Tuesday, April 21, 2015

Palimos ng Pag-ibig



Palimos ng Pag-ibig
Shinaya Waara


Sa aking isipan ay may mga katanungan
Bakit ang tulad ko ay lagi na lamang naiiwan?
Bakit ang puso ko ay laging nasasaktan?
Pagmamahal lang naman ang aking kailangan.

Bakit nga ba tila ang mundo ay kay lupit?
Sa isang tulad ko, kasiyahan ay tila ipinagkakait
Bakit ang natatanggap ng puso ay puro sakit?
Sa mga palad ko ba ito ay nakaukit?

Hindi ko hinihiling ang anumang yaman sa mundo
Mga materyal na bagay o kahit anong luho
Kasikatan o kagandahan ay hindi ko gusto
Pagmamahal lamang ang tanging hanap ko.

Ang nais ko lamang ay maging masaya
Katulad ng iba na pagmamahal ay nakukuha
Isang araw akala ko ay nakamit ko na
Subalit bakit nga ba ang hilig makialam ni Tadhana?

Ang lahat ng pangarap ay bumagsak
Sa mga mata luha ay pumatak
Tila patalim ang sa akin ay itinarak
Nang iwanan ang puso kong wasak na wasak

Ngayon ikaw ay nasa piling na ng iba
Ako nga ba ngayon ay hindi na naaalala?
Mga pangako mo sa akin ay naglaho na nga ba?
Hanggang kamatayan ang sumpaan natin noon di ba?

Sa harap ng altar tayo ay nagsumpaan
Saksi ang Maykapal pagmamahalang walang hanggan
Subalit isang araw ano nga ba ang dahilan?
Pamilyang ating sinimulan bakit mo tinalikuran?

Sa responsibilidad nga ba ikaw ay takot?
Gulo ng isipan ang sayo ba ay bumalot?
Pakikipaghiwalay ang para sayo ay sagot
Iniwang sugatang puso ko ano nga ba ang gamot?


A/N : Aware naman ang lahat sa pinagdadaanan ko. Hindi ko na ieexplain. Kayo na ang bahalang humusga.

12 comments:

  1. ang shaket </3 yun lang ang naramdaman ko. pang telenobela e. T_T

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ipapadala ko sa MMK ang kwento ko hehe baka sakaling manalo haha!

      Delete
  2. Nakakarelate ako dito lalo na sa part ng laging iniiwan

    ReplyDelete
  3. tulo luha, umoonse sipon. wala na naman akong tissue, pahid na lang sa damit.

    wala na. talo na talaga ako. di bale, papatawanin ko na lang kayo sa entry ko. =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Natawa ako dun sa umoonse sipon haha sabi ko "'Ano yun?"

      Delete
  4. SLOW CLAP. Hindi lang hugot ang naramdaman ko rito. Medyo relate na rin dahil nakaranas na akong mamalimos ng pag-ibig. Choss. Pero isa lang ang masasabi ko, masakit na ulo ko. Pinahihirapan niyo ako sa mga entries niyo. Buti na lang, hindi lang ako ang mag-isang magja-judge nito. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nung una hindi ko nagets yung "slow clap"' akala ko hindi mo nagustuhan ang ginawa ko hahaha!

      kaya mo iyan. pahirapan mo din ang mga kasama mong judge hehe.

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^