Thursday, December 11, 2014

Psycho's Love Interest : Chapter 30

CHAPTER 30

Hindi na naatim pa ni Richelle na panoorin ang ginagawa ng dalawa.



When Shane fondled Darcie because he thought she was her. Hindi na lang ito dahil sa alcohol at kalasingan ng binata. When he kissed her, licked her, and caressed her. Shane worshipped Richelle because he’s crazy for her.



And after that wild, hard sex, na-drain na rin ang natitirang lakas ni Darcie ngunit nakatulog ito ng may ngiti sa mga labi—ngiti ng tagumpay sa panlolokong ginawa. Ngunit si Shane na nakapatong pa rin sa kanya ay patuloy pa rin sa paghalik. Sa pisngi, sa leeg at pababa. Sa iba’t ibang parte ng katawan at pabalik ulit sa labi habang paulit-ulit na sinasabing, “I love you, Iche. I love you.”



Sa mga ungol at boses na naririnig ni Richelle, tuluyan na ring naubos ang kanyang tiwala. Kahit hindi naman siya yung babaeng nakatalik ni Shane, pakiramdam niya ay na-rape ulit siya sa ikalawang pagkakataon. Ang masaklap pa, matalik na kaibigan niya ito. Parang kuya na at lubos niyang pinagkakatiwalaan.


Alas kwatro ng madaling araw.



Nang makatulog na rin si Shane at tahimik na ang buong apartment, saka pa lang kumilos si Richelle. Aalis na siya. Iiwan na niya ang binata. Pupunta siya kay Zenn at kapag nakasuko na ito sa mga pulis, saka pa lang siya babalik sa kanyang pamilya. There is no safer place than her home—her real home.



Sa mas maliit na kwarto ng apartment na tambakan ng mga gamit at ginawa nilang parang walk-in closet na rin noong nagsama na sila, sinimulan nang ayusin ni Richelle ang mga gamit.



Tahimik lang siya, nag-iingat na huwag gumawa ng ingay dahil kapag nagising si Shane at naabutan siya, siguradong pipigilan siya nito. At hindi niya alam kung paano pa ito titignan ng direcho sa mata.



Tapos na siyang mag-empake at paalis na sana, ngunit pagbukas niya ulit ng pinto, nasalubong niya si Darcie na nakahubad pa rin. Ni hindi man lang ito nahiya at sa halip, si Richelle pa ang unang umiwas ng tingin. “Aalis ka? Good.” Sabi nito. “But before you go, i-check mo muna ang mga gamit ni Shane.”



“Pwede ba, Darcie…” Marahan, mahina ngunit may diin ang boses ni Richelle nang sagutin niya si Darcie. “Kung gusto mo pang makipaglaro, wala na akong balak patulan ka!”



“Hindi ako nakikipaglaro. Sabi ko naman sayo na papatunayan ko kung gaano kabaliw sayo si Shane, diba?”



“Oo. At napatunayan mo na—”



“Hindi! Hindi pa lahat. Kaya ang gusto ko alamin mo.” Saka ito umirap at ngumisi pagkatapos. At mukhang wala na rin itong balak pang mag-tagal dahil na naglakad na ito paalis at doon sa veranda dumaan.



Kahit naman nagdadalawang-isip si Richelle, gusto niyang malaman ang tinutukoy ni Darcie. Sinimulan na i-check ang mga gamit ni Shane. Naghalungkat siya ngunit wala naman siyang nakitang kakaiba.



Naniniwala na siyang niloko lang siya ni Darcie… ngunit nang buksan niya ang cabinet para sa mga cabinet at kurtina, nakapa niya ang pinaka-ilalim nun at may nadiskubreng secret compartment.



Kumabog na ng malakas ang dibdib niya. Kinakabahan siya at hindi maganda ang kutob niya—pero may kung ano ring bumubulong sa kanya na nagsasabing tignan ang loob nito. Sandali lang naman. Sisilipin lang niya at titignan kung ano bang mayroon doon.



Huminga siya ng malalim at nang buksan na niya ito, natagpuan niya ang mga itinatagong gamit ni Shane—na hindi talaga nito pagmamay-ari.


May nakita siyang DSLR at pamilyar ito. In-on niya ito at sa mga litrato pa lang na tumambad sa kanya, alam na niya agad kung sino ang nagmamay-ari nito—si Trent. Naroon pa kasi yung mga kuha noong palihim siya nitong sinusundan. At yung huli nga ay noong nagpaalam na ito na kuhanan siya ng pictures noong nasa school museum sila.



Ngunit ninakaw raw ng lalaking may suot na triple-face mask ang camera na ito. At si Zenn iyon! Dapat na kay Zenn ito… pero bakit narito?



Sunod niyang dinampot ang isang Sony Ericsson na cellphone na nakatanggal ang battery. Isinaksak niya ito at sinubukang i-on para i-check kung sino ang nagmamay-ari nito. Litrato ng manyakis na si Sir Teofisto Cariaso ang natagpuan niya sa wallpaper.



Bukod pa sa cellphone, naroon din ang laptop na pagmamay-ari ng matanda, at yung testpaper niya noon na hindi niya natapos sagutan.



“Bakit na kay Shane ang mga ito…” Naguguluhan na tanong ni Richelle sa sarili. “Umamin na si Zenn na siya ang pumapatay. Dapat nasa kanya ang mga ito. Pe-pero bakit nandito…” This time, hindi na lang kaba ang naramdaman niya kundi matinding takot.



Ngunit may naghihintay pang surpresa sa kanya.



Kinapa niya ang pinaka-ilalim ng secret compartment at may nakuha siyang maliit, luma at sirang music box. Nang buksan niya ito, isang punit at lumang litrato ang nakita niya. Dalawang tao ang naroon at namumukhaan niya ang mga ito.



Ang una ay si Shane noong bata pa lamang ito. Nakangiti nga ngunit ang morbid ng dating niya sa litrato dahil ang blangko ng expression ng mga mata niya. Sa likod ni Shane ay may naka-akbay sa kanyang mother-like figure ng isang babae ngunit naka-uniporme ito ng pang-katulong.



Para bang may dumagundong sa kanyang ulo. Mga nagbabalik na alaala.



Si Shane at ang dati niyang yaya ang naroon sa litrato.



Ngunit ang hindi niya maipaliwanag—o mas tama na hindi niya lubos na mapaniwalaan—ang babae ring iyon ay ang mama ni Zenn. Hindi siya pwedeng magkamali. Kamukha ng katulong ni Shane ang ipinakitang wire sculpture ng mama ni Zenn.



Ibinaba na ni Richelle ang mga gamit na iyon. May kuneksyon sina Shane at Zenn sa isa’t isa. And she had enough of it. Hindi na niya alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan at ano ang dapat na paniwalaan. Muli niyang hinawakan ang mga in-empakeng gamit ngunit patayo pa nga lang siya…



“Iche...?” Nakatayo na si Shane sa may pintuan at naka-boxers lamang ito. Halatang inaantok at may kaunting hang-over pa ito pero nang makita niya ang mga gamit na nadiskubre ni Richelle, nagising ng tuluyan ang diwa nito. “Ba—bakit mo hawak yan… pa—paano mo na nakita ang mga yan?”



Dahan-dahang tumayo si Richelle, palayo rin kay Shane. Natuyo na ang kanyang lalamunan at hindi na nagawang makapagsalita pa.



“Nag-empake ka rin ng mga gamit mo? Saan ka pupunta?”



“Shane…”



“Iiwan mo ako?” Lumapit ito kay Richelle at humawak ng mahigpit sa balikat kanyang balikat. “May nagawa ba akong mali? Kanina lang okay tayo, diba?”



“Shane, bitawan mo ako.”



“No!” Tumaas na ang boses nito, halatang nagpapanic. At dahil dito, mas humigpit pa ang pagkapit niya sa dalaga. “Kung ano man yung mga nakita mo sa box, forget it…”



“Shane, nasasaktan na ako.”



“Sorry. I love you. You love me too. That’s all that matters!”



“No, Shane…”



“It’s okay. Everything will be okay, Iche.” At sapilitan na niya itong niyapos. “You’re safe.”



“Bitawan mo ako!”



Nagpumiglas si Richelle palayo sa mga bisig ni Shane. Nang matitigan niya ang itsura ng binata, lumuluha na ito. “Lahat ng ginagawa ko ay para sayo, Iche.”



“I don’t trust you anymore!”



“Why? Because of this shit? We made love—”



“Hindi ako yun, Shane!”



“What are you talking about?”



“Lasing ka!”



“It was you! Fvck, Iche! Don’t try to deny it!”



“IT WAS DARCIE! YOU SLEPT WITH DARCIE!”



Natulala at natigilan si Shane sa mga sinabi ni Richelle. Umiling-iling pa siya, hindi makapaniwala. Ngunit ilang sandali pa, napaluhod ito at napahawak sa kanyang ulo. “No… it was you… it was you… Darcie is… she isn’t…”



Dahil sa ikinikilos na ito ng binata, pagkakataon na ito ni Richelle para pasimple namang tumakas. She passed through him at dumirecho na sa pintuan. Ina-unlock pa nga lang sana niya ang pinto ngunit may bigla namang kumatok.



Sino ang bisita nila ng ganitong madaling-araw?



Through their outside CCTV camera, nalaman nilang mga pulis ang mga ito. Isa sa mga ito ang sumigaw at hinahanap nila si Shane. Pinapasuko nila ito.



Nakaramdam ng seguridad si Richelle sa pagdating ng mga awtoridad. Ngunit bago pa man niya mabuksan ang pinto o bago pa man siya makapagsalita, tinakpan ni Shane ang kanyang bibig at pwersahang binuhat pabalik dun sa kwartong pinanggalingan nila kanina.



“Sheesh! Be quiet!” Ibinulong ni Shane sa kanyang tenga. “I’m doing this for your own good. I love you. Always remember that.” At saka siya hinalikan nito sa labi.



Umiwas si Richelle at sisigaw pa sana ulit, ngunit muling tinakpan ang kanyang bibig at saka binusalan para hindi na talaga siya makagawa pa ng anumang ingay.



“Shane Venavidez!” Narinig nilang muli ang malakas na boses ng mga pulis at patuloy pa rin sa pagkatok. “Kung hindi mo bubuksan ang pinto, mapipilitan kaming pwersahin ang pagpasok dyan sa loob!”



Ngunit hindi ito pinakinggan ni Shane. Abala na ito sa pagtali sa mga paa at kamay ng dalaga.



At dahil tanging mga mata na lang ang malayang naigagalaw ni Richelle, tumitig siya sa mukha ng kanyang best friend. Parang hindi na niya ito kilala. Hindi na niya mahagilap ang dating si Shane na minahal niya bilang kaibigan at kapamilya.



“Patawarin mo ako sa gagawin ko…” May ipinalong matigas na bagay sa kanyang ulo si Shane, dahilan para pumutok ang gilid ng kanyang noo at bumalot ang dugo sa kanyang mukha. Nahilo na siya, ngunit nasaksihan pa rin niya ang mga sumunod na nangyari…



Umalingawngaw bigla ang isang malakas na tunog—hudyat na itinuloy na nga ng mga pulis ang pagpasok sa apartment. Narinig nila ang tuluyang pagkasira ng pinto, yabag ng mga paa na sunud-sunod ang pagpasok at tunog ng mga baril na handa nilang paputukin kung sakaling may mangyaring gulo.



Hindi nagtagal, nagtagpuan na ng mga ito ang kinaroroonan nilang dalawa.



“Wag kayong lalapit!” Banta ni Shane sa mga pulis.



At bago pa tuluyang nawalan ng malay si Richelle, nakita niya ang sandaling pagsulyap sa kanya ng binata… saka nangibabaw ang nakakabinging putok ng baril.




End of Chapter 30



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^