Saturday, September 29, 2012

Miss Computer Freak Meet Mister Gangster: Chapter 7


……….His HOUSE…………….
Malaki ang bahay ni danrick ayy hindi bahay pala ng grandparents niya… nalaman ko na dito pala siya tumira. Ang bahay na ito ay ang pinakalaking bahay sa subd.



“So kamusta ka naman hija? Hindi ka na ba kinukulit ng apo ko???” Tanong ng lola ni Danrick na si Emelda. Hindi ako gaanong makahinga ng mga sandaling iyon.. Sino naman?? Ikaw nga nasa pwesto ko at kasama ko sa hapag ang dalawang matatanda at saka kinakabahan kasi ako eh ewan ko lang.


“Uhmm.. okay naman po… at sa huling tanong niyo po ay…” Goshh sasabihin ko ba o hindi ?? na sobrang mapang-asar ang apo niya at ubod at grabeng mang-inis.


“It’s okay, Hija, Alam ko na ang isasagot mo.”


(O__O) Alam na niya??? May telikenesis ba siya?


Marami pa siyang e-kwenento sa akin habang kumakain. At puro tungkol iyon sa apo niya. Ewan ko ba sakanya.. at puro magagandang traits nito ang sinasabi. At kwenento din niya naging Leader ngmga gang ang apo nito sa Korean at kinatatakutan at kung bakit dito niya pinagpatuloy ang pag-aaral.


Napakamayaman pala din ng pamilya nito. Walang binatbat sa akin na may kaya lang ang pamilya.


Bumaba si Danrick.


“O hijo… Bakit hindi ko sumabay sa amin mag-dinner kanina ka pa ah sa loob ng kwarto mo.”


“Sorry la pero may kailangan kasi akong puntahan eh.”


“Baka naman gulo ang pupuntahan mo diyan hijo.” Sa wakas ay nagsalita ang lolo nito kanina pa kasi itong tahimik na kumakain eh.


“I can assure you lolo na hindi gulo ang pupuntahan ko.”



Sabi niya sabay sulyap sa akin.


;(
Umalis na siya……….


“So hija… Gaano ba ka-sweet sa iyo ang apo ko???”


“Haaah???”



Sweet? SI DANRICK INTSIK?? At anong pinagsasabi niya???


“Bakit naman po niya yon gagawin, Lola???”


“Dahil boyfriend ka niya… it’s only natural for a boyfriend to be sweet to his girlfriend.”


Eh? EH!?!??!?!?!


………………MORNING……………….


“Oh golyy gollyy, Sofia jade villacorte! Bakit may dalawang balde ka sa ilalim ng mata mo!!!!!!! What happen???”


Matalim na tiningnan ko si Presea.


“OHhhh Chelax….Chelax… SJ… Masiyado ka  namang highblood kaya nagkaka-wrinkles ka.”


Nasa kitchen lab sila at nagluluto. Hiniwa ko ng julliene cut ang carrots.. Iniwan na niya ako mag-isa sa working area.


Letse! Dahil sa halik na yon ay ang single life ko naman ang nawala na!

WAAAAAAAAAAAAH
Dahil doon ay pinagkasundo ako ng magulang ko sa grandparents niya na magpakasal kami! Leche flan!!!!!!!!


Bakit hindi ba sinabi ng magulang mo???

Ah!!!!!!! Ayoko ng maalala.

At teka alam na ba ng Intsik na yon na fiancée na niya ako??? Kung alam na niya bakit parang walang pakialam siya??? I stare his back, Nakakapatay na tingin iyon at tila naman na naramdaman niya yon kaya lumingon ito at tinakpang ang Stock pot.

Lumapit siya sa akin.

“Why are staring at me???” he ask. Don’t tell me na may gusto ka na sa akin.” Ngumisi siya.

HUmikab muna ako saka sinagot.


“LECHENG INTSIK KA!” Saka pinagpatuloy ko ang paghihiwa. “BWIST Siguro alam mo na ang ginawa ng magulang ko at grandparents mo no?” Nakakunot na ang nook o.


“Oh. Yan ba ang kinagalit mo???”

“OO!”

“Eh ano naman?”

“Hoy intsik na lalaki! Kung siguro ay okay lang sayo pero sa akin ay hindi!”

Waaahh hindi ko pa nga naranasan na makipag-date o makapag boyfriend ay itatali agad ako ng magulang ko sa matremonyong kasal?? AYOKONG makasal! Kahit ubod na gwapo, Ubod na magandang katawan nia, ubod ng yaman ay hindi pa rin ako papayag.

Kahit hindi ako gaanong naniwala sa love ay gusto ko pa rin maranasan ang dalawang iyon.

“Makakalimutan din nila yong kasundaan saka alam mo na… matanda na si lola at lolo kaya madali lang makalimutan..kaya pinagbibigyan ko na lang sila…” Sabi niya saka umalis at binalikan ang niluluto niya.

Inalis ko na lang sa isipan iyon…

BAHALA SILA BASTA AKO AYOKONG MAGPAKASAL SA INTSIK NA YAN!

Humikab uli ako… Naramdaman ko na antok na antok na talaga ako… come to think of it dalawang oras lang ako nakatulog hindi kasi ako pinatulog sa mga nangyari eh.

Mabigat na talaga ang talukap ng mga mata ko.

Nanlalabo.. na ang paningin…
Teka… nakasuot naman ako ng salamin ah……. Pero ko na talaga kayang labanan ang antok kaya dumilim na ang paningin ko at tuluyan ng nilamon ang buong sistema ko…….


………….Later…………

Mahapdi ang mata na imulat ko at tumambad sa akin ang pamilyar na lugar… at ang amoy ng paligid… amoy gamot.

Napabalikwas ako.


“NASAAN AKO?”
“Isn’t it obvious na nasa clinic ka.” Boses iyon ni Danrick… Humalukipkip na lumapit siya sa akin.

“Anong nangyari sa akin???” I ask him.

“You don’t remember?”

Umiling ako. Alangan naman sabihin kung oo.

“Nakatulog ka sa kitchen lab… According to the nurse ay pagod at puyat ka lang… Hindi naman pala grabe.”

“At ikaw? Anong ginagawa mo rito???”

“Binabantayan.”

“Bakit?”

“Our teacher asks me to do so…”

“Ahh..” Akala ko ay concern ka kaya mo ako binantayan… kahit ayaw ko ay hindi ko mapigilan na manghinayang. “Sana hindi mo na ito ginawa sa akin hayan tuloy naistorbo pa kita.”  Nakasimangot na sabi ko.

Hindi na siya nag-komento bagkus na tumahik lamang siya at umupo sa gilid ng kama.

“Hindi naman.” HE twitches his lips. Sabi nya ng makalapit.

Kakaiba ang binigay niyang titig sa akin… Malumanay ang titig niya.

>______< Ano ba to?!?!? Naramadaman ko na lang na nag-init ang magkabilang init ko. May lagnat ba ako ngayon? I grab the bed sheet then covered to myself. Humiga ako patalikod.

“Okay na ako. Pwede ka ng umalis.”

Later on I feel a warmth hand touching my head.

(O^o)

Napapikit ako pero dumilat din dahil ang mukha na naman ang nakikita ko sakanya. Ano ba ang nangyayari sa akin?? Tell me! GINAYUMA BA NIYA AKO??? PERO… KUNG GANUN BAKIT NIYA GAGAWIN IYON EH COMPUTER FREAK AKO AT NERDY!


Ba-thump!
Ba-thump!
Ba-thump!

 “Magpahinga ka na lang.” Umalis na siya…


I rise myself in the bed and touch my head….

Mahigit 5 minutes din yon ha! Ano kayang nakain niya? Ang bait ngayon ha? Hindi na ng iinis pero dahil ba iyon na pinagsabihan siya ng lola niya???

Napasimangot ako sa naisip—siguro nga kaya ganon siya. It’s impossible for him to fall in love on me. Wait! Bakit naisip ko ang love? Ah bahala na nga lang!

Itutulog ko na lang ang mga naisip. Walang magandang idudulot yon sa akin.

3 comments:

  1. eMEged,,, aNg dMi uPdtes uNtiL d eNdiNg,,, sBraNg saYa q aTe SP,,, tHank u tLGa aNg dMi nMing mBbsa nG mga fRieNdLaLu q,,, hAHahA,,,

    ReplyDelete
  2. grabe!! engaged kagad! wala ng ligaw2.. haha

    ai?hndi sila war ngayon.. anyare teh?hahah..

    ReplyDelete
  3. ngulat aq, included n xah s completed series, ang dmi upd8! sunud-sunod! busy mode s pagbbsa!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^