Sunday, August 19, 2012

Miss Computer Freak Meets Mister Gangster: Chapter 01

[Sofia Jade pov]


"Mama si Jenny po sinampal ako sa mukha!!!"

"Napakasinungaling mo talaga, Tabachoy!... Anong sinampal? Kinurot lang naman kita sa mukha ah!"

"Grrr..." Sumasakit na ang ulo ko dahil sa kanila hindi ako makapag-concentrate sa paglalaro ng PVP sa Arena...

"MAMA!"



"Shit!!! NOooooooooo" Napatayo ako sa kina-uupuan ko saka tiningnan ng masama ang dalawa kong kapatid na nag-aaway!... Ang dalawa naman ay napatingin sa'kin..


Sofia Jade Villacorte, 17 years old, may kaya lang kaming pamilya, Lima kaming magkakapatid at pawang mga babae, and i am the second eldest haayy ang hirap talaga kapag may kapatid ka parati na lang ako ang umitindi sa kanila... Bakit pa kasi wala ako kapatid na lalaki para ito na lang magpatahimik sa mga Chanak na ito...... at ang hilig ko ay ang paglalaro lang ng Computer Games at pagbabasa ng mga Romance Novels.. at never pa akong nagka-boyfriend dahil sakit lang sila ng ulo at napaka-demanding...


Bakit ko nasabi yun?? Dahil kasi may ka-chat ako noon at sinabi niya na napaka seloso at demanding daw ang Nobyo nito at sa Best friend ko na si Feire, Meron itong isang manliligaw na napaka-persistent at binabanta nito ang friend ko na kung hindi daw niya ito sasagutin ay magpapakamatay ito.. Dahil nga duwag ang friend ko kaya sinagot niya ito.. pero one week lang sila nagkaroon ng relasyon... Hindi kasi nito talaga mahal ang Gorilla na yun kaya nakipag break ito... at minalas din dahil yung pera namin ay ninakaw nito!!



"Grrr..... Ba't ba ang ingay niyong dalawa!?! 'di ba ang sabi ko kanina na wag kayong maingay!!!!"


"Wag ka nga sumisingit sa may away, Ate!" Si jenny yun.. isa sa mga pinakamaldita kong kapatid, Matigas din ang ulo nito.. pero kapag na sa school ito... ayayay hindi kayo maniniwala napakamahiyain nito kapag na sa school at mabait.. tch...at kapag may hihingin ito sa'kin ay naglalambing ito para makuha lang ang gusto nito.. Tch..


Namaywang ako sakanya..

"Ah gano'n??? Kung mag-aaway na lang kayo ba't hindi nyo yan gawin sa labas, ha? Para naman malaman ng mga tao kung ano ang mga ugali nyo!"

"Sabihin mo! Ayaw mo lang ng nag-ingay rito dahil gusto mo ng tahimik na maglaro ng Computer! Computer Freak ka talaga!"

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya.. Sa ayaw ko pa naman ay tinatawag ako ng Freak!

RELAX  ka lang Sofia Jade! May araw din itong Bruhilta na ito sa'yo!
Tama may araw din ito sa'kin..

Pero ayaw ko talaga ng maingay!!!!
kaya nakapagdesisiyon ako na kunin sa kuwarto ko ang laptop at lumabas na lang ako sa bahay...

May bench sa loob Malapit sa malaking puno kaya doon na lang ako... para maglaro ng games..
Bitbit ko din ang malaking papel na nakasuklat na Do not Disturb me!

[Danrick's PoV]

Tch... Nakakabwisit naman o kung kelan kailangan ko ng  tulong tsaka naman walang tao sa paligid....

Nasa isang Village ako at hinahanap ang bahay ng lola Pillar ko..

Fuck! Why is it so hard to find that house???

gabi na rin at wala ng taong lumabas sa kanilang mga bahay... kahit meron naman ay nakasakay namn ng kotse.. at wala akong planong  pumara para lang humingi ng tulong! over my dead body!!! pero pano nyo ako mapapatay kong ako naman ang pinakamalakas na tao dito??
Kilala na siguro nyo ako dahil kilala ako sa buong korea.. isang tingin lang nila ay tumatakbo na ang mga ito dahil sa takot.. siyempre kilala na nila ako..

Wait!! Heck!!! You don't know me? at all??

joh-ayo! naega dangsin-ege jasin eul sogaehabnida!!
[A/N's] : Ang ibig sabihin ay FINE! I will Introduce myself to you!

Ako si Danrick Wong o mas kilalang Black Lion... at galing ako sa mayaman angkan sa korea.. Pero dahil nga biglaan ang pagdating ko dito sa pilipinas ay walang sumundo sa'kin..

-______-" Nakaka-asar na talaga..

Palinga-linga ako sa paligid at napadako ako sa isang babae na naka-upo sa isang bench malapit sa Malaking puno... Mukha itong baliw dahil tumatawa ito habang nakatingin ang mga mata sa Laptop nito.. at meron din itong isang karatula na nakasulat ay Do not disturb me! Ayaw magpa disturbo..

Wala akong pakialam didisturbuhin ko siya..

Lumapit ako sakanya... Hindi naman mainit ang ulo nito..


"annyeonghaseyo"



[A/N's]: annyeonghaseyo Ibig sabihin ay Good Afternoon..

Nag-angat ito ng ulo.. nakakunot ang noo nito.. Parang hindi nito nagustuhan ang pang-istorbo ko sakanya... "Hi." --___-- "Can't you read the sign, Mister?" Kinuha nito sa gilig nito ang Karatula saka ihinarap sakin.. [Sofia Jade PoV]

 Umiinit na naman ang ulo ko! Dahil nga dinisturbo ako ng isang lalaki na kaharap ko ngayon!
Nakasuot ito ng Black leather jacket at may isang earings sa kaliwang tenga nito... Mukha itong gangster.. Pero hindi ako natatakot dahil kapag may gawin itong masama ay sisigaw na lang ako kundi ipukpok sa ulo nito ang Laptop ko.. teka! ba't ko naman ipukpok sa ulo nito ang laptop ko??

Ah sisigaw na lang ako saka malapit lang ang bahay ko at malapit rin ang mga neighbors..
Kahit mukhang gangster ito ay gwapo ito.. kagaya ng nabasa niyang manga na isang isang gangster na lalaki na ubod ng gwapo.. Pero iba ito kesa sa nabasa niya..


Hindi ito makasagot sa tanong ko..Sinalubong ko ang Chinky eye nito..

Koreano siguro ito... at nagbabakasiyon dito sa pilipinas..

Tch!
ang lakas magbakasiyon dito kahit hindi naman nakaintindi ng lengwahe namin..



"Cat got your tongue???" Nakataas na ang kilay ko.. Bwisit talaga malapit na akong matapos sa His and her circumtances episode 1 Ng sumingit ito!




3 comments:

  1. ganda nman .. next chapter po ??? hehe :))

    [ simpledysie ]

    ReplyDelete
  2. ganda nman .. next chapter po ??? hehe :))

    [ simpledysie ]

    ReplyDelete
  3. ~angel is luv~

    ang ganda po. pero favor naman po ate, please pakituloy na po yung mga stories niyo na nakaon-hold. kakamiss e

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^