Saturday, September 29, 2012

Miss Computer Freak Meets Mister Gangster: Chapter 10



THUMP!
“Bes!” Tapik ni Presea sa akin.

Napapitlag ako.


“Oh?”

“Alam mo, Kainis ka!”


“Bakit?”



“Iniwan mo kami na walang paalam! At hindi mo sinabi na kasama mo si irog mo!”



“HA?”



“Wag kang mag-maangan! Someone saw you two went to the movie theater to watch a horror movie! At tsaka bakit ang lagkit ng tingin mo na pinukol mo kay Danrick, ha?”



Nakakunot na tiningnan ko siya. “Sino naman ang nakakita sa amin, aber? Ay pano mo naman na sabi na malagkit ang tingin ko sakanya?”



“Hindi na mahalaga kung sino siya at…'yong huling tanong mo hindi na kailangan sagutin dahil kitang-kita kita na nakatitig—hayan dae o!” HInawakan niya ang ulo ko saka binaling niya ang tingin ko sa direksiyon, nandon pa din si Danrick pero hindi na siya nag-iisa dahil lumapit sakanya si Vivian. Lumandi na naman. Hindi ko mapigilan ng mainis dahil sa sobrang lapit niya kay Danrick.


I could feel both my cheek heated.

Syet!

“Nagpapatawa ka ba? Pano naman ako nakatitig sakanya kung gayon ay iniisip ko kung pano ako makalaro ng computer? Nagkataon lang na doon ako direksiyon nakatingin.

She just smirks. “Hindi mo ako maloloko… saka the way you look at him, your eyes is glowing.”


Nag make a face ako. “Heh! Tumigil ka nga!”

“Asus! Nagselos ka lang ata eh, kaya ka umalis!!! Ayiieee selos!” Habol niya nang makaalis na ako.

Ako magseselos? Bakit naman? Tsaka wala naman talaga kaming relasiyon kagustuhan lang 'yon ng grandparent at magulang namin.

Hindi ko namalayan na pumasok ako sa bodega kung saan nilalagay ang mga Equipment… at umupo sa malamig na sahig.

[A/N] Ganyan po siya kapag may malalim na iniisip… hindi namalayan kung saan siya pumunta.


Ako magseselos? Is she kidding me? Wala nga sa hinagap na magkagusto sa mokong 'yon ah!


Talaga hindi ka nagseselos? Eh… bakit… nagkakaganyan ka?



“Hoy! Anong ginagawa mo diyan?”


I froze when I heard the voice. It was Danrick!

Nang tiningnan ko ang paligid ay natigilan ako…isa lang tanong ang nakatatak sa utak ko…


BAKIT NANDITO AKO SA BODEGA?

Isinara ni Danrick yong door saka lumapit sa akin na nakakunot ang noo.

“Anong ginagawa mo rito?” ulit niya.

“Ah..eh…” Wala akong mahagilap na sagot. “Gusto ko lang mapag-isa dito.” Palusot ko.

“Ha? Dito? Sa bodega?”

“Oo bakit ba?”

“Tsk. Akala ko pa naman takot ka sa multo.”


Hindi na ako magtaka kung alam niya 'yon dahil base sa reaksiyon ko sa sinehan—tch!


“Ano naman ang kinalaman don?”


Bago pa siya makasagot ay biglang may narinig ako click sa labas. Nanlaki ang mata ko saka parang halos liparin ang mga bola para lang buksan ang pinto. Pero—lock na yon! At si Danrick naman ay kampante lang at hindi takot.


“Hey! Buksan mo 'to!” Malakas na sabi ko para marinig sa kabilang bahagi. Pero sadly to say na useless. Dahil nakaalis na siguro sila.


I squirm.


“Bakit ba frustrated ka?”


Matalim na tinapunan ko siya ng tingin, Dim-light ang kulay sa paligid.


“Isn’t it obvious? We’re stuck up in this room!”


He chuckle at napailing.


“wag ka ngang OA diyan tsaka babalik siguro yon.”


Tiningnan ko ang oras malapit ng mag-alas sise.

I groan. Pano kung bukas pa ito bubuksan? Sigurado ako na buong gabi ko siya makakasama dito sa bodega! And worst anong sasabihin ng mga tao kapag nakita nila kami?


Nang maisip ko 'yon ay tumingin ako sakanya. Nakaupo lang siya at nakayoko.

Thump!

Thump!


At mas worst ay mababaliw na ako bago pa buksan nila ang pintuan!

2 comments:

  1. hahaha gosh!! chance mo na yan sofia! so grab nah!

    ReplyDelete
  2. mygash stuck up cla! ahhahhaha!!! ganyang mga eksena ang mga likey likey q! ahihhhhihhi!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^