Wednesday, December 10, 2014

Another Wizard's Tale : Side Story 6

:Side Story 6:
(The Author)


“Somnus!”

Tinamaan ng lintek si Sylfer. Kaunti na lang at malapit na siyang maniwala sa sabi-sabi ng iba na puro masamang hangin lang ang laman ng utak niya. Mas masama pa sa hangin mula sa Fart Spell niya.

Dahan-dahan niyang ibinaba sa kama ang mortal at saka nag-isip.

“Ano nang gagawin ko?” Hindi siya mapakali at palakad-lakad ito sa paligid ng higaan. “Mortal siya… mortal siya… pero ang ganda niya. Eh pero mortal siya… at bawal ‘to!”

Biglang may kumatok sa may pinto, dahilan para magulat siya. Naisip na niya agad na baka may Sniffers at Mortal Detection Marshals na ang nag-aabang sa kanya.

Dali-dali niyang kinumutan ang mortal at kahit masama sa loob niya, napilitan siyang itago ito sa loob ng kanyang cabinet.

Matapos nito, lakas-loob nang lumapit si Sylfer sa may pintuan. Nag-iisip na siya ng mga posibleng alibi na sasabihin ngunit nang buksan na niya ito, “Welcome back Master Syl!” Si Sage lang pala.

Agad niyang nilingon ang labas para siguruhin na walang ibang tao sa paligid,  “Mabuti dumating ka, bro! May malaking problema tayo?”

“Problema? Kasama ako, Master? Kararating ko lang.”

“Para saan pa na naging Master mo ako kung hindi kita idadamay. I mean… isipin mo na lang na ito rin ang first challenge na ibibigay ko sayo.”

Dahil sadya namang utu-uto ang batang Class D+, “Ta… talaga, Master? Okay, challenge accepted!” Saka siya nagmatapang na pumasok na sa kwarto. “Anong problema ba yan, Master Syl?”

Hindi mahugot ni Sylfer ang mga salita para ipaliwanag ang problema kaya naman ipinakita niya na lang ang kinaroroonan ng mortal na itinago niya sa cabinet.

“Hwaah! Pumatay ka ng babae, Master?”

“Ano ang una kong itinuro sayo? Ang babae ay minamahal, hindi pinapatay.”

“Eh… anong ginagawa niya dyan, Master? Nilasing mo?”

“Parang ganun… pero hindi ko naman sinasadya na malasing siya! At nagising na siya kanina, pinatulog ko lang ulit.”

“Ang ganda niya, Master.”

“I know. She’s my girl!”

“Hindi ko naman aagawin.”

“And she’s a mortal.”

“Wow! Nakahanap ka na ng Mortal Slave?”

“No. She’s an illegal mortal. I brought her here by accident.” Nagkatinginan sila. Malaking problema nga talaga. “Mayayari ako kapag nahuli siya ng MDMs dito. Kailangan natin siyang mailipat sa ibang lugar!”

Nag-isip sandali si Sage. Kapag hindi niya natulungan si Sylfer, baka itakwil na siya bilang apprentice. Ngunit dalawang lugar lang naman ang madalas nitong pagtambayan kapag walang klase sa camp. Yun ay ang kwarto mismo ng Master niya at, “Sa potion testing room! Dahil sa halu-halong amoy ng potions dun, matatakpan kahit papaano ang mortal scent niya!”

Mukhang pumasa naman sa unang pagsubok si Sage. Nagtungo na sila sa potion testing room ngunit hindi naging madali ang lahat.

Okay lang sana kung mahuli sila ng isa sa mga professors sa camp o kaya makasalubong ng mga fans dahil madali lang namang takasan ang mga iyon. Ang problema ay nasa mismong mortal na kasama nila.

“Ah—aray ko, Master! Sinasabunutan na niya ako! Ang anit ko!”

“Amin na, ako naman ang magbubuhat sa kanya…” At kabubuhat pa nga lang ulit ni Sylfer sa mortal, “Ack… she’s strangling me!”

“Konting-tiis na lang, Master! Makakarating na tayo sa potion testing room!”

Naninipa, nanununtok at brutal ang mortal kahit tulog pa ito. Kinailangan talagang magsalitan sila sa pagbuhat para hindi tuluyang mabugbog ng sleeping monster—este mortal pala.

Kaya nga pagdating nila sa potion testing room, sinigurado nilang nakatali na sa isang upuan ang ating bidang mortal para siguradong hindi na ito makapanakit pa.


End of Side Story 6




5 comments:

  1. Hi Ms. Author! may part po ba d2 si Myera? kung meron po, sana makatapat niya si Elysse para thrilling ung mangyayari! Btw, ms. author, ang ganda po tlaga ng story nyo!!!!! thumbs up and i support u po!



    -CASSANDRA16^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. sad to say, wala po. anyway, thanks for reading! bihira lang may mapadpad dito sa blog ko. XD

      Delete
  2. Miss author!!ndi na po ako mk2log sa kakaisip Kung kaylan po ung book 3 ng wizard tale!!Cge na miss author update!! Na po Kau??sobrang galing nio po miss author fan nio na po ako

    ReplyDelete
  3. hi miss author, syang po wla pong part si myera dun! Btw, icoconsider k na po na THE BEST BOOK OF MY LIFE ang WT!!! I really support u po ms. author!!! kawaii!





    -CASSANDRA16^_^

    ReplyDelete
  4. ms. Aegyo . . na publish na po ba ang WT3?? sabi kasi nila december raw yun ipupublish eh . . .

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^