So please, I beg you to help us find another
way. Help me, please.”
This time, sila naman ang
na-speechless sa pagpapakumbaba ko. Alam ko naman kasi kung kailan ako dapat
yumuko para tanggapin ang kasalanan ko. Alam ko rin kung paano humarap para
humingi naman ng tawad.
Lumapit na sa akin si Sylfer. Inabot
niya ulit ang kamay ko at lumuhod sa harap ko, “Ayaw mo ba talagang maging asawa ko na
lang para maging legal ka na rito.”
“Sylfer… just don’t.”
“But I’m serious! Ayaw rin naman talaga kitang maging Mortal
Slave so ako na lang ang gawin mong alipin! Alipin ng iyong pagmamahal!”
Hindi na ako nakatiis at kinutusan
ko na siya sa bunbunan para matahimik. At ang seryoso ng mga sinabi ko, humihirit
pa ng ganun! Isa pa, hindi ko pa nakukuha ang sagot ni Zelsha. “So are you
going to help us—me?” I had to ask her again. “Please?”
“I will help you only because I think na pwede tayong
magkasundo.”
“Really?”
“Aww! That settles it! I knew you won’t let us down! Ang
bait-bait talaga ng baby sis—” Sabay naming pinatahimik ulit si Sylfer. Sinapok siya sa
mukha ni Zelsha at sinikmuraan ko naman siya. “Ouch… magkakasundo nga kayo.”
Now that she agreed,
sana nga talaga makabalik na ako ng matiwasay sa mundo namin. I badly miss my
own normal world… although I’m beginning to like this world too.
End
of Chapter 8
woaahwww.. may kapatid pala si Sylfer ^o^ hoho.. ang ganda talaga... nice na jud kaayu pramis. cant wait for the next ud. omegesh.. ning samot nag kaangayan sa otherworld kay mas napalawak ang paglarawan ^o^ . waaa... hehe.. anyways. domo arigato Author ^-^..waiting sa next appudetto *o* <3
ReplyDeletewhaaa. antagal ko inantay to. Nakakaaliw. <3
ReplyDeleteSylfer <3
Ang kulit talaga ni Sylfer.. haha!
ReplyDelete