Thursday, December 4, 2014

Psycho's Love Interest : Chapter 29

CHAPTER 29


Patapos nang magbihis si Richelle at ang gamit niyang shirt ay kay Zenn na hanggang hita niya lang ang haba. Bukod sa kumportable itong suotin, naamoy niya rin ang pabango ng binata rito.



Mahal niya si Zenn. Sa kabila ng mga nalaman niya, hindi nagbago ang feelings niya. Mas minahal pa nga niya ito ng buo. At wala siyang pakialam kahit matawag pa siyang tanga dahil sa kabila ng nangyari, ang isinisigaw ng puso niya ang pinairal at hindi utak.



Lumabas na siya ng banyo. Natagpuan niya si Zenn na half-naked pa rin. Mula ulo, napatingin siya sa balikat, dibdib at pababa sa abs ng boyfriend. Si Zenn ay may mukha ng anghel, katawan ng isang Greek God, ngunit sa loob nito ay isang halimaw na handang pumatay para sa kanya—isang halimaw na tanggap niya.



“Dapat na ba akong ma-flatter sa mga titig mo, Iche?”



Namula bigla si Richelle. Mahina namang natawa ang binata. Hawak nito ang cellphone niya na para bang may ka-text pero hindi siya sigurado.



Dahil wala namang ibang gamit, sa sahig naupo ang dalawa. Nakasandal si Zenn sa pader samantalang sa balikat naman niya sumandal si Richelle.



“Zenn, pwedeng magtanong?”



“Ano yun?”



“Hindi ka ba natatakot sa mga ginagawa mo?”



“Mas nakakatakot isipin na hindi ko maipagtanggol ang taong mahal ko.”



“Pero alam mo namang mali, diba? Alam mong kasalanan ang pumatay.”



“Alam ko.”



“At hindi ka nakukunsensya?”



“Hindi na.”



“Paano kung mahuli ka nila?”



“Hindi nila ako mahuhuli pwera na lang kung may magsumbong sa kanila.” Saka ito napatingin kay Richelle. “Isusumbong mo ba ako sa kanila?”



Matagal na hindi nakasagot si Richelle. Puso ang pinairal niya kaysa utak. Pero kaya pa rin bang pairalin ang puso kung kalaban na nito ay ang kunsensya niya?



“Sa totoo lang, hindi ko pa alam Zenn.”



“Deserve ng mga taong iyon na patayin ko sila.”



“Hindi, Zenn. Mali yun.”



“Eh ano bang tama? Tama na pabayaan din sila sa mga maling ginagawa nila?”



Natahimik si Richelle. Halata sa mukha nito ang frustration na parang kahit subukan niyang kunsensyahin si Zenn, mukhang hindi tumatalab.



“Fine. Mali talaga yung ginawa ko.” Halatang nagpaparayang sagot ni Zenn. “Pero ayos lang saakin na magkamali ako. Hindi na ako natatakot sa pwedeng mangyari basta para sayo.”



“Pero ako ang natatakot para sayo.”



“Kaya ko ang sarili ko.”



Inabot ni Richelle ang kamay ni Zenn at hinawakan ito ng mahigpit. “Gaano mo ako kamahal Zenn?”



“Higit pa sa lahat ng kaya kong gawin.”



“Kapag ba hiniling kong sumuko ka sa mga pulis, gagawin mo?”



Dahan-dahang bumalot ang lungkot sa mukha ni Zenn nang marinig niya iyon. “Are you trying to get rid of me?”



“No! I love you, Zenn. There’s no way I can get rid of my feelings for you. Ang gusto ko lang, gawin ang tama.” Saka huminga ng malalim si Richelle. Naniniwala at umaasa siya na pakikinggan ni Zenn ang paliwanag niya. “Tanggap ko kung sino at ano ka. Pero hindi ko kailanman matatanggap na kaya ka pumapatay ay dahil saakin. Matatahimik lang ako kung magbabago ka dahil ano man ang mangyari, dapat kang managot sa mga kasalanan mo.”



“Ayokong magkahiwalay tayo.”



“Kapag sumuko ka, hindi ibig sabihin na magkakalayo tayo. Dadalaw ako palagi. Sasamahan kita.” Humawak ng mahigpit sa mga kamay ni Zenn si Richelle. Nangungusap ang mga mata niya, tila ba nagmamakaawa na. “Please, Zenn? Gawin mo ‘to para saakin. Sumuko ka.”



“Yan ba talaga ang gusto mo?”



Isang tango ang itinugon ni Richelle.



“Fine. When I’m ready, susuko na ako… pero hindi ibig sabihin nun na nagsisisi ako, Iche.”



Medyo nakahinga na rin ng maluwag si Richelle. Kung ano ang tama, yun ang dapat nilang gawin. Nagkasala si Zenn at dapat niya itong panagutan. At dahil siya ang dahilan, sasamahan niya ito kapag handa na itong sumuko.



Bigla namang in-on ni Zenn ang cellphone ni Richelle. Tinignan nito ang nag-iisang playlist niya na puro mga kanta lang ni Lana Del Rey. May pinatugtog ito—Lucky Ones ang title.


Let's get out of this town, baby we're on fire
Everyone around here seems to be going down, down, down
If you stick with me I can take you higher, and higher
It feels like all of our friends are lost, nobody's found, found, found



Hinawakan ni Zenn ang kamay ni Richelle at hinila siya patayo upang makapagsayaw sila sa saliw ng tugtugin.



I got so scared, I felt no one could save me
You came along, scooped me up like a baby



She knows the song very well. Wala naman kasing kanta ni Lana ang hindi niya kabisado. Ngunit sa pagkakataong ito, sobra-sobra siyang naka-relate sa lyrics ng kanta. Bumagay ang bawat salita linya sa mga pinagdaanan nilang dalawa.



Every now and then the stars align. Boy and girl meet by the great design
Could it be that you and me are the lucky ones?
Everybody told me love was blind. Then I saw your face and you blew my mind
Finally, you and me are the lucky ones this time.



“Tapos ko na palang gawin yung wire sculpture na ginagawa ko.”



“Can I see it?”



“Yeah. I want you to meet her.”



Inakala noon ni Richelle nakabase sa kanya yung sculpture na ginagawa ni Zenn pero  nang tanggalin na nito yung nakatakip na kumot, ibang babae ang nakita niya. Dahil sa intricate design nito, mahahalata na medyo may edad na yung babae.



“She’s designed after my mother.”



“She’s beautiful. Pero nasaan na siya?”



“Namatay siya dahil sa sakit. Pero kahit na matagal na siyang wala, nangako ako na ipapakilala pa rin siya sa babaeng mamahalin ko.”



Napangiti si Richelle. Masaya siyang nakilala ang mommy ni Zenn kahit sa ganitong paraan.
Pero habang tinititigan niya ito, may pakiramdam siya na para bang nakilala na niya yung babaeng yun kung saan. Para bang pamilyar ngunit hindi lang niya maalala.



= = = = =



Hatinggabi na nang maihatid ni Zenn si Richelle sa apartment.



“Wala yung kaibigan mo sa loob?”



“Hindi pa yata umuuwi. Nasa lamay kasi siya…” Hindi na naituloy pa ni Richelle ang sasabihin. Nakikilamay si Shane sa pamilya ng ex-girlfriend niyang si Sherrie na pinatay ni Zenn. “Zenn, hindi ka naman tatakas o magtatago diba?”



“Hindi ko gagawin yun.”



“At susuko ka?”



“Oo. Para sayo.”



Niyakap ni Richelle ng mahigpit si Zenn. Malungkot ngunit alam niyang ito ang tama. “Kapag sumuko ka na, asahan mong nasa tabi mo lang ako.”



“I know, Iche.” At bago sila naghiwalay, pinabaunan muna nila ng matamis na halik ang isa’t isa.



= = = = =



Nakaalis na si Zenn na nakapasok na rin si Richelle sa loob ng apartment. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga pangyayaring alam niyang lubos na magpapabago sa takbo ng buhay niya.



She was no longer a virgin because of Carlo. Pero hindi na niya iniisip pa yun. Zenn made her forget and besides, iginanti na siya nito.



Ibinaba na niya ang mga gamit niya at balak nang dumirecho sa kwarto upang matulog na ngunit pagpasok niya sa loob, nagulat siya sa taong nag-aabang sa kanya.



“Ikaw... a—anong ginagawa mo rito, Darcie?”



Ang talim ng mga tingin sa kanya ng babaeng iyon. The same woman na nag-utos kay Carlo na ipa-rape siya. Tumayo ito at dahan-dahang lumapit kay Richelle.



“Anong ginawa niyo sa kanya?” Malumanay ngunit nakakatakot ang dating ng boses nito.



“Tungkol ba kay Carlo? Maswerte siya dahil iniwanan pa siyang buhay ng boyfriend ko.” At matapang namang lumapit rin si Richelle kay Darcie para bigyan naman ito ng malutong na sampal sa mukha. “Hayop ka! Maswerte ka rin dahil buhay ka pa ngayon! Kayang-kaya kang patayin ni Zenn pero hindi yun ang gusto ko. Pero sinisiguro ko na magbabayad ka pa rin sa mga ginawa mo saakin!”



Sa lakas ng sampal ni Richelle, bumakat ang kamay niya sa mukha ni Darcie. Siguradong masakit yun, pero nagawa lang siyang tignan ulit ni Darcie. “Tingin mo may pakialam ako kay Carlo? Dapat ngang pinapatay niyo na siya!” Sigaw nito. “At ang tinutukoy ko kanina ay si Shane. Anong ginawa niyo sa kanya?”



“Kay Shane? Wala kaming ginawa sa kanya!”



“Nauna siyang umuwi rito at hinanap ka niya agad. Then you sent him text messages at noong mabasa niya yun, nagwala siya at tumakbo palabas.”



“Nasaan na siya?”



“I don’t know! Baka naglalasing na dahil sayo!”



“Yung huling text ko sa kanya ay noong pauwi na ako bago ako kinidnap ni Carlo. Wala akong naaalalang nag-text ako ulit sa kanya.”



“Then why don’t you check your goddamn phone!”



Kahit na naiinis dahil sa pagbibintang ni Darcie, kinuha ni Richelle ang phone niya sa bag at chineck nga ang naging palitan nila ng text ni Shane.



6:45PM
Iche, nasaan ka na? Kanina pa nag-uwian. Naihatid ka na ba ng Zenn na yun?



7:10PM
Bakit hindi ka nagri-reply? Hindi mo rin sinasagot ang tawag ko. Where are you?



7:30PM
WTF Richelle! I called you a hundred times already! Nasaan ka na ba!



7:35PM
That’s it! Uuwi na ako. You better be at home. Pinag-aalala mo na ako!



8:45PM
ICHE! NAG-AALALA NA AKO! NASAAN KA NA BA? NANDITO NA AKO SA APARTMENT.



8:50PM
CALL ME. PLEASE.



Nagtuluy-tuloy pa ang mga ganung text messages ni Shane. Ngunit laking gulat niya nang may makita siyang reply mula sa kanya na hindi niya alam.



10:45PM
This is Zenn, Richelle’s boyfriend. Nandito siya sa art studio ko. Don’t worry, ihahatid ko siya pauwi.



10:46PM
WHY THE FUCK ARE YOU USING HER PHONE! GIVE THIS BACK. TATAWAG AKO.



10:47PM
Don't bother. Katatapos lang namin maligo ng sabay at nasa banyo pa siya para magbihis. Ihahatid ko siya pauwi.



Napamura sa isip si Richelle. ‘Si Zenn ang nagreply kay Shane! Pero bakit niya kinilangan pang sabihin kay Shane ang mga bagay na yun!’



Hinablot naman ni Darcie ang phone kay Richelle upang basahin ang mga messages. Matapos nito ay galit na galit si Darcie. “That asshole! Mapapatay ko yang Zenn na yan!”



“I doubt you can do that.”



“Is that a challenge?”



“You have no idea what Zenn can do.”



“And you don't know what I can do!”



Biglang naglabas ng kutsilyo si Darcie—‘yung kitchen knife nina Richelle—at saka ito itinutok sa kanya. Napaatras naman si Richelle hanggang sa pader at inakala niyang madidikit na talaga ang matalas na patalim sa kanyang leeg ngunit…



“Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong patayin ka… noon pa! Pero alam mo kung anong pumipigil saakin? Yung takot ko na baka panghabang-buhay na akong kamuhian ni Shane kapag ginawa ko yun. Kaya hindi niya ako makuhang mahalin dahil sayo!”



“Pe—pero kayo ang magkarelasyon, diba?”



“Pampalipas-oras niya lang ako!” Sumigaw ito na may kasamang luha. At tila ba nadala na rin siya ng matinding emosyon kaya naibaba na niya ang hawak na kutsilyo. “Ikaw ang gusto ni Shane. Ikaw ang mahal niya.”



“We’re best friends…”



“Bullsh*t! Tigilan mo na yang tanga-tangahan mo!”



“Sabay kaming lumaki na parang magkapatid na. He loves me only because he cares for me…”



“And you actually believe that?”



“Yes! Yes I do!”



“Well you’re wrong!



Natigil ang kanilang sagutan nang marinig nila ang kalampag sa pintuan. Kumatok ito ng maka-ilang ulit at…



“Iche! Iche nandyan ka na ba?” Si Shane na iyon at sa boses pa lang nito, halatang naglasing nga. Tama nga ang sinabi ni Darcie kanina.



“Shane—” Bigla namang tinakpan ni Darcie ang bibig ni Richelle. Ipinanakot nito ang hawak na kutsilyo upang hindi siya manlaban.



“Gusto mong patunayan ko sayo ngayon kung gaano kabaliw sayo si Shane? Manahimik ka at walang masasaktan.”



Biglang kinuha ni Darcie ang pabango ni Richelle sa bag at ginamit niya ito. Pinatay pa niya ang ilaw at saka na pinagbuksan si Shane.



“Iche! Iche!” Pumasok na sa madilim nilang apartment ang lasing na si Shane.



Hindi nito napansin si Richelle sa isang tabi na tila ba napako na sa pwestong kinalalagyan. Wala siyang ideya kung ano ang balak ni Darcie pero gusto na rin niyang malaman ang totoo kaya sinakyan na lamang niya ito.



“Iche! Nasaan ka na!”



“Shane, anong nangyari sayo?” Lumapit na si Darcie sa kanya. Parang ginagaya pa nito ang boses ni Richelle. “Bakit naglasing ka?”



Mukhang hindi naman siya namukhaan o nabosesan ni Shane dahil sa matinding tama ng alak at dahil madilim nga. “The fvcking Zenn texted me. Is it true, Iche? May nangyari na ba sa inyo?”



Kunwaring nanahimik sandali si Darcie. She was a good actress, Richelle thought.



“Carlo raped me.” Nagpapaawang sambit ni Darcie.



“What? No… no...” Parang nanlambot ang mga tuhod ni Shane. Humawak siya sa magkabilang pisngi ni Darcie at nabubulagan pa rin. “Anong ginawa niya… fvck! I’m sorry, Iche! I’m sorry I wasn’t there!”



“It’s okay… I’m okay…”



“This is not okay!”



“Niligtas ako ni Zenn. If it wasn’t for him, baka patay na ako. And that’s why I gave in to his advances… I… I let him fvck me in exchange for saving me…”



Medyo naasar si Richelle sa mga pinagsasabi ni Darcie. Pinalalabas pa niyang may mali din sa ginawa nila ni Zenn!



“Oh God, Iche. Bakit mo ginawa yun? Bakit?”



“I wanted it to be you, Shane.”



Natigilan si Shane. Halatang nagulat at naguguluhan.



“Ikaw ang una kong tinawag para hingian ko ng tulong. Hiniling ko na ikaw sana yung naunang dumating para iligtas ako. I never wanted Zenn. But I just had to use him to make me forget about Carlo… but damn Shane! Hinihiling ko na sana ikaw na lang yun!”



Biglang hinalikan ni Shane si Darcie. Sobrang tagal ng halikan nila na ikinagulat ito ni Richelle.



“You don’t know how long I’ve waited for this, Iche.” Sabi nito at nauna pang maghubad ng kanyang t-shirt. “I love you more than you know. And I can still do it. I’ll make love to you so you’ll forget about Carlo and Zenn.”



Saka binuhat ni Shane si Darcie habang patuloy sila sa mainit na paghahalikan. Dinala niya ito sa kwarto, inihiga sa kama at saka tuluyang hinubad ang mga natitirang saplot sa katawan.



Nanatili naman sa madilim na parte ng apartment si Richelle. Hindi man siya umalis sa pwesto ay napapanood naman niya ang dalawa dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas.



‘Lasing lang si Shane… lasing lang siya…’ Pilit na pinaniniwala ni Richelle ang sarili. Ngunit sino ang niloko niya? Mahal siya ni Shane na higit pa sa magkaibigan at matagal na nitong gusto na may mangyari nga sa kanila.


End of Chapter 29


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^