Thursday, April 16, 2015

I Love Mr. Womanizer 2: Chapter 4






Lumipas ang mga araw hindi ko pa rin gaanong pinapansin si Uno, minsan niyaya niya akong kumain sa labas pero tumatanggi lang ako. Napansin ko rin sa kaniya na parang nalulungot siya sa pagtanggi ko. Gusto ko lang muna mag-isip, pinag-iisipan ko pa rin yung mga nagpag-usapan namin ni Kristel. Kaya ko nga bang sumugal para sa hindi siguradong nararamdaman o hahayaan ko na lang?

Biglang tumunog ang cellphone ko. Si Jayson boyfriend ni Cassandra. "Ano kaya ang porbelma nito?" Sabi ko sa utak ko.

"Sis!! I need your help." Bunggad niya sakin.

"Bakit ano ang nangyari?"

"Tulungan mo naman ako kay Cass"

"Nag-away ba kayo?"

"No, hindi.. Hindi ko naman kayang awayin si Cass alam mo yan." Sabagay may point siya dun, siya na ata ang pinaka perfect boyfriend na masasabi ko, minsan inaaway na siya ni Cass deadma lang siya. Hindi namin siya classmate, ni schoolmate hindi rin, sa ibang school kasi siya nag-aaral. Pero dahil kay Cass naging close namin siya at naging brother ko siya mula sa ibang pamilya.

"Okay! I know that, so what's your problem."

"I 'm gonna propose to her tonight!" Ano daw propose ba yung narinig ko?

"Sure ka na ba dyan? Di ba parang ang babata pa natin?" Sabi ko.

"Sis, if you are in love, time, age doesn't matter. If you find your soulmate and the love of your life wag mong nang pakawalan. Kapag naramdaman mo na siya na yung gusto mong makita pag mulat pa lang ng mata mo, kasabay mo sa lahat ng bagay at nakikita mong kasama mong tumada, yung kahit nasasaktan ka minsan siya pa rin yung hinahanap mo, sis siya na yun. Ang mahalaga masaya ako, kami kapag andyan siya kontento lang ako na nakakasama ko siya. At ganun yung nararamdaman ko kay Cass. Pero hindi naman kami magpapakasal agad. May isang taon tayo para grumadate ng college kaya okay na yun." Mahabang litanya niya.

Ganun ba yun, kahit nasasaktan siya yung taong mahal pa rin niya yung hinahanap niya. Naisip ko bigla si Uno, kahit nasaktan ako sa sinabi ni Eunice tungkol kay Uno namimiss ko siya yung pangungulit niya, yung pang-inis niya.

"Huy sis, still there?"

"Ha? aah oo, eh ano ba ang gagawin?" Nawala na ako sa sarili ko.

"Ganito ang plano....." Nag-usap kami hanggang sa mabuo ang plano.

***

Nasa room na ako. Katapos lang namin mag-usap ni Jayson, mag-isa pa lang ako napaaga ata ang pasok ko. Nag-iisip ako ng dapat kong gawin para sa suprise proposal ni Jayson.

"Malungkot mag-isa." Sabi ng isang boses.

"Ay palaka." Minsan epal talaga si Uno eh, bigla bigla na lang naggugulat. "Ano ba Uno, bigla ka na lang sumusulpot dyan."

"Anong biglang sumusulpot? Kanina pa ako nandito ikaw ang nakatulala dyan. Ano ba ang iniisip mo? Ako na naman ba? Wag mo kong iniisip masyado.. kasi....."

"Kasi ano?"

Hinila niya yung upuan at tumapa siya sakin. Lumapit siya sakin, malapit na malapit teka lang anong gagawin ng mokong na 'to. Hahalikan ba niya ako? Ready na ba ako sa ganito? Naku naman, baka biglang may pumasok. Napapikit ako ng mariin, nararamdaman ko yung malapit niyang mukha at bigla niyang pinisil yung ilong ko.

Tumawa siya ng malakas. "Ang cute cute mo talaga Michelle!!!" Dumilat ako at tinignan ko siya ng masama, Nalilito na nga ako sa nararamdaman niya tapos gaganiyanin niya pa ako. Nakakapikon talaga.

Tumayo ako at lalabas na sana ng room ayoko muna magpakita sa kaniya.

"Michelle san ka pupunta, wag ka naman umalis. Sorry na! Ang pikon mo talaga. Namiss lang naman kita kasi ilang araw mo na akong hindi kinanausap eh." Hinawakan niya yung kamay ko. Tinignan ko lang siya.

"Bakit ba kasi hindi mo ako kinakausap? May nagawa ba ako sayo na hindi ko alam." Tanong niya sa mababang boses.

Huminga ako ng malalim. "Gusto ko lang malaman kung, parte pa rin ba 'to ng biruan na ginawa niyo ng mga kaibigan ko? Isa pa rin ba 'to sa mga plano niyo? Kasi kung ganun lang din tigilan na natin kasi hindi na nakakatuwa hindi ka na rin naman ginugulo ng Ex mo at ako din." Sabi ko binitaw ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya.

"I like you Michelle! At hindi na 'to kasama sa mga plano o biro na sinasabi mo. HIndi ko alam kung pano nagsimula basta ang alam ko lang, gusto kita Mitch, gusto ko na lagi kitang kausap o nakakasama." Lumapit siya sakin at niyakap niya ako -- Mahigpit.

"I like you, paulit-ulit sa pandinig ko. Kinikilig ako sobrang kinikilig, hindi ko maintindihan yung feeling basta ang alam ko sa pagkasabi niya na yun bigla akong naging masaya.. I like you, hindi man I love you ang sinabi niya alam ko we will get there. Biglang dumating ang mga kaibigan ko at nakita nila na magkayakapa kami. Bigla kaming naghiwalay. hindi nagsalita ang mga kaibigan ko pero nagtinginan sila nang makahulugan.

"Sakit ng kagat ng langgam dito.. Hay." Parinig ni Kristel.

Nahiya ako bigla kaya umupo na lang ako hanggan sa dumating ang professor.

After ng klase tinawag ko si Kristel para sa plano, sasabihin ko na uuwi ako ng maaga pero ang totoo susunduin ko si Jayson.

****

Hanggang 6pm ang klase namin right after ng uwian tinext ko na si Jayson na magkita na lang kami sa isang mini mall malapit sa school, sila Kristel naman niyaya si Cass sa paboritong tambayan ng barkada -- Mcdo.

Nasa may hagdaan siya at may bitbit na bulaklak. Napaksweet talaga nitong si Jayson kaya di rin ko rin masisis si Cass kung bakit mahal na mahal niya si Jayson.

"Oh ano lika na?" Tanong ko.

"Kinakabahan ako Mitch" medyo tense nga ang itsura niya. Baliw 'to, siya may paka nito tapos siya kakabahan.

"Kaya mo yan! mag-ye-yes naman siya eh."

"Pano kung hindi?"

"Baliw ka, ngayon ka pa nagduda! Lika na wag kang magdrama dyan ako lang madrama dito okay!"

Naglakad kami papunta sa mcdo, pinagtitinginan kami ng mga tao, pano ba namana ng laki kaya ng bouquet of flowers na dala niya. Sayang sana akin na lang yung bulaklak. Yan ang pinapangarap ko, yung may ma-abot kahit na pinitas lang na bulaklak.

Papasok na kami, hinawakan ako ni Jayson ang lamig ng kamay halatang kinakabahan. Nasa dulong bahagi ang mga kaibigan ko para di gaanong agaw eksena yung gagawin ni Jayson. Nakita ko na nagkukwentuhan sila pero hindi ko inaasahan na nandun din si Uno dahil alam ko may traning siya ng baskteball pati ata ako kinabahan at napahinto kaming dalawa ni malapit sa sakanila. Tumigil sila sa pagkukwentuhan at nabaling ang atensyon saming dalawa. Kitang kita ang pagkagulat sa mukha ni Cass at sakin naman nakatingin si Uno.

Lumapit si Jayson kay Cass at ako naman sumunod, wala ng ibang upuan na available kundi sa tabi ni Uno mukhang sinadya na mabakante yung upuan na andun. Ngumiti ako sa kaniya at tumingin kay Cass at Jayson ngayon naman nagsasalita na si Jayson. "Babe, I know we're too you for this..." Ang dami niyang sinasabi pa feeling ko nga ayun na yung vow niya pag sa kasalan nila eh. Tumingin ulit ako kay Uno at may iba pa siyang ginagawa, parang nilalaro niya yung tissue. Lumuhod na si Jayson at sinabi na "Will you marry me?" Tumili kami at talagang kinikilig kami sa kaganapan, tahimik pa rin si Uno sa ginagawa niya.

"Ikaw Uno, hindi ka pa ba magpo-propose kay Mitch.?" Biglang tanong ni Abbie.

Tahimik na tumayo si Uno, akala ko pupunta sa CR tapos bigla siyang humarap sa'kin.Yung nilalaro pala niyang tissue ginawa niyang bilog para magmukhang singsing.

"Michelle, pwede ba kita ligawan?" Sabay luhod at sinuot yung singsing sa daliri ko. Di ko lang magets yung singsing para sa panliligaw o baka ginaya niya lang yung sa dalawang dun sa singsing.

Mas lumakas yung tilian ng mga kaibigan ko at sinaway kami nung guard ng Mcdo. Napangiti lang ako sa kaniya na parang sinasabi ko na rin na oo. Isang gabi, pero dalawang proposal ang naganap.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^