Lola
Madonna
Noong bata pa ako ikaw ang
dahilan kung bakit ako laging nagsisimba,
Ikaw na lagi akong tinatapik sa
balikat kapag ang ingay ko na.
Bilib ako sa’yo kung paano mo
dalhin at alagaan ang iyong sarili,
At mahalin ako na parang isa ako
sa apo mo na laging ice cream ang pinapabili.
Noong mag-dalaga ako nakalimutan
kitang dalawin at kamustahin,
Masyado kasi akong abala sa
paghahanap ng tao na magmamahal sa akin.
Alam mo na Lola lumalandi na ang
hilaw mong apo,
At dahil sa kalandian na taglay ko
nakalimutan ko na mahal mo nga pala ako.
Makalipas ang ilang taon ng hindi
mo na kayang magtrabaho inuwi ka na ng iyong pamilya,
Alam mo ba lola na ang saya-saya
ko dahil araw-araw na kitang makukulit at makakasama.
Halos araw-araw kung dalawin kita
para lang makipag-kwentuhan,
Minsan nanghingi pa ako ng payo
sa tamang pagme-make-up pero hindi mo ako pinatulan.
Kita mo Lola mula noon hanggang
ngayon hindi pa rin ako sanay kasi hindi mo ako tinuruan.
Pila na siguro sa bahay namin ang
manliligaw kung binahagi mo sana sa akin ang iyong nalalaman.
Kaya ng mawala ka isa ako sa
umiyak kasabay ng pagtangis ng mga tunay mong apo,
Dahil sa pagpanaw mo ipinaalala
mo ang sakit kung paano mawalan ng importanteng tao sa buhay ko.
Kaya nga ng nawala ka ang
magkaroon ng boyfriend ang unang ibinulong ko,
Pero dedma ka pa rin Lola dahil
alam ko na hanggang ngayon humahanap ka pa rin ng papasa sa’yo.
Alam namin na kung nasaan ka man
ay masaya ka na at hindi na nahihirapan.
Lola Madonna kung nasaan ka man
bantayan mo kaming lahat na mahal mo.
Maraming salamat sa pagmamahal at
pag-aalaga na ibinigay mo sa akin.
At kahit lumipas man ang mahabang
panahon ay hindi ka mawawala sa puso at isip ko.
-Richelle
Note: this is not my official entry.
Ito talaga yung walang naisulat eh. HAHAHA walang wala no ate? Binabantayan ka ni Lola ate for sure yun :)
ReplyDeleteWala pa talaga siyang naisulat sa lagay na yan. Hirap na hirap daw siya! XD
DeletePromise.
DeleteKita nyo nga, hindi ko man lang kayo napaiyak. Nainggit ka espren, pero hindi ka naiyak. Hahaha!
Pero sayang talaga at hindi nya ako tinuruan mag make-up. Hahaha!
waaah! natouch naman ako espren. Naalala ko tuloy Lola ko. Hindi ko alam ang gagawin ko pag siya ang nawala *knock on wood*
ReplyDeleteMatagal pa bago ka iwan ni Lola. Makikita pa nyang maging ganap na dalaga si bebe Hara natin.
DeleteGusto kong makahanap ng tulad ni Lola Madonna. Hindi rin kasi ako masyadong close sa nag-iisang buhay na lola ko ngayon. >____<
ReplyDeleteHindi kasi ako masyadong close totoong lola ko. Lagi kasi ako pinapagalitan non eh, pero mahal ako nun at mahal ko rin sya.
DeleteKaya nalungkot talaga ako ng bonggang-bongga ng mawala si Lola Madonna, wala na akong kabiruan. Wala na akong napapagalitan na pasaway na lola.
Naalala ko tuloy lola ko. :( This is sad.
ReplyDeleteAng sakit sa puso. pero aliw yung pagkakacompose nung tula ikaw na ate Rich!
ReplyDeleteHays! Naalala ko na naman yung Lola ko. (╥﹏╥)
ReplyDelete