CHAPTER ONE
"Bokya!"
(Wistar Titania Var Garnur)
Ito na siguro ang matatawag kong overload happiness! Kahit na alam ko panaginip lang ito ay masaya
na ako, akalain niyo naging magical girl ako? Yie! Minsan ko na itong
pinangarap ngunit alam ko na isa lamang itong kalokohan kaya sasamantalahin ko na.
“Alakazam!” Siyempre, gawa-gawa ko lang ang spell na iyan ngunit akala ko makalabas ako ng powers ay tila gawa sa bomba itong wand ko.
Boom
Panes!
“Aray! Waahh!” Nangingiyak kong daing, this is only just a dream
by why is it feels real?
“Wistar! Gising! Ano
ba?”
Idagdag pa ang maingay na boses ng
kakambal ko.
Tangna!
Can someone flip the table?!
Nagising
lang ako sa realidad ng naramdaman kong may pumatong sa tiyan ko at kay lakas
na pinagsasampal ang mukha ko.
“Aray! Ang sakit nun ah! Anong problema mo, Scarlet?!”
Hinawakan
ko ang namamagang pisngi at matalim na tiningnan ang batang babae na tila nasa
six years old. Siya si Scarlet Tania Var
Garnur, my twin sister. Gulat kayo `no? Bata tas twin ko pa?
“Kainis ka! Bakit mo
ba ako ginising? Bukas pa magsisimula ang klase, excited much?”
Nanghaba
ang nguso ng bruhang kapatid ko. Inirapan
ko siya tsaka bumalik sa pagkahiga, hinila ang kumot pataas.
“Wistar, baka
nakalimutan mo sabi ni Mama at Papa na kailangan ka daw magbihis dahil pupunta
tayo sa Ethereal Camp! Para mag-take ng entrance exam” Niyugyog niya ang balikat ko na kay wagas. Sarap
sapakin talaga ng babaeng ito, ganyan lang iyan kapag nasa anyo siyang bata.
Siguro curious kayo `no, `no? Uy! Nahihiwagaan na kayo? Ako man din eh.
Pero
sa maniwala kayo o hindi ay hindi kami ordinaryong pamilya. Isa kaming mga tao
na may tinataglay na magic, tinatawag namin newtar.
Ang kapatid ko ay may kakayahan siya maging isang bata, isa iyan sa ability
niya. Galing `no? But I swear, huwag na huwag—as in HUWAG kayo magpaloko sa
anyo na iyan dahil iba ang personality kapag bumalik siya sa kanyang totoong
anyo.
Kaming
mga Var
Garnur Family ay mga low level magic user, which mean, patapon, hindi
sikat, hindi rin mayaman at higit sa lahat walang kwenta ang magic! And about
doon sa Ethereal Camp, isa yung paaralan para sa mga kagaya ng pamilya ko na may magic upang turuan sila kung pano gamitin ang magic nila.
Tsk!
“Tse! Ikaw lang naman
ang mag-aaral doon eh!”
“Anong ako lang?
Kasama ka oi!”
Asar
na asar na talaga ako sa bubwit na ito! Bumalikwas ako at hinarap siya.
“Hindi nila
papasukin ang isang kagaya ko!”
“Ako nga nakapasok,
ikaw pa kaya?” Mas
lalong nanghaba ang nguso niya, pwede putolin ko ang nguso niya? Akala niya
cute siya? Hindi `no!
“Dahil worthy ka sa
kanilang paaralan! Tse! Matulog na ako!”
Oo,
worthy talaga siya dahil sa amin pamilya ay siya ata ang binayayaan ng Diyos ng
maganda yet powerful magic. Rare lang mangyayari ang ganito na isang Var Garnur
ay magkaroon ng dangerous type of magic pero of course di niya yun magagamit
because her magic was sealed a long time ago. Hindi pwedeng may makakaalam nun
eh, bakit? Hindi ko alam kung bakit. At siguro nagtataka na kayo kung anong
magic ang magulang namin?
Pinagmamalaki
ko naman ang magulang ko `no. Aba, kahit anong sabi ng iba na walang kwenta ang
magic ng Var Garnur ay para sa akin ay maganda naman `no!
Bias
ako eh!
Si
Mama ay tumatahe siya, ilang minuto lang ay tapos na ang isang bongacious gown!
Si Papa naman ay digger, grabe manghukay ni Papa, isa siyang sundalo, yun nga
lang specialize niya ang gumagawa ng trap sa ilalim ng lupa. Oh di ba? Ang
husay? May silbi sa lipunan? Haha!
Ehem!
Ehem! Siyempre, di ako magpapatalo sa kanila. Ako ata ang special sa kanila
`no.
Tantantanan!
Behold, I, Wistar Titania Var Garnur,
the one and only bokya magic in our
family!
“Hindi pwedeng hindi
ka sasama, you should come, sis, you might start liking the school.”
“Sorry, kiddo, pero
mas gusto ko pumasok sa unibersidad, doon ay makakasalamuha ko ang mga kagaya
ko na normal.”
“Huwag ka kasing
NEGA!” Ano daw
negachichahahalaga?! Ewan! “Meron kang magic, I know it. Hindi mo lang siguro
na-discover kung ano yun.”
“Tsk! 16 na ako,
Scarlet at wala parin powers na lumalabas sa akin. Stop giving me false hope.”
“Sige na! Sige na!
Magagalit si Mama!”
Spell,
bwisit. Kapag sinabi na niya iyan ay wala akong choice kundi sumama. Pero hindi
nila ako mapipilit na pumasok doon sa Camp na yun. Gawd, gusto ba nilang
ipahiya ang anak nila?
“Umalis ka na nga!
Maliligo na ako!”
Umaliwalas
naman ang mukha niya tsaka tumakbo palabas ng kwarto.
***
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Naabutan
ko silang lahat na kumakain sa mesa, kaya naman mabilis na pumwesto ako doon sa
pinakadulo ng mesa, opposite side kung saan nakaupo si Papa.
Growl
Gutom
na gutom na talaga ako!
Pero
nang tingnan ko ang nasa hapag kainan ay pansin ko na wala ng pagkain natira.
Parang gusto ko maiyak dahil gutom pa naman ako! Sinulyapan ko si Mama na
nagliligpit ng mga gamit.
“Mama, wala po ba kayong hinanda pagkain para sa`kin?”
Ilang
minuto lang ako naligo ay wala na! Ang sama! Ang takaw kasi! Pero siyempre joke
lang yun.
Nagtataka
na tiningnan niya ako. “Naku, nak,
naubos na eh. Sabi nang kapatid mo na busog ka daw.”
Anak
ng poopoo naman eh! Nagpapadyak ako sa ilalim ng mesa.
“Wala po akong sinabi ng ganun! Huhu”
“Wala nga ba?” Singit ni Scarlet, nakatikwas ang kilay. Bumalik na
pala siya sa kanyang anyo. Tingnan niyo? Ito ang totoong Scarlet, hindi yung
sweet na bata. Pero ito? Napaka—aghhh! Napakasama niya! At napakatakaw!
“Oo, wala!” Magsisimula na naman kaming mag-away ng sinaway kami
ni Mama.
“Tigilan na ninyo iyan, bangayan
ninyo. Ikaw naman, Scarlet, ba’t nagsinungaling ka sa`min? Kawawa naman itong
kapatid mo.” Iyan ang napapala mo!
“Hmp!” Nakita niya siguro ang ngisi ko kaya inirapan ako ni
Scarlet.
“Since ready na tayong lahat ay
dumiretso na tayo sa Ethereal Camp.”
Ani ni Papa, mukhang hindi ata narinig ang usapan namin.
Napanganga
naman ako sa narinig, tama ba ang narinig ko? Hindi pa nga ako nakakain,
pupunta na kami sa Camp na yun?!
Si
Scarlet naman ngayon ay ngumisi sa akin na nakakaloko. Asar! Inirapan ko siya
tsaka sinabi.
“Okay po, hindi naman
po ako nagugutom `no!”
***
Lulan kaming apat sa pick-up truck, oo na, hindi social
ang sasakyan. Anumang oras ay masisira na talaga itong pick-up. Alam niyo bang
araw-araw akong nagdasal na hindi iyan masira?
Ilang
oras din ang biyahe namin, sumasakit na ang pwet ko dahil sa kay tagal kong
nakaupo dito sa front seat. Idagdag pa’ng gutom ako! Kung hindi ba naman
matakaw ang kapatid ko eh di sana hindi nagwawala ang mga alaga ko sa bintuka
ko.
Puro
mga puno lang ang nadadaanan namin, malayo sa kabihasnan. In fairness, maganda
sa mata ang puro GREEN ang nakikita. Sariwa ang hangin na nalalanghap ko at `di
yung puro alikabok na nasa city. Napatigil ako sa pagmumuni nang may namataan
akong ilaw sa daan. May kung anong takot na nadarama ako, as in, ngayon lang
ako nakakita ng ganyan klaseng ilaw na tila whirlpool sa dagat.
“Papa! Iliko ninyo!”
“Relax ka lang, Wistar.”
“Pano ako mari-relax
eh may nakaharang na ilaw! Baka dakpin tayo ng mga alien and worst ay i-disect
nila tayo para suriin ang ating katawan!”
“Pfft!” Narinig ko ang pigil na pagtawa ni Scarlet sa likod.
“Ang lawak talaga ng imahinasyon
mo, Wistar. Portal iyan, nak, diyan tayo dadaan patungo sa Ethereal Camp.” Sabi ni Mama sa`kin na tila natatawa sa reaksyon
ko. Si Papa naman ay napapailing habang si Scarlet ay `di na niya napigilan
pang tumawa. Oh wow, hiya naman ako sa kanila.
Ako
na ang mangmang sa kanila. Ako na! kaya nga special child `di ba? Hello, ako si budoy! Haha!
Sa
inis ko ay kinuha ko sa bulsa ang maliit na bola tsaka pinukol sa kanya.
“Aba’t!”
“Beehhlllaaattt!”
Naudlot
ang plano ni Scarlet na gantihan ako nang gumigiwang ang sasakyan, at hindi ko
mapigilan na mapapikit sa sobrang liwanag.
Pagdilat
ko ay namangha ako, first time ko kasi makapunta dito kaya pagpasensya na kung
medyo ignorante ako. Kay lawak ng lugar, hindi ko masabi kung ilang ektarya din
ang lawak ng Camp na ito. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga naglalakihan
building na napalibutan ng matayog at naglalakihan puno. Parang `di paaralan
`no?
Diyan
mag-aaral si Scarlet. Swerte niya `no?
Kahit
na gustuhin ko man mag-aral dito ay hindi pwede, aba, gusto ko mag-aral sa
unibersidad `no.
“Tara na, `di tayo dapat mag-aksaya
ng oras dito. May gagawin pa kami ng Mama mo.”
Nakabusangot
na ang mukha ko na lumingon ako kay Papa.
“Pa, pwede kumain
muna tayo?”
“Tiisin mo na lang, Wistar. Akala
ko ba busog ka pa?”
“Eh! Kanina pa kaya
yun!”
“Tiisin mo na lang iyan.” Ang sama talaga nila, huhu! Tinitiis ko na nga eh.
Pinipilit kong tiisin ang pagwilga ng alaga ko sa tiyan.
***
GROWL
“Wistar, patahimikan
mo nga iyan alaga mo!” Sita
sa akin ni Scarlet. Kakapasok palang namin sa headmaster office, nakayuko ako
na hinihimas ang tiyan. “Nakakahiya!”
“Aba, aba!
Nakakahiya? Sinong may kasalanan hindi ako nakakain?”
Balik ko sa kanya. Sa gilid ng mata ko ay napansin
akong isang lalaki. Nang lingunin ko siya ay napa-wow ako! Ohmergerd! Ang
gwapo! As in! Mukhang nasa late twenties ang lalaki and I assume na siya ang
headmaster dito. Bakit ba ganun ang term nila? Pwede naman, principal di ba?
Pareho lang yun. Huwag kukontra, kung hindi ipapalapa ko kayo sa rabies kong
alaga sa tiyan.
Hindi
na lang ako nakisawsaw sa usapan ng magulang ko, inilibot ko na lang ang
paningin sa paligid. Makabago ang disenyo ng office niya, may malaking bintana
na halos umabot na sa kisame. Naglakad ako patungo doon para bintana para
tumingin sa labas. Boring~
Kukunti
lang ang mga tao sa labas, naakagaw sa atensyon ang isang babae na naglalakad
patungo sa isang maliit na gusali particular na sa kanyang suot na uniporme.
Ohgerd! Hindi ko maimagine na magsuot ng ganun kaikling damit, at hakab na
hakab sa beywang ang damit. Ayan tuloy, na concious ako sa damit ko.
Nakasuot
kasia ko ng stripe na damit, cap, jeans at rubber shoes. Baduy, I know right?
Bumaling
naman ako sa isa pang kasama ng babae, biglang naging shimmering star ang mata
ko sa nakita. Huuuwaaw! Gusto ko yung uniporme ng lalaki! Kahawig lang ng
uniporme ng ouran host club?
“Eh yung isa mong anak? Mukhang hindi ata siya interesado
dito pumasok sa Ethereal Camp ah.” Uy
narinig ko yun! Obvious naman di ba?!
“Ganun na nga, Mr. Knightwalker.
Ewan ko ba sa batang iyan, ayaw niya eh marami siyang matutunan dito.” Sabi naman ni Mama.
“Nak, Wistar, ayaw mo ba talagang
pumasok dito?” Baling sa akin
ni Papa kaya inalis ko ang tingin sa bintana at lumingon sa kanila.
“Isa ka pa naman
mangmang sa pamilya natin. Walang alam sa mundo natin.” Padinig ni Scarlet sa akin, ayaw ko talagang pumasok
dito. Pero may kung anong umudyok sa akin na pumayag na lang sa gusto ng
magulang ko. Kainis eh, hindi kami close ng kapatid ko pero kailangan ba
talagang ipahiya ako? Oo na, siya na ang matalino sa amin at may powers. “Weak.”
Okay
that’s it! Hawakan niya `ko! Pigilan niyo ako! Ano ba dapat kong gawin para
patunayan sa bubwit na ito na hindi ako weak?
LIGHT
BULB!
Haha.
Ganun pala ha. Weak ako? Kung papasok ba ako dito ay titigilan niya ako sa
pang-alipusta niya sa akin?
Sige.
Pagbigyan ko sila! Papatunayan ko sa kanila na hindi ako mangmang! Sadya lang
ayaw ko pag-aralan ang history namin kaya wala akong alam. Pero sige,
pagbibigyan ko sila, IF kung papayag sila sa condition ko.
“Hmph! Since mapilit
kayo, sige! Pero sa isang condition.”
“Condition?” Sabay pa na tanong nilang apat.
“Ay hindi. Aircon!
Aircon!”
“Ano naman condition iyan, nak?” Tanong ni Papa sa akin. Determinado ako sa decision
ko. Isa pa, malabo na tatanggapin nila ang condition.
“Nakita ko kasi
kanina ang uniform sa babae at `di ko yun gusto kaya ang condition ko ay
payagan niyo ako magsuot ng male uniform.”
Boom
yeah! Baby! Hindi sila papayag niyan. Hindi nila ako pipilitin! Yahoo!
“Susmaryusep! Walang manliligaw sa
anak natin, hun! Paano ba natin siya pinalaki at naging ganyan siya?!” Hestirical na sabi ni Mama. Wow, parang abnormal
ako?
“Ah ganun? Eh hindi
ako papasok!” Niknik
niyo! As in neva ako magsusuot ng
ganun ka super kikay na damit! Yuck! Ew! Ew!
“I guess we don’t have a choice…” yes, Papa, wala kayong choice kundi tigilan niyo na
ako sa kakapilit na pumasok dito. You’re the man, papa!
Bumuntong
hininga siya bago bumaling kay Mr. Knightwalker. “Okay lang ba na magsuot ang anak namin ng male uniform?”
Hala.
Patay! Sabihin mo, Sir na hindi pwede! Pero kung hindi ako papasok dito, wala
akong chance na makasuot ng uniporme nila. Gawd, hirap naman nito.
“Sa totoo lang, this is the first time someone who doesn’t
like our uniform at gustuhin panlalaking uniporme ang suotin. But I don’t see
any reason to not let her do as she please.”
“Huhuhu! Honey, huwag mong payagan
ang anak natin na pasuotin siya ng ganun klaseng damit. Paano siya magkakaroon
ng boyfriend niyan? At baka isipin ng iba na lesbian ang anak natin!” Ma, ang OA niyo na po! Yuck. Bangitin ba naman
boyfriend? Nangingilabot ako isipin yun, hindi naman ako lisbo `no pero ah basta! Nangingilabot ako!
“Cecilia, wag ka nang umiyak.
Payagan na natin ang anak natin sa gusto. Ayaw mo ba nun? Papasok na dito sa
Ethereal Camp ang anak natin.”
“May choice pa ba ako?”
Huwaaat?!
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^