"Inardesco!" A small ball of light appeared at the tip of my black wand as soon as I cast a spell. Nabigyang liwanang nito ang madilim na espasyong nilalakaran ko. Madali akong lumakad sa corridor patungo sa left wing kung saan naan doon ang library. Nang makarating sa tapat ng malaking pinto agad ko 'tong binuksan pero naka-lock. Itinutok ko ang wand ko sa lock at muling nag-cast ng spell, "Apertus!"
Napangiti ako nang may marinig akong click. Sinigurado ko munang walang nakatingin sa akin bago ako pumasok sa loob. Inumpisahan kong isa-isahin ang shelf. Nagbabakasakaling makita ko ang librong noong isang linggo ko pa hinahanap. Kailangan ko na siyang makita, dahil last day na ng term namin dito sa Matchedry University. At two months pa bago magsimula muli ang pasukan.
Makalipas ang sampung minto hindi ko pa rin makita ang libro. Nakarating na ako sa pinaka-dulo. Pero wala pa rin. Pinagpapawisan na ako. Hindi rin ako pwedeng mag-tagal dahil baka biglang mag-libot dito ang care taker na si Flicor at mahuli pa ko. Mas lalong magiging problema sa'kin pag na-expel ako.
"Nasaan ba 'yon? Imposible namang wala sila noon! One of the Legends ng Astrofegnia ang author n'on!"
Iginapang ko ang daliri ko sa bawat librong madaanan ko hanggang sa makarating ako sa dulo, ibabang bahagi ng shelf. In the end, wala akong nakita. Napabuntong hininga na lang ako at aksidenteng naitulak ng daliri ko ang huling libro.
Napaupo ako sa lapag at namatay ang light ball na ginawa dahil sa gulat ng biglang gumalaw ang bookshelf. Umurong ito pakaliwa at bumungad sa akin ang isang madilim na espasyo. Nasa state parin ako ng pagkagulat kahit na ba marahan na akong tumayo at lumakad papasok. Tapos ay muling sumara ng kusa ang bookshelf kaya naman mas lalong dumilim ang paligid.
"Inardesco!" Muling nag-liwanag ang paligid dahil sa light ball. Isang malaking bakanteng kwarto lang ang naroon. Kahit na ba tumatagos ang liwanag ng buwan sa malalaking bintana ay madilim parin ang paligid. Thanks to Advance Charm subject ko at natuto ako kung paano makagawa ng light ball.
Sa gitna ng kwarto ay may isang lumang wardrobe. Nilapitan ko iyon. Sinubukan ko siyang buksan pero naka-lock siya sa loob. "Apertus!" Muli kong cast ng spell.
Nag-echo sa loob ng kwarto ang pag-click ng lock, bagay na ikina-gulat ko. Kinabahan tuloy ako at bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba. Alangan kong binuksan ang wardrobe. Umalingaw-ngaw sa paligid ang ingay na gawa ng pinto dahil sa dry na turnilyo. Unang bumulaga sa aking ang librong hinahanap ko na nakapatong sa lapag. "History of Dark Magic by Wolfgang!" And finally! Nakita ko rin siya!
Bubuksan ko na sana ito para i-scan pero nakuha ang atensyon ko ng isang kurtinang itim na naka-sampay sa harapan ko. Parang may kung ano bagay na humahatak sa akin para buksan ang kurtinang iyon. Out of curiousity, dahan dahan kong inilapit ang kamay ko para buksan ang kurtina. Ilang sentimetro na lang at mahahawakan ko na siya ng bigla akong may marinig na kaluskos.
Madali kong isinara ang pinto ng wardrobe. Kusang bumukas ang bookshelf ng tumapat ako sa kaniya. Bit-bit ang libro ay dali-dali akong lumabas ng library at tumakbo pabalik sa house dorm namin. Hingal na hingal ako at pawis na pawis. Inilapag ko sa kama ang wand ko at hinubad ang red cloack ko, niluwangan ko ang red neck tie kong may printed name ng school at in-unbutton ang itaas na bahagi ng uniform ko.
"Whew!" Wika ko ng unti-unti akong kumalma.
"Jay, saan ka galing? Dis-oras na ng gabi?" Tanong ng naalimpungatang si Dian Cullen. Siya ang best friend at ka-roommate ko. Hanggang ngayon ay suot niya pa rin ang mask niya. She was so tired last night, kaya naman nakatulog siyang hindi natanggal ang mask niya. Bumangon siya sa kama at sumayad sa sahig ang long white night gown niya. I always admire her long, black silky hair. Dry kasi ang akin. Well, at least may height naman ako kumpara kay Dian.
Kung maputla ang kulay niya, doble naman doon ang akin. Isang bagay lang ang pareho kami. Iyon ay ang pagiging cute namin! Wala ng kokontra!
Lumakad si Dian palapit sa akin, napasapo siya sa dib-dib nang mapadaan siya salamin ng bintana. Sumilay ang takot sa mukha niya. "Gho---ghost!"
"It's just you Dian! Nasaan nanaman ba 'yang salamin mo!" Naiiling kong sabi sa kaniya, malabo kasi ang mga mata niya. Pagkuway ibinaling ko ang atensyon sa librong ninakaw ko sa library.
"OMG! Nakalimutan kong tanggalin ang mask ko?!" Gulat niyang aniya sa sarili ng maisuot niya ang salamin at makita ang repleksyon sa bintana. Nilingon ko siya saglit at muling nag-patuloy sa pagi-scan ng libro. Full of dark magics written on this book. Kaya siguro nakatago ito doon sa wardrobe. Hindi naman sa gusto ko matuto ng dark magic kaya ko 'to ninakaw, may isang bagay lang kasi akong hinahanap na sa libro lang na 'to makikita. "Saan ka nga ba nang-galing?" Muling tanong ni Dian nang maalala niya kung bakit nga ba siya nagising.
"Pumunta ako sa library para nakawin 'to," ipinakita ko sa kaniya ang libro. Takot ang pumalit na kanina lang nakangiti niyang mukha. Nagpalinga-linga si Dian sa paligid bago siya lumapit sa akin.
"Jaydee Ron du Vaux! Ano sa tinin mo ang ginawa mo?! Pwede kang ma-expelled dito sa Matchedry pag nalaman ng headmaster ang kabaliwan mo!" Galit niyang bulong sa'kin.
"Not unless you speak about this," pumihit ako patalikod para maiwasan siya at binaliwala ang sinabi niya.
"Hanggang ngayon ba iniisip mo parin na pinatay ni Amadeus ang mama mo?" Saad ni Dian in her desprate voice, inis ko siyang nilingon at galit na sinagot.
"Of course he did! I was there when he killed her! He was so jelous because my mom chooses my dad and he decides to kill her! Bloody sorcerer! Once I become stronger, I'm gonna kill him!" Bigla na lang nabuhay ang galit sa dib-dib ko nang maalala ko ang nakaraan.
Seventeenth birthday ko noon, sa mundo ng mga vulgus, kung saan nagdesisyon kami ni mama na mamuhay ng normal gaya nila. Lumayo sa Astrofegnia, ang magulong mundo ng mga magus, a pure blood witches and wizards.
Masaya ako ng una kaming dumating sa mundo na iyon. Marami akong nakilalang kaibigan. But of course, they don't know my true identity. That I'm a pure blood witch. Baby pa lang ako ng mamatay ang papa ko. Hindi na idinitalye ni mama kung ano ang ikinamatay niya. Basta ang lagi lang ipinapaalala ni mama ay mahal na mahal ako ni papa.
Gaya nga ng sinabi ko, masaya kami ni mama sa mundo ng mga vulgus. Pero ang hindi namin alam, kahit pala sa mundong iyon ay hindi kami safe.
Nasa kitchen ako noon, masayang nilalagyan ng dekorasyon ang cake na ginawa ng mama ko para sa akin habang si mama naman ay abala sa pag-luluto ng spaghetti na ni-request ko. Masaya kaming nagtatawanan ng may biglang dumating.
It was Amadeus, kasama ang faithful servant niyang si Ludwig. Malinaw parin sa utak ko kung saan nila kami dinala noon bago patayin ni Amadeus ang mama ko. Sa likod ng isang dark old castle. Sa tapat ng isang fountain na may black phoenix statue sa ibabaw. May nakatuhog na dalawang espada sa magkabilang pakpak nitong nakasara.
"Dalawa lang ang pag-pipilian mo, Ethlene. Ang mamatay ang anak mo o isasakripisyo mo ang buhay mo para sa kaniya?"
"'Wag mong gawin 'to Amadeus, parang awa mo na," pagmamakaawa pa ni mama pero hindi niya 'yon pinakinggan!
Walang nagawa si mama kundi ang umiyak habang nakatingin siya sa akin. Nilapitan niya ako at hinubad ang kwintas na suot niya. May pendant iyong black pearl. Isinuot niya ito sa akin, hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at nginitian. That was the last smile she gave me.
Naalala ko pa 'yong golden brown niyang mga mata na namana ko. Ang black wavey short hair niyang may ilang strands na nakakalat sa mukha niya. Ang namumula niyang pisngi at ilong dahil sa pag-iyak. For the last time, niyakap niya ako ng mahigpit.
Wala rin akong nagawa ng mga panahong iyon. Sobrang lakas nila na umabot pa sa puntong hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Gustuhin ko mang sumigaw ay hindi ko magawa. Gustuhin ko mang lumaban pero hindi ko ma-break ang spell na naka-balot sa katawan ko. Panay lang ang tulo ng luha ko.
Naka-luhod si mama sa tapat ng fountain, sa tapat ni Amadeus. Umiiyak habang hawak nito ang sariling mga kamay. Sa isang kumpas ng kamay, may lumabas na gold chalice sa kamay ni Amadeus. Ibinigay niya iyon kay mama at walang duda naman iyong ininom ni mama. And with a split of second, bumagsak si mama sa lapag. Only to realised she was dead! And Amadeus killed her!
Matapos ng gabing iyon ay dinala ako ni Amadeus at Ludwig pabalik sa Astrofegnia at pinag-aral dito sa Matchedry University. School for witches and wizards. At first, ayaw kong pumayag. Pero ng maisip kong makakatulong ang pagaaral ko dito para mapalakas ang sarili ko at maipag-higanti ang pag-kamatay ng mama ko. Pumayag akong sumama sa kanila at manirahan kasama nila. Next week, mag-iisang taon na ang pagkamatay ni mama. Konting tiis pa at maipaghihiganti ko rin si mama.
"At saan mo naman nakuha 'yang idea na nagselos si Amadeus sa papa mo kaya pinatay niya ang mama mo, Jay?" Tanong ni Dian, obviously, hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Galit akong tumayo at pasigaw siyang sinagot.
"I saw it! I read it!" Giit ko. Kumunot ang nuo niya. Tumayo na rin siya mula sa kama ko para harapin ako.
"Saan?"
"In his journal! Nabasa ko sa journal niya kung gaano niya kamahal ang mama ko. How devoted he is to my mother! How willing he is to sacrifice his own slag life for her! And I even read how he hates my father and wishes him to die!" Nanginginig ako sa galit, kung kaya ko lang talaga tapatan si Amadeus ngayon! Papatayin ko talaga siya eh!
"And did he wrote about killing your mother?" Humalukipkip pa si Dian at nag-taas ng kanang kilay.
Napa-isip ako sa tanong niya, meron nga ba akong nabasa? "E---ewan ko! Nahuli niya kasi ako noon. After niya ko mahuli, hindi ko na nakita pa yung diary niya," paliwanag ko.
"I just wish hindi imbento yang mga pinagsasabi mo, Jay," in the end sumuko din si Dian sa pakikipag-talo. Sa tuwing mag-tatalo kami, siya ang parating nauunang sumuko. Hindi niya kasi kaya ang katigasan ng ulo ko.
"Of course not! Bakit naman ako magi-imbento ng isang bagay? Pinatay niya talaga ang mama ko!"
"But what's the use of killing your mother kung pwede naman siya muling suyuin ni Amadeus? I mean, patay na ang papa mo di ba? Besides, sinabi na nga ni Amadeus, 'no dark magic can kill your mother' remember?"
"That's why I took that book! I know, all the answers are there! And for your question about why he decides to kill her? Kasi faithful si mama kay papa! Hindi niya kaya ipagpalit kahit na kanino!" Bumuntong hininga na lang ako sa kaniya at napailing naman siya.
Ngunit natigilan siya at napakapit sa akin. Bakas ang takot sa mukha niya habang nakatingin siya sa likuran ko.
"Jay.... sa likod mo," mangiyak-ngiyak niyang wika. Kunot nuo akong lumingon, laking gulat ko nang may isang elf sa ibabaw ng kama ko. Human form siya pero nasa-three feet lang ang taas niya. Long pointed ears. Maliit ang mga mata niya at witchy nose. Wala siyang buhok sa itaas na bahagi ng ulo niya. Nasa gilid lang ang silvery long hair niya na parang nakadugtong na rin sa silvery long beard niya.
Naka-suot siya ng faded brown coat and pants, big leather shoes. May hawak siyang baston na parang torch dahil may ilaw ito sa ibabaw. Naka-tingin siya sa amin ni Dian. Pero ng makita kong nakatapak siya sa libro ng Dark Magic, kinapa ko ang wand ko sa likod, naipatong ko nga pala sa kama ko yun! Nang masulyapan ko ang wand ni Dian, madali ko itong dinampot sa gilid ng kama niya at nag-bato ng spell sa nilalang.
"Inmovil!" Pero mabilis na nawala ang elf nang ipitik niya ang daliri niya. Tumama sa gamit ko ang spell at nag-kalat ito sa lapag na naging dahilan ng pagkabulabog ng dorm namin.
And worst! Worst pa sa sermon ng headmaster namin! Tinangay ng walang hiyang creature ang librong ibinuwis ko pa ang buhay ko para manakaw lang!
---------
End of Chapter 01: The One Who Killed My Mother
To be continued....
Eun, ang husay ng pagka-edit mo! *O* I'm gonna read this!
ReplyDeleteBinabasa q rin ung Unbreakable Spell mo! Hehe.. waiting kaya aq sa next UD..
Delete