Wednesday, December 3, 2014

Another Wizard's Tale : Side Story 5

:Side Story 5:
(The Casanova Wizard)


Kahit two days lang naman akong namalagi sa Mortal World, nakakamiss din pala ang Otherworld. Limitado kasi ang galaw at kapangyarihang pwede kong magamit sa mundong iyon. Hindi tuloy ako nakahakot ng mas marami pang Mortal fans!

“Anong nangyari? Nasaan na tayo?” asked by the cutest drunk woman on my back.

It’s my fault why she ended up like that. Limang baso ba naman ng alak ang binigay ko sa kanya! She said she can handle it—but I should have known better. And what’s done is done so I have to take responsibility.

“We’re home.” I said, enjoying the feeling of her warm body on my back. Ang sweet lang namin tignan. “Matulog ka na at iuuwi na muna kita sa camp.”

“Okay,” she answered and her head buried on my shoulder. Medyo nakakakiliti nga ang hininga niya na tumatama sa leeg ko. And she smells good, I wonder what perfume she’s using.

I never got to know her name. Akala ko kasi noong una, mortal siya kaya iniwasan kong huwag nang alamin ang pangalan niya. Kapag kasi nakuha ng isang Otherworlder ang totoong pangalan ng isang Mortal, magagamit itong paraan para isailalim ito sa isang life contract or Initiation Ritual. Eh ang cute pa naman niya at baka hindi ako makapagpigil na angkinin siya!

But then we met again at the Orcen Library—a place under a strong cloaking circle that kept it hidden from the mere Mortals. Nakapasok siya sa library which could only mean na baka Otherworlder din.

However, she’s very innocent and somewhat naïve. I mean, she doesn’t know what a wand looks like. O baka sobrang lasing lang talaga siya kaya hindi niya napansin.

We’re already at the Plumdust City near the Flemwall Wizardry Camp, but I decided not to pass into the gate. For sure kasi na pagkakaguluhan ako ng mga sorceress na namiss ako for two days, and I cannot afford na makita nilang may iuuwi akong ibang babae sa kwarto ko. They get easily jealous.

Sa gubat na ako dumaan and a few minutes later, I saw the entrance for the secret tunnel that only Flemwall members and a few Luxurians know.

“Sylfer…” Nagising siya ulit.

“Ano yun, sugarbabe?”

“Maganda ba ako?” Ito na naman siya sa ka-cute-tan niya.

“Hindi ka lang maganda, dyosa ka sa paningin ko.”

“Eh bakit ang landi mo?”

“Walang lalaki ang hindi maglalandi sa isang Dyosang kagaya mo.”

“Sinungaling ka.”

“Hindi ako nagsisinungaling sa mga babae.” That I swear in my ancestors’ name!

“Sylfer…”

“Ano yun, mahal?”

Sa dami na ng endearment na ibinigay ko sa kanya, yun yata ang pinaka-ayaw niya. Bigla na lang siyang naglilikot at bumaba sa likod ko. Ilang sandali pa, nagsuka na siya dun sa may halamanan.

I stayed by her side and give her a light tap on the back. Parang naging gripo yung bibig niya na isinuka lahat ng kinain at ininom niya. I will never give her drinks again. Nakakaawa eh.

Patapos na siyang magsuka pero bigla naman siyang umutot. Nagkatinginan kami nun at pinigilan kong wag matawa. Pero maya-maya, bigla siyang naupo sa isang tabi, niyakap ang kanyang tuhod at saka umiyak.

I panicked. Woman’s tears are my weakness. “Hey, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?”

“Nagsuka ako sa harap mo! This is so unlady-like of me!”

Hala, kasalanan ko na naman! “No… um, fertilizer! Parang fertilizer sa halaman yung ginawa mo.”

“Umutot pa ako!”

“Gusto rin ng mga halaman yun! And if it makes you feel better, the sound of it came out really cute.”

“You are very weird, Sylfer.”

“Is that a bad thing?”

“No. I like weird.” Her voice was barely a whisper.

But it was pretty clear to me. “Good! ‘Cause I like you too!”

Her face turned red as we look at each other deep in the eye. And I thought the moment was perfect but as I went closer, her face turned sour and, “Ugh! Sylfer, ang baho mo!” She threw up on my chest.


End of Side Story 5




1 comment:

  1. hahaha! ang cute naman! weird nga talaga si Sylfer pero his character here is nice! hahaha! kawaii! :-)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^