Thursday, May 23, 2013

10 Million Worth of Love - Chapter 5


Chapter Five : Epic Twins.



Kenji’s  POV


Day 10 

 Pinuntahan ko kahapon si Enyo ang kaso ayaw niya akong harapin kaya bumalik ulit ako ngayon.  Last day na ng deal namin ngayon kaya kakausapin ko siya at t liligawan ko ng maayos. Walang ten million na involve at kahit lumagpas pa ng ten days. Maipakita ko lang na mahal ko siya. 

“ Manong si Enyo po?” tanong ko sa guard nila. 

“Ah Ser nako si Ma’am po kakaalis lang po,balita ko po sa Airport ang punta -------------

“Bakit po pumunta ng Airport?!” tanong ko. Kinabahan ako sa totoo lang. 

 “ Ah eh balita kop o doon na titira sa ibang bansa-----------

Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ni Manong at agad na tumakbo palabas ng village nila. 

“Kenji!!’” napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Meiro at Esmie. Agad akong sumakay sa kotse nila.
“Airport tayo” sigaw ko.Hindi naman nagtanong si Meiro at pinaandar ang kotse. 


--

Napamura ako ng mahina ng abutan kami ng traffic. 

“Matagal na bang nakaalis si Enyo?” 

“Nung nasa village pa ako kaalis lang daw niya.” Sagot ko.

“So may possibility na nandito din siya sa traffic na ito”- Esmie. 
“ Oo, wait” nakita kong may kinalikot si Meiro sa cellphone niya. 

“ Confirm, nandito nga siya” sabi niya. Nagagawa nga naman ng technology. 

“So,paano natin siya mahahanap?”tanong ko

Nakita kong may kinuha ko si Esmie. 

 “ Oha? Aanhin natin yang MEGAPHONE?” tanong ko. Parang kinakabahan ako sa naiisip nila. 

“Hindi natin. Ikaw lang ang gagamit niyan “ sabi ni Esmie tapos may binulong siya sa akin.

“Ano gagawin mo yan o mawawala si Enyo ng tuluyan sayo?” nakangising sabi ni Esmie. Huminga ako ng malalim at kinuha ang megaphone. Lumabas ako ng kotse. 


--

“Ehem. Pasensya nap o sa magiging abalang idudulot ko. “ gumitna ako sa may kalsada. “ Hindi ako sigurado kung maririnig mo ito pero sana marinig ko. Enyo Sarmiento, alam ko una palang malaki na ang kasalanan ko sayo, napakawalang kwenta kong detective. Ni hindi ko nalaman na may kakambal ka pala. Nasaktan tuloy kita. Pero Enyo hindi ko man alam na may kakambal ,at hindi ko man maidentify na minsan siya pala yung kasama ko ,isa lang ang alam ko. Ikaw ang mahal ko.  Paano ko na siguro? Kasi tulad nga ng sinabi nila Esmie at Meiro  ng mga oras na kasama ko ang kakambal mo ,ikaw ang laman ng puso’t isip ko. Hindi ko pinagduhan ang pagkatao mo. Kahit mukha kang bipolar non dahil pa iba iba ka ng personality dahil nga dalawang tao ang nakakaharap ko noon tinanggap ko yon, kasi nga si alam ko si Enyo iyon. Si Enyo lang walang ng iba. Hindi si Eris. Mahal na mahal kita, Enyo.” 


Halos limang minuto na ng matapos ako pero wala parang lumalapit baka nga siguro wala siya dito.nagsimula na akong maglakad pabalik sa kotse ni Meiro. 


 “Hey! Mr,Detective! “ 


Agad akong napalingon ng marinig ko ang boses na iyon. Lalapit sana ako sa kanya. Pero pinigilan niya ko. 

 “Hep! Hep! Dyan ka lang!” sigaw niya. 

 “ Hindi k aba naniniwala sa sinabi ko? “tanong ko . 

“ Tsk. Hindi ka talaga magaling na detective” 

“Huh?” nagtatakang tanong ko. 

?_______________?

o_____________________O 

 “Eris?!” 

“ Yes, Mr. Detective. Si Eris  nga po ito. Tsk. Tsk. Ang kapatid ko po nagmumukmok sa kwarto niya. “ 





  

1 comment:

  1. Omg. Sayang yung speech ni Kenji. Haha! Si manong guard kasi eh. >_<

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^