Monday, April 13, 2015

I Love You Mr. Womanizer 2: Chapter 2




Every month meron kaming tinatawag na General Assembly para sa mga bagong student sa school lalo na sa program namin parang pawelcome namin sa kanila. Ngayon naman ang agenda ng GA namin ay para sa darating na sport fest. Yan ang inaabangan ng marami kasi labanan ‘to ng ibang ibang organization tulad ng Accounting, Management, HRM, Finance at iba pang mga courses dito sa University.
Pinag-uusapan lang muna sa meeting na ‘to ay kung sino ang mga sasali sa cheering, volleyball, basketball girls and boys, kasi malapit na ang sport fest namin. Go naman kami sa Volleyball ni Kristel, pati na rin basketball pero hindi talaga ako marunong, pandagdag lang ako para kung sakaling may mapagod sa team bahala ni si Superman sakin. Si Abbie walang kahilig hilig sa ganiyang at si Aisha naman sa cheering sasali dahil magaling talaga siya sumayaw. Napagkasunduan na rin na kinabukasan magpasukat ng jesry tutal sabado  naman. Mabilis lang natapos ang meeting kaya umuwi na rin kami. “Huy Mitch, sabay sabay na tayo magpasukat bukas ha? Malapit lang naman sa inyo yun diba?” bulong ni Cassandara, isa sa mga malalapit ko din na kaibigan. “Sige! Basta agahan mo ha, ayoko ng late sa oras.” Sabi ko naman. Sabay sabay na rin kami nila Aisha at Kristel na pupunta bukas sa patahian.
 ****
Kinabukasan ay nakasalubong ko si Uno malapit sa tailoring shop, “Akalain mo nga naman na pinagtatagpo tayo ng tadhana Michelle.” Sabay ngisi. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Pareho lang pala ng patahian yung nakonrtata ng organization nila at ng organization namin. Si Uno ay sumali sa basketball team, mukhang magaling siya dahil isa siya vasity player sa dati niyang school sa Manila.
 “So feeling mo tinadhana kayong dalawa?” Tukso ni Cass. Siniko ko siya dahil kung ano-ano pinagsasabi niya.
“Maaaring ganun na nga” Ngisi naman ni Uno. Ngising aso pa. Nakakainis talaga siya.
“Kung magpapasukat kayo gawin niyo na no, dami niyo pang dada dyan eh.” Sabi ko abay irap sakaniya.
“Meron ka ba? Bakit ang sungit mo?” takang tanong niya.
“Pag sayo lang ako nagiging masungit kung alam mo lang.”
“The more you hate the more you love daw sabi nila.” Asar pa niya.
Di ko na lang siya pinasin, nagpasukat na ako at tinanong lang kung ano ilalagay na name sa likod at kung ano yung number. Sabi ko 27 para birthday ko.
“Ate ako 11, para birthday ko din” Sabay kindat sakin ni Uno.
“Ano ba naman yan, why so gayagaya?” inarte ko.
“Para match tayo.”
“Para sabihin ko sayo, wala dito ang ex mo para magpa-cute ka sakin nang ganian.” Naiinis na talaga ako sa kaniya, akala ata niya lahat ng babae makukuha niya sa pagpapacute niya. Ganyan mga style ng mga matitinik sa babae kaya wala akong tiwala. Kinilig ka lang eh. Sabi ng kabilang utak ko.
“Wala na akong paki-alam sa ex ko na yun, tska technically hindi naman talaga naging kami, inassume niya lang.” Sabi pa niya.
“Hep-hep-hep. Mukhang hindi na nagiging maganda ang usapan. Relax lang kayo guys!” Sabat naman ni Cassandra.
Sumimangot ako at tinalikuran ko siya. Nakita ko naman na dumarating na sila Aisha at Kristel kaya sinalubong ko na sila.
“Oh bat nakasimangot ka?” Tanong ni Kristel
“Wala lang, may nambadtrip lang sakin.”
“Parang alam ko na kung sino.” Tumingin siya nang makahulugan sa akin. Nagets ko naman kung sino ang tinutukoy niya. “Oo siya nga, nakakabwisit eh.”
“Hayaan mo na lang. Baka gusto ka na talaga niya.” Sabi naman ni Kristel.
 ***
1st day ng sport fest parada na ng mga players ng iba’t ibang organization para sa mga games na sinalihan nila. Alas-otso ng umaga nagsimula ang parade, mula sa school namin paikot sa plaza, agaw eksena kami sa mga dumadaan na trycicle, jeep at mga sasakyan. Katabi ko sina Kristel, Cass at Aisha si Abbie as usual ayaw sa araw kaya naiwan sa gym at kami na lang naglakad. Tawanan at kwentuhan pa kami sa pila at inihahanda na ang mga strategy na gagamitin namin para sa laro nang biglang may sumulpot sa tabi ko, binangga pa ako.
“Hi Michelle ! May pupuntahan ka ba after nitong parade?” biglang tanong ni Uno. Inirapan ko lang siya. Akala ata niya natutuwa ako sa mga pinaggagawa niya? “Galit ka pa rin ba sakin?” Tanong niya, pero hindi pa rin ako sumasagot.
“Ok, sorry na. Hindi ko naman alam na pikon ka pala eh.”
“Kailan mo ba ako tatantanan?” Pasigaw na sabi ko.
“At kailan ka ba hindi magiging masungit sakin?” Napasigaw na rin siya kaya napatingin sa’min yung mga estudyante sa unahan. “Pwede ba wag mo kong sigawan.” Naglakad na lang ako at kasabay ko pa rin siya. Habang sila Kristel luminya sa likod. Minsan hindi ko maunawaan ang gusto ng mga kaibigan ko. Bakit ba nila ako pinipilit sa kumag na ‘to, inaapi na nga ako ng ex ni Uno.
 “Seryoso ako Mitch, may pupuntahan ka ba after? Gusto ko lang may makasama mamasyal mamaya.” Mahinahon na ang pagkaksabi niya lumungkot yung istura niya. “Wala akong gagawin na kalokohan, promise!” Tinaas pa niya ang kanang kamay niya.
Duda pa rin ako sa mga sinasabi niya pero hindi ko pa rin alam kung ano yung nagtulak sakin para umoo sa imbetasyon niya.
“Ok sige, pero libre mo ha! Wala akong pera tska ikaw nagyaya kaya ikaw ang taya.” Sabi ko. Ngumiti lang siya sakin. Di ko namamalayan tumatawa na rin pala yung mga nasa likod ko. Kaya pagtingin ko sa kanila inirapan ko sila. Napangiti na rin ako, tinignan ko ang katabi ko ngayon. Mukha naman talaga siyang mabait, tska kung pagmamasdan mo lang talaga siya ang gwapo niya, moreno siya pero makikita mo na lalaking lalaki ang dating kaya rin siguro naging candidate siya para sa campus king nung isang taon naging 1st runner up siya sa pageant na yun. Pero tulad kanina ang lungkot ng itsura niya, nakangiti siya pero malungkot yung aura niya. Kahit kailan hindi ko kinausap ang taong ito, bakit? Kasi I looked at  him as a happy-go-luck guy, babae dito, babae dun, laging late sa klase, di nagpapasa ng mga requirements,  laging bumabagsak sa mga quizzes, di marunong magseryoso, mayabang, feeling pogi basta nakakairita siya at ayoko talaga sakaniya di siya yung tipo ng lalaki na gugustuhin ng isang tulad ko hindi mataas ang standards ko pero hindi ko rin naman gusto yung super bad boy image. Hindi naman ganun kalaki yung University namin, kung baga branch lang kami, may main St. Jude University pa talaga kung saan pumupunta mga iba’t ibang satelite ng St. Jude pag may mga big events. Kaya naman halos lahat ng mga estudyante sa University namin magkakakilala lang.
30 mins lang naman nakarating na kami sa university mula sa di gaanong mahaba na paglalakad. Nagsimula na rin ang cheering competition at syempre suportado naming si Aisha. “Water?” Abot sakin ni Uno. Naka-indian sit ako sa may bench ng gym habang tumitili at nagchecheer sa mga kagrupo naming. “Thanks” simpleng sagot ko. “Tanong ko lang, saan ba tayo pupunta at kailangan mo pa ng kasama?”
“Malalaman mo when we get there.” Ngumiti lang siya habang umiinom ng tubig. Tumayo siya at biglang.. “Tara na tapos na rin naman ang organization niyo eh!” nilahad niya yung kamay niya para tulungan akong tumayo. Nagpaalam lang ako kila Kristel at sinundan ko siya sa parking lot may dala kasi siyang motor kaya mukhang mapapabilis ang pagdating namin sa pupuntahan namin. Tumigili kami sa Mcdo, nagdrive thru kami. “May nakapagsabi sakin na mahilig ka sa french-fries” ngumiti lang ako, umorder siya ng tatlong large fries at dalawang burger, may kasama pang strewberry sundae. “Ang dami naman ata nito?”
“Ayokong magugutom yung kasama ko.”
“Ok lang hindi ko tatanggahin ‘to! Talagang gutom pa naman ako..” Ngumiti ako.
“Minsan masarap ka din palang kasama kahit medyo masungit ka no?”
“Di mo ko madadaan sa ganyan mo no.”
 “Ok po. Wag kang masungit.” Napailing na lang siya.
Bigla kaming tumigil. Paradise Eternal Palace Simenteryo? Bakit dito? Ililibing na ba niya ako, o siya ang ililibing ko ng buhay at ipaliwanag niya sakin bakit dito? Bumaba ako sa motor, may kinuha siya sa compartment na scented candles. Nakita siguro niya yung pagtataka sa mukha ko, “Pasensya ka na kung dito kita dinala.” Naglakad kami sa may museleyo. “Rafael”.
“Dito nakalibing yung lolo ko. It his 11th year death anniversary.” Malungkot na tugon niya. “Simula nung nawala siya, di ko na alam gagawin sa buhay ko, I have my parents pero parang wala din. Si Papa laging nasa office, si Mama naman bantay lagi sa business niya, pathetic is in it?” Medyo nauunawaan ko na kung bakit siya malungkot kanina. “Si lolo lang yung nakakaintindi sakin talaga, parang siya nga talaga yung Papa ko eh.” May pait sa pagkakasabi niya nay un.
“Kung nasaan man siya ngayon, hindi siya matutuwa na nakikita ka niyang malungkot.” Tinapik ko yung balikat niya.
“Kung andito siya ngayon, malamang yan nga ang sasabihin niya. Palatawa kasi siya at laging may baon na joke.” Pinag-usapan pa naming yung tungkol sa pamilya niya. Workaholic ang parents niya at may dalawa siyang kapatid na babae. Techinically hindi sila magkakasundo kasi magkaiba kasi ang trip nila sa buhay, ang ate at bunso nilang babae din ang laging nagkakasundo. Noong bata pa daw siya lagi niyang niyayaya yung Papa niya na makipaglaro sakniya, pero dahil busy lagi ring tumatanggi. Kaya simula nun lolo na niya yung lagi niyang nakakasama. Kumuha siya ng business course kasi yun ang gusto ng parents niya pero hindi niya gusto.
“Ang gusto ko talaga maging piloto, marami akong laruan na eroplano noon, pero gawa sa papel.” Tumawa siya, “sabi kasi ng lolo ko mas mataas daw lipad nun at mas makakarating agad sa langit, wala ka pang gastos, naniwala naman ako. Yun pala ayaw niya lang ako ibili kasi mahal.”
Nakita ko yung side ng pagiging bata niya. Nakakatuwa at least may nalaman ako kahit kaunti sa pagkatao niya. “Bakit ako yung sinama mo dito?” Bigla kong natanong.
“Sa totoo lang hndi ko rin alam, ikaw pa nga lang ang naisasama ko dito sa puntod ng lolo ko madalas kasi mas gusto ko na mag-isa lang dito kasi ang peaceful bukod sa sementeryo ‘to” sabay tumawa niya. “Siguro kasi magaan yung pakiramdam ko sayo.” Tumingin siya sakin Naramdama ko yung pamumula ng pisngi ko at yung parang biglang may gumalaw sa tyan ko na hindi ko maintindihan. Kumain ako ng burger at fries pati na rin yung sundae para mawala lang yung kakaibang pakiramdam. 
“Pwede mo ba akong ipagcheer mamaya Michelle?”  Tumalon yung puso ko sa pagkatitig niya. “Ha? Oo naman, lahat naman iche-cheer naming eh!” Sabi ko na lang sabay kain ulit ng fries.
“Hindi gusto ko sana ako lang.” Seryoso yung mukha niya, napatitig lang ako sa kniya. Bigla niyang sinabi na “Joke lang. Pero gusto ko sana na ipagcheer mo ako. At promise ko sayo pag nakapag nakascore ako ng 30 pataas ililibre kita ng kahit na anong gusto mo!” Mukhang magandang idea yun ha. Ano kaya ang ipalilibre ko? Pero teka, maka score kaya ‘to ng 30 points?
“Pano kung hindi ka makascore ng 30 points?”
“Imposible yun, baka hindi mo alam star player ‘tong kausap mo, diba no ‘lo?” Bigla siyang tumingin sa puntod ng lolo niya.
“Dinamay mo pa si lolo sa kalokohan mo.” Ngumiti na lang ako.
“Siguro kailangan na nating bumalik para makapag handa ako sa game namin mamaya. Ipapakita ko sayo kung gano ako kagaling, at saka baka sabihin nila tinanan na kita.” Humalakhak pa siya. Ngumiti lang ako.
Tumayo siya at tulad kanina nilahad niya ulit ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Mabait din naman pala siya. Namissunderstood ko lang siguro siya noon. Nagtagpo ang mga kamay namin, parang may kuryente. Napabitaw ako bigla. “Kaya ko na no.” Tumayo ako. “Kailan mo kaya ako hindi susungitan Michelle?” Tanong niya – Malungkot
“Hangga’t yang ex mo na yan hindi ako tinitigilan.”
Sorry talaga ha, hindi ko alam na gagawin niya yun sayo. Sa totoo lang hindi ko naman yung gustong mangyari, kung alam mo lang kasi yung totoo talagang gusto ko.” Naguilty ako bigla. Totoo naman hindi naman niya yung gustong mangyari, ang mga lukaret kong mga kaibigan kasi ang may pakana ng mga ‘to eh.
Pasensya ka na rin kung sinisi kita. Naiinis lang ako kasi parang ikaw lang ba ang lalaki para sa kaniya?” Sumakay siya sa motor tapos ako. “Ganun siguro talaga paggwapo.” Ngiti niya.
“Hayaan ka naman feeling pogi ka talaga no? Para sabihin ko sayo……” Wala akong maisip sabihin kasi gwapo naman talaga siya. “Gwapo talaga ako, alam mo Mitch wag mo na itanggi na nagagwapuhan ka sakin.” Kindat pa siya.
“Whatever. Umalis na nga tayo.”
 ***
Nakabalik na kami sa school, nagsisimula na ang Education students at ang HRM students para sa Volleyball boy. Tama lang ang dating namin kasi mayamaya game naman nila Uno. Biglang tumunog ang phone ko – Si Mommy. “Hello Ma, bakit po?” tanong ko. “Anong oras ka makakauwi?" Tinignan ko ang relos ko, ala tres na pala. “Mga 8 siguro Ma, tapusin ko po hanggang last game.” Sabi ko.
“Ok sige hintayin na kita para may kasabay ka kumain, mag-ingat ka pag-uwi ha.” Nawala na ang kausap ko sa kabilang linya. Hindi katulad ng istorya ni Uno, I have a happy family. I have my Dad who is woking in a construction firm at si Mommy bilang teacher. Kaya ako nasa katulad ng larangan niya. Hindi kami ganun kayaman at hindi rin kami ganun kahirap, kung baga sapat lang para sa mga pangangailangan at kagustuhan namin na hindi naman ganun kagarbo. Hindi naman kasi ako maarte sa katawan, simpleng jeans at t-shirt lang ok na ako. Pero minsan kapag napagti-tripan ko, skirts and dresses ang sinusuot ko. Para naman magmukha akong babae. Boyish kasi ako minsan, na-adopt ko siguro sa dalawang kuya ko, sila kasi ang madalas kong makasama noon kaya pati kilos nila nagaya ko na.
“Pinauuwi ka na ba?” Biglang sulpot na naman ni Uno.
“Kabute ka ba?”
“Bakit dahil bigla na lang ako sumulpot dyan sa puso mo?” Tumawa pa ang kumag, akala niya natutuwa ako.
“Neknek mo!” Kinilig ka na naman Mitch Sabi ng utak ko.
Hatid na kita.” Alok niya.
Hindi na kaya ko naman umuwi mag-isa tska manood pa ako ng last game ng team namin.” Sabi ko na lang. Pumasok na ako sa gym kasunod siya.
Bigla na lang kayong nawawala. Ako nagtataka na sa inyo ha.” Bunggad ni Abbie, tumawa lang si Uno at bumalik na sa team niya.
“Tumawag si Mommy, sinagot ko sa labas kasi maingay dito sa loob, yan namang si Uno malay ko dyan ko bakit siya nasa labas.” Sabi ko at umupo na ako sa bench.
“Ang defensive mo naman friend, may ready ka kaagad na sagot sa tanong.” Sabi naman ni Kristel. Naghahanda naman siya para sa game ng volleyball. Hindi na ako sumali kasi malalakas ang mga kalaban baka imbis na makatulong ako liparin lang ako ng mga yun. Pasa bola sa kabila, pasa naman sa kabila. Hiyawan ang mga nanonood sa gym parang nasa UAAP lang sigaw ang maririnig mo sa bawat score ng magkalaban na team.
“Go educ!” sigaw ng mga ka-org ko.
“Go Kristel!” Sigaw ko naman. Dikit na dikit yung laban. Isang puntos na lang mananalo na kami. Kaso naman ang lakas pumalo nung kalaban ayun – talo. Pero our team fought very nice, walang patapon sa mga naglaro. Buti na lang hindi ako naglaro kundi baka hindi pa sila nakadikit sa score. Lumapit samin si Uno, napapadalas ata ang lapit nitong taong ‘to samin. Hindi kasi talaga siya malapit sa grupo naming bukod sa iba ang course niya minsan lang naming siya makasama. “Congrats sa inyo! Ang gagaling niyo pala maglaro, lalo ka na Michelle.”
“Inaasar mo ba ako? Wala kaya ako dun sa court.” Nakakainis talaga. Akala ko babait na ‘to sakin hindi pa pala.
“Wala ka ba dun? Andito ka kasi sa court ng puso ko.”
Tilian ang mga kaibigan ko, parang mga baliw. Sige na aaminin ko na medyo kinilig ako sa parting yun, pero medyo lang.
“After ng break kami na ang susunod, so yung deal natin wag mong kakalimutan ha!” tumakbo siya papunta sa team niya at nagwarm-up para sa game mamaya.
“Humanda na para sa next game!! Ang pinakahihintay ng lahat ang basketball boys, dito makikita natin kung pano dumeskarte ng galaw ang mga players. Para sa unang game ang maglalaban ay Management vs. Accountancy. Handa na ba ang mga banner at ang cheering squad niyo???” Malakas sigawan ang dumagundong sa loob ng gym halatang excited ang lahat.
Kasama ang mga kaibigan ko nanood kami ng laro, bukod sa may mga sari-sarili silang gustong mapanood sa mga palyers. Sinuportahan din nila si Uno, mukhang naging close na nga sila talaga sa isa’t isa at nakakatuwa yung malaman.
Sa warm-up pa lang makikita na mahuhsay talaga ang mga players, nakapila sila at si Uno na ang susunod na magsho-shoot. Dun sa pumwesto sa three points at walang kakurap kurap – pasok! Hindi maikakaala na magaling nga siya.
Nagsimula na ang game, kalampagan na ng upuan at mga plastic na bote na ipinupukpok sa bench ang maririnig, palakasan ng cheer. Pati mga kaibigan ko kaniya kaniyang cheer sa mga kakilala nila. “GO UNO!!!” Malakas na sabi ko. Nagtinginan sakin yung mga nasa paligid ko na parang nanibago pero dedma lang, pwede naman sigurong magcheer. Malakas ang management team bukod sa malalaking tao sila talagang determinadong manalo. Pero hindi nagpahuli ang accounting na humahabol sa score. Biglang nag-time out at nilapitan ako ni Uno. “I heard that cheer! Thank you! Sabay kumindat pa.
“You see that shoots? Nabibilang mo na ba ang puntos ko” Tanong niya. “Nakasampung puntos ka na, galingan mo pa alalahanin mo may 20 points ka pa na dapat bunuin, kundi mapaparami ang ililibre mo sakin.” Bumalik siya sa court at walang palya ang mga 3 points niya at napapatili na rin ako sa tuwa. Final score 88-79 in favor of management team. Pero teka bakit parang may kakaiba kay Uno, naghihina at para tutumba na ata siya, at bigla nga siyang bumagsak. “Tubig.” Bulong niya. “Miss Fernandez get some water, hurry!” sabi ng isang professor. Nataranta ako at hindi ko alam gagawin basta kumuha lang ako ng tubig. Hindi siya na himatay, nanghina lang yung tuhod niya sobrang pagod at pagpapakitang gilas. Inabot ko sa kaniya yung tubig. “Salamat sa cheer mo, naririnig ko. I got 35 points if you didn’t know.” Sabi niya kahit hingal na hingal na siya. “Baliw ka ba?  Mahihimatay ka na nga score mo pa rin yung iniisip mo dyan.” Sabi ko.
“Kasi gusto kong tuparin yung promise ko sayo.” Nakangiting sabi niya. Inalalayan siya ng mga ka-team niya. “Bro mamaya ka na manligaw dalhin ka muna namin sa clinic, masyado mong ginalingan eh. Nagpaimpress ka pa dito kay teacher.” Tawanan sila.
After the game uuwi na kami, medyo nag-alala ako sa kalagayan ni Uno, gusto ko sana siyang punatahan sa clinic kaso baka makagulo lang ako dun. Sabay sabay kami nila Abbie, palabas ng gate.
Michelle!!! Si Uno. Paika ika ang lakad pero mukhang mas ok na siya ngayon.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko. 
“Oo, thanks to you!”
“Baliw binigyan lang kita tubig di ako ang gumamot sayo.”
“I mean sa pagcheer mo, nakakboost ng confident yun sa game. Salamat! Now, name it what do you want?” Tanong niya. "Girls, pwede ko bang hiramin ang kaibigan niyo?" Baling niya kilang Kristel.
Nag-isip muna ako, ano ba ang gusto ko. Di naman ako mahirap i-please. Iced Mocha lang sa mcdo masayang masaya na ako and also blueberry cheese cake from DD.
“Mukhang madami ang gusto mo ha." 
"Iced Mocha at Blueberry Cheese cake lang ang katapat niyan Uno, tuwang tuwa na yan." Sabi ni Aisha. Pano kaya niya nalaman yung nasa utak ko?
“Ok, let’s go to SB then."
“No! Hindi dun, Mcdo lang at Dunkin lang yun. OA naman nung SB.”
“Mcdo?? Sure ka?”
“Di ako sosyal no.”
“Ok, no problem."
Pumunta nga kami sa DD malapit sa school at sa Mcdo, dun na kami nagstay at kumain sandali. Nagkwentuhan din sa mga nangyari at nagyaya rin akong umuwi kasi hinihintay ako ni Mommy. Hintid niya ako gamit ang motor. HIndi ko na rin siya napapasok dahil gabi na rin.
"Salamat sa pagsama sakin ngayong araw Michelle."
"Wala yun." ngumiti lang ako.
"Pahinga ka na, maaga pa pasok natin bukas." Sabi niya.
"At sayo talaga nanggaling yang ha."
"Good night Michelle."
Pumasok na ako sa loob, buti na lang hindi namalayan ni Mommy na may naghatid sakin. After dinner, umakyat na ako sa room ko para magshower at matulog. Pero sa kasamaang palad hindi ako dalawin ng antok pinflashback sakin ng mga angels ko yung mga nangyari kanina. At mukhang maging exciting ang mga susunod pa. Hanggang sa nilamon na rin ako ng antok.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^