Sunday, December 14, 2014

Another Wizard's Tale : Chapter 7

:Chapter 7:
(The Mortal)


Dalawang lalaking na may suot na black and red uniform ang lumapit sa gatekeeper ng camp. Tinitignan ko pa lang ang tindig at mga mukha nila, naiintindihan ko na kung bakit natatakot sina Sylfer at Sage para saakin. They send off this ‘illegal-mortals-will-be-punished’ aura.

Magkatulong sila sa pagbitbit ng isang closed wooden box na umuuga-uga at may kung ano pang ingay na nanggagaling rito. Sylfer said that those are the Sniffers.

“Mula kami sa Mortal Detection Tower.” Pakilala ng unang MDM at sabay nilang ipinakita ang mga badges nila. “Kagabi, may illegal na mortal na nakapasok dito sa mundo natin sa tulong ng hindi pa namin nakikilalang Otherworlder. Na-trace ng mga Sniffers na dito sa Flemwall Wizardry Camp dinala ang mortal.”

“Narito ang search merit na may pirma ng aming head marshal.” Sabi naman ng isa pang MDM saka nagpakita ng isang papel. “Para sa kapakanan ng buong Otherworld, hinihiling namin ang pahintulot na mahalughog ang buong camp upang mahuli na ang mortal at kasabwat nito.”

Binasa ito ng maigi ng tagabantay. Nakita namin ang pagpayag nito at pinagbuksan na ng gate ang dalawang marshal.

Nang makapasok na ang mga ito, binuksan na rin nila ang wooden box na bitbit nila. Naglabasan ang apat na 12 inches, beige-colored dragon-like creatures with a thorny wings. They traced my scent through their anteater-like snouts.


“Ano nang gagawin natin!” I asked, panicking. “Mahahanap nila ako at—no! I don’t wanna think about it!” Saka ako napatingin sa lalaking dahilan kung bakit ako may ganitong problema ngayon. “Bakit ang kalmado mo pa dyan?”

“I already gave you options. All you have to do is choose.”

“There’s no way I’ll give in to that! Besides, kasalanan mo lahat ng ‘to kaya bakit ako ang dapat na maging alipin mo! Think of something! Anything!”

Sylfer looked down and covered his ears at my yelling voice. Aba’t bastos na lalaki! Sa inis ko, nag-take off na ang kamao at handa na sana sa pag-landing sa ulo niya pero pinigilan naman ako ni Sage.

“Don’t!”

“Don’t ‘don’t’ me! Damay-damay na lahat dito! Kapag ako hinuli nila, pati kayo ididiin ko!”

“Ba… bakit pati ako?” Biglang naging kawawa ang boses niya.

“Eh yung master mo naman kasi! Tignan mo, inunahan pa yata ako sa pagni-nervous breakdown!”

“Paraan lang yan ni Master Syl kapag nag-iisip siya. Wag kang mag-panic at hintayin natin siya.”

Time is running! Every second na pinababayaan namin si Sylfer sa trip niya, palapit na rin ng palapit ang mga MDMs at Sniffers nila! Stealing away my memories is a fate worse than death!

But since nakiusap saakin si Sage na manahimik, sinunod ko na lang ito at hinintay namin si Sylfer. Siguro naman he’s not dozing off with his eyes open.

Hinarap ko na lamang siya at tumitig sa kanya. I’m praying na sana nga ay pinapagana niya ang utak niya dahil kung hindi, sisirain ko ang gwapo niyang mukha.

Maybe five seconds later, nakitaan ko nang nagbago ang blank expression ni Sylfer, then his eyes met with mine, “Are you trying to hypnotize me with your beauty?”

Arg!  Aaaargh! He’s gone mad! Really mad! “May naisip ka na ba bukod sa options na binigay mo kanina?” I asked, getting twice as worried now.

“May naisip na ako. But it will only work if you trust me and if you do as I say.”

As if I have a choice! Pero nakahinga ako ng maluwag dahil may ibang way pa naman pala. “As long as I don’t become a Mortal Slave, then let’s go for it! Ano bang plano mo?”

Sandaling sinilip ulit ni Sylfer yung mangkok at saka tinignan ang wristwatch niya. “We have less than five minutes before the Sniffers find you here.” Then he reached for his side pocket and showed me a handkerchief. “I need you to strip and wear this.”

I heard a ticking sound inside my head and a bomb exploded. My palm landed square on his face, “Problemado na ang lahat at kabastusan pa yang naiisip mo! Anong plano mo? Pagbebentahan natin ng aliw ang MDMs para makalusot ako rito!”

“Hmm, I haven’t thought of that. But that could actually work too.”

Sasampalin ko sana siya ulit pero inilagan na niya ito.

“Wait, ito seryoso na! Kaya kita pinapahubad dahil yung amoy ng damit mo ang pasusundan natin sa mga Sniffers.”

“Then surely you’re not serious that you want me to wear that piece of sheet!” Uy, parang nagmura na rin ako nun ah.

“Sage, may Shrinking Potion ka dyan, diba?”

Hinanap ni Sage ang tinutukoy ni Sylfer sa isang drawer na may kung anu-anong potions. “Heto po, Master Syl!” May inihagis siyang maliit na bote na may glowing white liquid sa loob at sinalo naman ito ni Sylfer.

“Paliliitin ka ng potion na ito and for the meantime, ilalagay ka muna namin sa isang garapon para kahit papaano ay hindi masyadong humalimuyak ang bango mo.”

“Limang patak ang kailangan mo.” Sabi naman ni Sage.

“And this will work? Hindi na ako mahahanap ng mga MDMs at Sniffers?”

“No matter what we do, we cannot conceal your mortal scent. However, this plan will get you out of this place and it will buy us some time until we figure everything.”

I looked at him, not fully trusting him, but hoping that this plan will work. “Give me those.” Kinuha ko na yung panyo at potion. “Yung damit lang naman yung kailan kong iwan, diba? Pero paano naman itong journal ko?”

“Isang patak lang ng potion ang kailangan niyan.”

“Okay...” I’m ready and I’m afraid and I’m also excited. At maghuhubad na sana ako pero, “Ano pang ginagawa niyong dalawa? Labas na!”

Nang maiwan na akong mag-isa, inilapag ko na yung journal sa sahig at pinatakan ito ng Shrinking potion ng isang beses. What I saw next was super-awesome! My journal shrunk—a coin for scale. And oh heavens above! I sucked in air because it’s my turn now.

Limang patak ang ininom ko. Walang lasa, wala ring sakit.

But I’ve died and gone to heaven! Just kidding! Not really… but ugh! When I felt my whole body shrunk, the sensation made it nearly impossible for me not to drop the F-word! As in sobrang—insert the most profane phrase of disbelief and astonishment here.

Isang dangkal na lang ang liit ko ngayon, at dali-dali ko nang itinapis sa buong katawan ko yung panyo na nagmukha nang kumot para saakin.

“Baby lovebug, time is running! Nandito na sa building ang mga Sniffers!”

“Okay na! Pwede na kayong pumasok!” Isinigaw ko dahil pati boses ko ay lumiit na.

Nang sabay na silang pumasok, naunang lumapit at yumuko si Sylfer para tignan ako. “Oh my teenie weenie tootsie-wutsy! Can I just keep you?”

Naramdaman kong nanindig bigla ang mga balahibo ko dahil sa sinabi ni Sylfer. “Sage! Kahit anong mangyari, ikaw ang magbibitbit saakin, maliwanag ba?”

Pinapasok na nila ako sa isang garapon habang yakap ko nang mahigpit yung journal ko at yung panyong suot ko. May tatlong butas naman yung takip na ginamit nila para makahinga ako ng maayos. Si Sage ang may hawak saakin tulad ng iniutos ko.

“Bro, ingatan mo yang little munchkin ko ah!”

“Oo naman, Master Syl.”

Akala ko ba nagmamadali kami? “So what’s next?”

“Relax,” Sabi ni Sylfer na may kasamang kindat at saka niya dinukot ang wand niya. “And be enthralled!”

Gamit ang kanyang wand, pinaikot niya ang mga damit ko na parang bola. Saka niya ito pinalutang at iwinasiwas sa buong kwarto na para bang ikinakalat pa ang buong amoy ko para sa mga Sniffers.

Sunod, may binanggit naman na spell si Sylfer, “Venenum vergasen,” May lumabas na suspicious green gas na pareho nilang iniwasan kaya bago pa man ito kumalat, “I en bubbla!” Ipinaloob niya ito sa isang bula at saka maingat na pinalutang malapit sa pintuan.


“Nasa same floor na sila nitong building, Master.” Sage reminded us.

Sa may bintana sila dumaan. Unang tumalon si Sylfer at sinundan ito ni Sage na may hawak ng garapon na kinalalagyan ko. Nagulat talaga ako dahil parang free ride sa amusement part ang nangyari, but we didn’t end up on the ground because they floated.

Bago naman namin nilisan ang lugar, yung mga damit ko ay ikinalat pa ni Sylfer sa iba’t ibang parte ng camp.

We took off as fast as greased lightning, but we can still see what’s happening inside the room. The Sniffers already found the place and the marshals are ready to force open the door. But as planned by Sylfer, the bubble with the green gas exploded, they inhaled it, and nauseatingly beat a hasty retreat off the room.

“Ano ba yung green gas na yun?”

“Yun ang F-bomb ni Master Syl.”

“F-bomb?”

“Fart-bomb!”

One word. Eww.

* * *

Narito na kami sa tinatawag nilang Necro Market—that I will secretly call the Divisoria of the Otherworld.

Ang daming mga tindang kung anu-ano at nagkalat din ang iba’t ibang nilalang na ni sa imagination ko ay hindi man lang ito sumagi. I was surprised but wasn’t scared at all. I mean this experience was a dream that came true for a writer like me! Ang daming ideas kong napupulot.

It was beyond belief so I wrote a quick list of those creatures in my journal for future reference. Sayang lang talaga at hindi ko ito makukuhanan ng mga pictures.

Palingon-lingon naman sina Sylfer at Sage para i-check kung nasundan ba kami ng mga Sniffers. So far, ni anino nila ay hindi namin makita. Namalayan ko na lang na nasa isang terminal na kami—a terminal with a herd of parrot-feathered flying deer. They told me na Peryton ang tawag dun. What magnificent creatures! Yun daw ang sasakyan namin.

“Where are we heading?” I had to ask.

“To my Sugar-baby sister’s laboratory,” Sylfer said.

“Talaga Master? Sa lab ni Miss Zelsha? Makikilala ko na siya! Yes!” Nagbubunying singit naman ni Sage.

“Wait… sister? Laboratory? Hindi niyo naman siguro binabalak na pag-experimentuhan ako, noh?”

“Of course not, honeymuffin! Puro mga bakal at sira-sirang gamit ang dina-dissect ni Sugar-baby. Tinker siya kaya matatawag na genius na rin at sigurado akong matutulungan niya tayo.”

“Sigurado ka talaga?”

“Na matutulungan niya tayo? Oo naman!”

“Hindi yun. Na may kapatid ka ngang genius! Sure ka na hindi yun katulad mo ah.”

Sylfer chuckled. As if nagpapatawa ako. “Just a piece of advice though. Once you meet her, never ever disagree on what she says because probably she’s right. Oh! But never trust her looks.”

“You want us to believe whatever she says but we cannot trust the way she looks? Ano ba siya? Gender-bender? Can she transform into something? A monster maybe?”

“Hindi naman! Pero kapag nagpaloko ka lang kasi sa ipinapakita niya, you’ll get crushed!”

“Um… should we take that literally?” Kinakabahang tanong naman ni Sage.

“It depends!”

Pero ang sagot na yun ni Sylfer ang mas nagpakaba lalo saamin. Excited pa naman din ako kaso anong klaseng ugali kaya meron ang kapatid niyang si Zelsha?


End of Chapter 7





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^