Wednesday, April 15, 2015

I Love Mr. Womanizer 2: Chapter 3






The whole event kami ang magkasama ni Uno, sabi nga nila ako daw ang lucky charm nito. Pano ba naman wala atang mintis ang mga three points na ginagawa niya, ako rin ang official cheerer niya nung sport event hanggang sa huli. After game, lumalabas kami at kumakain, marami na rin akong nalaman sa kaniya tulad ng business ng Mama niya ay malaking grocery store sa bayan at ang Papa naman niya sa isang bangko nagtatrabaho. Napatunayan ko na mabuti nga siyang tao, kasi sabi niya pinili niya kurso niya para mapasaya niya ang magulang niya. 

Naging champion ang Management at 1st place naman ang Education. After the sport event balik kami sa dating gawin, aral, projects at assignments. Pinaimbestigahan din namin yung mga spam messages sakin at nakumpirma ng discipline's office na si Eunice nga ang nagpadala ng mga messages, na-track kasi ang ginamit niya na sim card. Pinatawag kami sa office with the adviser of the program. It is a closed door meeting. Hindi napatalsik si Eunice sa school pero nagkaroon siya ng punishment at two weeks suspended siya, sa punishment niya kami lang ang nakakaalam nun dahil hindi talaga maganda ang ginawa niya sakin at bilang future teacher na rin. Pagkalabas namin ng office.

Ngumiti sakin ng mapait si Eunice. "I just want to say sorry for what I did. Nabulag ako sa pagmamahal ko kay Uno, but you Mitch, you have a chance. May pag-asa ka pa na makawala sa mga kamay ni Uno. You don't know him that much hindi ko siya sinisiraan sayo. Babae ako, and I don't like the idea that some girl is hurting because of him. Hypocrite right? Kasi ako mismo umaway at nanakit sayo. It is because I loved him that much. Pero namulat na ako. Sana ikaw din." Yun lang hindi na niya ako hinayaan na sagutin yung mga sinabi niya at umalis na siya. 

Sa totoo lang di ko alam kung maiinis ako sa kaniya o magpapasalamat ako sa mga sinabi niya. Pero isa lang ang alam ko., natakot ako sa mga sinabi niya, natakot ako na baka totoo ang lahat ng iyon natatakot ako kasi alam ko na yung pagkakaibigan namin ni Uno ay may mas malalim pa na kahulugan. Hindi ko pa rin natatanong kung part pa rin ba 'to nung biruan o yung plano na mapaalis sa buhay niya si Eunice. Kasi kung tapos na ang pagpapanggap tapos na rin yung pagkakaibigan namin. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, sana hindi ganun yung mangyari.

"Kamusta Mitch? Ano sabi nila Ma'am Acosta sa ginawa ni Eunice? Pinatilsik ba siya sa program? Dito sa school?" Sunod sunod na tanong ni Abbie. Galing sila sa klase namin na kung saan ako excuse.

"Wala naman. May punishment lang siya." Sabi ko.

"Ano? Ganun lang?? Bakit yun lang??" Si Kristel.

Bumuntong hininga ako. "Hayaan niyo na yun, ang importante di na niya ako guguluhin pa ulit."

"Sure ka ba na hindi ka na niya guguluhin?" 

"Sure ako dun." naglakad na kami umkayat para pumunta sa next class namin. Wala ako sa sarili, iniisip ko pa rin yung sinabi ni Eunice. Bigla akong bumungo sa isang nilalang. "Aray ko naman!" Pataray kong sabi. "Sorry Mitch." Si Kurt, siya yung crush na crush ko sa campus pero di ko alam na kilala niya pala ako. "Ha? Ah.. Di okay lang." Nahiya akong sakniya kaya napatungo ako at pumasok lang ako agad sa loob ng room.

"Hi Mitch!" Bati ni Uno, sa Biology class namin siya classmate. Tumango lang ako sa kniya at umupo sa bakanteng upuan, tumabi siya sakin.

"May gagawin ka ba mamaya? Tara Iced Mocha tayo." Sabi niya. Wala talaga ako sa mood sobrang pagod yung utak ko parang nadrain.

"Ahm, ayoko muna sana ngayon Uno, di kasi maganda ang pakiramdam ko." Malumanay na sagot ko.

"Huh? May sakit ka? Ano gusto mo ba dalhin kita sa clinic gusto mo?
" No hindi, basta hayaan mo muna ako ngayon." buti na lang hindi na siya nangulit pa nung sinabi ko yun.

Dumating ang professor at nanahimik kamng lahat. Pero pinagtankhan ko kung bakit andun si Kurt sa building namin, usually kasi Education student at Management, Accountancy ang nasa building na 'to dahil Computer Engineering ang course sa kabilang building siya at ang HRM naman dun sa kabila para nasa iisang lugar lang yung ginagamit nilang lab. Siguro may dinaanan lang yun na prof o kaya kakilala. Si Kurt ang long time crush ko sa school never kami nakapag-usap ng matagal pero sa mga events sa school alam kong mabait siya kasi lagi siyang nakangiti. Tapos tuwing may magpapapicture sa kniya game na game siya, siya kasi ang hinirang na campus king nung time na sumali din si Uno. Nakakaingget nga kasi buti pa yung iba may lakas ng loob na makapag papicture, ako kasi wala. Hanggang tingin na lang ako sa kaniya noon.

Tumingin ako kay Uno, nagkakcrush ako ng mahabang taon kay Kurt pero hindi ko naramdaman yung ganitong saya tulad ng naramdaman ko sa sayan sa tuwing titignan ko si Uno. Alam ko, nararamdaman ko sa sarili ko na unti-unti akong nahuhulog sa kaniya pero kailangan ko pa ring pigilan para hindi ako masaktan.


***

Hapon na last class pero mukhang wala ng professor namin, nasa isang room lang kami ako nakatungo kasi sumakit na ng tuluyan ang ulo ko. Sila Abbi at Kristel nakukwentuhan kasama ang iba namin classmate. Bumukas ang pinto, alam ko na hindi ang prof namin yun dahil kahit na nakatungo ako pinakikinggan ko sila at narinig ko na wala na daw si Mr. Mallari. Nagtutulug tulugan lang ako dahil ayokong maistororbo sa pamamahinga ko. Naramdaman ko na lang may tumabi sakin, tapos parang tinititigan ako, naririnig ko pa rin naman yung mga kwentuhan pero ayokog dumilat baka kasi pinagti-tripan lang ako ng mga kaibigan ko. o kaya pinipicture-an ako ng tulog. Malaman ko lang kotong 'tong mga 'to sakin. May nag-urong ng upuan, maya maya may humahawak sa kamay ko. Ididilat ko sana yung mata ko kasi..

"Hoy Uno, anong ginagawa mo dyan." Hindi ko na naidilat yung mata ko nung narinig ko yung boses ni Abbie.

"Alam mo minsan Abbie, wrong timing ka eh!" Sabi ni Uno at tumayo siya mula sa kinauupuan niya.

Nagtawanan silang lahat. Di pa rin ako umiimik, pero naramdaman ko yung kuryente sa kamay ko na hinawakan niya. Bakit kaya niya yun ginawa? Nalilito na ako sa pinapakita niya sakin. Sana sabihin niya sa'kin kung ano ba yung nararamdaman niya para hindi ako nalilito ng ganito.

***

Gabi. Hindi ako makatulog, tinawagan ko si Kristel. 


Kristel: Hello??
Micth: Khristel, I need help
Kristel: Ano yun?? 
Mitch: Confuse ako e.
Kristel: Saan?? Teka parang nahuhulaan ko na.
Mitch: Yun na nga..
Ang totoong kaibigan, di mo man i-elaborate ang problema mo alam na agad nila.
Kristel: Alam mo ganito lang yan e, hindi ka mako-confuse kung wala kang feelings sa kaniya. Noon pa naman nahahalata ko na yan e. May spark sa mga mata mo sa tuwing siya yung pinag-uusapan. Ang sa amin lang, kung saan ka magiging masaya dun kami. Hindi naman masamang sumubok eh.
Mitch: Kaso natatakot ako eh..
Kristel: May mga bagay kasi na, kung hindi pa natin gagwin ngayon baka pagsisihan natin sa huli. Love is a risk, lahat pwedeng masaktan pero ang importante magiging masaya ka. Wala namang masama dun e.
Sa pag-usap namin na yun, parang mas lalong gumulo, sana pala hindi ko na lang nakipag-usap Pero may isa na tumatak sa isip ko, Love is a risk, pwede kang masaktan pero ang importante magiging masaya ka.  

Kristel: Basta ang gusto naming lahat para sayo ay maging masaya ka Mitch.

Mitch: Salamat Kristel, kaya mahal ko kayo eh.

Kristel: Ang drama mo matulog ka na!

Basta masaya ako, yun ang mahalag.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^