Monday, April 20, 2015

Ang Anak sa Pagkadalaga


Ang Anak sa Pagkadalaga

by: Ixshaila



Isang anak sa pagkadalaga,
Ang  sa aki’y pagkakakilala
Batang walang kinilalang ama
Sabik sa pagmamahal ng ina

Nang ako’y magising isang araw
Sa aming bintana ay dumungaw
Aking nasilayan, aking ina
Dala ang gamit at paalis na

Ako ay sumigaw at kumaway
“ Saan ka po ba pupunta nanay?”
Ngunit siya ay di man lang lumingon
Umalis ng wala man lang tugon

Ako ay napaiyak sa sakit
Ang tanging tanong sa kanya’y “bakit?”
Bakit ‘sya’y umalis at  iniwan
Ang tulad kong sabik sa magulang

Ina ko’y bumuo ng pamilya
Habang ako’y iniwang mag-isa
Ako’y iniwan sa kanyang ina
‘Sya’y umalis at nagpakasaya

Lungkot na dala ng pinagmulan
Sakit na aking nararamdaman
Mula sa pag-iwan ng magulang
Mahal kong lola ang syang nagpunan

Lumaking busog sa pagmamahal
Mula sa lolang kinalakihan
Kung kaya’t kunin man ng magulang
“Pangako lola, di ka iiwan”

7 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^