Siya din yung taong walang paki basta ako'y mapasaya.
Hindi siya nagkulang sa pagbigay ng pag-aaruga.
Kahit na alam niyang pwedeng ito'y kanyang ika-hina
Pero sa kabila ng lahat ako'y sa kanya nagkakasala.
Kahit sa simpleng pagsama sa kanya ay minsan hindi ko magawa.
Hanggang sa siya'y lumisan upang kapatid ay alagaan.
Napalagay ako ng wala siya at ito'y aking nakasanayan.
Bumagsak ang kanyang katawan at resistensya'y bumaba.
Hindi ko inasahan na aabot sa ganoon ang kalagayan mo lola.
Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayare.
Nadulas siya bumagok ang ulo balita sa aking pag-uwe.
Nakita ko siyang nakahiga at parang lantang gulay.
Anong nangyare nung kailan lang malakas ka pa nanay.
Sana hindi ka na lang umalis sa ating tahanan.
Hindi ako mapalagay tuwing ika'y nahihirapan.
Lumalala pa ang sitwasyon mo't kailangan mo ulit lumisan.
Kailangan mo humiga sa kama ng karamdaman.
Gumaan ang aking pakiramdam noong naalis ang dugong namuo.
Binisita kita para kamustahin kung ayos kalagayan mo.
Ika'y ngumiti noong ako'y iyong nakita.
Natuwa ka nakita mong muli ang dati mong inaruga.
Hinalikan kita sa noo bago ako umuwi.
Sana pala nagtagal ako yun na pala kasi yung huli.
Madaling araw ako'y nagising para uminom.
Ako'y nagulat sa sigaw at iyak ng ina kong hindi matikom.
Tumawag ang tiyuhin ko sinabi niya wala ka na.
Iniwan mo na kami ang daya mo lola.
Ang nakakalungkot pa wala ako sa tabi mo nung lumisan ka.
Bakit hindi mo hinintay na sunduin kita pauwe sa bahay natin lola?
A/N: Entry po ito sa challenge no. 2 :)
Waah! Ang haba! Pero binada q prin nmn.. haha!
ReplyDeletegaling!!! parang nanliit ako sa sinulat ko! HAHAHAH :)
ReplyDeleteGusto ko ito!!!! Nakakarelate ako kasi Lola's Girl din ako.
ReplyDeleteAng galing. relate din ako, lumaki kasi ako sa lola ko eeh
ReplyDeleteAlthough hindi ako ganun ka-close sa lola ko (mother side na buhay pa rin naman hanggang ngayon) waaaaaaaaaaah! Nakakaiyak din 'to!!! Anubey!!! Ang gagaling ng entries niyo!!!
ReplyDelete