Wednesday, April 15, 2015

Ang Mahiwagang Kutsarita


"Ang ganda nitong kutsarita. Uwi natin bakla."



"Mahiya naman kayo, Mariano." Sabi ng Magna Cum Laude namin.



"Hindi naman nila malalaman, anim 'to oh." Si Cess.


"Itago mo na!" Sabi ni Jessie


Pagkatapos namin kumain ng halo-halo binalot namin sa papel ang kutsara. Nagmamadali kaming tumayo para makaalis na. Sa pagmamadali ko pilit kong tinutulak ang pinto na may nakadikit na paalala.


"Please use the other door"


Tawanan kaming apat dahil sa nangyari. Napapaghalata kasi na may ginawa kaming kabalbalan.


Sya nga pala, hanggang ngayon ay buhay pa rin ang alala ng kalokohang ginawa namin.




15 comments:

  1. Masyadong excited lumayas di napansin yung sign.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kasi tawa talaga kami ng tawa. Nakatingin din kami kung lilinisin agad yung table namin. Hahaha

      Delete
  2. Replies
    1. Ahahaha! Alam mo kung anong fastfood chain? Hulaan mo..hahaha

      Delete
  3. Masyadong mahiwaga nga ang kutsarita na yan para dekwatin niyo! Magna ka espren! hahaha XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mahiwaga talaga espren. Ang ganda eh.
      Masyado kaming masaya dahil pasado ako sa Abstract Algebra, tapos sure na graduate na ako. Hahaha

      Delete
  4. Naku! dahil sa kutsarita na iyan mapapahamak ang buhay mo espren haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku espren buti na lang hindi. Saka kasalanan naman nila kasi binigyan nila kami ng anim na kutsarita eh apat lang naman kame. Hahaha

      Delete
  5. Ang kutsara ni Mariano, bow. Hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Buo pa rin hanggang ngayon ang kutsarita ni Mariano. Kunsintidor din kasi yung Magna Cum Laude namin. Masayang-masaya sa kalokohan naming ginawa. Hahaha

      Delete
  6. Karma in a split of sec. Hihi.. Wag kc mangti-trip basta basta..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha! Nagningning kasi bigla yung kutsarita. Naakit naman kami. Hahaha!

      Delete
  7. ano ba klaseng kutsarita yan atey? pwedeng isangla? hahaha.. sa dami ba nman ng pwedeng i bring home, yung pobreng kutsarita talaga.. haha.. ayan tuloy, bilis ng karma.. next time digital na yan.. haha.. echos!

    ReplyDelete
  8. Hahaha.. Di ko pa natatry mang take out ng kutsarita. pwede pala yun? HAHAHA

    ReplyDelete
  9. Hahaha.. Di ko pa natatry mang take out ng kutsarita. pwede pala yun? HAHAHA

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^