HILING NG PRINSESA
Juilianna Lois
Pagbuo ang pamilya may ama at ina
Ngunit tila ba ako ay nangamba
Dahil isa sa kanila ngayon ay wala
Ano ang dapat gawin ng batang nangungulila?
Araw nang pagtatapos,
Hinihintay ang iyong pagdating.
Akala ko ba pagmartsa ko'y iyong panonoorin?
Nasa loob na ako ng bulwagan wala pa rin.
Tinawag na aking pangalan sa entablado
Lumingon ako at umaasa na makita ka
Pero wala ka talaga, hanggang sa aking pagbaba
Hawak ko sana munting regalo ko.. Aking diploma
Dumaloy ang luha sa aking pisngi
Hiniling ko sana'y andito ka aking ama
Sa kasawiang palad ika'y andun sa ikalawang pamilya
Ano ang gagawin ng batang nangungulila?
O ka'y hirap kapag ang pamilya ay wasak
Dobleng dagok sa mga anak
Hati ang oras, hati ang atensyon
Paririto ba o paroroon?
Isang hiling mula sa'yo aking ama
Paglakad sa altar sana'y andun ka
Hiling ng iyong unang prinsesa
Wag mo sanang mabigo pa.
Author's Note: Entry for Saddest Poem Challenge :) Iyak ako after ko matapos 'tong tula </3 mesheket HAHAH . But behind this poem, I'm still a Papa's girl. He only princess :) <3
Noong una, hindi talaga akomaka-relate sa mga usapang broken-family. Siguro dahil pinanganak ako ng masaya at buo ang pamilya. Pero noong magkaroon ako ng friends noong college na may ganitong pinagdaraanan, alam ko kung gaano kalungkot. Kaya nalungkot din ako noong mabasa ko ito. I mean, naka-relate ako para sa mga kaibigan ko. Gusto na lang kitang i-hug din ngayon Mae. TT^TT
ReplyDeleteNaiyak ako dito. nanindig ang mga balahibo ko. Nakakarelate ako kasi you know naman my situation today. Thumbs up Baby Mae! Galing!
ReplyDelete:* <3 HUUUUUUUGGGSSS!!!
ReplyDeletePucha! Nag-comment na ako kanina eh. Bakit wala? Nakalimutan ko na nailagay ko.
ReplyDeleteHindi rin naman ako maka-relate, kasi wala naman akog close friend na member ng broken family. Pero kapag naisip ko, mahirap. Ang sakit isipin. Ano pa kung nangyayari na talaga?
*BFF HUGS*
ReplyDeleteIt took me to another world an oblivious world of which I am not familiar. In the very few seconds of reading i felt the anguish and the emptiness stirres with vigor. I then have contemplated to such abhorrent pain that surges to the fictional character's hypothetical heart. Very well written
ReplyDeletesheeeeeyt >______<
ReplyDeletetulo luha ko dito ah ..
naalala ko graduation natin dhay :(
T_T Nakakalungkot sis.
ReplyDeleteI know the feeling </3
ReplyDeleteI know the feeling </3
ReplyDeleteI know the feeling </3
ReplyDeleteAw </3
ReplyDelete(TT_______TT) Huhuhu! Halika dito, i-hug kita!
ReplyDelete