CHAPTER 2
“Uyy... Papasok na
yung estudyante.” natatawang sabi ko kay Rion. Kausap ko
siya sa phone.
“Hindi ka ba
nagsasawa? Two months ka ng ganyan.”
Two
months na kasi simula nang bumalik siya sa pag-aaral. Buti naman at nakinig
siya sakin ng araw na ‘yon.
“Last na ‘to, bhest.
Promise! Uyy...” natatawang sabi ko.
“Ang kulit mo
talaga.”
“Oo na. Sige na nga,
ba-bye na.”
“Maya na. Gusto pa
kitang makausap. Namiss kita, eh.”
Ewan
ko pero bigla akong natigilan. Recently, kasi may napapansin ako sa kaniya. And
the way he said those words, parang—
“Huy! Bhest! Enni!
Yuhoo!”
“H-hah? A-ano ‘yon?”
“Ang sabi ko gusto
pa kitang makausap. Nakakamiss kasi ‘yang boses mong parang duwende.”
natatawang sabi niya.
Nakahinga
ako nang maluwag. I’m just imagining things. Hindi mangyayari ang bagay na
‘yon. We’re best of friends.
“Unique lang talaga
ang boses ko ‘no! Nga pala. Nagkita ba kayo ni Jerry?”
“Hindi pa, eh. One
week na.”
“Pero nasabi na niya
sa’yo yung tungkol sa pa-party niya next week?”
Aalis na kasi si Jerry. Sa probinsya na siya titira kasama ng ate niya.
Ipapaupa na lang yung bahay nila.
“Yap. Tinext niya
ko. Pupunta ka?”
“Hindi ko sure, eh.
May lakad ako ng araw na ‘yon.”
“Ang daya! Pumunta
ka.”
“May lakad kasi kami
ni Gino no’n, eh.”
“Tssh!”
“Ta-try ko.”
“Bahala ka.
Magtatampo sa’yo si Jerry.”
I
sighed. “Kaya
nga, eh. Basta ako ng bahala.”
“May chocolate pa
naman akong ibibigay sa’yo.”
Lumapad
ang ngiti ko. “Chocolate?
Madami?”
“Para ka talagang
bata. Oo. Dadamihan ko, pumunta ka lang.”
* * * * * * * *
“Yats, okay lang ba
sumama ako dito? Hindi naman ako invited.”
“Ang arte nito.
Kilala mo naman sila kaya okay lang.” Hinawakan ko ang
braso ni Gino at hinila siya papasok ng bahay. Motor niya ang ginamit namin
papunta dito kina Jerry.
Kumpleto
ang barkada pagpasok namin ng bahay ni Gino. Kaming mga original dabarkads at
ang mga new circle of friends ni Jerry.
Asual,
inulan kami ng tukso ni Gino lalo na nang makita ng barkada na hawak ko ang
braso niya na binitiwan ko naman agad.
“Don’t mind them, Gino.
Mga gutom lang ‘yan.” bulong ko sa kaniya.
“Gutom na din ako kaya
pwede bang tuksuhin din kita?”
Pinalo
ko ang braso niya. “Isa ka pang baliw!” natatawang sabi ko.
Kailangan talagang sabihin ‘yon? Baliw talaga!
Hinanap
ng mga mata ko si Rion. “Nasa’n si Rion, Jerry?”
“Ayun, o. Nasa
likuran mo. Magkasunod lang kayong dumating.”
Napalingon
ako sa likuran ko. Nakita ko si Rion. May backpack siyang nakasabit sa balikat
niya.
“Kanina ka pa dyan,
bhest?”
tanong
ko.
“Oo.”
“Edi, magkasabay
lang tayong dumating?”
“Oo.”
“Ba’t hindi ka
nagsasalita?”
“Mapagkamalan pa
kong baliw pag nagsalita ako mag-isa.” Lumapit siya sakin at
inabot ang back pack niya. “O.”
Inabot
ko ‘yon. “Ano
‘to?”
“Buksan mo.”
Yun lang at dumeretso na siya sa table at nagsandok nang makakain.
Tiningnan
ko naman ang laman ng back pack para lang mapa, “Wow! Chocolate! Dami-dami!” Ang
lapad na naman ng ngiti ko. Halos mapunit na nga ang mga labi ko sa lapad ng ngiti
ko.
“Talaga, Enni?”
“Penge ko!”
“Penga naman niyan! Mdami naman,
eh!”
“Ang daya mo naman,
tol! Ako ang aalis, hindi si Enni. Dapat ako ang binigyan mo. Penge na lang,
Enni.”
Niyakap
ko ang back pack. Yes. Masiba kami nila Jerry at ang barkada sa chocolate. Para
kaming mga bata minsan pag nag-aagawan kami sa chocolate.
“Ang damot mo, Enni!
Tol, o. Ayaw akong bigyan!”
Nilingon
ko si Rion na nakatingin sa gawi namin. Sakin. “Para kay Enni lang ‘yan. Bibigyan na lang
kita bago ka umalis, Jerry.” sabi niya.
“Ako din, Rion!”
“Ako din, ah!”
“Mauubos ang tindang chocolate
nila Rion sa inyo, ah!”
“Ang lakas talaga ni Enni kay
Rion.”
“Syempre naman!”
mayabang kong sabi. “Right, bhest?”
Tumango
lang si Rion bago umiwas ng tingin.
Nakangiting
isinuot ko ang back pack sa harapan ko. Baka may makakuha. Wahehe!
“Buti, hindi nauubos ang
stock nila sa bahay.”
Napalingon
ako kay Gino. Hindi siya sakin nakatingin. “Oo naman. Ito yung negosyo nila, eh.” Kumunot
ang noo ko. “May
problema? Ang seryoso mo ata.”
Tiningnan
niya ko. “Ang
lakas mo talaga sa kaniya ‘no?” mahina niyang sabi na parang sakin
lang niya gustong iparinig.
“Kasi bestfriend ko
siya.”
“Mas nauna mo kong
nakilala kesa sa kaniya diba?”
“Oo naman.”
“Pero bakit siya ang
naging bestfriend mo at hindi ako?”
Mas
lalong kumunot ang noo ko. “Anong klaseng tanong ‘yan?” Mas gusto ba
niyang maging best friend ko na lang siya?
“Bakit nga, Enni?”
“Eh, ano kasi...”
Nilapit
niya ang mukha niya sakin. “Kasi?”
“Kasi ano...”
Napalunok ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko.
Tumaas
ang sulok ng labi niya. “Kasi?”
“M-magkaiba kayong
dalawa.”
“Paanong magkaiba, Enni?”
Waaah!
Tinutukso niya ko! Waaah!
“Ah! Basta! Magkaiba
kayo!” Sabay tulak sa mukha
niya palayo sakin gamit ang kamay ko.
“Nag-aaway ba kayong
dalawa dyan?”
Napalingon
ako kina Inna. Nakatingin sila samin ni Gino.
“May kinu-kwento
lang ako sa kaniya. Na-excite lang. Sorry, guys. Ang ingay ko na naman.” Nag-peace
sign ako.
“Liar.”
bulong sakin ni Gino.
Pinanlakihan
ko siya ng mga mata. “Kumain ka na nga lang.”
“Fine.”
Kinuha niya ang back pack na nakasabit sakin. “Ako na dito.”
“Wag kang dudugot
dyan, ah?”
Ginulo
niya ang buhok ko. “Hindi po.” He smiled. “I’m glad that we’re not my bestfriends.”
“Bakit?”
He
just smiled.
* * * * * * * *
“Cr lang ako.”
bulong sakin ni Gino.
“Go.”
Nag-iinuman
na kami. Nandito kami sa sala. Hindi sa kubo. May mga umuwi na. May mga pasok
pa kasi sila bukas.
“Oy! Nasa’n si
Rion?” narinig kong tanong ni Jerry. “Hindi na bumalik ‘yon, ah! Gago talaga,
baka umuwi na ‘yon, ah! Nakakatampo! Aalis na nga lang ako, hindi pa nagtagal!”
“Mamimiss ka namin, Jerry!”
“Talaga?”
“Oo nga! Mamimiss ka namin!”
“Mamimiss ko din kayo!”
“O, magkakaiyakan pa ‘yan, o!”
Napapangiting
napapailing ako.
Mga
lasing na sila. Ang drama na, eh.
“Inna. Tingnan ko
lang si Rion sa labas.” sabi ko.
“Go. Isa pa ‘yong
nag-eemote.”
“Bakit?”
“Ewan ko do’n sa
bestfriend mo. Puntahan mo na nga.”
“Saan?”
“Sa kubo. Sa’n pa ba?”
“Okay.”
Lumabas
na ko ng bahay. Pumunta ko sa likuran. May ilaw do’n pero hindi ko makita si
Rion. Pumasok ako ng kubo.
There.
Nakita ko siyang nakahiga. Nakapikit at may hawak na beer na nasa tiyan niya.
“Bhest, tulog ka
ba?”
tanong ko.
“No.”
“Lasing ka na?”
“No.”
“Ba’t nandito ka?”
“Maingay do’n.”
“Para namang hindi
ka sanay.”
Itinaas
ko ang mga paa ko sa kinauupuan ko at niyakap.
Saglit
kaming natahimik.
“Bhest.”
tawag niya. Nakapikit pa rin siya.
“O?”
“Gusto mo ba si Gino?”
“Waah! Ayoko ng
topic na ‘yan!”
Saka
lang niya idinilat ang mga mata niya. Dahan-dahan siyang bumangon. Namumungay
na ang mga mata niya. Napailing ako. Lasing na nga.
“Never pa nating
pinag-usapan si Gino. Bakit ba?”
“Alam mo namang
hindi ako pala-kwento pagdating sa mga ganyang bagay diba?”
Tumahimik
na siya. Tinungga niya ang beer na hawak niya.
“Tama na ‘yan. May
pasok ka pa bukas.”
Isinandal
niya ang ulo niya sa haligi ng kubo. “Okay lang. Kailangan ko ‘to.”
“May problema na
naman ba?”
“Oo. Matagal ko ng
problema ‘to.”
Kumunot
ang noo ko. “Ano
‘yon? Tell me.”
“Matutulungan mo
kaya ako dito?”
“Kung kaya ko,
susubukan ko.”
“Mahal mo ba ko,
bhest?”
I
smiled at him. Lasing na nga ang mokong. May balak pa atang mag-drama. “Oo naman.”
“Dahil?”
“Dahil kaibigan
kita. Mahal ko ang mga kaibigan ko.”
“Tssh!”
“Tssh ka na naman
dyan! Ano ba kasing problema?”
Inubos
muna niya ang natitirang laman ng beer bago siya sumagot.
“I love you, Enni.”
“Alam ko naman, eh.”
“I love you, not
just as my bestfriend.”
Natigilan
ako. Literal na natigilan ako. Nang mahimasmasan ako, saka lang ako nag-react.
He was just kidding. I know. Lakas talaga ng trip nito pag lasing.
“Grabe, ah!
Bentang-benta ‘yang joke mo!” natatawang sabi ko. “Lakas talaga
ng trip mo, bhest! Itulog mo na nga ‘yan!” Hinawakan ko ang kamay
niya. “Tara
na. Ihahatid na kita. Gamitin ko na lang yung motor ni Gino.”
Hindi
siya nagpahila. Nagulat na lang ako ng bigla niya kong yakapin. Nang mahigpit. “Mahal kita,
okay. Hindi ako nagbibiro. Hindi ako nangti-trip. Mahal kita, Enni. I’m
serious.”
Seryoso
ba talaga siya?
“Mahal kita, Enni.”
“No!”
Pinilit kong kumawala sa yakap niya. Mabilis akong lumabas ng kubo. Sumunod
naman siya. Pasuray-suray pa nga. Napaupo siya sa hagdan ng kubo.
“Enni...”
Umiwas
ako ng tingin sa kaniya. Hindi pwede ‘to! Ayoko! “Lasing ka lang, bhest. Kakalimutan ko na
lang na nangyari ‘to. Wala kong narinig. Walang nangyari.”
“Tang-ina, Enni!
Mahal nga kita!” malakas na sabi niya.
Napalingon
tuloy ako sa likuran ko. Hinintay kong may dumating na tao pero wala. Masyadong
malakas ang soundtrip sa loob kaya hindi nila narinig ang sigaw niya.
“Mahal kita,
Enni...”
Tinakpan
ko ang tenga ko. Ayokong marinig ang mga sinasabi niya.
He’s
my bestfriend. Gusto kong sabihing hindi ko siya kayang mahalin nang mas higit
pa sa kaibigan. Pero ayoko din siyang masaktan. Ayokong masira ang
pagkakaibigan namin. Ayokong mawala ‘yon. Mahalaga sakin ‘yon, eh. Mahalaga
siya sakin.
“Matulog ka na.
Bukas, hindi mo na maaalala ‘yang mga sinabi mo. At kakalimutan ko din ‘to.
Babalik uli tayo sa dati bilang magkaibigan, okay?”
Yun
lang at tinalikuran ko na siya. Nagmamadali akong bumalik ng bahay. Para lang makita
si Gino na nakasandal sa pader sa gilid ng pintuan.
“Enni.”
Umiwas
ako ng tingin. Pinunasan ko ang pisngi ko. Hindi ko kasi namalayang napaluha na
ko. Saka lang ako humarap kay Gino.
“Anong ginagawa mo
dito sa labas?”
tanong
ko.
“Pupuntahan sana kita sa
kubo. Kaya lang...”
“Narinig mo?”
“Oo.”
Parehas
kaming natahimik. Bahagya akong tumalikod sa kaniya. Wala kong masabi. Hanggang
ngayon, naririnig ko pa ang mga salitang ‘yon ni Rion.
“Mahal kita, Enni.”
“Mahal kita, Enni.”
“Mahal kita, Enni.”
Napahawak
ako sa noo ko.
Sana
panaginip lang ‘to. Sana naman, please... Ayokong mawala sakin si Rion.
Mahalaga siya sakin. Ayokong dumating ang oras na kailangan ko siyang iwasan.
Ayokong mangyari ‘yon.
Napalingon
ako sa likuran ko nang maramdaman ko si Gino. Nagulat pa ko ng yakapin niya ko.
“Gino...”
I
heard him sighed. “Anong gagawin mo ngayon?”
Napapikit
ako. Hindi ko din alam. “Gusto ko nang umuwi, Gino. Umuwi na tayo.”
* * *
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^