Monday, April 13, 2015

Alaala na lang: Chapter 2



Alaala na lang 

by: Ixshaila 

 Chapter 1
~ Daniella’s story part 2~


Nanginginig nyang kinuha ang kahon. Natatakot siya, hindi nya alam kung bakit pero kinakabahan siya. Unti-unti nyang binuksan ang kahon at bigla na lamang bumagsak ang mga luha nya at naibagsak nya ang kahon…


          “Sorry iha… kahapon pa siya umalis kasama ng mga magulang nya papuntang Canada, ang alam ko dun na sila titira.”



          Napahagulgol na lamang siya sa narinig. Agad nyang kinuha ang kahon at nagtatakbo palabas, dinala na lamang siya ng kanyang mga paa sa lumang waiting shed kung saan sila nagkakilala. Binuksan nya ulit ang kahon at nakita ang mga bagay na binigay nya dito, kagaya ng bracelet, ng T-shirt, ng mga pictures nila at isang liham. Binasa nya ito.


          Daniella,

Kung nababasa mo itong sulat na ito, siguro wala na ako, nasa Canada na ako. Sorry kung hindi ako nagpaalam sayo, pero ito lang ang naisip kong paraan para mas maging madali ang lahat. Alam ko hindi mo ako maiintindihan, Sorry. Mahal kita Daniella, pero please kalimutan mo na ako. Kalimutan mo na ako at maghanap ng isang lalaking mas higit sa akin na magmamahal sayo. I’m sorry. I’m sorry Daniella.
                                                                                                Chris


          Tulalang bumalik ng bahay si Daniella, ilang araw siyang nagkulong sa kwarto  nya, hindi makausap at laging umiiyak. Labis itong nasaktan, ang lalong ikinasasakit ng damdamin nya ay bakit nagawa siyang iwan ni Chris, ano ba ang pagkukulang nya? Ang nagawa nya? Ang lahat ng tanong na ito ang lalong nagpapasakit ng kalooban nya. Mahal na mahal nya si Chris, pero ngayon wala na ito, iniwan na siya. At muli balik na naman siya sa dati na mag-isa.


          Ilang buwan, halos isang taon bago nakabangon ulit si Daniella, naroon parin ang sakit, ngunit ngayon handa na siyang kalimutan ang nakaraan, ang lalaking dumurog ng puso nya. Papasok siya sa university noon nang mapadaan ulit siya sa lumang waiting shed, wala na ito, giniba na para palitan ng bago. Katulad ng pagmamahal nya kay Chris, unti-unti nan yang ginigiba para bagong taong maaaring magmahal sa kanya. Magmahal sa kanya at hindi siya iiwan.


“Yun lang po. Salamat” at nagbow na ko sa harapan.

“Grabe Shara. Nakakaiyak naman yung story mo. For sure yan yung mapipili para gawing short film tapos ilalaban sa ibang school.

“Naku Edem, hindi yan, saka hindi ko naman yan ginawa para mapasali sa contest, ginawa ko yan kasi project ni Sir.” Sagot ko naman.

          “Pero diba sis sabi ni Sir dun nya pipiliin kung sino ilalaban nya.”

          “Kahit pa, sigurado naman na hindi mapipili yung kwento ko.” sagot ko.


Natapos ang klase at sinabihan na lang kami na iinform na lang kami by Monday kung sino ang napiling ilaban sa short film contest.


          “Ui Shara, si Prince oh.” Sabay turo ni Edem sa lalaking parating. 


      Siya si Prince Justin Montero, ang tinuturing na Prince charming ng lahat, pero sakin siya ang Prince sungit. Hindi nga ata marunong ngumiti yan eh. Aaminin ko may itsura siya, sabihin na nating gwapo siya pero may pagkamayabang at suplado. Kaya kung ang buong university nagkakagusto sa kanya, pwes ako hindi. Never!


          “Ang gwapo talaga nya no?” eto na naman si Edem nagdedaydream na naman. Siya nga pala si Edem Joyce Reyes. Ang nag-iisang bestfriend ko sa university. Well siya lang ang kaibigan ko dito.


          “Nake Edem, sinasayang mo lang ang panahon mo sa pagpapantasya kay PS (prince sungit) alam mo naman hindi ata maruunong mamansin yan eh.”

          “hmpf! PS ka dyan, gwapo naman, saka malay mo ba? Ito talaga napaka nega mo noh?”

          “Tara na kumain na nga lang tayo” pagyayaya ko sa kanya sa cafeteria. Lunch Break na kasi.

          “Oo nga pala sis, anong title ulit nung story mo kanina?” tanong niya.

          “Ha? Hmm. Alaala na lang.” sagot ko.

          “Infairness ah ang ganda talaga nun, nakuha mo dun yung mga gusto ni Sir na tema, andun yung love, happiness, at syempre yung reality, yun nga lang hindi happy ending.” – Edem

          “Alam mo Edem kung gusto mo ng reality, walang happy ending. Kung gusto mo ng happy ending bumili ka sa palengke ng fairytale na libro at yun ang basahin mo. Sa totoong buhay, sasaya ka pero laging may kapalit na lungkot at sakit. Hindi pwedeng sasaya ka lang at may happy ending ka na. hindi totoo yun, pangbata lang yun” paliwanag ko sa kanya.

          “Grabe naman teh? Bitter lang ang peg. Malay mo naman, syempre ganun sa love may happiness, may sadness, may pain, pero pag nagpatuloy ka at pag nalampasan mo yun, malay mo andun na yung happy ending.”

          “That’s the point, MALAY MO. Eh what if another sadness and pain lang ang matatagpuan mo after all. Diba? Not all love stories has their happy ending, mostly tragic ending, sad ending, heartbreaking ending.”

          “So ganun na lang? dahil natatakot kang alamin kung ano nga ba ang nasa dulo ng lahat ng sadness at pain na naramdaman mo, give up ka na? so ikaw sa sarili mo ang nag-alis ng pwede sanang happy ending mo. Alam mo kung hindi lang talaga kita kilala iisipin ko ikaw yung bida sa story kaya ganyan ka kabitter. ”

          “Well stop this nonsense conversation. Kumain na lang tayo.” Well she has a point, pero ayoko. Maybe unfair ako sa sarili ko, pero after all the pain na naramdaman at naranasan ko, ayoko na. Happy ending is not for me, matagal ko nang tinanggap yun sa sarili ko.  

          Oo nga pala, I am Shara Danise Alejandro, 19 years old, and a college student, pursuing my career in writing.  And yes, yung story na sinabi ko kanina sa klase, about Daniella and Chris , that’s my story, that’s my past. And after 3 years I moved on luckily, at lahat ng nangyari between me and that guy wala na yun. All the happy memories, all the love, all the pain, the tears that I’ve cried lahat yun matagal ko nang binura sa isip ko, sa puso ko, he’s just part of my past. At lahat ng iyan, para sa akin,  Alaala na lang.


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^