Chapter 1
“Uy, Enni! Andyan na
silang lahat!”
Nilunok
ko muna ang kinakain ko bago sagutin ang kaibigan kong si Inna na kapapasok
lang ng kusina. “Susunod
na ko. Tapusin ko lang ‘to.”
“Sa labas mo na
tapusin ‘yan. Hinahanap ka na nila.” Bitbit ang pitsel ay
lumabas na si Inna.
Get
together namin ng mga highschool friends ko. Three years na simula ng
grumaduate kami ng highschool. At dahil busy kami sa kaniya-kaniya naming
pag-aaral at minsan lang kami makumpleto, once a year, humahanap kami ng time
na lahat makapunta sa get together namin.
At
ngayon, dito ang venue namin kina Inna.
Kinuha
ko ang plato ko at dumeretso sa likod-bahay nila Inna kung sa’n naririnig ko
ang malakas na tawanan ng mga kaibigan ko na mas malakas pa sa kumakanta sa
videoke na naririnig ko. Nagmamadaling humakbang ako. Paliko na ko ng
biglang...
“Ay kabayo!”
Kasabay ng impit kong tili ang pagkabasag ng platong hawak ko na nabitiwan ko
dahil sa pagkagulat ko sa taong nabangga ko. “Naku naman!” Niyuko ko ang
nabasag na plato.
“Sorry miss.”
“Okay lang.”
sabi ko. Ewan ko ba. Sa halip na mainis dahil nabangga niya ko, hindi ko na
ginawang big deal ‘yon. Ganito lang talaga ko. Parang lahat ng bagay, okay
lang. Ayoko lang mainis. Kasalanan ko din naman dahil nagmamadali ako. “Sayang yung food.”
“Anong nangyari?”
Boses
‘yon ni Inna. Nakiusyoso na rin ang iba kong mga kaibigan.
“Nabangga ko siya.”
narinig kong sagot nung lalaki sa harap ko.
“Wag mo nang
pulutin, Enni. Masugatan ka pa.”
“Oo nga, miss. Ako
na lang dyan.”
Saka
lang ako tumingala sa lalaking nakabangga ko. Tumuwid ako ng tayo. “Sino ka?” Hindi ko naman siya barkada.
“Kasama ko siya.
He’s my classmate.” sabi ng isa kong kaibigan na si Jerry.
“Ah... Hello.”
Nginitian ko ang mga kaibigan ko. “Long time no see guys!” excited kong sabi. “Saglit lang,
ah!” Hinarap ko agad yung lalaking nakabangga ko. “Kuya, kaw
nang bahala dito sa kalat, ah.” Mabilis akong tumalikod.
“Enni, sa’n ka pupunta?”
“Kukuha ng
makakain!” hindi lumilingong sagot ko.
“Hindi ka na nagbago!”
“Takaw mo talaga!”
Pagkakuha
ko ng pagkain, bumalik uli ako sa likod ng bahay. Wala na yung nabasag na plato
at kumalat na pagkain. Sayang talaga ‘yon. Lamang tiyan din ‘yon. Nag-umpisa na
kaming magkulitan ng mga barkada ko.
“Miss.”
Napalingon
ako sa gilid ko. Yung nabangga ko kanina. “Uy, kuya! Bakit?”
“O.”
May binigay siya sakin.
Ang
lapad ng ngiti ko sa nakita ko. “Waaah! Chocolate! Akin ‘to?”
“Bayad do’n sa
natapon mong pagkain.”
“Ba’t may baon ka
nito?”
“Lagi lang akong may
dala. Madami kaming chocolate sa bahay, eh. Negosyo nila mama.”
“Wow! Saya no’n, ah.
Edi wantusawa ka no’n?
“Sakto lang.”
I
smiled at him. “Thank
you dito.” Tinaas ko ang chocolate. “I’m Enni nga pala.” I extended my
hand. “You
are?”
He
accepted it. “Rion.”
And
that were all started.
May
supplier na ko ng chocolate. Wahehe!
I
gained a friend sa katauhan ni Rion.
Not
just a friend, but a bestfriend.
One
na year na kaming magkaibigan ngayon.
In
that one year, napagtiyagaan niyang pakisamahan ang isang takas sa mental na
katulad ko. Wahehe! Nah! Just kidding!
Naging
mabuti siyang kaibigan. Nasasakyan niya ang mga trip at kalokohan ko sa buhay.
Ang kakulitan at kadaldalan ko. Lalo na ang katakawan ko na madalas niyang
ireklamo sakin. Hindi naman daw kasi ako tumataba tapos maya’t maya ang kain
ko.
Nandyan
siya kapag kailangan ko siya. Nandyan siya nung mga panahong naging
ma-ala-teledrama ang peg ng buhay ko. Gano’n din naman ako sa kaniya. That what
friends are for, right?
Mabait
siya. Isa nga lang ang reklamo ko sa kaniya. Pala-away siya. Yun ang madalas
kong isermon sa kaniya kapag nagkikita kami, magkatext o magkausap sa phone.
Ang takaw niya sa away. Hindi kasi siya in good terms with his family kaya sa
pakikipag-away niya nilalabas ang kabadtripan niya.
“Bhest, ano na naman
‘tong nalaman kong nakipag-away ka daw?”
Kausap
ko si Rion sa phone. Tinawagan ko agad siya nang malaman ko from Jerry na
nakipag-away siya last night.
“Tssh...”
“Tssh ka dyan! Tssh-hin
ko ‘yang mukha mo, eh.”
“Nagsumbong na naman
sa’yo ang tukmol na ‘yon.”
“Eh, kasi nga—ayy!”
Nagulat ako ng bigla na lang siyang sumigaw nang malakas.
“Hoy!
Napakasumbungero mo talaga!” At hindi ako ang
sinigawan niya.
“Nadulas lang ako,
ulol!” sagot naman ng kung sinong tinawag niya. At
malamang si Jerry ‘yon. Magkasama pala ang dalawa.
“Ang ingay mo, Rion!
Nasa’n ka ba nang makotongan kita?”
“Wala ko sa bahay.”
“Nag-iinom kayo ‘no?”
“Magsisimula pa
lang.”
“Pupuntahan kita.”
“What?”
“Pupuntahan kita
nang mabugbog kita.”
I
ended the call. Alam ko naman kung saan sila umiinom. Sa bahay nila Jerry. Si
Jerry lang ang nakatira sa kanila kasama ang ate niya. Lumipat na ang parents
niya sa probinsya after he graduated in highschool. Naiwan si Jerry at ang ate
niya dahil dito gustong mag-aral ni Jerry at dito naman nagta-trabaho ang ate
niya.
Gamit
ang motor ko, pumunta ko kina Jerry. Mga apat na baranggay ang daraanan ko bago
makarating sa kanila. Pero dahil nakamotor ako, fifteen minutes lang,
nakarating na ko sa kanila.
Nakita
ko si Jerry sa labas ng bahay. Mukhang galing siya sa tindahan dahil may dala
siyang chicha.
“Uy! Enni! Anong
ginagawa mo dito?”
Bumaba
ako ng motor. “Napadaan
lang. Aalis na din ako. Nagpa-pampam lang. Ba-bye!” Sumakay uli ako ng motor at ini-start ‘yon.
Pinalo
niya ang braso ko. “Nababaliw ka na naman!”
“Aray naman!
Napakasadista mo talaga kahit kailan! Hindi ka na nagbago, bwisit ka! Buksan mo
nga yung gate ninyong bulok, papasok ang reyna! Bilis!”
At
dahil takot siya sakin, binuksan niya ang gate na walang reklamo. Wahaha!
Pinasok
ko ang motor ko. “Ate mo?”
“Wala. Tomorrow pa
ang uwi.”
Bumaba
ako ng motor. “Kaya
naman pala. Magdamagan na naman ‘tong inuman ninyo ‘no? Kayo lang dalawa ni
Rion?” Sa kabilang baranggay pa nakatira si Rion.
“Nope. Kasama namin
ang barkada.” Yung mga classmate niya ang tinutukoy
niya.
I
pouted. “Kaselos
naman. Pinagpapalit mo na kaming original barkada mo. My new friends ka na
kasi.”
“Sira ulo! Umuwi ka
na nga!”
Tinawanan
ko lang siya. Sumunod ako sa kaniya. Sa likod-bahay siya pumunta. May kubo kasing
malaki do’n. Yung open air. Nung highschool kami, do’n din kami umiinom nila
Jerry at ng barkada.
May
naririnig na kong malakas na music.
“Partey! Partey!”
malakas na sabi ko nang makarating kami sa kubo ni Jerry.
Sabay-sabay
na napalingon sakin ang mga taong nasa kubo. Lima silang nasa kubo. Tatlong
lalaki at dalawang babae.
Binati
nila ko. Binati ko din sila. Kilala ko na din silang lahat.
“Where’s Rion?”
tanong ko. Hindi nila kasama si Rion.
“Bakit?”
Boses
‘yon mula sa likuran ko. Lumingon ako. Nakita ko si Rion. Napangiwi ako nang
makita ko ang mukha niya. May band-aid sa kaliwang kilay niya. May pasa ang
kaliwang pisngi niya. May sugat ang gilid ng labi niya. May benda ang kanang
kamay niya.
Nilapitan
ko siya. “Mag-usap
nga tayo.” bulong ko sa kaniya. Nilingon ko ang mga taong sa kubo. “Saglit lang,
ah.”
“Bugbugin mo na ‘yan, Enni, nang
magtino!”
“Oo nga! Yung hindi na siya
makakatayo!”
Nginisihan
ko lang sila. Tumalikod na ko at hinila ang kamay ni Rion na hindi injured.
Hinila ko siya papasok ng bahay nila Jerry. Sa may sala. Nagpameywang ako sa
harap niya.
“Ayan.”
“Aray!”
“Ayan.”
“Aray!”
“At ayan.”
“Aray, ah!”
Dinutdot
ko lang naman nang marahan ang mga sugat niya.
Umupo
siya sa sofa. Hindi ako umupo.
“Ano na naman bang
ginawa mo, bhest?”
“Napa-away lang.”
hindi lumilingong sagot niya.
“Lang? Hindi ka ba
nagsasawa sa pakikipag-away?”
“Hindi—aray naman,
bhest!” Piningot ko kasi ang tenga niya.
“Ayaw mo kasing
magtino, eh!”
“Hinaan mo naman ang
boses mo. Marinig ka nila sa likuran.” madiin pero mahinang
sabi niya.
Tumikhim
ako. “Sorry.”
Umupo na din ako sa sofa. “Bhest, seryoso ko. Tumigil ka na sa pakikipag-away. It’s
not good for you. Baka sa susunod, hindi na pasa, sugat o baling buto ang
abutin mo, eh.”
“Okay lang ako.”
I
sighed. Sumandal ako sa sofa. “Ano na naman bang nangyari sa bahay ninyo?”
“Same old story.
Pinagalitan ni papa. Nasermunan ni mama.”
“Kasi?”
“Malay ko sa kanila.
Ako naman ang lagi nilang nakikita sa bahay, eh. Porke’t hindi lang ako
nag-aaral, tingin nila sakin walang kwenta. Porke’t may barkada lang akong mga
tambay, tingin nila sakin adik na. Sabagay, matagal ng gano’n ang tingin nila
sakin. Nakakatamad tuloy mag-aral. Anyway, sanay na rin ako sa kanila.”
Humarap
ako ng pagkakaupo sa kaniya. “Bhest, bakit hindi mo ituloy ang pag-aaral mo? Ipakita mo
sa parents mo na may kwenta ka. Na hindi lang pakikipag-basag-ulo ang alam mo. One
year na lang ga-graduate ka na ng college.” Dapat nga kasabay ko
siyang naka-graduate ngayong year. Nag-stop lang kasi siya.
Hindi
siya sumagot.
“Bhest, sige na.
Mag-aral ka na uli. Ipakita mo sa parents mo na mali sila nang pagkakatingin
sa’yo. Na matino ka. Na mabait ka. Sige na, o. Magtapos ka.”
Hindi
pa rin siya sumagot.
I
sighed. “Bhest
naman. Bakit ba ganyan ka? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Nag-aalala na ko sa’yo,
eh.” Nagtutubig na rin ang mga mata ko. “Paano kung makita na lang kita next time
na ano... na...” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
Saka
lang niya ko nilingon. Kumunot ang noo niya. Maya-maya ay ngumiti siya. Pinisil
niya ang pisngi ko. “Ang drama mo. Hindi bagay sa’yo.” Isinandal
niya ang ulo niya sa sofa. “Oo na.”
“Anong oo na?”
“Try kong mag-aral
uli.”
Nanlaki
ang mga mata ko. “Talaga?”
“Oo nga.”
“Waah!”
Sa sobrang tuwa ko, niyakap ko ang braso niya.
“Aray naman, bhest!
Yung kamay ko!”
“Sorry.”
Nag-peace sign ako at humiwalay sa kaniya. “Wag ka na uling makikipag-away, okay?”
“Try ko.”
“Bhest naman!”
“Oo na. Oo na.”
Tumayo siya. “Tara
na sa likod. Iinom ka ba?” Hindi pa ko nakakasagot nang magsalita
uli siya. “Wag
na. Baka magkalat ka pa, eh.”
Pinalo
ko ang braso niya. “Hindi naman ako pumunta dito para uminom ‘no! Ikaw ang
pinuntahan ko dito. Kung hindi lang ako naaawa sa mukha mo, kanina pa kita
nabugbog.”
Saglit
siyang natigilan. “Gano’n ba ko kahalaga sa’yo?” Maya-maya ay sabi niya.
“Oo naman. You’re my
bestfriend, Rion. Natural lang na mag-worry ako sa’yo.”
Umiwas
siya ng tingin sakin. “Okay.”
Kumunot
ang noo ko. “Okay
ka lang?”
“Oo. Medyo sumakit
lang ang kamay ko.”
Hinawakan
ko ang kamay niyang may benda. “Ikaw kasi, eh.”
Hinila
niya ang kamay niya. “Tama na nga ang sermon. Tara na.”
Sumunod
ako sa kaniya paglabas ng bahay.
“O, bakit buhay pa ‘yan?”
“Dapat nilumpo mo na ‘yan, Enni!”
“Oo nga! Nang magtino!”
“Gayahin mo kasi ako, tol!
Goodboy!”
Yun
ang sumalubong samin ni Rion nang makarating kami ng kubo.
“Mga ulol!
Pagsisipain ko kayo dyan, eh!”
“Ang bunganga mo,
bhest. Papasakan ko ng sili ‘yan.” saway ko kay Rion.
“Tssh!”
Pumasok
na siya ng kubo nang mag-ring ang phone ko. Napangiti ako nang makita ko sa
screen kung sino ang tumatawag.
“Wait lang, guys,
ah.”
Lumayo ako sa kanila.
“Sino ‘yan?”
pahabol na tanong ni Jerry.
“Si Gino!”
sagot ko.
Pumunta
ko sa motor ko at umupo. Saka ko sinagot ang tawag.
“Hello, Gino.”
“Wala ka sa bahay ninyo,
yats?”
“Dumaan ka?”
“Oo. Wala ka daw sabi ni
nanay.” Ang nanay na tinutukoy niya ay ang mama mo. “Umalis ka daw?”
“Yap.”
Sinabi ko kung nasa’n ako.
“Anong ginagawa mo
dyan?”
“Pinuntahan ko yung
bestfriend ko. May problema, eh.”
“Magtatagal ka pa dyan?”
“Nag-iinom sila,
eh,”
“Iinom ka? Hindi ka
sasama sakin?”
Natapik
ko ang noo ko nang may maalala ko. “Ngayon nga pala yung game ninyo diba?”
“Ulyanin ka talaga.”
“Sorry naman.”
“Nakamotor ka diba? Wag
ka nang uminom.”
“Hindi na nga. Uuwi
na rin ako maya-maya.”
“Kung ngayon ka na lang
umuwi?”
“Kararating ko lang
kaya. Uwi agad?”
“Kung puntahan na lang
kita dyan?”
“Waaah! Wag na ‘no!”
Dahil for sure, uulanin ako ng tukso nila Jerry. Madalas kasi nila kong
tuksuhin kay Gino.
Hindi
ko boyfriend si Gino. Ano na lang. Ang hirap i-explain, eh. We’re not
bestfriends. We’re not even boyfriend-girlfriend. Para bang may mutual
understanding kaming dalawa. Akala nga nila mama, nanliligaw sakin si Gino.
Pero hindi. Wala namang sinasabi si Gino sakin. Basta, ang hirap i-explain.
All
I know is, masaya ko kapag kasama ko siya. Kahit may oras na naiinis ako sa
kaniya. Imba din kasi si Gino. Hindi maintindihan.
“Edi wag. Kasama mo lang
boyfriend mo, eh.”
“Wala kong
boyfriend, okay! Batukan kita dyan, eh!”
“Kaya nga umuwi ka na.”
“Oo na. Uuwi na po.”
“Hintayin kita.”
“After ten minutes.”
He
chukled. “Okay.”
Nagpaalam
na siya. Napatingin na lang ako sa screen ng phone ko. At napangiti. Nang
malapad.
“Para kang baliw.”
Napalingon
ako sa gilid ko nang may magsalita. Nakita ko si Rion. Ang seryoso ng mukha
niya.
“Ikaw, ah. Nakikinig
ka dyan. Mabingi ka, sige ka.”
“Aalis ka na?”
“Oo, eh. May
pupuntahan pa kami ni Gino. May game siya ngayon.”
“Hindi ka pwedeng
magtagal?”
“Hmm... ten
minutes?”
“Twenty minutes?”
Napakamot
ako ng ulo. “Fifteen
minutes. Hinihintay na rin ako ni Gino.”
“Okay. Fifteen
minutes.”
mabilis
niyang sabi bago tumalikod.
Sumunod
ako sa kaniya. “Uy,
okay ka lang? Ba’t parang badtrip ka?”
“Sumasakit yung
kamay ko, eh. Hindi ko magamit.”
“Ikaw kasi, eh. Kaya
dapat hindi ka na nakikipag-away. Dapat—” Napahinto ako
dahil may bigla na lang siyang hinagis sakin. Buti na lang mabilis ang reflex
ko at nasalo ko agad ‘yon. Ang lapad ng ngiti ko nang makita ko kung ano ‘yon. “Chocolate!
Thank you, bhest!”
Napangiti
siya. “Parang
bata.”
* * *
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^