Goddess of Chaos
Kenji’s POV
3 days na ang nakakalipas ng huli kaming mag-usap ni Enyo.At sa tatlong araw na iyon hindi mawala sa isip
ko ang banta niya. Sa totoo lang naiisip kong hindi niya kayang gawin kung
anuman ang plano niya sakaling hindi ako pumayag makalipas ang sampung araw
lalo na sa tuwing pagmamasdan ko ang maaamo niyang mukha. Pero iba ang nadudulot ng pag-ibig sa tao.
Lahat makakayang mong gawin at hindi exemption doon si Enyo.
“Pwede ba lumayo ka nga sa amin!! “
napatingin ako sa banda ng grupong iyon na parang may inaaway sila.
Si Enyo.
Akala ko namamalikmata lang ako pero hindi si Enyo talaga iyon. At makikita sa
mata niya na malungkot siya sa nangyayari.
Hindi ko alam pero nakita ko nalang ang sarili kong lumalapit sa pwesto niya.
Umupo ako malapit sakanya mukhang hindi niya ako napansin. Nagulat ako ng
magsalita siya.
“ Hay buhay. Forever alone na talaga ang drama ko. Ay may
tao pala. Sorry don’t mind me. “ sabi niya tapos akmang tatayo siya.
“ Enyo “
Napatingin naman siya sa akin.
“Hmm?”
“Gusto mo ba talaga si Meiro? “
“Ang gusto ko lang naman maging masaya sa feeling ng taong mahal ko” simpleng
sagot niya tapos umalis na ako.
Sa totoo lang naguguluhan ako sa sinabi niya pero hindi ko alam may isang
bahagi ng pagkatao ko na nakumbinsi niya ng tulungan ko siya.
Enyo’s POV
Hanggang ngaynon nakatingin parin ako sa
cellphone ko. Tatlong araw na pero hindi parin siya tumatawag. Wala lang ba
talaga sa kanya ang pagbabanta ko?
“ Matunaw yang cellphone mo sis. “ napatingin ako sa nagsalita tapos tumingin
ako ulit sa cellphone ko.
*sighs*
“Hindi na nga ako kinakausap ng mga tao sa school pati ikaw hindi mo rin ako
kinakausap??” Napatingin naman ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya. Bigla tuloy
akong naguilty.
“Eris----
“Hay naku sis, it’s okay kahit anong mangyari ikaw parin ang
pipiliin ko. Hayaan mo nayun. And You owe me one this time.BIG TIME”
“Huh?”
“You’ll see, sige na titigan mo na yang cellphone mo at
mamaya –maya meron magandangf balita. “ sab niya tapos iniwan na ako. Nagkibit
balikat nalang ako.
Eris can be weird sometimes.
Binalik ko nalang ang tingin ko sa cellphone ko.
Enyo Honey~~Enyo Honey~~`
Halos mapatalon ako ng marnig kong
tumunog ang cellphone ko. Eto na ba ang sinasabing balita Eris.
“YES!!” sigaw ko ng mabasa ko kung sino ang nagtext.
Kenji Honey :
Enyo, magkita tayo.
Nararamdaman ko na ang tagumpay. Agad agad akong tumakbo sa
kwarto ni Eris.
“ Erissssssssss! Alabyow na kambal!Anong
ginawa mo? Anong nangyari?”sunod sunod na tanong ko.
“Drama sis”
“Pero paano?” –nagtatakang tanong ko.
“Taka ka pa eh magkamukha tayo. “ – Eris.
“Waaaaaah! Thank you talaga sis! Oh paano alis na ako
pupuntahan ko muna ang Honey ko. “ sabi ko tapos nagmamadaling pumunta sa
kwarto ko.
Nakangting pumili ako ng damit .Sobrang swerte ko talaga sa kambal ko. Yes may
kambal ako. Kung ako ang Goddess of War.ng kambal ko Goddess of Chaos naman.
Pero kung ako pinaninindigan ko ang pangalan ko ang kapatid ko tamed eh. Ayaw ng gulo. Pero once na ako ang ginalaw ako ng kahit sino.
DYaraaaaaaan!
Makikilala niyo rin ang Goddess of Chaos.
Kenji’s POV
Hindi ko talaga alam kung tama tong gagawin ko. Hawak ko ngayon yung
information na kailangan niya. Hindi ko rin alam kung anong plano niya ang
hirap niyang basahin. Papunta na ako ngayon sa meeting place namin.
Nakita ko agad si Enyo mukhang excited na siya. Dali dali akong lumapit sa
kanya.
“Oh Hi Honey!!” kumaway pa siya sa akin
ng makita niya ako.Ewan ko nasasanay na din akong Honey ang tawag niya sa akin.
“Hindi ka naman excited ?”
“ Na ah!”nakangiting sabi niya. “Upo ka
na dali.”dagdag niya pa.
“So ano na ?” –tanong niya habang
hinihintay namin ung order ko namen.
“Papayag na ako pero sabihin mo muna sa akin ang plano mo? “ sabi ko.
“ Fine, madali lang ,gagamitin ko ung mga yun para mapunta
sa akin si Meiro. Kung paano hintayin mo nalang ^^. Basta ang ending nito akin
si Meiro! Tapos you can have Esmie na!” pumapalakpak pang sabi niya .Parang
gusto ko ng umatras pero nakapangako ako.
Napabuntunghinga ako at inabot sa
kanya yung files.
“ Thank you! “sabi niya tapos inabot niya sa akin yung tseke
na worth10 million pesos.
“Don’t you tthink sobrang laki ng 10 million para sa iece of paper nayan?”
tanong ko. Kasi diba ? Ang laking pera non.
“ Nope ang piece of paper na ito ang susi sa mgandang LOVE LIFE KO kaya wala
lang yan 10 million nayan ^_^”
Ewan ko sa sinabi yon naisip ko nalang na napakaswerte ni Meiro.
tsk tsk tsk, bad ka kenji! bakit binigay mo yung papers kay enyo! di bale, may sampung milyon ka naman! (ahahaha, napaghahalataang ang mukhang pera ko talaga) pasensya, 10 million yun eh! ikaw kaya?
ReplyDeleteps. naku-curious ako kay eris ha!
Eh... Hindi naman kaya si Eris 'yung tinabihan ni Kenji, at hindi si Enyo?
ReplyDeleteAy. Siya nga yata 'yun. Haha!