Monday, March 19, 2012

So Near, Yet So Far : Chapter 15

ayaw kong mag isip ng masama sa nakita ko .. 
pero anu un ? 
bakit ganun ? 
bakit siya hahalikan ni grace sa labi ? 
bakit sila magkasama? 
may relasyon ba sila ? 




tumakbo na lang ako pauwi .. 
umiiyak .. 
gulong gulo dahil sa mga nakita ko .. 
hindi ko alam kung anung iisipin ko .. 
ang sakit sakit .. 
sobrang sakit .. 




kinabukasan .. 
hindi kami sabay pumasok . 
hindi nya ako sinundo .. 
nagkita na lang kami sa school .. 




"hi audryne, sorry ha? di kita nasundo kanina ..
na late kasi ako ng gising e .." sabi nya sa akin ..


"okay lang .. nga pala saan ka kahapon ?" tanung ko sa kanya .


"ahmm.. nagkaroon kasi ng emergency e..
 nagpunta ako ng laguna ..
 pinunthan ko yung lola ko .. " sagot nya ..


"ah .. eh what time ka na nakauwi ?" tanung ko ..


"ako? mga madaling araw na e .." sagot nya ..


"ah.. akala ko kasi nakalimutan mo na monthsary natin
kahapon at may usapan tayo na magkikita
kahapon sa park .." sabi ko sa kanya ..


"ha? hindi ah, pwede ko ba namang makalimutan yun ..
 sorry ha .. nagkaemergency kasi e.. happy monthsary ..
belated .. iloveyou .. " sagot nya sa akin ..


"i love you too .. sobra .. " sagot ko sa kanya ..
habang nakatitig sa mga mata nya ..




umiiwas siya ng tingin sa akin ..
 hindi siya makatingin.. 
halatang nagsisinungaling siya ..




"bakit ka ganyan makatingin..?
galit ka ba ? " tanung nya ..


"hindi, wala namang rason para magalit ako diba ?
 nagkaemergency naman talaga kasi sa inyo kaya di ka nakapunta diba ?
okay lang un ..
alam ko namang nagsasabi ka ng totoo sa akin ,.
 may tiwala ako sayo ..
malaki ang tiwala ko sayo .. kasi ,mahal kita ..
mahal na mahal kita .. " sagot ko sa kanya ..




hindi siya nakasagot ngumiti lang siya .. 




"sige audryne.. mauna na ako .. may klase pa ako ..
baka di rin kita maihatid mamaya kasi may
gagawin kaming project ng mga classmates ko .." paalam nya sa akin ..


"sige" sagot ko ..




 ang sakit sakit .. 
ang laki ng tiwala ko sa kanya tapos ganun lang ? 
nakuha nya pang magsinunggaling sa akin .. 
bakit ? 
hindi pa ba sapat yung pagmamahal ko sa kanya ? 
hindi ko ba talaga kayang pantayan si grace sa puso nya ? 
anu bang meron si grace? 
sana sinabi na lang nya yung totoo.. 
kahit masakit tatanggapin ko .. 
sana sinabi na lang nya na mahal nya pa si grace .. 
kaysa sa nagsisinunggaling siya .. 
sana umamin na lang siya .. 
kaysa ganito .. 
ang sakit sakit .. 
sobra ,.. 







2 comments:

  1. cnungaling k rain!!!!!!!!!!! grrrrrr!!!!
    ang sakit sakit!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  2. ay naku nmn rain!
    s pgccnungaling ngccmula ang lhat! tsk!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^