Thursday, May 23, 2013

10 Million Worth of Love - Epilogue


Epilogue

 Kenji’s POV


 Nandito ako ngayon sa CafĂ© kung saan nagpanggap na  girlfriend ko si Enyo. Magkikita kami ni Enyo. Matapos ang nakakahiyang eksena ko sa may NLEX napakiusapan k osi Enyo na makipagkita sa akin. 



 “ Sorry,natraffic  ako “ 


 Napatingin ako sa taong kadarating lang.

“Enyo.Ah ok lang .Upo ka” alok ko sa upuan. Umupo naman siya. Magsasalita na sana ako ng may iabot siya sa akin. 


Yung tseke ng sampung milyon. 

 “Enyo “ 

“ Tapos na ang sampung araw right? At sa tingin ko kailangan ko ng ibalik yan diba?” napayuko naman ako at napipilitan akong kuhanin ang Ten Million.


Naramdaman kong tumayo siya. Gustuhin ko man siyang pigilan siya at ulitin ang lahat ng sinabi ko para akong naestatwa at nawalan na ng pag-asa. 


 “Hey!Mr. Detective!” ayoko sanang inaangat ang tingin ko pero parang may humahatak sa aking tumingin kaya itinaas ko nalang din ang ulo ko. 


 “ Hindi ko pinagbibili ang pagmamahal ko. I mean hindi sapat ang sampung milyon para sa pagmamahal ko ,dahil ang pagmamahal ko SAYO walang katumbas. Kaya kung ako sayo itatabi ko nalang yan o kaya papaunlarin para sa future ng mga anak naten!”


God~I love this girl.
-------------


“Hey! Sis! “ 
“Ingat ka Eris ha? Mamimiss kita” 


“ikaw din dapat -----------


“Ehem. Pasensya nap o sa magiging abalang idudulot ko. “ gumitna ako sa may kalsada. “ Hindi ako sigurado kung maririnig mo ito pero sana marinig ko. Enyo Sarmiento, alam ko una palang malaki na ang kasalanan ko sayo, napakawalang kwenta kong detective. Ni hindi ko nalaman na may kakambal ka pala. Nasaktan tuloy kita. Pero Enyo hindi ko man alam na may kakambal ,at hindi ko man maidentify na minsan siya pala yung kasama ko ,isa lang ang alam ko. Ikaw ang mahal ko.  Paano ko na siguro? Kasi tulad nga ng sinabi nila Esmie at Meiro  ng mga oras na kasama ko ang kakambal mo ,ikaw ang laman ng puso’t isip ko. Hindi ko pinagduhan ang pagkatao mo. Kahit mukha kang bipolar non dahil pa iba iba ka ng personality dahil nga dalawang tao ang nakakaharap ko noon tinanggap ko yon, kasi nga si alam ko si Enyo iyon. Si Enyo lang walang ng iba. Hindi si Eris. Mahal na mahal kita, Enyo.” 


“Sis sabihin mo nga sa akin, si Kenji ba yung nagsasalita nay an sa background mo?” halos mangiyak nigyak na ang boses ni Enyo habang kausap ang kapatid niya sa telepono. 


 “Ahuh. Oh narinig mo na? Mukhang hindi ko na kailangan magpaplastic surgery ---------

“ Eris naman eh!” 

“Kidding aside. I O siya paano ? Babain ko muna ang Mr.Detective mo  at papapuntahin ko sayo.” 

“ Ow sure Sis! Thank you ulit sis. I love you!” 

 “Awsus. Para sa akin ba yung I love you nay an o yung nasa labas?” 

“Che!” 


------


End.  



2 comments:

  1. Nabitin ako! Huhubels.
    Anyway, ang ganda ng fanfic na 'to. XD

    ReplyDelete
  2. Nabasa ko na kung saan ibinase ang fanfic na ito
    Yung story ni miss aegyodaydreamer
    Ang ganda nun so I'll try to read this too
    Btw, that's coz I also like Kenji Deato
    So babasahin ko talaga ito

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^