Chapter Four – Eris and Enyo. Enyo and Eris
Enyo’s POV
Day 9
“ Enyo ano ba talaga ha?” tanong ko sa
sarili ko. Hindi ko na kasi maintindihan ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako
at natatakot sa totoo lang.
Bakit nung kay Meiro hindi naman ako ganito. Halos isang taon kong minahal si
Meiro pero hindi ako nagkaproblema ng ganito .Samantalang sa Kenji ilang araw ko lang siya nakasama pero
kakaibang pakiramdam .
“ Enyo?”
Napatingin ako sa tumawag sa akin.
Si Meiro.
Ngumiti ako sa kanya.
“Ikaw yung girlfriend ni Kenji diba?”
tanong niya sa akin.Tapos umupo siya tabi ko.
“Yeah” simpleng sagot ko. Huminga ako ng malalim bago magsalita. “ Meiro” tawag
ko sa kanya.
“Yes?”
“Ahmm,pwede bang payakap? May gusto lang akong malaman” halatang nagulat siya
sa sinabi ko pero tumango padin naman siya.
Napangiti ako. Ako mismo ang bumitaw sa kanya.
“Salamat”
“Pwede ko bang malaman kung nalaman mo na yung gusto mong malaman?” napakamot
siya ng ulo sa sarili niyang tanong pero natawa nalang ako ng mahina.
“ Oo, salamat”
“Walang anuman, nga pala nasa bahay si Kenji pauwi na ako ngayon gusto mo bang
sumama?” tumango naman ako kailangan ko ding makausap si Kenji. Kailangan kong
sabihin sa kanya yon.
Kenji’s POV
“So anong problema mo ngayon?” tanong sa akin ni Esmie. Naikwento ko kasi
sakanya yung ten days deal namin Enyo.
“Naguguluhan kasi ako hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman ko para
sa kanya, aminado naman akong hindi ko siya mahal ng gawin ko yung deal na iyon
pero habang tumatagal nag-iiba yung pakiramdam ko. Kaya lang ------------
“Kaya lang ano??” tanong niya. Sasagot sana ako ng may pumasok na katulong.
Nandito nga pala ako mansion nina Meiro . Nag-aya kasing maglunch tong dalawang ito kailangan ko din
naman ng makakausap.
“ Nasa baba na po si Sir Meiro kasama po niya yung girlfriend niyo
Sir.” Tumango naman kami ni Esmie at lumabas nadin.
_ _
“May ikwekwento ako sayo, Meiro.Once a upon na time may isang prisensang nainlove sa isang prinsipe ang kaso inlove sa
iba yung prinispe na yon kaya ang ginawa ng Prinsesa ay kumuha ng isang
detective para kumuha ng impormasyon tungkol doon sa babaeng mahal ng prinsipe
kaso ng makuha niya na iyon narealize ng prinsesa na wala siyang laban sa mahal
ng Prinsipe kaya nagdecide siyang magmadre nalang ang kaso pinigilan siya ng
detective at sinabi na sa loob ng sampung araw ay papaibigin niya ang Prinsesa.
Noong una hindi iyon sineryoso ng Prinsesa kaya ang ginawa niya ay may mga araw
na hindi siya ang humaharap sa Detective”
“Eh sino?”
“Ang kakambal niya”
Nabigla ako sa narinig ko. Totoo ba yon? “ May kakambal ka?” gulat na
napatingin sa si Meiro at Enyo a akin ng
magsalita ako.
“K-kenji”
“Tell me ,enyo. Totoo ba? May kakambal ka?”
“Kenji let me explain” naiyukom ko nalang ang kamay ko, pinipigilan ko ang
galit.Hindi ako nagsalita.
“Oo may kakambal nga ako “ nakayukong
sabi niya.
“So tama nga ang narinig ko hindi ikaw ang kasama ko sa loob
ng walong araw na iyon ?? Huh?!” hindi ko na mapigilang hindi sumigaw. Halos
nagagalit ako sa sarili ko dahil gulong gulo ako sa nararamdaman ko feeling ko
niloloko si Enyo tapos all along ako ako pala yung niloloko niya.
“ No, hindi sa lahat ng araw . Nakasama
mo din ako. Apat na beses na si Eris ang kasama ko. “ nanginginig na sabi niya.
“ Bakit mo ginawa yon?”
“N-atakot kasi ako--------------
“NATAKOT?! Saan nga natatakot? Na lokohin kita? Ganoon ba ang tingin mo sa
akin? Huh?! Lolokohin kita?” galit na sigaw ko.
Umiling iling siya. Nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya. Hindi ko alam pero
parang nawala lahat ng galit ko ng makita ko siyang umiiyak.
Lalapit sana ako pero umatras siya. Pero
mas lalo akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
“Sorry” humihikbing sabi niya. “Sorry kung niloko kita natakot kasi ako you
see? Magkamukhang magkamuha kami ni Eris. At una palang alam ko na may special
siya sayo. Napapayag ka nga niyang tulungan ako diba? Yes ,naikwento sa akin ni
Eris yung panahon na nakita mo siya kaya pumayag kang tulungan ako. Kaya naisip
ko nab aka kaya mo rin ako gusting tulungan ay hinahanap mo yung pagkatao ng
isang maamo at babaing nakakakuha ng simpatya mo. Hindi ako yon ,Kenji. Hindi
ako. Kaya ko na nagawa iyon. “ mahabang paliwanag niya.
“ Paano mo naman nasabing si Eris nga ang mahal ko? “ tanong ko sa kanya.
Binitwan ko siya at hinarap ko sa akin.
Ngumiti siya ng mapait.
“ Naramdaman ko lang. Sorry ulit . Saka kung ako man iyon sa tingin ko hindi ko
rin naman masusuklian eh.kasi hanggang ngayon si Meiro palang ang mahal ko.”
sabi niya tapos patakbong umalis.
--
“Hindi mob a siya hahabulin?” tanong sa akin Meiro. Halos makalimutan ko
nandito nga pala kami sa mansion nila .
“Para saan pa? Narinig mo naman diba? Ikaw parin ang mahal niya. Saka
naguguluhan din ako ngayon na nalaman ko na kambal sa kanila. Hindi ko na alam.
Hindi ko na alam kung anong nararamdamn ko “sabi ko.
“ No ,you’re wrong Kenji, hindi ka
naguguluhan sa nararamdaman mo” nakangiting sabi ni Esmie. Tiningnan ko naman
si Meiro at ngumiti din siya sa akin. Napakunot-noo naman ako.
“May tanong ako, kanino ka nakipagtransact about sa information tungkol sa akin
“ – Esmie.
“ Kay ho---Enyo” sagot ko.
“ Sino ang nakita mo noon at napapayag ka?” – Meiro
“ Si Enyo”
“Kanino mo binalik ang ten million at nakipagdeal na papaibigin siya.” – Esmie
“Enyo”- me
“Sino ang kasama mo sa mga araw na iyon?”
“Enyo---teka nga bakit niyo---“ napahinto ako ng marealize ko yung mga tanong
nila.
“ See? Hindi ka naguguluhan. Dahil all this time si Enyo lang. Si Enyo lang ang
laman ng puso’t isip mo. Hindi mo nga naisip na ibang tao siya. “ Esmie
“Oo nararamdaman kong may kakaiba sa kanya pero never kong naisip na ibang tao
siya. Si Enyo lang. Maaring napapansin kong may kakaiba sa kanya pero dahil sa
pagmamahal ko sa kanya ,hindi ko napansin iyon” nakangiting sabi ko.
Tama, si Enyo. Si Enyo lang.
Pero agad ding nawala ang ngiti ko ng maalala ko yung sinabi ni Enyo. Na si
Meiro padin.
“ ngayon alam ko na kung ano yung gusto
niyang malaman bakit niya ako niyakap kanina” biglang sabi ni Meiro.
“Niyakap ka ni Enyo?!” sigaw ni Esmie.
“Relax, love. Let me explain. Kanina kasi bago kami pumunta ditto nagrequest
siya sa akin kung pwede daw ba niya akong yakapin. Pumayag naman ako .Tapos
nung tinanong ko siya kung nalaman niya ba ,ngumiti siya sa akin at tumango at
inaya ko siya pumunta dito. “ paliwanag ni Meiro.
“Oh eh ano naman ang connect non sa issue? Tsumansing kalang naman kay Enyo.”
Naiinis o mas tamang nagseselos na sabi
ni Esmie.
“ Don’t you see love? Dating may gusto sa akin si Enyo at kaya niya ako niyakap
ay dahil gusto niyang malaman kung may
nararamdaman pa ba siya sa akin. At base sa ngiti niya kanina alam kong
wala na . Dahil may pumalit na sa akin. “nakangiting sabi niya tapos tumingin
sa akin. Parang sinasabi niyang puntahan ko si Enyo at sabihin ang tunay kong
nararamdaman.
Tumango naman ako.
Hindi lang kasi sure si Enyo sa feelings niya. >.< Pero feel ko, si Kenji talaga. Haha
ReplyDelete