Imbes na sa estasyon ng pulis, sa ospital unang dinala sina Shane at Richelle. Isang tama ng baril sa hita ang natamo ni Shane dahil sa ginawa niyang pangho-hostage. Kinailangan namang tahiin ang malaking sugat sa noo ni Richelle. Parehong halos buong araw na walang malay ang dalawa dahil sa nangyari.
Hapon na nang unang magka-malay si Shane. Natagpuan niya ang sarili na nakahiga sa kama, at nakaposas ang kamay niya sa metal railings nito. Sakaling maisipan niyang tumakas ay hindi rin naman niya magagawa dahil bantay-sarado siya ng mga pulis sa labas ng kwarto.
Chineck muna ng doktor kung ayos na siya at nang magbigay na ito ng pahintulot, isinailalim na si Shane sa police interrogation. Muling nag-krus ang landas nila ni Detective Dante.
“Shane Venavidez…” Kasing tigas ng bato ang expression ng mukha ng detective nang magkita na sila. Hawak niya yung notebook kung saan niya nire-record ang lahat tungkol sa kaso pero bukod doon, may dala rin siyang maliit ng box—naglalaman ito ng mga ebidensya nakalap. “Naaalala mo pa ba ako?”
Kasing lamig naman ng yelo ang mga titig ni Shane. Seryoso ito ngunit parang walang bahid ng pagsisisi. “Investigator-on-case, Detective Dante Zamora.”
“Hmm, buti at naalala mo pa ako.”
“Nasaan si Richelle?”
“She’s safe.”
“Where is she?”
“On a safe place.”
Kumuha ng upuan ang detective at ipinwesto ito ilang hakbang ang layo sa kinaroroonan na higaan ni Shane. Sumenyas ito sa pamamagitan ng tingin dun sa ibang pulis para bigyan sila ng oras na makapag-usap ng pribado.
“Ligtas ba siya?”
“Ligtas na sa mga ginawa mo sa kanya.”
“Gusto kong malaman kung nasaan siya.”
“May dapat pa tayong pag-usapan bukod kay Richelle Ariano.”
Sandaling bumalot ang katahimikan. Walang gustong magpatalo sa titigan, pareho lang na nagpapakiramdaman. Subalit nagpasya ang detective na unang magsalita, “Paano mo gustong simulan ‘to?”
“Ang alin?”
“Tungkol kay Triple-face Killer.”
“Pinasok niyo ang apartment ko. I’m sure nakuha niyo na ang lahat ng mga ebidensyang kailangan niyo.”
“What we need is a confession about the truth.”
“What for? Papagurin niyo pa akong magsalita.”
“You have the right to remain silent. Kung ayaw mong sagutin ang ibang tanong ko, ayos lang din. Pero lahat ng magiging pahayag mo ngayon, pwedeng magamit laban sayo pagdating sa korte kaya kung ako sayo, magsasabi na lang ako ng totoo.”
Napangisi lang si Shane. Halatang walang pakialam. “Inaako ko na nga ang lahat, Detective Zamora. Ako yung tinatawag niyong Triple-face Killer.”
Huminga ng malalim ang detective para kontrolin ang sarili. May trabaho siyang dapat gawin at kung magpapadala siya sa kanyang emosyon, hindi niya makukuha ang sagot na hinahanap niya. Binuksan na niya ang box na dala niya at naglabas ng unang litrato—litrato ng bangkay na si Miggs. “Bakit mo pinatay si Miggs?”
“He bullied Richelle on the first day of school.”
Ang sunod na litratong kinuha naman niya ay ang kuha naman ng wala nang buhay na si Sir Cariaso na nakasubo pa ang sariling ari sa bibig. “Bakit mo naman pinatay si Mr. Cariaso.”
“Surely you already know na biniktima niya rin si Richelle.”
Sa dalawang sumunod na litrato, nahalata ang kaunting panginginig ng detective. Litrato na iyon ni Sherrie at ang pira-pirasong katawan ng pamangkin niyang si Eunice. “Bakit mo sila pinatay?”
“I had to get rid of Sherrie. Clingy ex-girlfriend.”
“Nagpunta ka sa lamay niya.”
“It was all an act.”
“Pero bakit pati si Eunice?”
“Hindi mo pa ba alam ang ugali ng pamangkin mo? She’s a bully. I think worse than Miggs. Malala ang ginawa niya kay Richelle.”
“Lahat, para kay Richelle. Eh bakit si Trent? Ninakawan mo siya ng camera at motor, pinagbantaan pa, pero bakit hindi mo siya pinatay?”
“Kaibigan ko siya.”
“And he stalked Richelle.”
Sandaling tumitig sa kanya si Shane. Kumunot ang noo nito, saka ipinakita ang kamay niyang nakaposas, “Gusto mo yatang tuluyan ko na siya eh? Pakawalan mo ako rito at gagawin ko na.”
Umiling ang detective at muling nagpatuloy. Sa pagkakataong ito, isang litrato ng duguang lalaki ang kanyang ipinakita at hindi na halos makilala ang mukha nito dahil sa mga tinamong sugat. “Eh ang lalaking ito?”
Tinitigan itong maigi ni Shane. Sa kabila ng karumal-dumal na sinapit ng taong iyon, nakikilala pa rin niya ito. “That bastard Carlo… he raped Richelle. He deserves that.”
Huminga ng malalim ang Detective. Isang mahabang paliwanag ang naihanda na niya tungkol kay Carlo. “Nagtatrabaho ang lalaking ito sa talyer na nagbenta ng ninakaw na sasakyan mula kay Miggs. Siya rin ang positibong itinuro ng ilang witnesses namin na kumidnap naman noon kina Eunice at Sherrie sa WineLine Bar. Tapos nahagip siya ng CCTV camera doon naman sa internet cafĂ© kung saan in-upload ang video ng mga biktima. Inako ng lalaking ito na siya ang kasabwat ni Triple-face Killer. And he told us na ikaw ang mastermind sa lahat ng mga pagpatay kaya ka namin sinugod sa apartment niyo kaninang madaling-araw.”
Muling natahimik si Shane. Sa pagkakataong ito, halatang tinitimbang na niya ang mga salitang dapat lumabas sa kanyang bibig. Halatang may itinatago siya na ayaw niyang ipaalam.
“So nagsabi na pala ang gagong iyon sa inyo. Bakit pinatatagal mo pa ang usapan?”
“Dahil maraming hindi tugma sa mga sinasabi niyo.” Binuklat na ng detective ang kanyang notebook kung saan may maayos at organisado na siyang listahan ng mga analysis niya. “Noong mga oras na pinatay si Miggs, na-interview namin ang coach ng NEU Basketball team. May practice kayo noong mga oras na yun kaya ibig sabihin, wala ka sa crime scene.”
“Si Carlo ang inutusan ko…”
“Sabi saamin ni Carlo, yung sasakyan lang ang tinrabaho niya. At malinaw naman ang tinanong ko sayo kanina, diba? ‘Bakit MO pinatay si Miggs?’ At sinagot mo iyon na binully niya si Richelle.” Saka may minarkahan sa listahan niya ang Detective. “Clearly, sa unang statement niyo pa lang, hindi na nagtugma.”
“BULLSH*T!”
“Sa kaso naman ni Mr. Cariaso. Tinanong kita kung bakit MO siya pinatay at sinagot mo na dahil biniktima niya si Richelle. But clearly, wala ka rin sa crime scene noong mga oras na iyon.”
“At paano mo naman mapapatunayan yan?”
“So ikaw mismo ang pumatay sa Professor?”
Napahampas sa gilid si Shane at kumalansing ang matinis na tunog ng suot niyang posas. “Bakit ba paulit-ulit ka?”
“It’s my way to clarify things. And now it’s all very clear to me na nagsisinungaling ka ulit dahil sa testimonya naman ni Carlo, siya raw ang pumatay sa professor.” At muling minarkahan ng detective ang listahan niya sa notebook. “Tsk tsk! Bukod sa hindi na naman tugma ang pinagsasabi niyo, pareho pa kayong nagsisinungaling.”
“Ako ang pumatay kay Cariaso!”
“Hindi yun ang ipinapakita sa nakuha naming ebidensya. Noong mga oras na iyon, nasa convenience store ka na malapit sa inyo kung saan nag-grocery ka at sandaling tumambay para uminom ng beer. May CCTV footage kami kaya wag mo nang ipagkaila.”
“Pero sinabi mong pareho kaming nagsisinungaling ni Carlo…”
“Oo. Dahil imposible ring si Carlo ang taong nasa crime scene noong mga oras na iyon. Meron kaming eye-witness noon and she was positive na masyadong matangkad si Carlo kumpara sa masked suspect na nakita niyang lumabas ng bahay at pumasok sa getaway vehicle nito. ”
Halata na ang panginginig ni Shane. Hindi mawari ng detective kung galit ba o takot ang nararamdaman na ngayon ng binatang kaharap niya. Ngunit nagpatuloy siya dahil alam niyang mas lumalapit na siya sa katotohanan.
“Sa pagpatay kina Eunice at Sherrie…” Saka pang-asar na minarkahan ulit ni Detective Dante ang kanyang listahan, “Sa pag-ako mo pa lang na ikaw ang pumatay at naroon sa crime scene ay sobrang hindi na kapani-paniwala dahil sa dami ng ebidensyang naiwan doon, walang bakas mula sa iyo.”
“At paano ka nakasiguro?”
“Sabi ni Carlo, siya raw yung taong naka-maskara doon sa in-upload na video. At least ang parteng iyon ay totoo dahil nakakita ang forensics namin ng buhok at ilang marka ng sapatos na nagma-match sa suot niya. Pero noong sinabi niyang ikaw ang kasama niyang kumukuha noon ng video, alam na agad naming nagsisinungaling siya.”
Nagtaka si Shane kung paano iyon nasabi ng detective kaya hinayaan niya itong ipaliwanag sa kanya.
“Pinasuri namin sa ilang video experts ang video. Noong i-enhance nila yung audio, maririnig yung paghinga ng taong may hawak ng camera which means above or a little below the shoulder yung pagkakahawak rito. Your height is 1.83 meters or 6 feet tall at ayon sa kalkulasyon namin, imposibleng taong kasing tangkad mo ang may hawak nun.”
Muling nagtama ang mga tingin nila. Kung nakamamatay ang titig ni Shane, siguradong napuruhan na ang detective. Ngunit nanatiling kalmado si Detective Dante.
“Shane Venavidez, hindi rin ikaw ang nambugbog kay Carlo dahil noong mga oras na iyon, nakikiramay ka sa pamilya ng ex-girlfriend mong si Sherrie. Hindi ko alam kung bakit ka niya idinidiin, but I know you are not the person you’re claiming to be. You are not Triple-Face Killer. May pinagtatakpan ka lang Shane at gusto kong malaman kung sino at bakit mo ginagawa ito.”
Akmang gusto nang bumangon ni Shane ngunit bukod sa kanyang posas, kumikirot pa rin ang sariwa niyang sugat sa bandang hita. “Hindi kita maintindihan, detective…” Malumanay ngunit may diin ang boses na lumabas sa bibig niya. “Gusto mo ng katarungan, diba? Heto na nga, inaamin ko na lahat. Hindi pa ba sapat yun?”
“Hindi ka umaamin, nagsisinungaling ka. At ang gusto ko, ang katotohanan.”
“Ang katotohanan? Pinaghiganti ko lang ang taong mahal ko. Pinahirapan ko sila sa pinakamalalang paraan. Ano pang gusto mong marinig? Kung paano sila nagmakaawa na huwag ko silang saktan? Tinawanan ko silang lahat. Masaya kong pinanood kung paano silang naghirap at namatay sa mga kamay ko.”
Nanindig ang mga balihibo ng detective dahil habang sinasabi iyon ni Shane, hindi man lang ito kumurap at nakatitig lang sa kanya ng direcho. Nagmamatigas ito, kunwari ay walang puso… ngunit hindi nito maikukubli ang nangingilid na luha sa mga mata.
Muling huminga ng malalim ang detective at sa pagkakataong ito, inihanda na niya ang huling ebidensyang balak niyang ipakita sa ngayon.
“You are under medication, am I right?”
Tumango na lang bilang sagot si Shane.
“May I know kung anong gamot ang iniinom mo?”
“I'm sure have it on that stupid box. ”
Tumango naman ang detective. “You’re right.” Saka na nito ipinakita ang mga naka-plastic na orange bottles na natagpuan daw niyang itinago ng maigi sa ilalim ng kitchen sink doon sa apartment. “These are anti-psychotic drugs. And you drink this twice a day as prescribed by your doctor?”
“Yeah.”
“So you never skipped your daily dose?”
“I stopped a few days ago.”
“Ahh! You stopped drinking it kaya ka ngayon bumabalik sa pagka-psychotic mo, ganun ba?”
“Siguro…”
“Pero yung mga inaaako mong pagpatay sa mga biktima, ilang linggo na ang mga iyon! Ibig bang sabihin, walang talab ang mga gamot kahit iniinom mo pa ‘to?”
“Siguro.” Pang-asar na sagot ulit ni Shane. “Hindi ako doktor para malaman yan.”
“Tamang-tama pala!” Iwinagayway na ng detective ang papel na kanina pa ring hawak, “Inimbitahan ko ngayon ‘yung doktor na nakapirma sa reseta na ‘to.”
“WHAT!!! NO!!!”
Walang nagawa ang gulat at medyo bayolenteng reaksyon ni Shane sa ginawa ng detective. Pinapasok na rin sa loob ng kwarto si Doctor Greg Venavidez, ang head psychiatrist sa Sarroza Mental Institute—at tumatayong guardian ni Shane. Hindi maitago sa mukha ng doktor ang disappointment.
Hindi naman makatingin ng direcho sa kanya si Shane. Nahihiya, kinakabahan, natatakot. “Uncle Greg…”
“Anong ginawa mo, Shane?”
“I did it to save her. Wala nang ibang magtatanggol sa kanya kundi ako lang…”
“Mas lalong nalalagay sa panganib si Richelle sa ginagawa mo.”
Kinailangan namang sumingit muna ni Detective Dante sa usapan ng mag-uncle. “He’s not participating and he’s lying.”
“Pinagtatakpan mo kung sino talaga si Triple-face Killer.”
Sa sagutan nilang dalawa, alam na agad ng uncle ni Shane kung paano siya makakatulong. “Shane, totoo ba ang sinasabi niya?” Ngunit hindi ito nakaimik. “Shane, kailangan mong sabihin sa kanila kung sino siya.”
“Pinipili mo lang na huwag maniwala sa mga pinagsasabi ko!”
“Pinagtatakpan mo kung sino talaga si Triple-face Killer.”
Sa sagutan nilang dalawa, alam na agad ng uncle ni Shane kung paano siya makakatulong. “Shane, totoo ba ang sinasabi niya?” Ngunit hindi ito nakaimik. “Shane, kailangan mong sabihin sa kanila kung sino siya.”
“Pero Uncle…”
“Hindi mo na kailangang matakot sa kanya.”
“Hindi ako natatakot sa kanya, Uncle. Alam mo yan. Ang inaalala ko lang, yung kaligtasan ni Iche.”
“At sa ginagawa mong pagtatago ng katotohanan, tingin mo maililigtas mo siya? Sa oras na sinasayang mo ngayon, mas nalalagay siya sa panganib.”
Napapikit si Shane upang timbangin ang nararamdaman niya. Ang Uncle Greg na lang niya ang natitira niyang kapamilya. At alam niya na bawat sinasabi nito, para lamang sa kapakanan niya... kaya nga nakikinig siya rito.
“Tumulong ka na huliin ang totoong pumapatay.”
“Hindi ako natatakot sa kanya, Uncle. Alam mo yan. Ang inaalala ko lang, yung kaligtasan ni Iche.”
“At sa ginagawa mong pagtatago ng katotohanan, tingin mo maililigtas mo siya? Sa oras na sinasayang mo ngayon, mas nalalagay siya sa panganib.”
Napapikit si Shane upang timbangin ang nararamdaman niya. Ang Uncle Greg na lang niya ang natitira niyang kapamilya. At alam niya na bawat sinasabi nito, para lamang sa kapakanan niya... kaya nga nakikinig siya rito.
“Tumulong ka na huliin ang totoong pumapatay.”
= = = = =
Sa kabilang dako naman ng ospital, nagkamalay na rin sa wakas si Richelle. Ngunit, unti-unti na rin niyang nararamdaman ang hapdi sa kanyang ulo na nakabalot na ngayon ng benda.
Isang doktor agad ang lumapit sa kanya upang suriin ang kanyang kalagayan. Under observaton siya kung sakaling manakit ulit ang ulo niya. Nang matapos siyang suriin ng doktor, saka palang nakahanap ng tyempo si Richelle para magtanong. “Si Shane… dito rin ba sa ospital na 'to siya dinala?”
“Nagamot na ang nang-hostage—kaibigan mo. Higit isang oras na siyang gising mula pa kanina.” Saka muling pinahiga ng doktor si Richelle. “Ang kailangan mo ngayon ay magpahinga, hija.”
Napatango si Richelle. Nakahinga na siya ng maluwag. Ngunit noong inakala niyang makakapagpahinga na ulit siya, hindi pa pala.
Nang buksan ng doktor ang pinto, isang baril ang tumutok sa mukha nito. May mga armadong kalalakihan, pawang mga naka-itim na maskara, ang nag-aabang na pala sa labas ng kwarto. Nakabulagta ang dalawang pulis na dapat sana’y mga tagabantay niya.
Hinawi ng mga ito ang doktor, nagbanta na kapag gumawa siya ng kung ano ay papatayin siya. Isang lalaki naman ang lumapit kay Richelle at kinaladkad siya paalis ng kama.
“Si... sino kayo? Anong kailangan niyo—” Kahit hinang-hina pa, nagawang pumalag ni Richelle.
Ngunit sapilitan pa rin siyang naisama palabas ng ospital at walang nagawa yung mga tao sa paligid kundi manood na lamang. Walang ibang pulis sa paligid, iyon ang ipinagtataka ni Richelle.
Isang itim na sasakyan ang nag-aabang sa kanila. Pumasok sila roon at agad na nagpaharurot ang mga ito palayo sa lugar na iyon.
“Anong gagawin niyo saakin?” Naluluha na niyang tanong. “Saan niyo ako dadalhin?”
“Wag kang mag-alala. Binilinan kami ng boss namin na huwag kang saktan. Dadalhin ka namin sa kanya.”
End of Chapter 31
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^