Alaala na lang
by: Ixshaila
Chapter 1
~Daniella's Story~
Hapon noon nang magpunta si
Danielle sa parke, gusto nyang magpahangin para makapag-isip. Maraming gumugulo
sa isip nya ng hapon na yun. At nagunguna dun ang problema sa pamilya nya.
Nakaupo siya noon sa isang bench sa ilalim ng puno. Nakatingin sa kawalan
ngmaramdaman nya ang ilang patak ng ulan.
“Naku,
umuulan na. Wala pa naman akong dalang payong! Kainis naman.” Tugon niya.
Tumakbo
siya hanggang sa makarating siya sa isang lumang waiting shed. Dito muna siya
magpapatila ng ulan. Hindi lang siya ang sumilong dito, may isang lalaki din na
sa tantya nya ay kasing edad din niya.
Napatingin
siya sa lalaki at nakita nyang basang-basa din ito tulad nya. Agad naman niyang
iniwas ang kanyang tingin nang tingnan siya ng lalaki. Palakas ng palakas ang
ulan, gayundin ang hangin. Unti-unti na siyang nilalamig. Naupo at sumiksik na
lamang siya sa isang sulok habang yakap ang sarili.
Maya-maya ay naramdaman na
lamang niya na may nagpatong ng jacket sa balikat nya. Tumingala siya at nakita
ang lalaking nakangiti sa kanya. Singkit ang mga mata nito kaya tila nakapikit
siya ng ngumiti ito.
“Gamitin
mo muna. Mukhang giniginaw ka.” Sagot nya at naupo sa tabi ni Daniella.
Biglang
kumulog at sinabayan pa ng matatalim na kidlat, medyo madilim na rin ang
paligid noon. Agad na nagtakip ng tainga si Daniella at pumikit. Takot siya sa
kulog at kidlat. Agad itong napansin ng lalaking katabi nya kaya pinakalma siya
nito.
“Huwag
kang matakot. May kasama ka naman eh. Nandito lang ako sa tabi mo.” Sagot nito
at muli ay ngumiti ito sa kanya.
Ito
ang unang beses na nakaramdam ng concern si Daniella galing sa ibang tao.
Maya-maya din ay tumiigil na ang ulan.
“Sige,
mauna na ako. Salamat” paalam ni Daniella sa lalaki. Nakakailang hakbang pa
lamang ito ay agad siyang hinabol ng lalaki.
“Gabi
na, ihahatid na kita. Saan k aba nakatira?” tanong ng lalaki.
Kahit
hindi nya pa gaano kakilala ang lalaking ito, magaang ang loob nya dito at alam
nyang mabuting tao ito kung kaya sinabi nya kung saan siya nakatira. “Dyan lang
sa may Gardenville”
“Talaga?
Taga doon din ako. Bagong lipat lang kasi kami eh.” Paliwanag nya.
Sumakay
sila sa tricycle. Habang nasa tricycle, biglang nagsalita ang lalaki. “Miss ako
nga pala si Chris. Kanina pa kasi tayo magkasama hindi man lang natin alam ang
pangalan ng isa’t isa”
“Oo
nga noh? Ako nga pala si Daniella. Nice meeting you Chris” sagot naman nya.
“Ay
kuya, sa tabi na lang po. Sige Chris salamat.” Paalam nito at agad na bumaba.
“Sige,
see you again next time” tugon naman ni Chris.
Pagpasok
ni Daniella sa kwarto nya, hindi nya napigilang mapangiti, hindi nya alam kung
bakit pero masaya siya. Masayang-masaya.
Kinabukasan
lumabas ulit si Daniella dahil naiistress lamang siya sa kanilang bahay tuwing
maririnig ang awayan ng kanyang mga magulang. Nagtungo siya sa isang ice cream
shop at umorder ng paborito nyang banana split. Pagdating ng waiter ay agad na
iniabot sa kanya ang kanyang order.
“Kuya
sandali yung regular lang yung inorder ko, special tong binigay mo eh”
“Yan
po kasi yung sinabi nung kaibigan nyo na ibigay po sa inyo, binayaran nya na
din po iyan”
“Kaibigan?
Sinong kaibigan?” nagtatakang tanong nito.
“Yung
nasa likod nyo po.” Sagot ng waiter at umalis na.
“Agad
namang tumingin sa likuran nya si Daniella at nakita si Chris na nakangiti sa
kanya.
“Chris…”
ang tanging nasambit ng dalaga. Agad namang lumipat si Chris ng umupan sa harap
ni Daniella.
“Hi.
Nice seeing you again” bati nito.
“Ikaw
yung nag-order nito?”
“Yep,
ayaw mo ba?”
“Gusto
kaso ang dami, hindi ko yata kayang ubusin ito.”
“Edi
tutulungan kita.”
At
doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan, halos araw-araw silang lumalabas.
Dahil kay Chris nalilimutan ni Daniella ang problema nya sa bahay. Dahil kay
Chris pakiramdam nya nakakatakas siya sa magulo nyang buhay. Si Chris ang
laging nagpapasaya sa kanya. Sa isipan ni Daniella si Chris na lang ang meron
siya, ang kakampi nya. At dahil doon, unti-unting nahulog ang kanyang loob
dito.
“Oh
bat naandito tayo?” tanong ni Daniella. Nasa Freedom park sila, sa park na
malapit sa waiting shed kung saan sila nagkakilala.
“Wala
lang.” sagot nito. Pinagmasdan ni Daniella ang buong parke. Kung hindi siya
nagpunta sa lugar na ito noon, siguro hindi nya makikilala si Chris.
“Daniella,
Smile!” agad na kinuhanan ng larawan ni Chris si Daniella.
“Ay
anu ba yan. Hindi ako ready.” Reklamo ni Daniella.
“Stolen
nga eh.” Sabay tawa ni Chris. Nagkwentuhan sila doon hanggang dumilim na.
“Sandali
lang Daniella, may bibilhin lang ako ha?” paalam ni Chris.
Maya-maya,
medyo kinabahan na si Daniella dahil ilang minute nang wala si Chris. May ilang
lalaking nakaitim pa ang humilera sa unahan nya, mga nakayuko ito at ang isa ay
nakamaskara pa. Aalis na sana siya ng may lumapit na mga bata sa kanya at
nag-abot ng mga lobo. Labing-anim na bata ang nag-abot sa kanya ng mga pink na
lobo. At matapos nito ay may tumugtog na kanta, kasabay ng pagtalikod ng mga
lalaking nakaitim. Nagulat siya sa nakasulat sa damit ng mga ito.
“I
Love You Daniella” at nagalis ng maskara ang lalaki sa dulo. Si Chris.
“Daniella,
alam ko masyadong mabilis, halos tatlong buwan pa lang tayong magkakilala, pero
aaminin ko sayo, bawat araw na kasama kita, sobrang tuwa ang nararamdaman ko.
Masaya ako na nakilala kita. March 16, yan ang araw na hindi ko malilimutan,
yan ang araw na nakita kita sa waiting shed malapit sa parkeng ito. Eksaktong
tatlong buwan ngayon araw na to, Yung ang araw na dumating ka sa buhay ko. I
love you Daniella.” pagtatapat ni Chris.
Agad
niyakap ni Daniella si Chris sa sobrang kasiyahan. MAhal din siya ni Chris.
Mahal din siya ng lalaking minamahal nya.
“I
love you too Chris.” Bulong nito kay Chris.
Agad
na kumalas sa pagkakayakap si Chris, “Talaga?!” masayang tanong nito.
Mula
ng araw na iyon pakiramdam ni Daniella na hindi na siya nag-iisa, na naandyan
na si Chris sa tabi nya sa tuwing kailangan nya ito.
Mabilis na lumipas ang mga
araw, at dalawang araw na lang isang taon na sila ni Chris.
Masaya
pa silang magkasama ng hapon na iyon, nagkekwentuhan, nagkukulitan. Ang dami pa
nga nilang picture noon sa camera ni Chris.
Kinabukasan, hindi na nagparamdam
si Chris. Walang text, ayaw sagutin yung mga calls ni Daniella. Medyo nabahala
si Daniella, pero naisip nya nab aka may pinaplano na naman surpresa si Chris.
Nangyari na rin ang ganito noong mag 6th monthsary nila, isang buong
araw na hindi nagparamdam si Chris, at kinabukasan may surpresa pala ito sa
kanya.
Kinabukasan,
ang araw na pinakahihintay ni Daniella, maaga itong nag-ayos at agad na pumunta
sa bahay nila Chris. Pinagbuksan naman ito ng pintuan ng katulong nina Chris.
“Hello
po. Si Chris po?” tanong nya.
Halatang
nabigla ang matanda, ngunit pinapasok pa siya nito sa loob ng bahay. May kinuha
lang ito at agad na lumapit sa kanya hawak ang isang kahon.
“Pinabibigay
yan ni Chris”
Nanginginig nyang kinuha ang
kahon. Natatakot siya, hindi nya alam kung bakit pero kinakabahan siya.
Unti-unti nyang binuksan ang kahon at bigla na lamang bumagsak ang mga luha nya
at naibagsak nya ang kahon…
“Sorry iha..”
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^