CHAPTER 3
“Yats.”
Napalingon
ako kay Gino. “Bakit?”
“Si Rion.”
“Hah?”
Napalingon ako sa tinitingnan niya. Si Rion na nakatayo sa gilid ng poste ng
ilaw di kalayuan sa pinagparadahan namin ng motor.
It’s
been two weeks since we last saw each other.
No
texts. No calls. From him.
Nagkataon
lang na dito sa baranggay nila Rion ang basketball game nila Gino kaya nandito
kami.
“Talk to him, yats.”
“Pero...”
“Mukhang gusto ka rin
niyang kausapin.”
Sakto
namang nag-ring ang phone ko. Si Rion. May natanggap akong text mula sa kaniya.
[ Pwede ba taung mag-usap? ]
“Sige na. Puntahan mo na
siya. Sumunod ka lang sa court, okay?” sabi ni Gino. Ginulo
niya ang buhok ko bago tumalikod.
“Gino.”
Hinawakan ko pa ang damit niya para pigilan siya.
Nilingon
niya ko. “Bakit?
Natatakot ka ba sa mangyayari after ninyong mag-usap?”
Oo. Pero hindi 'yon ang lumabas sa bibig ko. “Paano kung payagan ko
siyang manligaw sakin?”
Nawala
ang ngiti niya. Para pa ngang namutla ang mukha niya kung titingnan. “Enni, wag mo nga
kong takutin ng ganyan. Hindi magandang biro ‘yan. Baka hindi ako
makapag-concentrate sa laro ko niyan, eh.”
“I’m just kidding.
Sorry.”
Niyakap
niya ko. “Pampa-swerte
lang. Hihintayin kita sa court, okay?”
Tumango
ako. Umalis na siya. Para pa ngang ayaw niya kong bitawan.
Si
Gino. Two days after magtapat ni Rion sakin, he courted me.
Naalala
ko pa ang sinabi niya ng araw na ‘yon.
“I’m glad we’re not
bestfriends, Enni. Kailangan pa talagang may gawin ang iba para matauhan ako.
Natatakot akong maagaw ka sakin ni Rion. Mas una mo nga kong nakilala kesa sa
kaniya pero mas close pa kayong dalawa. Sinong hindi matatakot do’n? So, Enni,
can I officially court you?”
I
smiled.
Kung
dati, hindi ko maintindihan ang relasyon naming dalawa. Ngayon, alam ko na. May
matino na kong paliwanag kung tatanungin ng iba kung ano kaming dalawa.
Nilingon
ko si Rion.
Naghihintay
siya sakin.
Ang
bestfriend ko.
Pero
tama nga bang tawagin ko pa ring siyang bestfriend sa kabila nang nalaman ko?
I
sighed.
Lumapit
na ko sa kaniya.
“Enni.”
Ngumiti
ako na parang walang nangyari sa pagitan naming dalawa. “Bhest. Long time no see.”
“Busy lang sa
school.”
Tumango-tango
ako. “Manonood
ka ng basketball?” Ano bang klaseng tanong ko?
“Nope.”
Natahimik
kaming dalawa.
Ang
awkward lang.
Nagsimula
siyang maglakad. Palayo sa mga tao. Sumunod naman ako sa kaniya. Huminto siya
sa tapat ng isang puno. Natatabingan no’n ang liwanag na nagmumula sa poste ng
ilaw.
“Tungkol sa
nangyari. I’m sorry.” sabi niya.
“It’s okay. Lasing
ka lang no’n. Okay na sakin ‘yon. Kalimutan na natin ‘yon.”
“No, Enni.”
Nawala
ang ngiti ko. “Bhest.”
“I’m sorry.”
Kinagat
ko ang labi ko. Pero hindi ako nagsalita. Mangyayari na ba ang pinaka-iiwasan
kong mangyari? Isipin ko pa lang na mangyayari ‘yon, nasasaktan na ko.
“Mabait ka. Sweet
ka. Kahit sino, pwedeng ma-inlove sa’yo, eh. At isa na ko do’n.”
“Bhest, tama na.” pigil
ko sa kaniya.
“Kapag tinuloy mo pa ‘to, masisira ang
friendship nating dalawa.”
“I’m sorry, Enni.
Pero nainlove na ko sa’yo, eh. Hindi ko sinasadya. Nagising na lang ako isang
araw na may nararamdaman na ko sa’yo. Matagal na ‘to. Hindi ko lang mailabas.
Pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin.”
Hindi
ko na napigilan ang luha ko. Pumatak na ‘yon. “Pero bakit ngayon?”
“Hindi ko na kaya,
Enni. Nahihirapan na kong itago. Nahihirapan na kong magpanggap na wala kong
feelings sa’yo. To the point na isi-nacrifice ko na ang pagkakaibigan natin.”
Humakbang
siya palapit sakin.
“Hindi ba pwedeng
mahalin mo rin ako, Enni?”
“I’m sorry, bhest.”
“Enni...”
“Hindi kita kayang
mahalin sa paraang gusto mo.”
Natahimik
siya. Tumingala siya. At nakita kong sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya
sa pisngi niya.
“Bakit hindi pwede?
Dahil ba kay Gino?” Nakatingala pa rin siya.
“Labas si Gino dito,
bhest. Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa’yo. I’m sorry...”
Tinakpan ko ng bibig ko para walang lumabas na tunog sa pag-iyak ko.
“Dahil ba ganito
ako? Dahil ba ang hilig kong makipag-basag ulo?”
“No!”
Sunod-sunod akong umiling. “Bago pa kita maging bestfriend, tanggap ko na kung sino ka. It’s just
that, hanggang kaibigan lang talaga..”
“Tang-ina! Ang bakla
ko talaga! Bakit ba ko umiiyak?” Pinunasan niya ang
pisngi niya. Tiningnan niya ko. “Mahal na mahal talaga kita, Enni...”
Kitang-kita ko ‘yon sa mga mga mata niya.
“Tama na, bhest.
Please... Ayokong saktan ka. Pero hindi ko talaga kaya...”
Yumuko
siya. “Pero
mahal na mahal kita, Enni... Subukan mo lang, o... Please...”
Hinawakan
ko ang pisngi niya. Napatingin siya sakin. “Ayaw kitang saktan ng ganito pero kailangan kong
magiging totoo. Mahalaga ka sakin, bhest. Mahal kita bilang kaibigan ko.
Hanggang do’n lang ang kaya ko...”
“Enni...”
“Ayaw kong gawin
‘to, pero kailangan. Para sa’yo din ‘to. Mas masasaktan ka lang kung makikita
mo ko.”
“Iiwasan mo ko?”
Tumango
ako. “Dahil
kung lagi mo kong makikita, mas lalo ka lang masasaktan. Kasi hindi kita kayang
mahalin.”
“Enni...”
Niyakap niya ko. Hinayaan ko lang siya. Tinapik ko ang likod niya.
“Hindi ko alam kung
hanggang kailan. Siguro hanggang makapag-move on ka na sakin.”
Humigpit
ang pagkakayakap niya sakin. He was crying silently. Masakit para sakin ‘to.
Ang makita siyang ganito.
“Bhest, promise me
na mag-aaral ka pa rin. Promise me na hindi ka na makikipag-away. Mahal ko
diba?”
“Enni...I love
you...”
“Mahal mo ko kaya
gawin mo ‘yon. Please?”
Hindi
siya sumagot.
“Bhest?”
“O-oo… Hindi ako
babalik sa dati... Para sa’yo... Mahalin mo lang ako...”
“Bhest naman...”
“I’m sorry, Enni...
Pinapahirapan kita... I’m sorry kung sinira ko ang pagkakaibigan natin ng dahil
sa pesteng pakiramdam na ‘to...”
Dahan-dahan
siyang humiwalay sakin. Tiningnan niya ko. “Alam ko namang walang patutungahan ‘to... Alam ko namang
may iba kang gusto... Gusto ko lang talagang malaman mong mahal kita... Hindi
ko na kayang itago ‘yon… I’m sorry...”
Hinaplos
ko ang pisngi niya. “I’m sorry, too, bhest...”
Dahan-dahan
akong humakbang palayo sa kaniya bago ko siya tuluyang talikuran.
And
maybe this would be the last time that I would call him bhest...
Paano
ko pa siya magagawang tawaging bhest kung hindi na kaibigan ang tingin niya
sakin?
He’s
the one who crossed the line of friendship.
He
fell.
I
did not.
Both
of us got hurt.
He
sacrificed our friendship.
Is
loving me, his bestfriend worth fighting for?
No.
Because
I could’t love him back the way he wanted to be love.
Mas
masasaktan lang siya.
Days
passed.
Weeks
passed.
Months
passed.
Until
one year had passed...
* * *
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^