Thursday, May 23, 2013

10 Million Worth of Love - Chapter 3


10 days of LOVE – 10 million Worth of Love


Enyo’s POV

Nakakainis yung Kenji  nayan. Lakas makakonsensiya . Paano ba naman pagkatapos ibigay sa akin yung papel na naglalaman ng impormasyon tungkol kay Esmie ,nagkwento siya ng ng kwento tungkol kay Esmie at Meiro. Hindi ko alam pero sadyang na amused ako sa pinapakita niyang katatagan kasi naman obvious kayang may gusto siya kay Esmie.


>________< 


Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko ngayon. Feeling ko magiging super kontrabida ako pagpinaghiwalay ko sila.


*sighs* 


 Napaangat ako ng may magtapat ng kape sa may mukha ko. 

“Kenji”

“Ang lalim ng iniisip natin ha. “ –sabi niya tapos tumabi siya sa akin. Tinanggap ko din yung dala niyang kape. 

“Salamat” simpleng sabi ko. 

“ Mukhang may malalim kang iniisip. Plano para sa paghihiwalay ni Esmie at Meiro?” umiling naman ako. 

 “ Eh anong iniisip  mo?”tanong niya ulit. 

 “Ikaw” 

“Ako------------WHAT?!!” – gulat na gulat na sigaw niya. Napatawa naman ako ng mahina sa reaksyon niya.

“Kidding , iniisip ko lang kung magmamadre kaya ako tatanggapin ako sa kumbento??” seryosong sabi ko. Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. Napasimangot naman ako. 


“Anong tinatawa tawa mo diyan?” nakasimangot padin na sabi ko. Ginulo niya naman ang buhok ko. 



“Ikaw,magmamadre? Baka pag tapak mo palang sa kumbento pauwiin kana” tumawa padin siya habang sinasabi yan. Nakakainis siya hindi niya ba alam na seryoso ako sa sinasabi ko. Tinitigan ko lang siya habang tumatawa siya. Mukhang napansin niya naman  na hindi ako natutuwa sa kaya tumigil na siya.


“ S-seryoso ka??” sabi niyang hindi parin makapaniwala. Hindi naman ako sumagot sa halip ay tumayo ako at umalis sa lugar na iyon. Narinig kong tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ko napansin.

“Wait!!” habol niya sa akin tapos hinarap niya ako sa kanya. 


“I’m sorry, okay?”  hinihingal na sabi niya. Ngumiti naman ako ng payak .


“Okay lang. “sabi ko tapos akmang aalis na ako pero pinigilan niya ulit ako. 

“Bakit naman pumasok sa utak mo ang pagmamadre?” –Kenji 

Nagkibit balikat lang ako tapos ngumiti.

“ Enyo” seryosong tawag niya sa pangalan ko. Huminga naman ako ng malalim bago ko siya hinarap ulit. 


“Naisip ko lang na magmadre kasi nawalan na talaga ako ng pag-asa sa love nayan. Kahit gaano ako kayaman hindi ko naman mabibili ang pag-ibig niya kaya wag nalang.Sister Enyo nalang ako. Stress free.  “sabi ko.

Nagulat ako ng sumigaw siya. “Hindi pwede!”




Kenji’s POV 


Napasapo nalang ako sa noo ko maalala ko kung bakit ako hindi pwedeng matulog ngayong gabi. Kailangan ko kilalanin  si Enyo Sarmiento. 


 Flashback 

“Hindi pwede!!” sigaw ko ng malaman kong seryoso siya sa pagmamadre. 

“At bakit?” nakataas na kilay niyang tanong. Bakit nga ba ? Napaisip din ako bakit nga ba hindi pwede? Ewan ko! Pati ako naguguluhan na sa sarili ko. Nakita ko nalang ang sarili ko na kinukuha yung tseke ng Ten million. Inabot ko sa kanya. 

“Bakit mo binabalik sa akin ito?” taking tanong niya. 

 “ Bibilhin ko ang ten days mo” 

“Huh? “ naguguluhan niya tanong.



“ I’ll make you fall in love with me sa loob ng sampung araw” sh*T hindi ko alam kung anong pinasok ko pero bahala na” 


End of Flashback 

Ayun na nga noong una ayaw niya pang pumayag nababaliw na daw ako pero ewan ko ba pinush ko parin ang balak ko nayon. 


Aminado naman akong hindi ako inlove kay Enyo , pero malay natin diba? In ten days mahulog din ang loob ko kay Enyo. 


 There’s no harm in trying. 


Enyo’s POV 

*gulong*ikot* gulong* 


Hindi ako makatulog! Iniisip ko parin yung sinabi Kenji. Nababaliw na ba  siya paano naman niya ako mapapaibig sa loob ng sampung araw?! That’s impossible . 


 Omigosh! Baka mamaya painumin niya ako ng gayuma.


Note to myself : Wag iinom at kakain ng kahit ano mang galing kay  Kenji Deato. 



Nagising ako ng may maramadaman akong may pumasok sa kwarto ko. Imposibleng si Eris busy ang isang yon ngayon eh at alam ng mga katulong na ayaw kong  iniistorbo ako pag umaga .

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. 

“ Good Morning, Honey” 

“Good---- KENJI?! “ 

OoO

“Anong ginagawa mo dito!?” turo ko sa kanya habang siya naman ay dala dala yung almusal na hinanda niya.”Atsaka! Anong honey ka diyan?” dagdag ko pa. 


“Naging makakalimutin kana, honey?Remember, nabili ko na yung 10 days mo? And I’ll make you fall inlove with me” oo nga pala muntik kung makalimutan. Tinitigan ko lang siya at hinihintay ang susunod niyang gagawin. 


“Oh tama ng titig baka mainlove ka na sa akin yan on the second thought titigan mo nalang pala ako!” nakangiting sabi niya tapos lumapit siya sa akin inayos ko naman ang upo ko para mailagay niya yung hinanda niya. 

*U* 

Paano niya nalaman ang mga paborito kong pagkain. Hay! Nako Enyo nagtaka ka pa eh parang di mo kilala ang isang yan.  


Ewan ko sobra ata akong naexcite at sinimulan ko ng kainin yung niluto niya. Inferview masa---------------

“Hey,may problem ba Honey?!” hindi ko kasi tinuloy ang pagkain naalala ko yung note ko para sa sarili ko. 

“Ayoko ng kumain!” sigaw ko napakunot noo naman siya tapos huminga ng malalim.Kinuha niya yung hinanda niya at naglakad paalis ng kwarto ko. Naguilty naman ako kaya hinabol ko siya at niyakap sa likod.


“Sorry” sabi ko. Humiwalay naman siya sa akin at humarap. “It’s okay”sabi niyang nakangiti.




Kenji’s POV 


Day 8



Something is changing. Alam ko . Hindi ko matatanggi sa sarili kong may nagbabago sa nararamdaman ko. Pero naguguluhan ako.



Kasama ko ngayon si Enyo sa isang library.Habang pinagmamasdan ko siya para kong nakita yung babaing nakita ko noon kung bakit ako napapayag na tulungan siya. 

“Kenji?” 

“Huh?”

“Mukhang may problema ka? Naiinip ka ba? Kung gusto mo alis nalang tayo dito” napansin kong sobra ang pag-aalala sa mata niya. Pag-alalang hindi ko alam para saan. 

 “ Ah hindi, may iniisip lang ako.Pasensya kana.”sagot ko nalang. Ngumiti naman siya at pinagpatuloy ang paghahanap ng libro. 

Naguguluhan na talaga ako. 

Sa loob ng walong araw na kasama ko siyang may mga panahon na tuwing ngumi-ngiti siya bumubilis ang tibok ng puso ko meron din normal lang. Tulad ngayon ngumiti siya pero normal lang ang nararamdaman ko. 

 Weird. 


Nagpatuloy   ako sa pagtingin ng mga libro ng may napulot akong papel. 

“May mga bagay na hindi nakikita ng mata pero nararamdaman ng puso.” 



 

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^