Pag-ibig
by: Ixshaila
Sa kanyang mga mata, luha'y namuo
Mga pangarap na sabay binuo 
Gamit ang pag-ibig sa kanilang puso 
Tila ba unti-unti nang gumuguho 
Ang tandaha'y tila ba sadyang kay lupit 
Relasyon man ay ayusin pa mang pilit
Tanging isinusukli ay puro pait
Kaligayahan, kailan ba makakamit? 
Sa mundo ng pag-ibig na mapaglaro 
Kung saan ang nakataya'y mga puso
Hanggang kailan nga ba dapat na manuyo? 
At kailan nga ba tama ang pagsuko?
Sapat ba ang pag-ibig para magtagal? 
Tama bang isiping ito'y isang sugal? 
O dapat nang itigil ang pagpapagal
Upang sakit ay hindi na magtagal?
Pag-ibig ay sadyang makapangyarihan 
Ang hatid ay iba't ibang karanasan
Maaring magdulot ng kaligayahan 
O kaya naman ay lubhang kalungkutan
Bawat desisyon ay dapat pag-isipan
Pag-ibig at tadaha'y sadyang ganyan
Tama nga sigurong ispin na lamang 
Kung para sa'yo ito ay makakamtan
Ps: This is dedicated to my friend. 
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^