Wednesday, May 22, 2013

Candy Crush [One-shot]


 Candies be love?



        


Bakasyon noon bago kami magfourth year nang nakita ko ang isang babaeng imba sa Candy Crush. Candy ang pangalan niya, tamang-tama sa madalas niyang nilalaro. Hindi ko naman kasalanan kung nakatuon ang pansin niya sa cellphone niya at busy siyang maglaro ng ganun noong panahon na 'yon.


Ang masasabi ko lang, ang Candy Crush ang dahilan kung bakit ako nagmahal ng babaeng lasenggera. 


**


"Ano ba?! Hindi ka naman tumitingin sa dinaraanan mo eh." Singhal niya sa akin nang magkabungguan kami. Nagkibit-balikat na lang ako bilang sagot sa sinabi niya. Hindi ko naman sadya eh.


"Ako pa ba ang hindi tumitingin sa dinadaanan? Hindi ba ikaw?" I fired back. Nakakatawa kasi 'yung mukha niya, na para bang level failed siya dun sa nilalaro niya. Basta ako, busy lang ako sa pagpipidal ng bisikleta kong walang preno. Hindi siya gumilid eh, ayan tuloy, nabangga ko siya at natumba kami parehas.


"Nakakainis ka!" Sinimulan niya akong paghahampasin gamit ang kaliwang kamay niya. Pilit kong pinipigilan ang tawa ko. Alam kong hindi magandang tumawa dahil ako na nga yung nakabangga sa kaniya, pero kasi nakakatawa yung mukha niya eh. Para siyang nawalan ng mata sa sobrang singkit tapos yung pisngi niya ay nakalobo.


"Epal ka rin eh, ano? Dahil sayo na-out of moves yung Candy Crush ko, tapos kapal pa ng mukha mong tumawa?!" Pinilit kong tumayo kahit na busy pa rin siya sa paghahampas sa akin. Itinayo ko ang bisikleta ko at inilahad ko ang kamay ko para makatayo na rin siya.


"Hindi mo ba aabutin 'tong kamay ko? Gusto mo bang maghapon na nakaupo diyan?" Pagbibiro ko. Inirapan niya lang ako pero inabot niya rin ang kamay ko. Aangal pa kasi, tatanggapin din naman pala. Tss. Problema kasi sa mga babae, alagang-alaga nila ang pride nila.



Magkatabi kaming naglakad. Nasa gilid ko na lang ang bisikleta ko. Hanep talaga ang babaeng 'to. May sugat na nga siya sa kamay pero tuloy lang siya sa paglalaro? Susubukan ko sigurong laruin ang candy crush na 'yan kapag may nakapagpatunay sa akin na mas maganda 'yan kaysa sa warcraft. Hahaha.



"Ano bang meron sa candy crush na 'yan? Uso yata 'yan ngayon eh." Nagtatakang tanong ko. Napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Nginitian niya ako ng pagkalapad-lapad na siya namang ikinagulat ko.


"Alam mo ba 'yung latest music video ni Psy? Yung Gentleman? Yung ganito oh.. Mother, father gentleman~" Nagulat ako ng bigla niyang sayawin 'yung Gentleman. Anak ng teteng. Alam ko naman 'yun kaya hindi na niya kailangang i-demonstrate. Pati nakamaikling shorts lang siya oh, napapatingin sa bandang ibaba 'yung mga tambay sa tindahan ni Aling Selya. Tsk.


"Alam ko yung Gentleman na 'yon. Kanta 'yun nung Koreanong nakasalamin ng bilog di ba? Just quit dancing, nama-manyak ka." Suway ko. Ano naman ang koneksiyon ng Gentleman sa Candy Crush? Parang ang layo naman yata.


"Hehe. Sorry." Napa-peace sign siya at ngumiti. Ang sarap niyang ibulsa at dalhin pauwi. Nako. "So ayun nga, napanood ko lang sa music video ng Gentleman yung treadmill part at nakita ko 'yung Candy Crush. Dinownload ko na sa iTunes at nilaro ko na."


Napatango na lang ako. Wala nang masabi eh.
"Tara muna pala diyan sa clinic ng kapitbahay namin. Gamutin natin 'yang sugat mo. Pasensiya na ha. Wala kasing preno 'yung bisikleta ko eh."


"De. Ayos lang. Huwag mo nang ipagamot. Kapag ginamot, lalagyan ng benda. Paano ko na lang maigagalaw ang mga daliri ko? Paano na lang 'yung pagle-level up ng Candy Crush ko?" Dire-diretsong tanong niya. Ibig sabihin ay mahala sa kaniya ang mga daliri niya sa kamay dahil lang sa Candy Crush na 'yan? Nakakayamot naman.


"Pangalan mo pala?"


"CANDY!" Nang isigaw niya ang pangalan niya ay hinila ko siya papunta sa clinic. Bahala na siya sa Candy Crush na 'yan. Konsensiya ko pa kung ma-impeksiyon ang gasgas niya. Lagot na.





**



"Jim!" Itinuloy ko ang paglalakad at hindi ko siya pinansin, "JIM DANDY ROBLES!"



Anak ng nagahasa ng tatlong kabayo. Did she... Did she just call me by my whole name?! Sige, magsawa siya diyan sa kakatawag dahil wala akong balak na pansinin siya. Ang diyahe lang kasi tuwing naririnig ko yung pangalan ko. Parang ang papansin. Tss. Makikita sa lahat ng diksiyunaryo ang pangalan ko. Hindi ko na sasabihin ang ibig sabihin 'non. Naiirita kasi ako. Ang arte ng ibig sabihin eh.



"Classmate!" Dinig kong sigaw niya. Sige lang JD, dumiretso ka na lang sa paglalakad. Wala ka namang naririnig eh.


"Seatmate! Groupmate...?! Textmate?! Uy! Mamansin ka naman! Ginoong Robles! Hoy lalaking nakabunggo sa akin! Dandy! Jim! Uwaaa! Mamansin ka naman!" Papalabas na sana ako ng gate nang hininto ko ang paglalakad ko. Tatlong segundo lang ang bibilangin ko, kapag hindi niya ako tinawag na JD, lalayasan ko siya nang tuluyan.



Isa… Dalawa… Dalawa't kalahat—



"JD!" Good. Tatawagin din pala akong JD, ang dami pang nalalamang ibang pantawag. Banas naman kasi ako kapag iba-iba ang tawag sa akin. Ang babaw, pero 'yun ang trip ko eh. JD lang ang gusto kong pangalan. Maikli, at walang masyadong kaartehan hindi tulad ng Jim Dandy na 'yun. Tss.


Nilingon ko siya nang nakangiti. Mas lalo akong natuwa nang makita kong naniningkit lalo ang mga mata niya sa sobrang inis sa akin, "Oh, Candy? May kailangan ka?"


"Wala! Sasabihin ko lang na may outing daw bukas 'yung section natin. Birthday ni coordinator. Entrance lang daw para sa resort yung babayaran natin."


Napangisi ako. "Ililibre kita ng entrance bukas, sabayan mo lang akong maglakad pauwi!"
Kahit na nakakaloko ang ngiti ko ay abot-tenga naman ito sa loob-loob ko. 'Tong babae na 'to ang nangunguna sa listahan ng may mga utang sa akin. Tahaha. Tuwing may hihilingin ako sa kaniya, papayag siya basta ililibre ko siya ng kahit ano. "Help and receive." ang motto niya sa buhay eh. Pwahaha.


Nagkibit balikat siya, "Ano pa bang magagawa ko?"
Tumakbo siya papalapit sa akin at sinabayan ako sa paglalakad. Balita ko kasi sa nanay ko ay nasisante yung driver nila Candy dahil sinubukan niyang nakawan sila. Wala ng sundo si Candy ngayon, mahirap na. Maraming gago sa paligid.



Habang naglalakad kami ay hindi kami nag-uusap. Nilabas niya lang yung cellphone niya at saka naglaro ng Candy Crush. Nagsasalita siya, pero hindi ako 'yung kinakausap niya, kundi yung cellphone niya. Nakakaloko lang. Naiinis siya dahil ilang beses na raw siyang naa-out-of-moves. Tsk. Mas pipiliin pa niyang kausapin ang isang bagay kaysa sa kasama niya? Respeto naman dre.



Nang nasa harap na kami ng bahay nila nang ibinalik niya ang cellphone niya sa bulsa at nginitian ako. "Ikaw kasi JD, eh. Level failed tuloyBasta sunduin mo ako bukas ha? Sabay tayong pumunta sa resort. Libre mo eh. Hehe! Sige! Ingat ka pauwi!"


Ako?! Ako ang dahilan kung bakit level failed siya dun sa Candy Crush? Bakit naman kaya? Beats me.



**




Pasimple akong tumawa nang makita ko si Candy na naglalakad papunta sa direksiyon ko. Summer na summer ng dating niya. Tahaha. Naka-hat at sunglasses pa, akala mo naman siya ang birthday celebrant. Iba talaga ang mga babae. Ang dami pang nalalamang paayos-ayos, eh ang mukha lang naman ang tinitignan ng karaniwan sa mga lalaki sabay rate ng 1-10. Hahaha.


"Hi JD!!" Ganado yata siya dahil sa suot niyang sumbrero ah? Hahaha.


"Ayos ang porma natin ah?"


"Che. Hindi mo pa sabihing maganda ako~" Maganda? Oo, sa paningin ko at ng nanay niya ay maganda siya. Ewan ko lang sa paningin ng iba. Hahaha.


"Tss. Pasok ka na nga lang sa kotse. Tara na."



**



"Ambag-ambag daw sa alak!" Sigaw ng kaklase ko. Hindi ko lang siya pinansin at tinuloy ko lang ang pag-iihaw ng barbecue ni Candy. Tss. Daig ko pa ang nagkaroon ng asawang naglilihi dahil sa pag-uutos niya sa akin na mag-ihaw ng barbecue niya. Palibhasa kasi ay reyna-reynahan siya sa bahay nila, kaya pati ang kakainin niya ay hihintayin niya na lang.


"Magkano ba?" Dinig kong tanong ni Candy na busy na nagcha-charge ng cellphone niya sa cottage. Nalowbatt kasi kaagad nang papunta kami rito sa resort dahil na naman sa pesteng Candy Crush na 'yun.


"Candy!" Pag-extra ko bago pa sagutin ng kaklase ko ang tanong niya. Kapag sinagot ng kaklase ko ang tanong ni Candy at pumayag siya sa presyo, ibig sabihin ay pumayag na rin siyang makipag-inuman. "Barbecue mo oh! Kunin mo na rito!"



Binitawan niya 'yung cellphone niya at saka ko inabot sa kaniya 'yung dalawang stick ng barbecue. Palibhasa kasi naubusan siya kanina ng barbecue dahil busy na naman siya sa pesteng Candy Crush na 'yon. Tsk. Ang sarap ihagis ng cellphone niya sa swimming pool na seven feet ang lalim.



"Thank you Dandy!" Masiglang sabi niya. At dahil wala ako sa mode na mainis ay hindi ko na lang siya pinansin. Nakakaantok kapag umahon sa swimming pool eh. Yung mga kaklase ko ay abala pa rin sa paglalaro ng kung anu-ano sa swimming pool. Nakisali naman ako saglit kahit papaano, pero inaantok talaga ako at nilalamig kaya wala ako sa mood. Ganito naman lahat ng bagong-ahon.


"Gusto mo?" Alok niya.


"De. Geh alis muna ako."


"Pasaan ka?" Tanong niya sabay kagat ng barbecue.


"CR. Sama ka?"



Natahimik siya at dali-daling bumalik sa cottage. Masama bang mag-aya  ng kasamang magshower? Kasi payag na payag ako kung sasama siya. Pwahahaha. — Biro lang. Di ako ganun, oy.



**



"Hoy JD! Ikaw naman!" Ipinasa sa akin ng kaklase ko 'yung bote ng SM Lights. Umiling lang ako. Hindi naman ako nainom eh. Hindi ko kasi trip 'yung lasa. Nagtataka nga ako kung bakit karamihan sa mga lalake ay ginagawang tubig ang alak. Tss. Di ko lang talaga trip. Wala silang pake. Hindi naman 'to kabaklaan ah.



Mga feeling legal na 'tong mga kaklase ko eh, kaya ito kami ngayon, nakapabilog sa lamesa sa tapat ng cottage at umiinom sila. Buti nga at sarili namin 'tong resort ngayon, kundi ay nabatas na siguro 'tong mga ugok na 'to kapag may ibang nakakita sa kanila. Mapa-babae, mapa-lalaki, nag-iinom. Tsk.



"Ako na lang ang iinom para kay JD!" Inagaw ni Candy 'yung bote sa kaklase ko at siya ang uminom. Ah shit. Gago ka talaga JD. Ang tanga ko at hindi ko man lang siya napigilan. Tinungga niya 'yung bote ng SM Lights na parang umiinom ng tubig. Langya. Daig pa ako.


Hinila ko siya patayo at kinaladkad palayo sa mga kaklase ko. Dinig ko ang hiyawan nila pero hindi ko na lang sila pinansin.


"Baliw ka na ba? Kababae mong tao, kalakas mong uminom!" Sermon ko sa kaniya.


"Hehe. Ngayon lang naman ulit eh. Saya kaya. Try mo! Sabi nga ni Coco Martin, YUMMY!" Siya naman ang humawak sa kamay ko at hinila ako pabalik sa mga kaklase kong umiinom.


Inabot na kami ng tatlong oras na nakapabilog lang at nagkukwentuhan. Wala kaming matinong usapan ng mga kaklase ko dahil lahat sila ay lasing na. Ako na lang yata ang hindi eh. Bahala na si Candy sa buhay niya. Tss. Kanina pa niya iniinom 'yung dapat ay para sa akin.


Lasenggerang babaeng 'to. Hinayaan ko na lang na malasing siya, kaysa naman subukan kong uminom at ako ang malasing. Ako naman ang magdadrive pauwi at hindi siya. Delikadong magdrive ng lasing.


Nang malapit nang maghatinggabi ay napag-isipan na nilang matulog na. Hindi naman sila pwedeng umuwi ng sila-sila lang kaya nag-accomodate sila ng hotel. Nagpaalam kami ni Candy na uuwi na since ang paalam ni Candy ay hanggang 7pm lang siya. 'Tay tayo dyan. Alas-onse na oh.



"Dandy, Dandy, Dandy~ Candy, Candy, Candy~ Dandy, Candy, sitting on a tree~ K-I-S-S-I-N-G~!"


Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi niya dahil alam ko namang lasing siya. Pero sa totoo lang ay natatawa ako. Natatawa ako kasi natutuwa ako. Tahaha. Ngayon ko lang na-appreciate ang pangalan kong 'Dandy'. Naaliw ako sa kung paano niya sinabi eh.

Inilagay ko ang kaliwang kamay niya sa balikat ko at inalalayan ko siya sa bewang niya. Mabilis ko siyang isinakay sa kotse at saka ko naman sinunod na kuhanin ang mga gamit namin sa cottage.



"JD! Ingatan mo 'yang asawa mo ah! Hahaha!" Sigaw sa akin ng coordinator namin na gegewang-gewang pang maglakad. Lasing na talaga. Tsk.


"Asawa ka diyan!" Sigaw ko pabalik.


"Asawa ka raw niya eh! Sabi niya kanina. Hahahahaha!"


"Ulol! Sige una na kami!" Pasimple akong ngumiti habang naglalakad ako papunta ng parking area. Sana pala lagi na lang lasing si Candy para mutual kami. Tahahaha. Iba pala talaga ang epekto ng pagiging lasing ano? May mga bumabait at gumaganda ang tabas ng bibig, tulad ng asawa ko. Hahaha!


Inilagay ko sa backseat ang mga gamit namin at saka ako naupo sa driver's seat. Paaandarin ko na sana ang sasakyan nang biglang agawin ni Candy ang susi.



"Candy! Ibalik mo 'yan!" Ma-awtoridad na sigaw ko.


"Dandy~ Candy Crush ka ba? Hihihi~"


Iniwas ko ang tingin ko, "B-Baket?"


"Kasi~ Crush kita eh~ Wala na akong ibang crush candy ikaw lang!" Ashskdjdihdkahd. Pusang gala. Lasing na talaga ang babaeng 'to! Para nang nakahithit ng vulca seal!


"Alam mo nakakainis ka!!" Dagdag niya.


"Tsk. Bakit na naman?!" Asar na tanong ko.


"Kapag kasama kasi kita lagi akong out of moves sa Candy Crush! Kasi maski na Candy Crush ang nilalaro ko, naglalaro naman ang isang Dandy sa isipan ko!" Y-Yun ba 'yung dahilan kung bakit sinisi niya ako kahapon sa pagiging level failed niya?! Tsk. Kaya naman pala eh. Iniisip niya kasi ako. Nyahaha.


Pasikreto akong ngumiti. Sana talaga palagi na lang siyang lasing.



"Dandy~ Si Candy ba crush mo rin~?" Tanong niya na parang pa-kanta.


Napailing ako, "Lasing ka na talaga Candy. Akin na 'yang susi. Kailangan na nating umuwi. Hinahanap ka na ng mga magulang mo."


"Uy~ Change topic si Dandy~! Hihihi~ Ibibigay ko 'tong susi pag sinabi mong tayo na~! Feeling ko kasi, crush ni Dandy si Candy. Eh crush din naman ni Candy si Dandy! Love pa nga eh~! Eh di hindi na 'yun Candy Crush~ Candy Love na~!"


Napa-tsk ako, "Oo na lang!", at saka ko na inagaw mula sa kamay niya ang susi.


T*ngi*a. Pigilan mo 'yang ngiti mo, JD, pigilan mo.



**


Lunes na naman. Balik na naman kami ni Candy sa dati. Seatmates na magkasabay sa pagpasok —dahil magkatapat lang ang bahay namin sa subdivision. Parati pa rin siyang naglalaro ng Candy Crush tuwing uwian o recess. Parang hindi naman niya naalala 'yung mga sinabi noong Sabado.


"JD!" Dinig kong sigaw ng Lab partner kong si Ynah. Nilingon ko naman siya.


"Bakit?"


Lumapit siya sa akin at may iniabot na papel, "Eto 'yung activity paper natin. May guide questions diyan pero hindi naman related sa project. Ikaw ang sumagot sa tatlong tanong, at ako na dun sa other three."


Oo nga pala, next week na ang submission ng project namin sa Physics.


"Saan tayo gagawa ng project?" Tanong ko.


"Sa inyo na lang kaya? May bisita kami sa bahay sa weekend eh. Dadating 'yung mga pinsan ko. Guguluhin lang nila tayo." Napa-tss siya, "Saan nga pala 'yung inyo? Hindi ko alam eh. Hehe."


"Kita na lang tayo sa 7-eleven. Susunduin kita."


"Talaga? Sige. Uwi na ako." Nginitian niya ako at naglakad na palayo. Aalis na rin sana ako nang bigla ulit siyang humarap, "9AM mo pala ako susunduin ha! Bye JD!"



Nginitian ko na lang siya at saka ako naglakad pabalik ng classroom. Isasabay ko ulit si Candy na maglakad. Hahaha. Para-paraan ako eh. Gusto ko siyang makasabay umuwi araw-araw.

Napatigil akong maglakad nang makita ko si Candy na nakatayo na ilang hakbang lang ang layo sa amin. Eh di narinig niya yung usapan namin ni Ynah. Tsk. Ang diyahe naman! Baka iba ang isipin niya!



Nilapitan ko na lang siya at nginitian sabay sabing, "Uwi na tayo?"


"Wow ha. May date pala kayo ni Ynah! Leche. Sige magsama kayo!" Tinalikuran niya ako at mabilis na naglakad. Dali-dali ko naman siyang hinabol.


"Nagseselos ka ba?" Mapang-asar na tanong ko.


"TANGA, HINDI BA HALATA?! UM-OO KA NOONG SABADO NANG TINANONG KITA KUNG PWEDENG TAYO NA KAYA MAY KARAPATAN AKONG MAGSELOS KASI GIRLFRIEND MO NA AKO! NAKAKAINIS KA! ULYANIN KA NA NGA, ANG LANDI-LANDI MO PA!"


Mas lalong lumapad ang ngiti ko despite the fact na nabingi na yata ako.


"Hindi ako ulyanin, tanga. Naaalala ko po. Misis na nga kita di ba? Bakit ka pa magseselos? At isa pa, team project 'yon. Wala ka pong dapat ikaselos, asawa ko." Tinawanan ko siya.


Yumuko lang siya at saka kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya. Alam kong maglalaro na naman siya ng Candy Crush para makaiwas sa usapan. Tss.



Hinablot ko ang cellphone mula sa kamay niya, "Hindi mo malalaro 'yang Candy Crush na 'yan kasi maglalaro lang din ang isang Dandy sa isip mo!"


Sinong ulyanin ngayon? Naaalala ko pa rin lahat ng sinabi niya noong Sabado. Hahaha. Sino ba namang makakalimot kung binanatan ka ng taong mahal mo? Papalag ka pa ba? MALAMANG HINDI NA.



Sa sobrang pagkaaliw ko sa pagseselos niya ay kinurot ko ang pisngi niya, "Candy crush kitaAy hindi palaCandy love na love kita."


          


L.K.'s Note : Corny. I know. Haha!

jim-dandy (Jim Dandy) : One that is very pleasing or excellent of its kind. XD

Nga pala. Hehe. May fanfic na ako para sa 10 Million Worth of Life pero hesitant pa akong magpost. Ipo-post ko na lang siguro pag tapos na. Huehue.

Sa mga nakaabot dito sa author's note, thank you po sa pagbabasa! :)

5 comments:

  1. naMiss q dtO s DDH dHiL bkAsyoN ndE aq mdALas makAonLine dHiL waLng pErA,,, hwAhehE,,,

    itO uNa q nbSa, aNg cuTe LNg kSi LLaRo diN aq ng cAndy crUsh dHiL nkitA q LNg riN duN s MV po ni pSy,,, hwHeHe,,, pRehO kMi ni cAndy,,,

    ReplyDelete
  2. Kinikilig akooo~ Hihi . \m/ - Theaaa

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^