CHAPTER 4
“Ano?”
“Uuwi na si Jerry
dito. For good.” ulit ni Inna sa binalita niya sakin
over the phone now. “Nagsawa na ata do’n sa probinsya nila.”
“Sa’n siya titira?
Diba may nangungupahan sa bahay nila?”
“Wala na. Umalis na
din. One week ng walang nakatira do’n.”
“Sira ulo talaga
‘yon. Bakit pa kasi hindi pa siya mag-asawa ng mapirmi naman siya sa isang
lugar?”
“Eh, walang
nagkakamali, eh.”
Natawa
kaming dalawa.
“So, Enni,
makakapunta ka ba next week sa party ng unggoy?”
“I’ll try.”
“Naku! Yan ka na
naman!”
“Ta-try ko talaga.”
“Wag mo na kasing
isipin ‘yang LQ ninyo ng boyfriend mo. Siya rin ang susuko sa inyong dalawa. Hindi
ka naman matitiis no’n, eh.”
“Wag na nga nating
pag-usapan si Gino. Baka bangungutin pa ‘yon. Sige na. Ba-bye na. Matutulog na
ko. Uminom ka na lang ng isang galong gatas nang makatulog ka, okay?”
Nilapag
ko sa tabi ko ang phone ko. Nandito ako sa terrace namin. Nakaupo. Gabi na.
Hating gabi na nga, eh. May insomnia kasi si Inna kaya nakipag-telebabad sakin.
Tumingala ako sa langit.
“Ang daming stars.”
“Talaga?”
“Ay kabayo!”
gulat kong sabi sabay tingin sa harapan ko. “Gino?”
“Yes, yats.”
“Kanina ka pa dyan?”
“Kararating ko lang.”
“Anong ginagawa mo
dito? Late na, ah.”
Dalawang
block ang layo ng bahay namin sa kanila.
“Tiningnan ko lang kung
nandito ka sa terrace ninyo. Buti na lang pumunta ko.”
Lumapit siya sakin. Pero hindi siya pumasok sa loob ng terrace namin. “Galit ka pa?” tanong
niya.
“Ba’t naman ako
magagalit? Ikaw nga ang dapat na magalit kasi pinaghintay kita ng isang oras
kahapon.”
“Dahil inaway kita.”
“Kasalanan ko naman.
Kaya lang kasi, bakit mo ko sinigawan? Alam mo namang ayoko nang sinisigawan
ako.”
He
sighed. “Sorry.
Kasi naman, nasayang lang yung effort ko dahil sa tagal mo. Ulan ang nakinabang
sa surpresa ko.”
May
surprise kasi siyang romantic dinner sa rooftop nila. Malay ko ba. Ang sabi
lang kasi niya, may sasabihin siya. Hindi ko naman alam na may surpresa pa
siya.
“Sorry, honey.”
Niyakap
niya ko. “Sorry
din kung sinigawan kita.” Binuhat niya ko pababa ng terrace habang
yakap pa rin niya ko. “Namiss kita.” He hugged me tightly.
Napangiti
na lang ako. Talagang pinuntahan pa niya ko dito sa dis oras ng gabi para
kausapin ako. Tama si Inna. Hindi niya talaga ko matitiis.
Maya-maya
ay humiwalay siya sakin. May bagay na humarang sa pagitan ng mga mukha namin.
Hawak niya ang bagay na ‘yon.
“Chocolate!”
Kinuha ko ‘yon. “Thanks,
hon!” I kissed him on his cheek.
“Pero sayang talaga yung
dinner kahapon.”
I
pouted. “Sorry
na nga, eh.”
“Sayang yung music. Ni
hindi man lang kita nasayaw.”
Mas
lalo akong napanguso. Galing din mangonsensya nito, eh.
“Alam ko na.”
sabi niya.
May
kung ano siyang sinuksok sa tenga ko. Earphone ‘yon. Nakasuksok din ang isa sa
kaniya. May narinig akong music. Sweet music. Napangiti ako nang yakapin niya
ko habang nagse-sway kami.
“You planned this
right?” nakangiting tanong ko. “Kasabwat mo si Inna dito ‘no?”
He
just smiled.
Tama
nga ako. Kaya alam niyang nandito ako sa terrace ngayong gabi.
“Wala tayong romantic
dinner, pero may chocolate naman tayo. At nasasayaw pa kita.”
“Ang sweet mo
talaga.” Pinisil ko ang pisngi niya.
“I know. Kaya inlove na
inlove ka sakin, eh.” He hugged me tightly.
We
stayed that way for how many minutes nang magsalita uli siya.
“Yats.”
“O?”
“Uuwi na daw si Jerry
sabi ni Inna.”
“Ah, oo. Next week
daw. Kasasabi lang ni Inna sakin kanina.”
“Jerry invited me to his
party. He messaged me on facebook.”
Tiningala
ko siya. “You’re
coming?”
“May lakad ako no’n
diba? Out of town ako. May team building kami.”
“Oo nga pala.”
“Habang tumatagal,
lumalala yang pagka-ulyanin mo.”
Nag-peace
sign ako. “Sorry.”
“Pumunta ka. Magtatampo
si Jerry sa’yo, sige ka.”
“For sure, ininvite
niya lahat ng barkada niya. Lahat.”
“For sure, nando’n si
Rion.”
“Oo. Kamusta na kaya
siya?”
“Kaya nga pumunta ka
kung gusto mong alamin. It’s been a year na rin simula nang huli kayong magkita
diba?”
Tumango
ako. “Galit
kaya siya sakin?”
“Kaya nga pumunta ka
kung—” Tinakpan ko ang bibig niya.
“Oo na. Pupunta na.”
Sinimangutan ko siya. “Alam mo, imba ka talaga. Sa halip na pagbawalan mo kong
pumunta dahil nando’n siya, ikaw pa ‘tong nagpupumilit sakin na pumunta.”
Pinitik
niya nang marahan ang noo ko. “Magkikita pa rin kayong dalawa kahit hindi ka pumunta kina
Jerry. At walang mangyayari kung panay ang iwas mo. Besides,” Nilapit
niya ang mukha niya sakin. “,may tiwala naman ako sa’yo.”
Napangiti
ako. “Thank
you for trusting me.”
“And thank you for
loving me.”
He
lightly kissed my lips.
* * * * * * * *
Malakas
na tawanan.
Yun
ang naririnig ko sa labas pa lang ng pintuan nila Jerry.
Pagbukas
ko ng pintuan, sabay-sabay pa silang napalingon sakin.
“Enni!”
Si
Jerry ‘yon na sinugod ako ng yakap.
“Namiss kita!”
“Hindi kita namiss. Nasa’n
ang pasalubong ko?”
Humiwalay
siya sakin. “Mukha
ka talagang pasalubong.”
Tinapik
ko ang braso niya. “Ang taba natin, ah.”
“Anong natin? Ako
lang. Ikaw gano’n pa rin.”
Tinawanan
ko lang siya. Nilibot ko ang tingin sa mga taong nando’n. Hanggang sa tumapat
ang mga mata ko sa isang tao.
“Hello.”
bati ko sa kaniya.
“Hi.”
bati niya.
“Uyy... Bati na sila!”
Tukso samin ng mga barkada ko.
Ang
alam nila, may mabigat kaming pinag-awayan ni Rion kaya tumagal na hindi kami
nagkibuan. Only Inna and Jerry knew the real reason.
“Ay!”
Nagulat
ako ng bigla na lang akong itulak ng mga bwisit na barkada ko. Tinulak palapit
kay Rion. Muntik na kong mangudngod sa sahig kung hindi lang ako nasalo ni
Rion.
“Guys, enough.”
saway sa kanila ni Rion. Hawak niya ang dalawang balikat ko.
“Okay lang ako.”
sabi ko. Tiningala ko siya.
Tiningnan
niya ko. Seryoso ang mukha niya.
Galit
kaya siya sakin? Kamusta na kaya siya? Ano na kayang—
Pinisil
niya ang pisngi ko. “Long time no see, Enni.”
“Long time no see,
too...” Hindi ko na siya magawang tawaging bhest “…Rion.”
* * * * * * * *
“Wala ng yelo,
Jerry!” reklamo ni Inna.
“Sa kusina, Inna.
Mero’n.”
“Nahihilo na ko, eh.
Ikaw na lang.”
“Ako na nga lang.”
sabi ko. Kukuha na din ako ng chocolate. May nakita ako sa ref kanina, eh.
“Hoy, Enni! Yung
chocolate ko!”
Nginisihan
ko lang si Jerry. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko. Wahehe!
Pumunta
na ko sa kusina. Binuksan ko ang ref at kumuha ng chocolate. Binuksan ko na agad
‘yon at akmang kakainin ng...
“Huy! Bawal ‘yan!”
Napalingon
ako sa likuran ko. Nakita ko si Rion na nakasandal sa pader.
“Anong ginagawa mo
dyan?” tanong ko.
“Galing cr.”
“Ah.”
Jeez!
Ang akward naman nito. Parang hindi kami magkakilala. Parang hindi kami
magbestfriend dati. Ang akward talaga. Yun ang nararamdaman ko.
“Kamusta ka na?”
tanong ko na lang. Mukhang wala rin siyang balak na magsalita, eh.
“Okay lang. Ikaw?”
“Okay lang din.”
Silence.
“Kamusta na kayo ni
Gino?”
“We’re fine, Rion. Kamusta
ka na? Yung pag-aaral mo?” Dinivert ko na lang topic namin.
Ang awkward kasi.
“Masaya. Marami na
kong kaibigan. Hindi na rin ako takaw-gulo. Sobrang saya ko ngayon, Enni.”
“I’m glad to hear
that, Rion.”
Masaya
akong malaman na pagkatapos ng nangyari sa pagitan naming dalawa, masaya siya
ngayon. Kaya lang, bakit hindi man
lang siya ngumiti? Masaya siya diba? Ang awkward talaga. Parang ibang tao siya.
Ano pa bang dapat kong i-expect? Na babalik ang dati naming samahan?
I
sighed.
Namimiss
ko lang kasi ‘yon.
Namimiss
ko ang bestfriend ko.
Binuksan
ko uli ang ref at kumuha ng yelo. Kaya lang, masyadong nakadikit kaya hindi ko
makuha.
May
sumulpot na kamay mula sa likuran ko. “Ako na.”
Yumuko
ako at umalis sa harapan niya. Nakuha niya ang yelo. Kinuha ko ‘yon mula sa
kaniya pero iba ang inabot niya sakin.
“Chocolate?”
“Hindi ‘yan ang
ini-expect kong reaction mo.”
Napatingin
ako sa kaniya. Nginitian ko siya. “Thank you, Rion.”
Pinisil
niya ang pisngi ko. Unti-unti siyang ngumiti. Ang unang ngiti niya sakin
ngayong nagkita uli kami.
“Namiss kita, Enni.”
I
smiled at him. “Namiss
din kita, Rion.”
After
what happened between the two of us, baka naman pwede uli kaming maging
magkaibigan.
Baka
lang naman.
One
month had paseed.
Parang
bumalik uli kami sa dati ni Rion.
Pero
hindi gano’n ka-close katulad noon.
Wala
siyang sinabi tungkol sa nakaraan.
Wala
rin akong sinabi.
Ang
awkward lang kung pag-uusapan uli namin ‘yon.
Ang
mahalaga, nakapag-move on na siya sa feelings niya sakin.
Na
kahit makita niya ko, hindi na uli siya masasaktan.
Hindi
ko na siya masasaktan.
Hindi
ko na ba talaga siya masasaktan?
* * *
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^