Saturday, December 6, 2014

Another Wizard's Tale : Chapter 6

:Chapter 6:
(The Mortal)


I had a dream last night. A Wizard seduced me and gave me a potion that made me forget about everything. Isinama pa raw niya ako sa Otherworld at doon, napakaraming kalokohan naming ginawa. Masaya, nakakakilig… pero nakakainis din. May ugali kasi yung Wizard na mang-seduce pa ng ibang babae. Hindi siya kuntento ng saakin lang. And the worst part is, that dream never ended well. Parang hindi yata kami nagkatuluyan ng Wizard. Basta naputol na lang yung panaginip ko at nagising na ako.

Wait! Light bulb on!

Parang magandang plot yun for my story! Tamang-tama dahil fantasy pa! The female protagonist was sent to a magical world by mistake! I guess that would make a very nice beginning of a story! Yung ending pag-iisipan ko pero kailangan kong maisulat na agad yun bago ko pa makalimutan.

With my eyes still closed, kinapa-kapa ko na kung saan ko naipatong yung silver journal ko. ‘Journal, where art thou?’ Hindi ko ito mahanap sa usual spot na pinagpapatungan ko.

Paano naman kasi, parang may nagbago sa ayos ng kwarto ko. Actually, kahit ito mismong kama ko ay nakakapanibago. Sobrang lambot at iba ang amoy—amoy pabango ng lalaki. Parang kaamoy ni…

“That is so adorable, sugarpuff.”

Ano raw? Adorable? Sugar puff? Am I still dreaming? Sino yung nagsalita? And eerily familiar yung voice niya. I slowly opened my eyes and found a man lying next to me. “Sylfer?”

“Rise and shine, baby cake!”



Gasp! I jumped out of the bed that instant with the blanket wrapped around my body. “Ikaw! Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko—oh my! Hindi ko kwarto ‘to!” I let my eyes roam around the whole place and back to Sylfer’s face. “Why am I here?”

“Calm down, daisy babe. You’re in my room. Remember you got drunk last night?”

“I got drunk?”

“You were the cutest thing!”

“Eh bakit mo ako inuwi dito sa bahay mo?”

“This isn’t my house. We’re at the camp. At tsaka ayaw mo ibigay ang address mo so I have no choice. And you said it was okay for you to go here.”

Oh no! Hell no! Lasing ako at ang lalaking ito pa ang kasama ko! Ang malanding lalaking ito! Nang matitigan ko pa siyang maigi, wala siyang pang-itaas! Ang hot niya, infairness. But that’s not the point!

“Did… did something happen between us?”

“A lot! It was crazy but one of the best night of my life!”

“Oh my gosh! Walang hiya ka! Sinamantala mo ako noong lasing ako! I knew I never should have trusted you! Sisiguraduhin kong mananagot sa kawalang-hiyaan mo!”

“Hey, hey! Easy! Ano na namang kasalanan ko?”

“You said something happened! You—you rapist!” I stammered.

“Rapist? I… I didn’t rape you! Look, you’re still wearing your clothes.”

Napayuko ako para tignan ang sarili ko at tama nga siya, nakadamit pa nga ako. “Eh bakit shirtless ka?”

“Hinubaran mo ako.”

“I did what?”

“Ikaw ang nanamantala saakin. Ako ang dapat mong panagutan.” Pumikit siya na parang naiiyak with matching pagyakap sa unan. At maniniwala na sana ako dahil lasing ako kagabi pero, “JOKE! Sinukahan mo lang naman ako but that’s fine with me. Pero kung gusto mong panagutan pa rin natin ang isa’t isa, pwede naman nating gawin yung alam mo na…”

“Sira ulo ka pala eh!” Tamang-tama, nahanap ko na kung saan nakapatong yung silver journal ko! Kinuha ko yun at pinanghampas ko sa ulo niya.

“I was just joking!”

“It’s not funny!”

“I wasn’t being funny though. I’m being romantic!”

“You’re joking to be romantic? Well let me tell you something, playboy. It’s not a good combination!”

Inayos ko na ang sarili ko at kinuha na ang mga gamit ko. Sinundan pa ako ni Sylfer para pigilan ako pero hindi ko siya pinansin. Wala akong balak na magtagal pa sa bahay o camp o whatever na lugar na ito!

Ngunit nakaka-tatlong hakbang pa lamang ako palapit sa pintuan, naagaw ang atensyon ko sa direksyon nung bintana. Yung view… kakaiba. Surreal! Parang sa panaginip ko pa rin!



Dahan-dahan akong lumapit doon para matignan ng maigi yung labas. Tumambad saakin ang isang malawak na lupain na ngayon ko lang nakita. Tanaw ko rin ang ilang floating islands sa ‘di kalayuan at may mga naglipanang kung anu-anong creatures na sa mga fantasy books from Orcen Library ko lang nabasa.

Sa pinaka-ibaba nitong mega-structure na kinaroroonan ko, may mga taong nagsasanay. At mukhang silang mga characters dun sa mga online games na kinalolokohan ng kabataan ngayon.

“Oh, I get it…” I said to myself. Nananaginip pa rin pala ako. Meaning hindi ko nakasama si Sylfer buong gabi. Siguro nga ay nahihimbing pa rin ako sa sarili kong kama dun sa apartment na tinutuluyan ko.

“Ang ganda ng view, ‘noh?” Lumapit saakin si Sylfer at umakbay pa. “Pero mas maganda ka.”

Siniko ko naman siya at inalis ang kamay niya sa balikat ko. “Manahimik ka. Sinisira mo ang moment of awe ko.”

“But seriously, ang ganda talaga ng view rito sa kwarto ko.”

“Oo na. Sinabi mo pa. Panaginip ko ‘to eh.”

“Hindi ka nananaginip.”

“Kurutin mo nga ako?”

“Hindi ako nangungurot. Iki-kiss na lang kita.”

Ngumuso na siya pero ang nahalikan niya ay ang palad ko.

“Ouch!” We exclaimed in unison. Nasaktan yung nguso ni Sylfer samantalang yung kamay ko naman ang sumakit…

“Bakit masakit?” Eh nanaginip nga lang ako! Isa pa! Sinuntok ko yung pader at pinagsisihan ko agad yun. “Put-tangerine! Motherfu-reigner! Son of a bi-eefsteak!” Sarap na talagang magmura dahil sa sobrang sakit but like I said before, hindi ako nagmumura.

Hinila naman agad ni Sylfer ang kamay ko, may ibinulong siyang kung ano at saka ito hinipan. In an instant, nawala yung sakit.

“Holy shi-mpanzee... ano yung ginawa mo?”

“Simple healing blow. Pati yun hindi mo alam? Medyo naghihinala na ako sayo, parang wala kang kaalam-alam dito sa Otherworld.”

“Otherworld? Eh diba fictional world lang yun?”

“Fictional? Babydoll, we are at the Otherworld. What is wrong with you? Pinapakaba mo na ako. Otherworlder ka naman diba?”

“I’m not! From the books I’ve read and as far as I know, I’m a MORTAL.”

Sylfer stopped all his action and stared at me. His silence took so long that I had to check if he’s still breathing.

“Hoy! Ako ang dapat na nagugulat dito ah! Nasa Otherworld tayo? Otherworld is real! My golly! Kung kailan hindi ko dinala yung instax ko! Wala tuloy akong pang-selfie!”

Slowly, Sylfer closed his eyes and took big breaths to calm himself down. “We’re in trouble.” He sounded afraid. “You’re in big trouble.”

Hindi na ako nakapag-react sa kung ano yung ibig niyang sabihin. He just pulled me close to him, raising his hand with a wand pointing at me and said, “Somnus!”

* * *

I woke up and found myself staring at a ceiling. This is no longer Sylfer’s room. I slowly rose up and my vision still blurred, then found out that my hands are tied on the chair. “What the fudge?”

I gaze focused on a curtain that’s hiding the other side of the room. I saw two male silhouettes and they were talking about something I don’t know. Though I recognized the first voice, it was Sylfer.

“Wala ka bang ibang invisibility potions?”

“Meron naman Master Syl,” Sagot sa kanya ng kausap niya. “Pero hindi nun maitatago ang amoy niya. Matutunton pa rin siya ng mga Sniffers.”

“Pwede na rin yun basta mailipat muna natin siya ng ibang lugar. Hindi siya pwedeng magtagal dito sa camp. Mayayari tayo.”

“Saan niyo siya balak itago?”

“Bahala na…”

What’s with these two? Ano kayang balak nila saakin? Dahan-dahan ko nang sinubukang kalagan ang sarili ko pero kahit anong pag-iingat pa ang ginawa ko, naramdaman nilang gising na ako.

“Master Syl… gising na yata siya.”

Pumasok na si Sylfer para i-check nga kung gising na ako. He seemed sorry but doesn’t look okay.

“Bakit ako natali?” Tanong ko sa kanya.

“Nanununtok ka habang tulog.” Sagot niya sabay pakita sa black eye niya sa kanang mata.

Panandalian kaming natahimik. Nagpapakiramdaman. Pero ako na ang unang nagsalita. “So hindi naman panaginip yung kanina, diba? Otherworld is real. And you… you’re a real Wizard.”

“And you’re not afraid?”

“No.” Adventurous akong tao. Nagulat ako sa nadiskubre ko pero hindi ako natakot. Besides, “You won’t hurt me.” Alam ko dahil kung may balak na masama saakin si Sylfer, sana hindi na ako nagising kanina. “Sino yung kausap mo dun sa labas? Elemental Guardian mo?”

“Alam mo ang tungkol sa Elemental Guardians?”

“Nabasa ko sa mga libro. So anong klaseng nilalang siya?”

“Tao ako.” Sumagot na yung boses.

“At hindi ko siya Elemental Guardian.” Dagdag naman ni Sylfer. “Hey bro, halika rito!”

Nagpakita na yung kausap niya at may hawak itong isang mangkok. Sa palagay ko ay teenager siya. And for a guy, he has a cute face with disturbingly feminine features. Though he could look fierce because of his eagle eyes but examining the way he handles himself, he’s a very shy boy. Tipong madaling utuin at masarap i-bully.

He waved his hand to greet me, “A… ako nga pala si Sage Morseth. I’m a Class D+ Wizard specializing in potion making. At apprentice rin ako ni Master Sylfer.”

“Apprentice sa Wizardry?”

“No… he’s teaching me on how to be a cool wizard.”

“You got to be kidding me?”

“Seryoso ako! Gusto kong maging kasing cool ni Master Syl!”


Ngumisi naman si Sylfer sa may gilid at feel na feel niya na ang taas ng tingin sa kanya nung kawawang bata na ‘to. Ano klaseng pang-uuto kaya ang ginawa niya?

“Anyway, it’s nice to meet you Sage. Ako naman si…” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may maalala ako. Isang passage mula sa libro doon sa Orcen Library.

‘A Mortal’s anonymity is their best shelter.
Unless you want to enter a Life Contract or become a Mortal Slave,
never entrust your name to an Otherworlder.’

“I can’t tell you my name.”

“Why?”

“Don’t ask me why. Ayokong sumailalim sa Life Contract o maging Mortal Slave ng sino man sa inyo.”

“Ang dami na niyang nalalaman, Master Syl.”

“Paano ka nakapasok sa Orcen Library? Imposibleng makapasok ang mga Mortal dun.”

“May nakilala akong matanda at in-invite niya ako na pumunta sa library na yun. Binigyan niya ako ng keychain bilang pass.”

“Nasaan yung keychain?”

“Nasa bulsa ko.”

Napatingin silang dalawa sa bulsang tinutukoy ko—yung bulsang malapit sa bandang dibdib ko. Si Sylfer ang naglakas-loob na lumapit at paangat na sana ang kamay niya pero…

“Wag mong subukang ilapit yang kamay mo saakin, Sylfer.”

“Paano namin kukunin yan?”

“You can levitate things.”

“Baka kasamang mag-levitate rin yung damit mo. You know, accidents do happen especially when I’m nervous!”

“Eh ‘di kalagan niyo ako!”

“Wala kang gagawing masama?”

“Hello! Mortal ako at Wizard kayo! Sino ba sa atin ang may kapangyarihan?”

Napayuko naman si Sylfer at saka bumulong. “Mas nakakatakot ka kaya magalit.”

“Partida, tulog pa siya kanina.” Segunda naman ni Sage.

Tinignan ko sila ng masama. Akala mo hindi ko naririnig pinag-uusapan nila. “Pakawalan niyo na ako bago pa ako tuluyang magalit sa inyo.” Sabi ko na may halong pagbabanta na.

Tinanggal na rin naman na ni Sage ang tali sa mga kamay ko. Saka ko pa lamang naipakita sa kanila ang tinutukoy kong keychain.

Nang tignan itong maigi ni Sylfer, “May emblem ito ng Flemwall.”

“Si Lolo Lorcan ang nagbigay saakin niyan.”

“Si Master Lorcan?”

“Tinulungan niya ako na makahanap ng inspirasyon dun sa library para sa gagawin kong kwento.”

Ibinalik na saakin ni Sylfer ang keychain pero bakas na sa mukha niya ang panlulumo. Medyo kinabahan tuloy ako.

“You said I’m in trouble. Why am I in trouble?”

“Illegal ang pagtapak mo rito sa mundo namin.” Sagot saakin ni Sage.

“It’s not my fault. Si Sylfer ang nagdala saakin dito.” Paninisi ko naman.

“For sure, malulusutan ni Master Sylfer ang kasalanan niya. He’s half-Flemwall! Malakas ang kapit niya.”

“Eh ganun naman pala…”

“Pero ibang kaso ang sayo. Huhuliin ka ng MDMs.”

“Ano yun?”

“Mortal Detection Marshals.”

“Kapag nahuli nila ako, eh di pagpyansahan niyo ako!”

“Hindi yun ganun kadali. Ikukulong ka nila sa mahabang panahon. Tatanggalin nila lahat ng alaala mo tungkol sa Otherworld. Matagal na proseso lalo pa dahil ang dami mo nang nalalaman. At kung makabalik ka man sa Mortal World, hindi na magiging kagaya ng dati ang buhay mo. Sa mga naalala kong kaso ng mga illegal mortals na nakakarating dito at nakabalik sa totoong mundo niyo, nagkakaroon sila ng sakit sa utak… kadalasan napagkakamalan nang baliw.”

“Sage, tama na. Tinatakot mo na siya.

“Ang dami na niyang nasabi, ngayon mo lang pinatigil!” Napatayo na ako at nararamdaman ko na ang panic sa buong katawan ko. “Anong gagawin natin? Hindi nila pwedeng burahin ang mga alaala ko! Baka mawala rin lahat ng mga pinaghirapan kong research at ideas para sa kwento ko! Worst, ayokong mapagkamalang baliw kapag nagbalik na ako sa mundo ko!”

“You have three options to make your stay here legal, honeybunch. Option one, we can sign a Life Contract and you’ll be my Mortal Slave for a while. Option two, we can do an Initiation Ritual and we’ll be connected for a while! Option three, we do option one and two and it will all be for a while!”

“How about option four? Just bring me back to my world!”

“Um, Master Syl…”

“I can’t. It took me so many months bago ako nakakuha noon ng pass for a two day stay sa Mortal World. Pahirapan yun, sweetiepie.”

“Ehem… Master Syl…”

“Then you’re saying I’m doomed? Hinding-hindi ako papayag sa mga options na binigay mo!”

“Excuse me lang, Master…”

“Then ready ka na tanggalin nila ang alaala mo?”

“Lalong hindi!”

“Master Sylfer…”

“WHAT?” Sabay naming naitanong sa kanina pang singit ng singit na si Sage. Gusto yatang makurot sa singit nito eh!

“Nasundan na kayo ng MDMs,” sabi niya at ipinakita saamin yung mangkok na kanina pa niyang hawak. Naglalaman ito ng likido na nagpapakita ng mga imahe mula sa labas. “Nandito na sila sa camp at may mga kasamang Sniffers.”


End of Chapter 6 


1 comment:

  1. oh my! sana pumayag na lang si M na sumailalim sa initiation ritual or life contract para hindi siya mahuli ng mga MDM at hindi mabura yung mga alaala niya sa mortal world....... but it was a very very very nice chapter.. ngayon lang pala magiging true guy si Sylfer ng makilala niya si M.. wahahaha!!!! Kawaii! Ang galing niyo talaga Ms. Author!!!! :-)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^