Alaala na lang
by: Ixshaila
Chapter 3
~
Alaala na lang~
“This is it pansit sis! Ngayon na yung araw na sasabihin kung
kanino yung maswerteng story na isasali sa contest. I’m so excited na!!”
excited na sabi ni Edem, naandito kami ngayon sa hallway papunta sa classroom.
“Malay mo ikaw yung mapili?”
“Impossible sis, alam mo namang fantasy yung ginawa ko diba?
Kaya nga napagalitan ako ni sir diba? Eh sa fantasy yung forte ko eh, anong gagawin nya.” Tugon naman nya. Tama
naman siya. Magaling nga siyang sumulat ng fantasy.
“Sana talaga ikaw yun sis. Naku ang saya nun.”
“Anung masaya dun?” naandito na kami sa classroom. Andito na
din yung iba naming kaklase pero wala pa yung prof namin.
“Ano ka ba? If ever na ikaw ang mapipili, makakasama mo si
Prince Justin! OMG!! Siya daw kasi yung gusto ng dean na gumanap as the lead
role kasi nga alam mo na gwapo. Oh diba? Ang saya nun.”
“Edem, sabi ko naman sayo. Kung si Prince Justin Montero mo
lang. WA-LA-A-KONG-PA-KI. Naiintindihan mo?”
“Tss. Alam mo bagay kayo. Pareho kayong masungit.” Asar na
sagot nya. Hay..
Maya- maya dumating na yung prof namin.
“Good morning class, so As I’ve said before, yung pinaproject
ko sa inyo na story ang mga pagpipilian para ilaban sa short film making sa
buong university dito sa lugar natin. Sinabi ko sa inyo na ang tema ng short
film ay tungkol sa love, pain and moving on at dapat nakabase sa reality. Kung
baga makatotohanan. Binasa ulit naming ang mga entry nyo ay pare-pareho kami ng
napiling ilaban sa contest. So handa na ba kayo malaman kung sino ang maswerteng
mapipili?” tanong ng prof namin.
“Yes sir”! sigaw nilang lahat at nangunguna na dyan si Edem.
“Okay, so congratulation to Miss Shara Danise Alejandro for
her story entitled, Alaala na lang.” announce ng prof namin.
“What?” bigla akong napatayo sa kinauupuan ko.
“Congratulation Miss Alejandro. Nagustuhan namin yung story na
isinulat mo, konting ayos na lang siguro. So mamayang after class kung pwede
pumunta ka sa office ni Miss Regene, siya ang magiging adviser nyo sa film
making na to at siya rin yung makakatulong sayo para mas mapaganda pa yung
story mo.” Wala na akong nagawa kundi tumango. Well hindi ko naman ginawa o
sinulat yung story na yun para mapili, hindi ko rin alam kung anong pumasok sa
isip ko ng isulat ko yun bilang project. Ang akala ko naman kasi hindi siya
mapipili. Ngayon nagsisi ako bigla.
“I told you sis, makukuha yung story mo.” Asar pa sakin ni
Edem.
Nanlumo na lang ako, kung gagawin yung short film, hindi ba
parang binabalikan ko lang lahat ng masasaya at masasakit na alaala ng nakaraan
ko? okay na ko eh, nakamove on na ako, pero sa gagawin ko pakiramdam ko sinasaksak
ko lang ulit yung sarili ko.
After class, inexcuse na ako ni Sir Francis sa buong klase at
dumiretso na ako kay Mam Regene. Kumatok muna ako bago pumasok ng office nya.
“Good morning mam Regene, I’m Shara, yung sumulat po ng napili
na story na ilalaban sa film making contest.” Pakilala ko.
“Oh so you’re Shara. Nabasa ko yung story mo at maganda siya.
Aayusin lang natin ng konti at lalagyan ng iba pang details.” Sagot naman nya.
“Okay po mam.”
“Saka Shara, hmm, suggestion lang why not put some more
details on the ending, halimbawa paano
nakamoveone si Daniella, may bago bang dumating sa buhay nya. Parang ganun.
Then can you submit it by tomorrow afternoon?”
“po? Tomorrow po agad?” tanong ko.
“Don’t worry, kasi aayusin pa naman natin yun, gusto ko lang
makita kung ano yung ideas mo about dun sa ending about sa sinabi ko sayo. Then
kung may question ka, andito lang naman ako. At kung kaya mo pa, try to start
doing the script. Bukas ko na rin pala ipapakilala sayo yung mga magiging part
ng short film na to.”
“Ah sige po. Thank you po.” Sagot ko na lamang.
“Sige so for now, pwede ka nang umuwi para simula yung
pag-eedit ng story mo. Don’t worry, excuse ka na sa lahat ng subject mo.”
“Sige po, mam Regene, thanks po.” Paalam ko at umalis na.
Nagtext na lang ako kay Edem na mauuna na akong umuwi dahil may aayusin pa ako
sa story ko.
Hay naku, Shara, ano na naman ba tong napasukan mo. Maayos na
ang buhay mo guguluhin mo pa. Wala sa sarili akong naglalakad ng mapansinsin
kong patawid na pala ako ng kalsada at may mabilis na kotse ang papalapit
sakin.
Nagulat ako, hindi ko na nagawang tumakbo pa, napapikit na
lamang ako. Ito na ba ang katapusan ko? ito na ba ang sagot para matakasan ko
ang nakaraan ko. Shems, ba’t naman ganito?
Naramdaman ko na lamang na parang may nakayakap sa akin.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nagulat ako sa nakita ko. Nasa
ibabaw ako ni PS, at nasa gilid kami ng kalsada. Agad na nanlaki ang mga mata
ko. Alam ko gwapo siya, pero mas gwapo pala siya sa malapitan. Teka ng Shara
hindi ito ang oras para diyan.
“Kung hindi nakakaabala sa’yo baka naman pwedeng tumayo ka na?
medyo mabigat ka kasi eh” sabi nya.
“Ay sorry.” Sagot ko at agad na tumayo. Tumayo na rin siya
pero nakita ko na ang dami nyang gasgas sa braso.
“Th-thank you, saka sorry” nahihiya kong sagot.
“Next time mag-ingat ka na. Bawal ang tatanga-tanga sa
pagtawid tandaan mo yan” sagot nya at umalis na.
Aba’t .. Ako pa tatanga-tanga?
Kainis.
Sinabihan nya akong tatanga-tanga? Grabe! Alam ko utang na
loob ko sa kanya yung buhay ko, pero anak ng tokwa ang kapal ng mukha ng PS na
yun.
“Binabawi ko na yung thank you ko! Ang yabang!” sigaw ko pero
alam kong hindi na niya ako maririnig kasi malayo na siya.
Hay, uuwi na nga ako at sisimulan yung story ko. Kainis.
Papaalis na sana ako ng may mapulot ako sa daanan. Necklace siya na panlalaki,
tapos yung pendant nya letters. PJ ang nakalagay. PJ di kaya kay PS to??
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^