Monday, April 27, 2015

I Love You Mr. Womanizer: Chapter 8




KURT LEGASPI

Sayang, bakit ko pa siya binitiwan at hinayaan na hawakan ng manloloko na yun. Kaso wala naman akong karapatan eh. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin kay Mich ang mga nalalaman ko. Badtrip talaga.
Bakit nga ba ako nagkakaganito?? Kung tutuusin hindi naman ako kilala ni Mitch eh. Pero ako, kilala ko siya, kilalang kilala ko siya. Dahil ako lang naman yung lihim na may gusto sa kaniya. Ang tagal tagal ko nang kinikimkim sa puso ko ang paghanga kay Mitch. Noon pa, first year pa lang siya. Sinubaybayan ko lang yung mga gawain niya kahit magkaiba kami ng building pero hindi ako stalker. Dahil sa kasimplehan niya kaya ko siya nagustuhan, nagkasama kasi kami sa isang event kung saan naging representative siya ng organization nila at ako rin ay isa sa mga representative. Ewan ko ba sa lahat ng mga tao dun, at mga kababaihan siya ang nakakuha ng atensyon ko, siguro dahil masiado siyang madaldal at parang feel free lagi ang pakiramdam parang hindi siya mahirap iapproach. Natapos ang event na hindi ko man lang siya nakausap at hindi ko nalaman ang pangalan niya. Magkaiba kasi kami ng group kaya nawalan na ako ng pagkakataon na malaman yung pangalan niya. Pero dahil nga sa interesado talaga ako skniya, after ng event na yun, tinanong ko yung pangalan niya sa isang kakilala ko. Nalaman ko nga na freshmen sa school at Education ang course niya.  Hanggang sa nalaman ko na lang din na naging sila na nung classmate niya. Dahil nga masyado akong pakealamero pagdating kay Mitch, pati ata sa boyfriend niya nagkaroon ako ng pakialam. Hanggang sa nalaman ko na lang ang isang sikreto na hindi ko sinasadya at pagnalaman ni Mitch, sobra siyang masasaktan. At yun ang ayokong mangyari. Ayokong makita sa kaniya yung sobrang lungkot dahil siya lang ata ang nakikita ko na parang walang stress sa katawan. Lagi lang siyang nakangiti at nakatawa. Madalas ko nga siyang nakikitang tumatawa nang walang humpay sa may fountain, habang nasa 4rth floor ako ng building, tanaw kasi mula sa taas ng building namin yung mini park sa school na may fountain. Dun ko siya madals makita, at parang laging ang saya saya niya. 
Nakita ko siya na palabas ng AVR kasama sana ako ng presidente namin na aattend ng meeting, parang siyang umiiyak. Sinundan ko siya hanggang 4th floor nang hindi niya nalalaman. Sa kabilang hagdan kasi ako dumanaan. Gusto ko siya amuhin, yakapin nung nakita ko siyang natalisod hindi ko na napigilan yung sarili ko inalalayan ko na. Hindi ganitong Michelle ang kilala ko, palaban yun ngayon ko lang siya nakitang umiyak na parang down na down. Nung nagpakilala ako gusto kong sabihin na ako yung matagal na may pagtingin sa kaniya kaso hindi pwede dahil may boyfriend na siya. Nang makarating kami sa clinic yung bwisit niyang boyfriend ayun, ang sama, kala mo kung sinong mabait, may baho rin namang tinatagao. Nakakainis talaga pag naalala ko yun.
Sinipa ko ng malakas ang bato na nasa harap sa inis ko.
"Oh, pre mukhang badtrip ka ah. Anong problema mo??" Biglang sulpot ni Justine.
Siya yung best budds ko sa school, alam niya ang lahat pati na ang pagkagusto ko kay Mitch.
"Yung boyfriend kasi ni Mitch ang sarap sapakin." Nangigigil talaga ako sa inis.
"Bakit kasi hindi mo pa sabihin kay Mitch yun nalaman mo tungkol kay Uno." suehstyon niya.
"Ayokong maskatan si Mitch alam mo yan."
"Mas masasaktan siya pagtumagal pa yun." May punto dun si Justin, kaso bago pa lang kami nagkakakilala ni Mich, baka naman sabihin naman niya masyado ako nakikialam at sinisiraan yung boyfriend niya. Sa nakikita ko kasi sakanila, masaya naman sila e. Ang pinagtakhan ko lang kung bakit yun nagawa ni Uno kay Mich.

"In right time pare. Humahanap lang ako ng perfect timing." sabi ko. Napa-isip din ako sa mga sinabi ni Justine.

"Bilis bilisan mo pare, baka mas lalo masaktan si Mich pagpinatagal mo pa." Napapa-iling na lang siya.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^