:Side Story 6:
(The Author)
“Somnus!”
Tinamaan ng lintek si Sylfer. Kaunti
na lang at malapit na siyang maniwala sa sabi-sabi ng iba na puro masamang
hangin lang ang laman ng utak niya. Mas masama pa sa hangin mula sa Fart Spell
niya.
Dahan-dahan niyang ibinaba sa kama
ang mortal at saka nag-isip.
“Ano nang gagawin ko?” Hindi siya mapakali at palakad-lakad ito sa paligid ng
higaan. “Mortal
siya… mortal siya… pero ang ganda niya. Eh pero mortal siya… at bawal ‘to!”
Biglang may kumatok sa may pinto,
dahilan para magulat siya. Naisip na niya agad na baka may Sniffers at Mortal
Detection Marshals na ang nag-aabang sa kanya.
Dali-dali niyang kinumutan ang
mortal at kahit masama sa loob niya, napilitan siyang itago ito sa loob ng
kanyang cabinet.
Matapos nito, lakas-loob nang
lumapit si Sylfer sa may pintuan. Nag-iisip na siya ng mga posibleng alibi na
sasabihin ngunit nang buksan na niya ito, “Welcome back Master Syl!” Si Sage lang pala.
Agad niyang nilingon ang labas para
siguruhin na walang ibang tao sa paligid,
“Mabuti
dumating ka, bro! May malaking problema tayo?”
“Problema? Kasama ako, Master? Kararating ko lang.”
“Para saan pa na naging Master mo ako kung hindi kita idadamay.
I mean… isipin mo na lang na ito rin ang first challenge na ibibigay ko sayo.”
Dahil sadya namang utu-uto ang
batang Class D+, “Ta… talaga, Master? Okay, challenge accepted!” Saka siya
nagmatapang na pumasok na sa kwarto. “Anong problema ba yan, Master Syl?”
Hindi mahugot ni Sylfer ang mga
salita para ipaliwanag ang problema kaya naman ipinakita niya na lang ang
kinaroroonan ng mortal na itinago niya sa cabinet.
“Hwaah! Pumatay ka ng babae, Master?”
“Ano ang una kong itinuro sayo? Ang babae ay minamahal, hindi
pinapatay.”
“Eh… anong ginagawa niya dyan, Master? Nilasing mo?”
“Parang ganun… pero hindi ko naman sinasadya na malasing siya!
At nagising na siya kanina, pinatulog ko lang ulit.”
“Ang ganda niya, Master.”
“I know. She’s my girl!”
“Hindi ko naman aagawin.”
“And she’s a mortal.”
“Wow! Nakahanap ka na ng Mortal Slave?”
“No. She’s an illegal mortal. I brought her here by accident.” Nagkatinginan sila. Malaking
problema nga talaga. “Mayayari ako kapag nahuli siya ng MDMs dito. Kailangan
natin siyang mailipat sa ibang lugar!”
Nag-isip sandali si Sage. Kapag
hindi niya natulungan si Sylfer, baka itakwil na siya bilang apprentice. Ngunit
dalawang lugar lang naman ang madalas nitong pagtambayan kapag walang klase sa
camp. Yun ay ang kwarto mismo ng Master niya at, “Sa potion testing room! Dahil sa
halu-halong amoy ng potions dun, matatakpan kahit papaano ang mortal scent
niya!”
Mukhang pumasa naman sa unang
pagsubok si Sage. Nagtungo na sila sa potion testing room ngunit hindi naging
madali ang lahat.
Okay lang sana kung mahuli sila ng
isa sa mga professors sa camp o kaya makasalubong ng mga fans dahil madali lang
namang takasan ang mga iyon. Ang problema ay nasa mismong mortal na kasama
nila.
“Ah—aray ko, Master! Sinasabunutan na niya ako! Ang anit ko!”
“Amin na, ako naman ang magbubuhat sa kanya…” At kabubuhat pa nga lang ulit ni
Sylfer sa mortal, “Ack… she’s strangling me!”
“Konting-tiis na lang, Master! Makakarating na tayo sa potion
testing room!”
Naninipa, nanununtok at brutal ang
mortal kahit tulog pa ito. Kinailangan talagang magsalitan sila sa pagbuhat
para hindi tuluyang mabugbog ng sleeping monster—este mortal pala.
Kaya nga pagdating nila sa potion
testing room, sinigurado nilang nakatali na sa isang upuan ang ating bidang
mortal para siguradong hindi na ito makapanakit pa.
End
of Side Story 6
Hi Ms. Author! may part po ba d2 si Myera? kung meron po, sana makatapat niya si Elysse para thrilling ung mangyayari! Btw, ms. author, ang ganda po tlaga ng story nyo!!!!! thumbs up and i support u po!
ReplyDelete-CASSANDRA16^_^
sad to say, wala po. anyway, thanks for reading! bihira lang may mapadpad dito sa blog ko. XD
DeleteMiss author!!ndi na po ako mk2log sa kakaisip Kung kaylan po ung book 3 ng wizard tale!!Cge na miss author update!! Na po Kau??sobrang galing nio po miss author fan nio na po ako
ReplyDeletehi miss author, syang po wla pong part si myera dun! Btw, icoconsider k na po na THE BEST BOOK OF MY LIFE ang WT!!! I really support u po ms. author!!! kawaii!
ReplyDelete-CASSANDRA16^_^
ms. Aegyo . . na publish na po ba ang WT3?? sabi kasi nila december raw yun ipupublish eh . . .
ReplyDelete