Monday, April 20, 2015

I Love You Mr. Womanizer 2: Chapter 6






MICHELLE FERNANDEZ
Two months after, nalaman na lang namin na umalis na si Eunice sa St. Jude sabi niya kung magbabago lang din naman daw siya dun na sa malayo. Mukhang nasaktan nga talaga siya ng sobra sa mga nangyari and I feel sorry for her. I just pray lang na sana maging okay na rin siya. Hindi na rin kami nagkapag-usap after nung sinabi niya sakin yung mga bagay na hindi totoo si Uno. Naisip ko maharil maaaring pwedeng ganun nga si Uno noon pero unti-unti nagbabago siya. At masasabi ko na handa akong masaktan sa pagmamahal ko sa kaniya.

After ng insidente sa Mcdo, lahat naging masaya parang in love lahat ng nasa paligid ko. Kantyawan lahat, at aaminin ko na ako man sobrang saya sa mga nangyayari. Lagi kasi kaming magkasama ni Uno. Ganun pala talaga yun, pag kasama mo yung taong mahal mo,parang hindi mo namamalayan yung oras, na lagi mong hihilingin na sana ganun palagi. Lumalim yung naramdaman namin sa isa't isa. At kami na rin ngayon, mag-iisang buwan na. Parang laging Valentine's day at ang daily routine namin, kakain sa labas after class at ihahatid sa bahay. Kilala na rin siya ng parents ko, pero hindi ko pa rin name-meet ang parents ni Uno. Busy daw kasi ang mga yun kaya ang gusto niya kung ipapakilala niya ako yung timing na timing. Sa'kin naman wala yun.

2 days na lang monthsary na namin ni Uno, hindi ko pa alam kung ano ang ireregalo ko sakniya. Gusto sanang gumawa ng cake for him kaso di ako makadiskarte ng bili ng ingredients kasi lagi kaming magkasama. Biglang lumapit sakin si Jaime, isang HRM student. "Ate Mitch, mamaya ha."

"Anong mamaya?" Takang tanong ko.

"Hindi mo ba alam? Hala lagot ako nito kay kuya Uno." Napatakip siya ng bibig.

"Ano ba yun? Sabihin mo na."

"Eh kasi diba Valentine's day ngayon? Basta ate, wala akong sinabi. Bye!" Biglang tumakbo.

Valentine's day pala ngayon? Sa totoo lang hindi ko na namalayan ang panahon, parang ang bilis na kasi ng panahon. Minsan nakakatakot ang maging masaya kadalasan kasi ang karugtung nun kalungkutan.

Napansin ko na hindi maganda ang kinikilos ng mga kaibigan ko. Di ko alam kung trip ba nila ako o may mga pakulo na naman 'tong mga 'to. Nagpapasama ako kila Kristel kanina sa canteen ayaw nila, tapos ngayon naman pilit nilang pinapasama sakin si Aisha bumababa. Malaman ko lang mga pinagagawa ng mga 'to ibibitin ko sila isa-isa.

"Ano bang ginagawa ng mga yun kasi?" Tanong ko nung nakababa na kami. Wala kasi masyadong nagkalase Valentine's day daw kasi ngayon kaya hinayaan muna mag-enjoy ang mga estudyante may mga mini event kasi, tulad ng mini concert ng mga cub sa school, hindi kasi ako mahilig sa ganun kaya di kami bumili ng ticket. May kaniya kaniyang date din siguro ang mga prof.

"Aba malay ko sa kanila basta ako sumusunod lang ako." Pumunta siya dun sa bilihan ng mga burger gutom na naman panigurodo 'tong tropa kong 'to.

"Anong oras na ba? Di ko nakikita si Uno?" Tanong ko ulit. Medyo naiirita na ako.

"Ako ba girlfriend nun bakit sakin mo tinatanong?" Walang kwentang kausap. Naglakad muna ako sa may mini park ng school siguro mga nasa ala sais na ng gabi. Di ko alam kung guni-guni ko lang si Uno ata yung nakita ko sa second floor na umakyat. Susundan ko sana kaso baka mainis lang ako. Ngayon lang ako nainis ng ganito, kasi naman di man lang nagtetext o tumawag hindi na naman kasi pumasok sa isang klase niya. Yun ang gusto kong mabago sa kaniya, hindi naman para sakin para sa kinabukasan niya. Dahil sa kalokohan niya noon, may mga babalikan pa siyang subjects kaya gusto ko sana magtino na siya this time. Nagpalipas muna ako ng init ng ulo.

"Mitch, lika na sa taas." Sabi ni Aisha.

"Oh ngayon sa taas naman, ano ba kasing plano niyo?" Irita kong sabi.

"Baka pag andyan na kiligin ka hindi ka na mainis dyan. Lika na wag ka na maarte." 

Umakyat kami sa second floor kung saan nakita ko si Uno. Pero bago yung piniring muna ng panyo ni Aisha yung mata ko. Nang makapasok na kami, madilim nung una tapos biglang binuksan yung ilaw. May table for two sa harap ko at may cake din. Lumakad si Uno papunta sakin, "Advance happy monthsary and Happy Valentine's day Michelle! Sorry kung nabadtrip ka, kasi hindi ako pumasok." Litanya niya. Alam na yun talaga ang kinaiinis ko, kasi buong araw ko na ata siyang tinetext hindi man lang nagrereply.

"Mitch, wala naman pasok, nagtext sakin yung classmate ko wala daw prof kaya pinaghandaan ko muna 'tong gift ko sayo, wag ka na munang mainis." Niyakap niya ako. As usual lumambot na naman ang puso ko. Alam niya kung ano lang ang makakapagpatigil sakin sa pagsesrmon ko sa kaniya. "Okay sige na hindi na. Nasaan na sila Kristel?" Tumingin ako sa paligid pero hindi ko na sila na kita, kahit si Aisha na naghatid sa'kin sa room nawala na rin.

"Tapos na ang gawain nila. Ang role lang nila dito ay ang inisin ka" Sabay tawa. Hinampas ko naman siya.

"Aray! Binilhan pa naman kita ng cake tapos hahampasin mo lang pala ako." Nag make-face siya.

"Okay sorry na. I love you sweet! Pinakilig mo ko ngayon. Pero wala pa akong gift para sa monthsary natin."

"Di importante yun ako lang magbibigay ng gift okay?" May inabot siya sakin na stationary. "Hindi ko alam kung pano gumawa ng isang love letter dahil hindi naman talaga ako gumagawa nun, kaya nagpatlong din ako kila Kristel kanina, kaya ka nila pinababa. Sana magustuhan mo pa rin."

Dear Mitch,

Happy Monthsary! I know I'm a hard-headed boyfriend, but I want you to know that I want to change, not because you told me so, but because I love you so much! Thank you for everything my dear! Let's go to our next chapter of our relationship! more chapters to come!

                                                                                                                              Love,
                                                                                                                              Uno

Naiyak ako at hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko sa tuwa. Niyakap niya lang ako tapos bumulong "I want to be a perfect boyfriend for you Michelle."

"Thank You Uno, I love you."

Yung hinanda pala niyang surprise ay event ng HRM students, pipili ang isang couple ng meal na ihahanda para sa valentine's day. At Ang pinili nga ni Uno ay yung pagbake ng cake dahil yun ang paborito ko sa lahat. That was the amazing part, kasi nakilala ko si Uno na hindi matyaga talaga hindi maeffort but this time natutuwa ako sa ginawa niya nakakataba ng puso.

***

Summer Vacation. Pero hindi vacation para samin, dahil may mga required summer class kami kaya kahit bakasyon na nasa school pa rin kami. Si Uno nag-summer na rin para konti na lang yung mga subject na kukunin niya next sem. Bukod sa pagsa-summer class, nagte-training din si Uno ng basketball kaya after ng class deretso kami sa gym.

"Mitch, alam mo ba kung ano yung love shoot?" Tanong niya habang naghihintay sila ng game, nakaupo ako sa bench at siya nasa court.

"Ano naman yun?" Nakangiti kong sabi.

Pumunta siya sa three points position at tumira. -- Pasok.

"Ayun ang love shoot." Sabay kindat, hindi naman mapagkakaila na magaling talaga siya sa larangan ng basketball at proud girlfriend naman ako dun. "Alam ko naman na kinilig ka wag mo nang itago." inirapan ko lang siya, pero kinilig naman talaga ako. 

Ang buong summer ay napuno namin ng mga happy memories, our relationship goes smooth, we're best friends and lovers. Pag may problema ang isa, makikinig ang isa. Mas madalas si Uno ang nagkakaproblema lalo na sa family niya, may hindi kasi sila pagkakaunawaan ng Papa niya kaya minsan hindi ko siya masisi kung bakit nagrerebelde, pero hangga't kaya ko pinauunawa ko sa kaniya yung mga consequences sa mga gagawin niya. At nagpapasalamat naman ako dahil unti-unti nakikinig siya sakin. Lumalabas kami lagi after class para nakakalimutan niya yung problema niya sa bahay.

May isang pagkakatulad kami, pareho kaming mahilig sa anime. Isang beses pumunta kami sa Otaku Conversion sa Megamall, pinag-ipunan naming dalawa yung ticket nakakatuwa kasi noon hindi magawang mag-ipon ni Uno basta hingi lang siya sa Mama niya o kaya sa Papa niya. Pero ngayon mas pinili namin mag-ipon para mas maappreciate namin yung happiness ng pinanood namin. Nakita namin yung cosplayer ni One Piece, Harry Potter, Fairy Tail at ang paborito naming cast ng Naruto. Nagpapicture kami sa mga iyon at talaga nasulit lahat ng pagod sa pagpunta, sulit yung ipon, minsan naisip ko, pano kaya nila nagagwa yung mga ganung costume? Ang laki nang nagagastos sa ganun malamang. Pero umagaw ng pansin sakin ay yung Domo Kun at sabi ko kay Uno na gusto ko magpapicture sa cosplayer na yun, ang cute cute kasi. After ng event hinabol namin yung cosplayer kaso pumasok na siya sa back stage. Papasok sana kami kasi hinarang kami nung event coordinator kasi tapos na daw ang picture taking. Nanlumo ako.

"Sayang hindi natin naabutan." Malungkot na sabi ko.

"Okay lang yun Mitch, wag ka na malungkot." Lumabas kami sa event center. Bigla talaga akog nalungkot. Sayang kasi talaga.

"Mitch dyan ka lang ha. Babalik ako." Saka umalis.

Umikot ako sa mga store sa paligid para hindi ako mainip. "Michelle!" Tawag ni Uno, nakabalik na siya mula sa kung saan. May inabot siya sa'kin na paper bag ng Comic Alley, pagbukas ko isang maliit na stuff toy na Domo Kun. "Ayokong makita ka na malungkot Mitch kaya binilhan na lang kita niyan," Another surprise from him. Naglakad kami palabas na yakap ko yung stuff toy.

"Mitch, ang daya! Ako ang nagbigay nung stuff toy pero siya lang yung love.love mo." Tinaasan ko lang siya ng kilay. Love.love means hug, hindi ko rin alam kung saan niya nakuha yung mga salita niyang yun, pambaby kasi. Nasa gitna kami ng daan sa may edsa at niyakap ko siya. "Oh ayan ha, may love.love ka na din" At bigla niya ako hinalikan sa noo, akala ata namin kami ang ang tao sa kalsda.


****

Summer vacation almost ended at nagreready na rin kami para makapag enroll next semester at 4th year na kami sa wakas, konting kendeng na lang magtatapos na kami. Naging officer ako ng student council, ako yung secretary ayaw sana ni Uno yun kasi mawawalan daw ako ng time para sa kaniya, pero dahil mapilit ako at gusto ko talagang sumali sa ganun para din sa mga experiences since last year na namin pinagbigyan niya ako.

"Basta wag mawawala yung time natin. Baka naman dyan na mabuhos lahat ng oras mo, tapos may OJT ka pa." Sabi niya. Off campus na kasi kami para sa OJT namin kaya madalang na rin talaga ako sa school.

"Promise! I love you. Thank you sa support mo Uno." Wala akong masasabi sa kaniya kung paano niya ako inalagaan kaya yung mga sinabi sakin noon ni Eunice binalewala ko na, wala n yung doubt at pagdududa. Alam ko naman na hindi lahat ng relastionship perfect, pero dahil sa mga pinaramdam niya sakin, alam ko na nagbago na nga siya talaga.

"At isang bilin ko, wag mong papagurin ang sarili mo sa mga gagawin mo okay, pag kailangan mo nang tulong dapat tatawagin mo ko, okay?" 

"Opo na po."

2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^