Day 3
The Date
Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Lance pero sumobra ata ang
bait niya sa ’kin, pinag-igib niya ako ng tubig at tinulungan ako sa mga bitbit
kong materials na dala ko papunta sa room. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga kasama namin, at pati si Rizzy iba yung tingin, makahulugan na para ba siyang nang-aasar. Ang di niya alam siya yung gusto ni Lance.
“May sakit ka ba?” Hinipo ko yung noo niya? Wrong move pala ako
dun, bigla akong nakuryente na hindi ko maintindihan.
“Wala naman ate Ganda.” Ngumiti lang siya. Ang gwapo pala niya.
Singkit ang mata at may maamong mukha. “Wag mo kong masyadong titigan baka ika’y
tuluyang mabighani sa aking kagwapuhan.” Inirapan ko lang siya at nauna na akong naglakad.
“Hello magandang umaga sa inyo.” Naghihintay na ang mga bata sa akin. Habang tumatagal mas gumagaan
yung pakiramdam ko sa mga bata na nasa harap ko. Nakita kong malinis sila
ngayon. “Mukhang naligo kayo ngayon ha. Mabuti naman, dapat laging ganiyan para
hindi kayo nagkakasakit. Kapag madumi kasi mas kinakapitan ng mga germs.”
“Ate Ganda ano germs?” Tanong ni Daniel.
“Sabihin mo nga Daniel, Ate Gan-da, an-o po yung germs?” dahan
dahan kong binabanggit.
“Ate ganda ano po yung germs?”
“Wow! Very good Daniel” Talagang nakakatuwa na makitang may
progress yung mga ginagawa ko kahit pang-two days pa lang namin dito. Sa kabilang dako may isang nilalang na nakangiti
sa ginagawa ko. – Si Lance. Nagthumb-up pa siya para malaman ko na natutuwa siya
sa pagbabago.
Nakakataba ng puso, may nakakaappriciate sa mga ginagawa mo. Naglaro kami at sumayaw, kumanta para sa aralin namin sa araw na yun. Kahit nakakahiya dahil nakatingin si Lance, okay lang para naman sa mga bata ang ginawa ko.
Lunch time. Dinalhan na lang ako ni Lance ng pagkain di ko kasi
namalayan na lunch break na, inaayos ko yung mga gagawin pa nila Daniel bukas
sa klase.
“Salamat!” Namula na naman ang pisngi ko
"Ang cute mo mag-blush." Asar ni Lance. Hindi ko maintindihan, kung si Rizzy ang gusto niya dapat dun siya sa pwesto ni Rizzy tumatambay, o kaya siguro kaya 'to lumalapit sa 'kin magpapatulong kay Rizzy. Mabait naman siya kaya sigurado ako na magugustuhan siya ng kaibigan ko, ang swerte ni Rizzy kasi may isang tao na katulad ni Lance na mukhang gustong gusto siya.

“Wag mo masyadong pagurin ang sarili mo. Pero nakakatuwa kasi
ngayon mukhang gusto mo na ang ginagawa mo.” Sabi niya, nakakatuwang isipin na sa unang pagtatagpo namin halos isumpa ko siya pero ngayon siya ang nag-che-cheer-up sa 'kin.
“Oo sobra, balak ko ngang bumalik dito sa susunod. Siguro matutuwa ang
mommy ko nito kasi ang unica ija nila natuto nang magbigay sa iba.” Ngumiti ako
sa kaniya.
“Sigurado yan!"
"Hati na tayo dito sa lunch na dala mo.” Hinanda ko na yung pagkain at hinati sa dalawa.

“Di ko tatanggihan yan, lalo kung si ate Ganda ang nagyaya.”
Tumawa lang ako. Siguro nagpapa-good shot lang ‘to sa’kin para
kay Rizzy.
“Close talaga kayo ni Rizzy?” Bigla kong tanong.
“Oo bata pa lang kami sobrang close na namin, alam ng isa’t isa
ang mga sikreto. She’s a sister I never had. Kahit na mas matanda ako sa kaniya
minsan para siya pa nga yung ate sa 'ming dalawa.”
“Talaga? Bakit hindi ka niya kinukwento sa’kin noon?” 4 years na
kaming magkakilala pero kahit kailan hindi naming napag-usapan si Lance o kung
may kaibigan siya na close niya bukod sa’kin.
“Siguro kasi baka main-love ka daw sa’kin.” Tumaas kilay ko
“JOKE! Sungit mo talaga.” Kinurot niya yung pisngi ko.
“Ewan ko sayo.” Tinuloy ko ang pagkain.
"Siguro kasi hindi ka lang magiging interesado pag kinwento niya ako sayo. Kasi sabi niya sa 'kin noon, mas gugustuhin mo ang magbasa ng libro at humarap sa canvas mo kaysa makipagchismisan tungkol sa mga lalaki."
Well, totoo naman yun nakakairita kasi minsan yung usapan tungkol sa mga lalaki, kung bakit nila crush o bakit sila na in love dun sa lalaki. Sa books kasi hindi ganun ka-OA yung mga scene unlike sa reality na tumitili tili pa.
Tumango lang ako. "Bakit wala ka pang boyfriend Shimara?" Napatigil ako sa tanong niya. "Pano mo naman nasabi na wala ako boyfriend?"
Nagkibit balikat lang siya. "Hula ko lang."
"Well sa tanong mo na yan, hindi sa hindi ko gustong magkaboyfriend, pero sila ang may ayaw sa 'kin. I don't care! Di naman sila kawalan at kaya kong mabuhay kahit walang ganun."
"Malay mo makatagpo ka ng lalaking para sa 'yo. Ano ba ang aayawan sayo, maganda ka, matalino, mabait"
"Nagpapatawa ka ba? Di ako mabait, masungit ako sa lahat, at hindi na ako umaasa, sa novels lang merong happy ending" Ang bitter nang pagkakasabi ko.
"Let's see."
Nagkwentuhan pa kami ng maraming bagay. Nalaman ko din na 2 years na silang wala ng girlfriend niya dahil nagkaroon ng ibang karelasyon 'yong babae. That was hurt, wala talagang happy ending sa real life pagdating sa pag-ibig, sasaktan ka lang ng mga 'yon.
"May mahabang bridge dito, gusto mo bang makita? Sabi kasi ni Rizzy mahilig ka sa mga nature adventure, makikita mo dun yung ilog na karugtong ng dagat na yan." Nagliwanag yung mata ko sa sinabi niya.
"Ang dami naman atang nakwento ni Rizzy sa 'yo tungkol sa 'kin. Pero sige, gusto ko pumunta dun!" Para akong bata na nakatanggap ng isang magandang laruan.
"Ano pang hinihintay mo, lika na?" Sabi niya.
"Magpapalit lang ako ng damit at dadalhin ko yung canvass ko para makapag pinta ako." sabik na sabik na akong makakita ng mga
"Kahit naman anong isuot mo maganda ka pa rin." Namula na naman ang pisngi ko.
Bumalik ako sa tent, nagshower at nagbihis ako ng simpleng pants at spaghetti strap na pinatungan ng jacket at boots. Nagpabango ako at naglagay ng light make-up. Tignin ko ang sarili ko sa isang maliit na salamin. Perfect.
Lumabas ako bitbit ang canvas ko, gusto ko sanang mag-drawing magandang tanawin na makikita ko. May mga volunteers sa labas at mga ilang bata at mga elder. "Wow ang ganda mo naman ate Shimara." Sabi ng isang volunteer na teenager. Biglang parang gusto kong bumalik sa loob. Sanay ako sa mga papuri pero ngayon bigla akong nailang. Nakita ko pa si Lance na nakatitig lang sa 'kin. Si Rizzy naman napangiti nang wagas, halatang nang-aasar pa.
Lumapit sa 'kin si Rizzy. "Saan naman ang date ng best friend ko?" Tukso niya.
"Hindi yun date. Kung gusto mo sumama ka pa sa 'min." Baka nga mas gusto pang isama ni Lance si Rizzy sumingit lang ako.
"Ayoko nga! Maka-istorbo pa ako sa inyo." Kumindat pa. "Hoy Lance! Ingatan mo 'tong best friens ko, baka biglang maligawan yan." Sigaw niya kay Lance.
Tumawa lang si Lance at lumapit sa 'kin.
"Grabe baka naman mapaaway ako sa kagandahan mo. Shall we?" Inabot niya ang kamay ko may sasakyan nanag-aabang samin. Laki gulat ko andun si Renz.
"Hi ate Ganda, di ko na po pala kailangang ipakilala sa 'yo ang kuya ko kasi magkakilala na kayo." Katayo siya sa labas ng sasakyan.
"Siya ang kuya na sinasabi mo?" Tumango lang siya.
"Mukhang binuko na ako ng kapatid ko sa 'yo ah." Sabi ni Lance habang hinahanda ang mga dalahin at pagkain.
"Akala ko mga nasa 12 years old lang ang kuya na sinasabi niya."
"At nagulat ka na ang gwapo pala ng kuya na sinasabi niya?"
"Hindi, makapal pala ang mukha."
"Ouch." Sabay hawak sa dibdib na kunwari nasaktan.
Tumatawa lang si Renz. Sumakay ako sa likod. "Ate, hindi ka dyan. Dun ka sa unahan katabi ni kuya Lance."
"Bakit? Dapat dun ka." Baka iba pa isipin ng tao pag dun ako umupo.
"Ayaw niyo ba akong katabi?" Nakalabing sabi ni Lance.
"Ay nag-narte okay dun na sa unahan."
"Napilitan pa si Ganda."
Umandar na ang sasakyan, ang ganda ng mga tanawin, ito ang gusto ko pag sa probinsya malayo sa polusyon ng Maynila, bukod sa pagsho-shopping gusto ko rin ang magtravel, marami na akong napuntahang lugar pero kakaiba 'tong lugar na ito sa paningin ko. Nakita ko kung gaano ka green yung paligid puro bukid lang ang makikita. Simple lang ang buhay hindi tulad sa kinagisnan ko na puro establishment, malalaking building. Dito parang lahat ng tao kuntento sa kung ano ang meron sila. May nakita ako na grupo ng mga magsasaka na masayang kumakain sa ilalim ng puno. Ang payapa nilang tignan. Nasa 30 minutes lang byahe namin.
"Andito na tayo." Sabi ni Lance."
Napanganga ako. "Wow! Ang ganda!" Ang haba ng bridge ang dulo ay yung bundok. Sa ilalim yung ilog na sinasabi ni Lance na nagduktong sa dagat dalampasigan na tinambayan ko kahapon.
Umupo ako sa gilid ng bidge dun sa may lubid, sinimulan kong gawin yung canvas ko. Ang gandang tanawin ng dagat na para bang hinahalikan ng ulap. Nasa kalahati na ako ng ginuguhit ko nang maramdaman kong may tumabi sa 'kin.
"Ang seryoso mo naman. Hala! Wow! Ang ganda nang pagkakagawa mo." Manghang mangha siya sa itsura niya.
"Ang OA mo naman dyan, simple pa lang 'tong ginagawa ko nganga ka na dyan."
"Simple pa ba yan? Pang-professional na nga yan eh." Sabi niya.
"Bakit hindi fine arts ang kunuha mong course?" Tanong niya bigla.
"Gusto ko rin sana nun kaso sabi nila dad walang pera dun kaya hindi ko na rin pinilit, kahit naman brat ako masunurin pa rin ako sa magulang ko in terms of professionalism. Kaya ang kinuha ko yung malapit sa course ko." Sabi ko.
"Interior designing"
Tumango lang ako. "Hayaan mo pag nagkaroon ka ng bahay, may discount ang pagdedesign ko."
"Hali na kayo, kumain na tayo nagugutom na ako." Sigaw ni Renz mula sa ibaba ng bridge. Tumawa kami dalawa kasi kanina pa pala paikot ikot si Renz at nag pipicture ng paligid. Nag-aaral kasi ng photography sa murang edad.
Papalubog na ang araw nang maisipan namin umuwi.

>>> CHAPTER 4 HERE
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^