Showing posts with label Ixshaila. Show all posts
Showing posts with label Ixshaila. Show all posts

Tuesday, December 15, 2015

Hindi na Ako


Hindi na Ako 
by: Ixshaila 



Hindi na ako ang dating ako 
Sa wakas ay nakaya ko nang lumisan sa mundong ginagalawan mo 
Pinaubaya ko na sa hangin ang dating nararamdaman ko 
Nilimot na ang masakit na nakaraan ko 

Monday, April 27, 2015

Pag-ibig


Pag-ibig

by: Ixshaila


Sa kanyang mga mata, luha'y namuo
Mga pangarap na sabay binuo 
Gamit ang pag-ibig sa kanilang puso 
Tila ba unti-unti nang gumuguho 

Wednesday, April 15, 2015

Alaala na lang: Chapter 3


Alaala na lang 

by: Ixshaila

 Chapter 3
~ Alaala na lang~

“This is it pansit sis! Ngayon na yung araw na sasabihin kung kanino yung maswerteng story na isasali sa contest. I’m so excited na!!” excited na sabi ni Edem, naandito kami ngayon sa hallway papunta sa classroom.

“Malay mo ikaw yung mapili?”

Monday, April 13, 2015

Alaala na lang: Chapter 2



Alaala na lang 

by: Ixshaila 

 Chapter 1
~ Daniella’s story part 2~


Nanginginig nyang kinuha ang kahon. Natatakot siya, hindi nya alam kung bakit pero kinakabahan siya. Unti-unti nyang binuksan ang kahon at bigla na lamang bumagsak ang mga luha nya at naibagsak nya ang kahon…


          “Sorry iha… kahapon pa siya umalis kasama ng mga magulang nya papuntang Canada, ang alam ko dun na sila titira.”

Saturday, April 11, 2015

Alaala na lang: Chapter 1

Alaala na lang

by: Ixshaila



Chapter 1
~Daniella's Story~

      Hapon noon nang magpunta si Danielle sa parke, gusto nyang magpahangin para makapag-isip. Maraming gumugulo sa isip nya ng hapon na yun. At nagunguna dun ang problema sa pamilya nya. Nakaupo siya noon sa isang bench sa ilalim ng puno. Nakatingin sa kawalan ngmaramdaman nya ang ilang patak ng ulan.

Alaala na lang: Prologue


Alaala na lang
by: Ixshaila



PROLOGUE

Maraming taong daraan sa buhay mo, 
yung iba, dadaan lang talaga tapos mawawala na .. 
yung iba, nagtatagal at maaring makasama mo habang buhay ..