MICHELLE FERNANDEZ
"Our agenda for today is our incoming student festival, Michelle as a secretary of Student Coucil you are in-charge for the list of the official enrolled na mga first year. Okay?" Sabi ni Jam ang presidente ng Student Council. Sinulat ko lahat nang napag-usapan at after nun pumunta na ako sa registrar's office para i-confirm ang mga nakaenroll na first year.
"Michelle!" Lumingon ako sa bahagi ng tumawag. Si Abbie pala.
"Oh bakit?" Tanong ko.
"Hinahanap ka ni Uno kanina pa." Sabi niya.
Hala oo nga pala may usapan kami na sabay kaming kakain ngayon . Tumingin ako sa relos ko, alas dos na. Patay talaga ako nito.
"Nasaan siya?" Tanong ko.
"Andun sa second floor kanina pa siya naghihintay dun."
"Sige pupuntahan ko na." tumakbo ako paakyat sa second floor. Nakita ko si Uno naka-upo di ko alam kung naglalaro o nagtetext siya sa phone niya.
"Uno." Mahinang tawag ko.
Bigla niyang tinago ang phone niya "Bakit ngayon ka lang? Akala ko ba sabay tayong maglalunch?" May pagtatampo sa tinig niya.
"Sorry, kasi late na natapos yung meeting namin eh. Sana pala nauna ka na kumain para hindi ka nalipasan ng gutom."
"Tapos ikaw naman ang malilipasan? Okay na yung pareho tayo. Pero dahil andito ka na kumain na tayo please." Tumayo siya tapos bigla lang niya akong niyakap -- Mahigpit.
Alam kong naglalambing lang siya, isang buwan na nagsimula ang klase at madalas kaming nagmemeeting kaya hindi na kami masyadong nakakapag-usap ni Uno at kahit ang mga kaibigan ko. Malaking event kasi ang inihahanda namin. After ng morning duty sa OJT deretso naman ako headquarters ng Student Council. Buti na lang hindi na ako full load sa subjects ko ngayo.
"Hanggang kailang ba yung mga meetings niyo?" Nasa cafeteria na kami.
"Hindi ko pa sigurado. Next month na kasi yung event diba? Kaya mas nangangarag kami ngayon."
"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Nawawalan ka na ng oras sa'kin, tapos pinapagod mo pa yung sarili mo." Mukhang nagtatampo na nga talaga siya,
"Babawi ako sayo pagkatapos nito okay?"
Tumahimik lang siya buong oras na magkasama kami.
****
Meeting para sa mga president ng iba't ibang organization para sa mga contest na magaganap sa student festival, meron mga pagsulat ng tula, kwento etc., drama, sayaw at pagkanta. May mga parade din kaya malaki ang expectations samin ng mga advisers.
Nasa AVR kami at hinihintay na lang ang pagdating ni Jam. Tinatawag ko kaso hindi sumasagot.
"Michelle nasaan na si Pres? Naiinip na yung mga tao dito, may mga klase pa yung iba." Sabi ng isang ksamahan kong officer.
"Hindi ko nga alam eh, hindi naman niya sinasagot mga tawag ko sa kaniya." lagpas na kami sa sinabi naming oras. Nag-ring ang cellphone ko, si Jam ang tumatawag.
"Hello Pres? Nasaan na po kayo?" Tanong ko.
"Michelle kayo muna ang magtake charge dyan ng mga officers okay? May aasikasuhin lang ako." Kinabahan ako bigla, pano ko ba 'to gagawin. " Sige po Pres." Yun na lang ang nasagot ko.
Nagsimula na kaming magdiscuss ng mga events, mechanics at mga criteria. Ang daming tanong mga president, minsan wala na sa hulog yung mga tanong. Mga simpleng tanong ay nasagot namin ni Shie ang VP ng student council. Yung iba hindi namin masagot dahil nasa President ang desisyon, kaya para kaming ginisa sa loob ng AVR. Hindi pa naman ako sanay sa mga ganito kaganapan, natataranta ako at hindi alam ang gagawin.
Tinawagan ko ulit si Pres. "Pres, makakarating pa po ba kayo ngayon ano gagawin namin may mga tanong kasi dito na kailangan ikaw ang sumagot."
"Alam niyo na ang dapat gawin dyan. Wag niyo muna akong asahan sa ngayon. Tulungan niyo naman ako wag puro ako ang kikilos, kumilos din kayo." Nabigla ako, kasi first time niyang nakapag salita ng ganun. At sa akin pa, gusto kong sabihin sa kaniya na ako yung kasama niya araw-araw na tumutulong bakit parang ako pa yung napagsabihan na hindi nakaktulong? Nararamdaman ko na babagsak na yung luha ko.
"Shie, ikaw muna dito ha, may pupuntahan lang ako." Siguro naramdaman niya na hindi naging maganda ang pag-uusap namin ni Pres.
"Sige Mitch ako na muna dito." Mahinahon niyan sabi.
Umakyat ako sa 4th floor dahil dun ang madalang ang tao. Habang paakyat ako, iniisip ko na halos nawalan na nga ako ng oras sa mga kaibigan ko dahil puro kami meeting para sa event at wala na rin akong oras sa boyfriend ko na nagtatampo na ngayon tapos ano ang mapapala ko? Masigawan lang dahil sa kinakailangan lang si Jam sa meeting. Hindi na nga ako nagrereklamo dahil hindi naman lahat ng officer kumikilos kung tutuusin kami lang ni VP ang madalas tapos pag may ipasusuyo ka, sila pa yung akala mo pagod na pagod sa mga pinagagawa sa kanila. Tumulo na yung luha ko sa inis, sa pagkapahiya. Nilayo ko muna ang sarili ko sa stress na nararamdaman ko. Sumisinghot singhot ako, para akong bata na inaway ng kalaro.
"Hachu!"
Nakatungo ako at wala sa sarili. Bumungo ako sa kung saan, pagminamalas ka nga naman talaga natalisod pa ako. Gusto ko na lang lumubog sa kinalalagyan ko.
"Tulungan na kita, sa susunod mag-iingat ka ha.
Inangat ko yung ulo ko para malaman ko kung sino ang tagapagligtas ko ngayong araw na 'to. Biglang nanlaki yung mata ko. Si Kurt? Ano ang ginagawa niya dito? "baka dito siya nag-aaral" Pilosopongs sabi ng utak ko. Pero imposible yun dahil sa kabilang building ang mga engineering students, miminsan lang may magawi sa building namin. Siguro meron siya kaibigan o kakilala dito.
Si Kurt ang ultimate crush ko sa school sa dinamidami nang pwede makakita sa katangahan ko bakit siya pa? Gusto ko na mawala na parang bula.
Tinulungan niya akong tumayo hawak ang kamay ko inakay niya ako papunta sa bakanteng room .
"Salamat." Sabi ko.
"May problema ka ba? Wala ka kasi sa sarili mo habang umaakyat. Mukhang kagagaling mo lang din sa pag-iyak." Sabi niya hinilot niya yung paa ko.
Nahiya ako bigla. "Hindi wala. Okay na ako, wag mo na hilutin ang paa ko." Iniwas ko yung paa ko pero naramdaman ko yung matinding kirot kaya napangiwi ako.
"Wag kang malikot, ayan lalong sasakit yan pag ginalaw mo pa. Akong bahala marunong ako maghilot." Ngumiti siya sa sakin.
Napapangiwi ako pero unt-unti nawawala nga yung sakit ng paa ko. Ang galing para siyang may magic hands.
Tinitigan ko siya, siya si Kurt Legaspi ang ultimate crush ko na ngayon nandito sa harapan ko at hinihilot ang paa ko. 1st year pa lang kami nung nakita ko siya isang beses sa mini concert sa school at isa siya sa mga kumanta, hindi ko maintindihan pero nung gabi na yun nakatingin siya sa akin para bang ako yung hinaharana niya sa kanta niya. Sayang lang di kami nabigyan ng pagkakataon na magkakilala noon pero ngayon abot kamay ko na. Nahuli nga lang siya dahil may Uno na ako at hindi ko basta basta ipagpapalit.
"O-o-okay na ako." Bakit ba ako nauutal. Nakakhiya talaga sa kaniya.
"Para maka sigurado tayo, pumunta tayo sa clinic mabibigyan ka din ng gamot dun. Oh by the way, I'm Kurt. Kurt Legaspi." Gusto ko sanang sabihin na kilala ko siya kahit hindi na siya magpakilala.
"Michelle." Sabi ko.
"Michelle Fernandez right?" Sabi niya.
"Pa-pano mo na lamang?" Nakakapagtaka yun dahil wala naman kaming mutual friends.
"I have my ways" sabi niya lang. Tatayo na ako nang bigla niya akong inalalayan.
"Di ano, okay na ako. Pwede mo na akong iwan mag-isa." Sabi ko.
"Hindi ka pa okay tignan mo nga pa-ikaika ka pa." Wala na rin akong nagawa kundi magpaalalay inilagay niya ang kamay ko paikot sa balikat niya. Dahan dahan kaming bumaba sa hagdaan hanggang sa makarating kami sa 1st floor. Malapit na kami sa may clinic nang makasalubong namin sila Abbie, Kristel at si Uno mukhang hinahanap nila ako napakunot ang noo at parang iretable.
"Ano ang nangyari sayo Mitch?" May pag-aalala sa boses ni Kristel.
"Natapilok kasi ako sa taas kanina."
"Akala ko ba nasa meeting ka? Ano ginagawa mo sa taas?" May inis sa tono ni Uno.
"Wala, may ginagawa lang ako." Tinanggal ko yung pagkaka-akbay ko kay Kurt. "Si Kurt nga pala, siya yung tumulong sa 'kin." Pagpapakilala ko. Nag-hi sila Kristel at Abbie pati si Kurt pero si Uno nilapitan lang ako at siya ang umalalay sa 'kin pag punta sa clinic. "Ano pa ang masakit sa 'yo?" Tanong niya medyo mas malumanay na.
"Alis na ako Mitch, magpagaling ka!" Sabi ni Kurt. Nagba-bye lang ako sa kaniya.
"Okay na ako, wag ka na mag-alala."
"Wag mag-alala tignan mo nga yang nangyari sa 'yo?" Tumaas na ang boses ni Uno. Nasa loob na rin kami ng clinic. Sinabihan ko siyang 'wag maingay dahil nakakaistorbo sa mga tao dun.
Bumalik ako kila Shie after ko makainom ng pain killer sa clinic, tapos na ang meeting at mukhang naging okay naman ang pag-uusap nila. Sila Abbie at Kristel bumalik na sa room para sa klase ng major nila at si Uno din.
"Oh Mitch, bakit andito ka pa? Pahinga ka na mukhag di pa ganun ka okay kung paa mo." Sabi ni Shie.
"Pasensya ka na Shie iniwan kita dun." Nakaka-guilty kasi sinabak niya yung lahat ng siya lang mag-isa.
"Ano ka ba okay lang yun. Ikaw nga yung mukhang haggard na e, alam ko na hindi nagng yung usapan niyo ni Pres kaya mukhang paiyak ka na kanina."
"Nasigawan kasi niya ako, at hindi ako sanay sa ganun. Sorry talaga Shie."
"Wala yun ano ka ba. Pumunta nga ang mga kaibigan mo kanina sa AVR kaso sabi ko umalis ka."
"Oo nga eh, nagkita na kami at pumasok na sila sa mga klase nila."
"Ah ganun ba? Basta wag ka na masyadong mag-alala, okay lang yan part yan ng ogranization, dyan masusubok ang tibay ng loob mo. Mas marami pa tayong ma-e-encounter na ganiyan sa mga susunod na araw lalo sa main event natin."
****
Naglalakad kami pauwi nila Uno , Abbie, Kristel at Aisha.
"Sorry na, hindi ko naman kasi alam na hahanapin mo ako." Nasa likod kami nila Kristel, hindi pa rin kasi niya ako kinikibo mula kaninang sinamahan niya ako sa clinic.
"Panong hindi ka hahanapin, lagi ka na lang wala dahil dyan sa pagiging officer mo." Sumbat niya.
Napayuko na lang ako. Nagyaya naman sila Kristel pumunta sa tambayan namin, para daw bago man lang kami maghiwa-hiwalay maayos ang hindi pagkakaunawaan.
As usual, iced mocha ang binili para sa 'kin.
"Ano ba talaga ang nangyari Mitch? Bakit nawala ka sa AVR?" Tanong ni Kristel.
Kinuwento ko sa kanila yung pangyayari sa AVR at pag-uusap namin ni Jam, na sinigawan niya ako. Tapos binanggit ko din na kaya ako nasa 4th floor ay para maka-iwas muna sa stress na naramdaman ko sa nangyari.
"Yan ang sinasabi ko sayo Michelle, tigilan mo na nga yang pag-o-officer mo wala ka na ngang oras samin, tapos sisigaw sigawan ka lang ni Jam." Alam kong nag-aalala lang sa 'kin si Uno pero hindi ko naman basta basta pwedeng pabayaan ang Council.
"Sana sinabi mo yan samin para dinamayan ka namin sa pag-iyak mo. Alam mo naman na ayaw namin na nakikita kang naagrabyado diba?" Na-touch ako sa sinabi ni Aisha.
"Alam ko naman yun, kaso this time ayoko naman na aasa pa ako sa inyo." Sabi ko.
"Kaya dun ka kay Kurt umasa?" Iritableng sabi ni Uno.
"Uno ano ba? Tignan mong na ngang maraming iniisip si Mitch e" Sabi naman ni Abbie.
"Sorry na, hindi na yun mauulit." mababa ang tono ko.
"Sorry na din, nagselos kasi ako, dati niyang crush yun. Tapos siya pa ang nagdala sa 'yo sa clinic." Sabi naman ni Uno, parang batang nagsusumbong. Napangiti ako.
"Ang arte niyong dalawa, o tapos na siguro 'tong drama na 'to uuwi na tayo?"
"Bati na kayo? Kailangan pa ng Mcdo magkabati lang kayo." Sabi naman ni Aisha.
Natawa na lang kami lahat. Sa mga kaibigan ko na 'to wala na na akong mahihiling pa, basta may hindi pagkakaunawaan alam na agad nila kung ano ang gagawin. Masaya na ang pag-uwi at hindi na rin ganun kasakit ang paa ko.

No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^