Saturday, November 16, 2013

Loving Your Bestfriend : Chapter 5



CHAPTER 5


“Enni!”


Boses ‘yon mula sa likod-bahay nila Jerry. Yes. Nandito kami kina Jerry. Birthday niya. “Ano na naman kayang problema ng Inna na ‘to?”


“Sige na, puntahan mo na, yats. Ako na dito.” Nandito kami sa kusina ni Gino. Nagluluto siya ng sisig. Pulutan namin. Naming dalawa lang. Wahehe!


“Yaan mo siya. Mga lasing na kasi, eh. Wag kang iinom ng marami, ah. Ako lang pwede.”


“Wala kong narinig.”


“Gino!”


“Over night tayo dito, yats. Kaya okay lang na maglasing ako. Besides, mataas ang tolerance ko sa alcohol. Ikaw ang hindi. Kasi ngayon, tipsy ka na.”


I pouted. “Hindi naman, eh.”


“You are.”


Nagpangalumbaba ako sa mesa. “Ang swerte ko talaga sa’yo, honey. Ang galing mong magluto, eh.”


“Ang malas ko naman sa’yo, yats. Lagi ka na lang taga-kain. Ang takaw-takaw mo.”


Tumayo ako at yumakap sa likuran niya. “Hindi mo naman ako matitiis diba?”


Nilingon niya ko. He smiled. “Hindi.”


“How much do you love me, Gino?”


Napailing siya. “Lasing ka na.”


“How much do you love me, Gino?” ulit ko.


Sumeryoso ang mukha niya. “I couldn’t measure how much I love you, Enni. All I know is, I couldn’t leave without you.”


I smiled. I was about to kiss him on his lips when I heard something from our back.


Napalingon ako sa likuran namin. Sa bungad ng kusina.


“Rion.” Kumalas ako ng yakap kay Gino. “Bakit, Rion?”


“Wala naman.”


“You’re drunk.”


“I’m not.” Tumalikod na siya. At iniwan kami.


“He’s not okay, yats.”


Napalingon ako kay Gino. “Wait lang, honey. Sundan ko lang siya.”


Pero bago pa ko makaalis, pinigilan niya ang kamay ko. “Yats, hindi mo na maibabalik ang dati. That day that he fell in love with you, sinira na niya ang pagkakaibigan ninyong dalawa. Hindi mo na maibabalik ‘yon.”


“Honey, ano bang sinasabi mo? Matagal ng tapos ‘yon, okay. Hindi man kami mag-bestfriend ngayon, magkaibigan naman kami.”


Umiling siya. “No, yats. Gano’n ang tingin mo sa kaniya, pero hindi siya.”


“Gino.”


“Lalaki rin ako. Nakikita ko sa mga mata niya tuwing titingnan ka niya. He’s still into you, Enni.”


Hindi na ko nakasagot dahil sa tili ni Inna.


“Enni! Si Rion!”


“Bakit? Anong nangyari?”


Lumabas kami ng bahay. Nakita namin si Rion na nakasalampak sa gitna ng kalsada. Nilapitan ko siya.


“Rion, okay ka lang?”


“Napatid lang ako sa pesteng bato na ‘yon.”


“May sugat ka sa tuhod mo.” Akmang hahawakan ko ang tuhod niya nang pigilan niya ko.


“Don’t touch it!” sigaw niya.


Napakislot tuloy ako. May humawak sa kamay ko at pinatayo ako. Si Gino. “You don’t need to shout at her like that.” mahinahong sabi niya kay Rion.


Hindi sumagot si Rion. Nakayuko lang siya. Hindi rin kumibo ang mga kasama naming napalabas na.


I sighed.


“Guys, pwede bang iwan ninyo muna kami dito ni Rion? Mag-uusap lang kami.”


Sumunod naman agad sila. Maliban kina Inna, Jerry at Gino. Nilingon ko silang tatlo. “Please?”


Lumapit si Inna sakin. “Mahal ka pa rin niya, Enni. Nagpapanggap lang siyang okay kahit hindi.” bulong niya.


“Mahal ka pa rin ng gagong ‘yan, Enni. Hindi lang niya pinapakita dahil ayaw ka niyang mahirapan.” bulong naman ni Jerry.


Pumasok na uli sila sa loob ng bahay.


Napapikit na lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.


“Yats.”


Tiningnan ko si Gino. Binulungan niya ko. “I’m just over this gate. Just shout if you need some help.”


“Gino.”


“You have to decide now, yats.” He whispered as he kissed my forehead.


Nang makapasok na siya ng gate. Saka ako lumuhod sa tabi ni Rion.


“Rion.”


“I’m sorry, Enni.” Nakayuko pa rin siya.


“Sorry for what?”


“I’m sorry. Naging selfish ako no’n. Hindi ko inisip ang mararamdaman mo. Tanging ang nararamdaman ko lang. Sinira ko ang pagkakaibigan natin. To the point na pinilit pa kitang mahalin ako...”


Hinawakan ko ang balikat niya. “It was all in the past, Rion. Kalimutan mo na ‘yon. Hindi naman ako nagalit sa’yo, eh.”


“Yang ugali mong ‘yan. Hindi ka nagtatanim ng sama ng loob sa iba. Lagi mo na lang iniintindi ang mga taong nasa paligid mo. Hanggang ngayon, iniintindi mo pa rin ako.”


“Rion.”


“Hindi ko rin pwedeng kalimutan ‘yon, Enni. Mahalaga sakin ‘yon. Because that was the time that I fell in love with my bestfriend.” Saka lang niya ko tiningnan. Basa ang pisngi niya.


Sinaktan ko na naman ba siya?


“Alam mo bang sobrang saya ko nang makita uli kita?”


Mauulit na naman ba?


“Enni.”


Mangyayari na naman ba?


“I still love you, Enni.”


Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko. Pinigilan kong pumatak ang mga luha ko.


“Gago lang talaga ako. Because until now, hindi pa rin ako maka-get over sa’yo. Don’t worry. Hindi naman kita pipilitin ngayon na mahalin ako. Alam ko namang masaya ka na sa kaniya. Ayokong mahirapan ka kaya ako na lang ang lalayo. I’m going in Canada, Enni. Kinuha ako ng ate ko. I don’t know when will I come back or would I come back here. Siguro kapag tuluyan ka nang nawala sa sistema ko.”


I opened my eyes when he touched my cheek.


“Can I say that three words for the last time, Enni?”


Kinagat ko ang labi ko.


“I love you, Enni.”


Sinaktan ko na naman siya.


Naulit na naman.


At mangyayari na naman.


“I’m sorry, Rion...” I said as a tear fell down on my cheek.








I thought that his feelings for me were already gone.


I thought I could bring back those times na hindi pa siya nahuhulog sakin.


Pero akala ko lang pala ‘yon.


Tama si Gino.


That day that Rion fell in love with me, nasira na pagkakaibigan namin.


We were bestfriends.


That was all in the past.


Hindi ko na maibabalik pa ‘yon kahit gustuhin ko man.


Because until now, he still loved me.


And still, I couldn’t love him back.


Gino said, I have to decide.


What to decide?


To stay away from Rion again?


Pero hindi ko na kailangang gawin ‘yon.


Because this time,


Rion was the one who decided.


He was the one who chose to stay away from me.

* * *

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^