:Chapter 6:
(The Mortal)
I had a dream last
night. A Wizard seduced me and gave me a potion that made me forget about everything.
Isinama pa raw niya ako sa Otherworld at doon, napakaraming kalokohan naming ginawa.
Masaya, nakakakilig… pero nakakainis din. May ugali kasi yung Wizard na
mang-seduce pa ng ibang babae. Hindi siya kuntento ng saakin lang. And the
worst part is, that dream never ended well. Parang hindi yata kami nagkatuluyan
ng Wizard. Basta naputol na lang yung panaginip ko at nagising na ako.
Wait! Light bulb on!
Parang magandang plot
yun for my story! Tamang-tama dahil fantasy pa! The female protagonist was sent
to a magical world by mistake! I guess that would make a very nice beginning of
a story! Yung ending pag-iisipan ko pero kailangan kong maisulat na agad yun
bago ko pa makalimutan.
With my eyes still
closed, kinapa-kapa ko na kung saan ko naipatong yung silver journal ko. ‘Journal, where
art thou?’ Hindi ko ito mahanap sa usual spot na pinagpapatungan ko.
Paano
naman kasi, parang may nagbago sa ayos ng kwarto ko. Actually, kahit ito
mismong kama ko ay nakakapanibago. Sobrang lambot at iba ang amoy—amoy pabango
ng lalaki. Parang kaamoy ni…
“That is so adorable,
sugarpuff.”
Ano
raw? Adorable? Sugar puff? Am I still dreaming? Sino yung nagsalita? And eerily
familiar yung voice niya. I slowly opened my eyes and found a man lying next to
me. “Sylfer?”
“Rise and shine, baby
cake!”
Gasp!
I jumped out of the bed that instant with the blanket wrapped around my body. “Ikaw! Anong
ginagawa mo rito sa kwarto ko—oh my! Hindi ko kwarto ‘to!” I let my eyes roam around the whole place and
back to Sylfer’s face. “Why am I here?”
“Calm down, daisy babe.
You’re in my room. Remember you got drunk last night?”
“I got drunk?”
“You were the cutest
thing!”
“Eh bakit mo ako inuwi
dito sa bahay mo?”
“This isn’t my house.
We’re at the camp. At tsaka ayaw mo ibigay ang address mo so I have no choice.
And you said it was okay for you to go here.”
Oh
no! Hell no! Lasing ako at ang lalaking ito pa ang kasama ko! Ang malanding
lalaking ito! Nang matitigan ko pa siyang maigi, wala siyang pang-itaas! Ang
hot niya, infairness. But that’s not the point!
“Did… did something
happen between us?”
“A lot! It was crazy but
one of the best night of my life!”
“Oh my gosh! Walang hiya
ka!
Sinamantala
mo ako noong lasing ako! I knew I never should have trusted you! Sisiguraduhin
kong mananagot sa kawalang-hiyaan mo!”
“Hey, hey! Easy! Ano na
namang kasalanan ko?”
“You said something
happened! You—you rapist!” I stammered.
“Rapist? I… I didn’t
rape you! Look, you’re still wearing your clothes.”
Napayuko
ako para tignan ang sarili ko at tama nga siya, nakadamit pa nga ako. “Eh bakit
shirtless ka?”
“Hinubaran mo ako.”
“I did what?”
“Ikaw ang nanamantala
saakin. Ako ang dapat mong panagutan.” Pumikit siya na parang
naiiyak with matching pagyakap sa unan. At maniniwala na sana ako dahil lasing
ako kagabi pero, “JOKE! Sinukahan mo lang naman ako but that’s fine with me. Pero kung
gusto mong panagutan pa rin natin ang isa’t isa, pwede naman nating gawin yung
alam mo na…”
“Sira ulo ka pala eh!” Tamang-tama,
nahanap ko na kung saan nakapatong yung silver journal ko! Kinuha ko yun at
pinanghampas ko sa ulo niya.
“I was just joking!”
“It’s not funny!”
“I wasn’t being funny
though. I’m being romantic!”
“You’re joking to be
romantic? Well let me tell you something, playboy. It’s not a good
combination!”
Inayos
ko na ang sarili ko at kinuha na ang mga gamit ko. Sinundan pa ako ni Sylfer
para pigilan ako pero hindi ko siya pinansin. Wala akong balak na magtagal pa sa
bahay o camp o whatever na lugar na ito!
Dahan-dahan
akong lumapit doon para matignan ng maigi yung labas. Tumambad saakin ang isang
malawak na lupain na ngayon ko lang nakita. Tanaw ko rin ang ilang floating
islands sa ‘di kalayuan at may mga naglipanang kung anu-anong creatures na sa mga
fantasy books from Orcen Library ko lang nabasa.
Sa
pinaka-ibaba nitong mega-structure na kinaroroonan ko, may mga taong
nagsasanay. At mukhang silang mga characters dun sa mga online games na
kinalolokohan ng kabataan ngayon.
“Oh, I get it…” I
said to myself. Nananaginip pa rin pala ako. Meaning hindi ko nakasama si
Sylfer buong gabi. Siguro nga ay nahihimbing pa rin ako sa sarili kong kama dun
sa apartment na tinutuluyan ko.
“Ang ganda ng view,
‘noh?” Lumapit saakin si Sylfer at umakbay pa. “Pero mas
maganda ka.”
Siniko
ko naman siya at inalis ang kamay niya sa balikat ko. “Manahimik
ka. Sinisira mo ang moment of awe ko.”
“But seriously, ang
ganda talaga ng view rito sa kwarto ko.”
“Oo na. Sinabi mo pa.
Panaginip ko ‘to eh.”
“Hindi ka nananaginip.”
“Kurutin mo nga ako?”
“Hindi ako nangungurot. Iki-kiss
na lang kita.”
Ngumuso
na siya pero ang nahalikan niya ay ang palad ko.
“Ouch!”
We exclaimed in unison. Nasaktan yung nguso ni Sylfer samantalang yung kamay ko
naman ang sumakit…
“Bakit masakit?” Eh
nanaginip nga lang ako! Isa pa! Sinuntok ko yung pader at pinagsisihan ko agad
yun. “Put-tangerine!
Motherfu-reigner! Son of a bi-eefsteak!” Sarap na talagang magmura
dahil sa sobrang sakit but like I said before, hindi ako nagmumura.
Hinila
naman agad ni Sylfer ang kamay ko, may ibinulong siyang kung ano at saka ito
hinipan. In an instant, nawala yung sakit.
“Holy shi-mpanzee... ano
yung ginawa mo?”
“Simple healing blow.
Pati yun hindi mo alam? Medyo naghihinala na ako sayo, parang wala kang
kaalam-alam dito sa Otherworld.”
“Otherworld? Eh diba
fictional world lang yun?”
“Fictional? Babydoll, we
are at the Otherworld. What is wrong with you? Pinapakaba mo na ako.
Otherworlder ka naman diba?”
“I’m not! From the books
I’ve read and as far as I know, I’m a MORTAL.”
Sylfer
stopped all his action and stared at me. His silence took so long that I had to
check if he’s still breathing.
“Hoy! Ako ang dapat na
nagugulat dito ah! Nasa Otherworld tayo? Otherworld is real! My golly! Kung
kailan hindi ko dinala yung instax ko! Wala tuloy akong pang-selfie!”
Slowly,
Sylfer closed his eyes and took big breaths to calm himself down. “We’re in
trouble.” He sounded afraid. “You’re in big trouble.”
Hindi
na ako nakapag-react sa kung ano yung ibig niyang sabihin. He just pulled me
close to him, raising his hand with a wand pointing at me and said, “Somnus!”
* * *
I
woke up and found myself staring at a ceiling. This is no longer Sylfer’s room.
I slowly rose up and my vision still blurred, then found out that my hands are
tied on the chair. “What the fudge?”
I gaze
focused on a curtain that’s hiding the other side of the room. I saw two male
silhouettes and they were talking about something I don’t know. Though I
recognized the first voice, it was Sylfer.
“Wala ka bang ibang
invisibility potions?”
“Meron naman Master
Syl,” Sagot sa kanya ng kausap niya. “Pero hindi nun maitatago ang amoy niya.
Matutunton pa rin siya ng mga Sniffers.”
“Pwede na rin yun basta
mailipat muna natin siya ng ibang lugar. Hindi siya pwedeng magtagal dito sa
camp. Mayayari tayo.”
“Saan niyo siya balak
itago?”
“Bahala na…”
What’s
with these two? Ano kayang balak nila saakin? Dahan-dahan ko nang sinubukang
kalagan ang sarili ko pero kahit anong pag-iingat pa ang ginawa ko, naramdaman
nilang gising na ako.
“Master Syl… gising na
yata siya.”
Pumasok
na si Sylfer para i-check nga kung gising na ako. He seemed sorry but doesn’t look
okay.
“Bakit ako natali?”
Tanong ko sa kanya.
“Nanununtok ka habang
tulog.” Sagot niya sabay pakita sa black eye niya sa kanang
mata.
Panandalian
kaming natahimik. Nagpapakiramdaman. Pero ako na ang unang nagsalita. “So hindi naman
panaginip yung kanina, diba? Otherworld is real. And you… you’re a real
Wizard.”
“And you’re not afraid?”
“No.”
Adventurous akong tao. Nagulat ako sa nadiskubre ko pero hindi ako natakot.
Besides, “You
won’t hurt me.” Alam ko dahil kung may balak na masama saakin si
Sylfer, sana hindi na ako nagising kanina. “Sino yung kausap mo dun sa labas? Elemental Guardian
mo?”
“Alam mo ang tungkol sa
Elemental Guardians?”
“Nabasa ko sa mga libro.
So anong klaseng nilalang siya?”
“Tao ako.” Sumagot
na yung boses.
“At hindi ko siya
Elemental Guardian.” Dagdag
naman ni Sylfer. “Hey bro, halika rito!”
Nagpakita
na yung kausap niya at may hawak itong isang mangkok. Sa palagay ko ay teenager
siya. And for a guy, he has a cute face with disturbingly feminine features.
Though he could look fierce because of his eagle eyes but examining the way he
handles himself, he’s a very shy boy. Tipong madaling utuin at masarap i-bully.
He
waved his hand to greet me, “A… ako nga pala si Sage Morseth. I’m a Class D+ Wizard specializing in potion making. At
apprentice rin ako ni Master Sylfer.”
“Apprentice sa
Wizardry?”
“No… he’s teaching me on
how to be a cool wizard.”
“You got to be kidding
me?”
“Seryoso ako! Gusto kong
maging kasing cool ni Master Syl!”
Ngumisi
naman si Sylfer sa may gilid at feel na feel niya na ang taas ng tingin sa
kanya nung kawawang bata na ‘to. Ano klaseng pang-uuto kaya ang ginawa niya?
“Anyway, it’s nice to
meet you Sage. Ako naman si…” Hindi ko natuloy ang sasabihin
ko nang may maalala ako. Isang passage mula sa libro doon sa Orcen Library.
‘A Mortal’s anonymity is their best shelter.
Unless you want to enter a Life
Contract or become a Mortal Slave,
never entrust your name to an
Otherworlder.’
“I can’t tell you my
name.”
“Why?”
“Don’t ask me why.
Ayokong sumailalim sa Life Contract o maging Mortal Slave ng sino man sa inyo.”
“Ang dami na niyang
nalalaman, Master Syl.”
“Paano ka nakapasok sa
Orcen Library? Imposibleng makapasok ang mga Mortal dun.”
“May nakilala akong matanda
at in-invite niya ako na pumunta sa library na yun. Binigyan niya ako ng
keychain bilang pass.”
“Nasaan yung keychain?”
“Nasa bulsa ko.”
Napatingin
silang dalawa sa bulsang tinutukoy ko—yung bulsang malapit sa bandang dibdib
ko. Si Sylfer ang naglakas-loob na lumapit at paangat na sana ang kamay niya
pero…
“Wag mong subukang
ilapit yang kamay mo saakin, Sylfer.”
“Paano namin kukunin
yan?”
“You can levitate
things.”
“Baka kasamang
mag-levitate rin yung damit mo. You know, accidents do happen especially when
I’m nervous!”
“Eh ‘di kalagan niyo
ako!”
“Wala kang gagawing
masama?”
“Hello! Mortal ako at
Wizard kayo! Sino ba sa atin ang may kapangyarihan?”
Napayuko
naman si Sylfer at saka bumulong. “Mas nakakatakot ka kaya magalit.”
“Partida, tulog pa siya
kanina.” Segunda naman ni Sage.
Tinignan
ko sila ng masama. Akala mo hindi ko naririnig pinag-uusapan nila. “Pakawalan niyo
na ako bago pa ako tuluyang magalit sa inyo.” Sabi ko na may halong
pagbabanta na.
Tinanggal
na rin naman na ni Sage ang tali sa mga kamay ko. Saka ko pa lamang naipakita
sa kanila ang tinutukoy kong keychain.
Nang
tignan itong maigi ni Sylfer, “May emblem ito ng Flemwall.”
“Si Lolo Lorcan ang
nagbigay saakin niyan.”
“Si Master Lorcan?”
“Tinulungan niya ako na
makahanap ng inspirasyon dun sa library para sa gagawin kong kwento.”
Ibinalik
na saakin ni Sylfer ang keychain pero bakas na sa mukha niya ang panlulumo.
Medyo kinabahan tuloy ako.
“You said I’m in
trouble. Why am I in trouble?”
“Illegal ang pagtapak mo
rito sa mundo namin.” Sagot
saakin ni Sage.
“It’s not my fault. Si
Sylfer ang nagdala saakin dito.” Paninisi ko naman.
“For sure, malulusutan
ni Master Sylfer ang kasalanan niya. He’s half-Flemwall! Malakas ang kapit
niya.”
“Eh ganun naman pala…”
“Pero ibang kaso ang
sayo. Huhuliin ka ng MDMs.”
“Ano yun?”
“Mortal Detection
Marshals.”
“Kapag nahuli nila ako,
eh di pagpyansahan niyo ako!”
“Hindi yun ganun kadali.
Ikukulong ka nila sa mahabang panahon. Tatanggalin nila lahat ng alaala mo
tungkol sa Otherworld. Matagal na proseso lalo pa dahil ang dami mo nang
nalalaman. At kung makabalik ka man sa Mortal World, hindi na magiging kagaya
ng dati ang buhay mo. Sa mga naalala kong kaso ng mga illegal mortals na
nakakarating dito at nakabalik sa totoong mundo niyo, nagkakaroon sila ng sakit
sa utak… kadalasan napagkakamalan nang baliw.”
“Sage, tama na. Tinatakot
mo na siya. ”
“Ang dami na niyang
nasabi, ngayon mo lang pinatigil!” Napatayo na ako at nararamdaman ko na ang
panic sa buong katawan ko. “Anong gagawin natin? Hindi nila pwedeng burahin ang mga
alaala ko! Baka mawala rin lahat ng mga pinaghirapan kong research at ideas
para sa kwento ko! Worst, ayokong mapagkamalang baliw kapag nagbalik na ako sa
mundo ko!”
“You have three options
to make your stay here legal, honeybunch. Option one, we can sign a Life
Contract and you’ll be my Mortal Slave for a while. Option two, we can do an
Initiation Ritual and we’ll be connected for a while! Option three, we do
option one and two and it will all be for a while!”
“How about option four? Just
bring me back to my world!”
“Um, Master Syl…”
“I can’t. It took me so
many months bago ako nakakuha noon ng pass for a two day stay sa Mortal World.
Pahirapan yun, sweetiepie.”
“Ehem… Master Syl…”
“Then you’re saying I’m
doomed? Hinding-hindi ako papayag sa mga options na binigay mo!”
“Excuse me lang,
Master…”
“Then ready ka na
tanggalin nila ang alaala mo?”
“Lalong hindi!”
“Master Sylfer…”
“WHAT?” Sabay naming naitanong sa kanina pang
singit ng singit na si Sage. Gusto yatang makurot sa singit nito eh!
“Nasundan na kayo ng
MDMs,” sabi niya at ipinakita saamin yung mangkok na kanina pa
niyang hawak. Naglalaman ito ng likido na nagpapakita ng mga imahe mula sa
labas. “Nandito
na sila sa camp at may mga kasamang Sniffers.”
End of Chapter 6
oh my! sana pumayag na lang si M na sumailalim sa initiation ritual or life contract para hindi siya mahuli ng mga MDM at hindi mabura yung mga alaala niya sa mortal world....... but it was a very very very nice chapter.. ngayon lang pala magiging true guy si Sylfer ng makilala niya si M.. wahahaha!!!! Kawaii! Ang galing niyo talaga Ms. Author!!!! :-)
ReplyDelete