:Side Story 8:
(The Author)
Two and a half years ago...
“Sugar-baby, what are you doing?”
“Something that is none of your business!”
“Sungit! Ano ba kasi ‘yang binubutingting mo?”
Lalapitan na sana ni Sylfer ang
kinaroroonan ni Zelsha pero binato siya nito screwdrivers na animo’y throwing
knives lang.
“Hanggang dyan ka na lang! I’m working on a refractor telescope with a laser beam
welding.”
“Cool kahit hindi ko masyadong naintindihan!” Saka napansin ni Sylfer ang isang
red button. May nakalagay na sign board doon na ‘DO NOT PUSH’ pero dahil
sadyang ipinanganak na kulang ang turnilyo niya sa utak, nati-tempt siyang
pindutin ito.
Para hindi tuluyang ma-hypnotize ng
mahiwagang red button, nag-isip na lang ito ng ibang pagkakaabalahan. “Anyway, dahil
makiki-stay muna ako rito, anong gusto mo for dinner? Ipagluluto kita lil’
sis!”
“I want a steak and you out of my sight,” sagot
ni Zelsha. She’s as cold as usual kapag kausap ang Kuya niya. Bata pa lang
sila, ganyan na sila kaya huwag na kayong magtaka. “Why are you even here, Sylfer? May Ranking Quest ngayon sa Wizardry Camp,
‘di ba? Aren’t you supposed to be there?”
“I’m not participating this year. It’s boring!”
“Akala ko ba gusto mong maging Class A na?”
“Yeah, but only if I defeat Zaffiro during the Elemaze.”
“Brylle Zaffiro? Isn’t he dead? Nahulog siya sa No-magic Zone ng
Erden Valley.”
“And you actually think na hindi niya masu-survive ‘yun? It’s
Brylle we are talking about! He’s my rival so he can’t be that weak and die
just like that.”
“Then why hasn’t he come back yet?”
“I don’t know.” Napakibit-balikat na lang si Sylfer.
“He’s not
dead, that’s it. Isa pa, sinabi ni Princess Love na babalik siya so ganun din
ang paniniwalaan ko. Oh and speaking of Princess Love, you should meet her!”
“You said you’re friends with her so no. She’s probably as
stupid as you.”
Natawa na lang si Sylfer. “Ang sakit mo
talagang magsalita! Buti na lang kapatid kita!” At kukurutin niya
sana sa pisngi si Zelsha pero ang kamay niya ang inipit gamit ang isang giant
pliers. “AWW!
Sugar-baby, ‘wag mong putulin ang daliri ko!”
“Sabi ko kanina, hanggang doon ka lang, ‘di ba!?”
“Yeah, I know! Babalik na nga ako! Babalik na ako!”
Pero kakabit ng pangalang Sylfer ay
kamalasan. Paalis na sana upang tuluyang hindi maputol ang kanyang kamay, kaso
natalisod pa siya ng wires sa sahig at ‘di sinasadyang napindot niya ang red
button.
Nakatutok ang laser beam sa kisame
at tuluyang nag-iwan ng malaking butas sa bubong ng laboratoryo ni Zelsha.
“I’m sorry! Hindi ko sinasadya!” Paatras nang naglalakad si Sylfer
dahil unti-unting bumabalot ang itim na aura sa mukha sa kanyang kapatid. “Aalis na ako!
Hindi na kita guguluhin! I’m sorry! I’m sorry!”
“SYLFEERRRRRRRRRRRRRRRR!!!”
Muntikan nang mamatay si Sylfer
noong araw na ‘yun. Mabuti na lang at nakatakas siya at nakapagtago sa Auserwalt
Palace.
End
of Side Story 8
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^